7 jealous part 3

jealous part 3

"Bakit ni reject mo naman si jay?"anan ni bonne.at napatingin bigla si kesha kay bonne ng bigla itong nagsalita."anong sinasabi mo?"tanong ni kesha..."alam ko na.nagpost si jay ng sad feeling..."anan ni bonne..."pero bakit ako agad ang comment mo dun..."anan ni kesha na todo ang tanggi pa..."oyyy...kesha...kaibigan natin si jay...gusto ka nung tao...bakit hindi mo pagbigyan ng chance?"anan ni bonne..."awww...bakit ganyan ka makapag salita...bakit?ikaw ba? Kayo na ba ni rio?"tanong ni kesha."hindi pa naman..."anan ni bonne at syang dating ni jay..."ohooohh!hindi pa.ibig sabihin may pag asa pa sya."anan ni jay at natahimik lang si kesha..."teka nga bakit ba ako ang nasa issue.bakit hindi nio pag usapan ang sa inyong dalawa.?"anan ni bonne at napatingin si kesha kay jay..."ohhh!may binili pala akong pagkain."sabay abot nito kay kesha..."ohooohhh!ang sweet..."asar ni bonne..."heh!ang lakas mo ng mang asar ngayon ahh!"anan ni kesha.."tara na...may meeting pa tayo..."anan ni bonne...

"Anong message mo mamaya?"tanong ni Zack..."para sa rioz fans natin...meron..."anan ni rio at napatingin si Zack kay rio..."awww...bakit sa rioz fans.nag iisip ka ba?nandon ang lahat ng mga engeneer...nakalimutan mo na ba na manonood si Bonne..."anan ni Zack..."oyyy...syempre may message din ako para kay bonne noh!"anan ni rio...at napabuntong hininga si Zack...

Makalipas ang ilang oras..."nagkakaintindihan ba tayo..."anang pataas ang boses na si bonne..."sir yes sir..."anang sabay sabay na sagot ng mga freshmen na engeneer...at saka nagkahiwa hiwalay na ang mga ito..."bakit parang mainit ang ulo mo?"anan ni jay..."naiinis kase ako.kanina pa."anan ni bonne."bakit naman?"tanong ni kesha..."hindi ko alam kung bakit naiinis ako pag may kausap at kasama sya."anan ni bonne..."awww...ibig sabihin...nagseselos ka....ibig sabihin gusto mo na din sya."anan ni kesha at biglang napatingin si bonne kay kesha..."pero pano nangyare yun?"tanong ni bonne..."ganon talaga pag gusto mo ang isang tao..."anan ni jay...sabay tingin kay kesha...at umiwas ng tingin si kesha kay jay...

BONNE VALDEZ

TEXT MESSAGE:

START NA NG PROGRAM...PEDE BA TAYONG MAGKITA?"

SENDING MESSAGE...📨📨📨

RIONNE LIM

TEXT MESSAGE:

BAKIT?NASAN KA BA?

SENDING MESSAGE...📨📨📨

BONNE VALDEZ

TEXT MESSAGE:

NANDITO AKO SA FACULTY NAMIN...KAKATAPOS KO LANG MAGPAMEETING SA MGA FRESHMEN...MAG ISA LANG AKO DITO...MAY GUSTO SANA AKONG SABIHIN SAYO.

SENDING MESSAGE...📨📨📨

RIONNE LIM

TEXT MESSAGE:

OK.SIGE.PUPUNTA AKO DYAN.

SENDING MESSAGE:📨📨📨

at nagtungo na si rio sa faculty ng mga Engeneering...

"Ano palang ginagawa mo pa dito?"tanong ni rio ng makita si bonne na nakaupo..."may kasama ka ba?"tanong ni bonne at napakunot ang noo ni rio saka lumingon lingon pa si rio sa paligid at..."wala naman.bakit?"anan ni rio..."talaga bang seryoso ka sa panliligaw mo sakin?"anan ni bonne at napangiti naman si rio..."bakit natanong mo na naman yan?sasagutin mo na ba ko?"tanong ni rio..."baliw..."anan ni bonne at tumalikod ito kay rio..."kung sakali bang itanong ko ulit sayong gusto kitang maging boyfriend...kaya mo ba kong sagutin sa karamihan ng tao?"anan ni rio at..."anong ibig mong sabihin?wag mong sabihing yun ang message mo mamaya?"anan ni bonne..."actually...hindi...ang message ko mamaya ay tungkol samin ni Zack...ang mga Rioz Fans namin..."anan ni rio at biglang nagsungit ang mukha ni bonne..."kailangan ba talagang mag message ka pa sa kanya?"anang tanong ni bonne na nakasimangot ang mukha...at ngumiti lang si rio sabay tango..."parang mas nag aalala ka pa sa message ko kay Zack kesa sa partner kong babae mamaya."anan ni rio..."wala akong pakialam sa partner mo mamaya...lalake din ako,tandaan mo.marami ding babaeng nagkakagusto sakin..."anan ni bonne..."so nag aalala ka ba talaga sa Rioz club?"anan ni rio..."hmmm...sige na...nagsisimula na...susunod na lang ako don..."anan ni bonne..."ok..."anan ni bonne at patalikod na sana si rio kay bonne ng biglang nag ring ang phone ni rio...kaya kunwari hindi nakikinig si bonne..."ok,papunta na ko dyan...wag kang kabahan...akong bahala sayo...ituturo ko sau ung huling chords ng gitara pagbalik ko..."anan ni rio at...ngumiti pa ito kay bonne habang si bonne ay...namumula na.parang sasabog na sya sa selos...

   BACKSTAGE(THEATER ROOM)

        Habang nag sasalita ang MC ng school nila ay nasa likod pa sina rio kasama si Zack...nagpapractice ng gitara...at taon nandon si kesha at jay..."hindi ko akalain na magaling ka palang mag gitara...rio."anan ni kesha..."hindi naman masyado..."anang sagot ni rio..."magaling ding kumanta yang bestfriend ko."anan ni Zack..."talented..."anan ni jay..."kamusta pala kayo?nabasa ko ang post mo kaninang umaga ehh!"anan ni rio..."ahh!yun ba,wala yun...arte lang yun.post ko lang yun...medyo hindi kase maganda ang pakiramdam ko kanina paggising."anan ni jay at tumingin kay kesha habang si kesha naman ay nakatungo lamang sa phone nya..."pinsan naman...bakit ba ayaw mo pa kay sir Jay...may itsura naman...cute din naman..."anan ni Zack sa pinsan nya at,.."tumigil ka nga..."anan ni kesha

    Samantala...nakaupo ang ilang estudyante para manood...lahat ng faculties nandoon...syang dating ni bonne..."awww...nasan sina kesha?"tanong ni bonne sa baklang kaklase nila at engeneer din..."ahh!nasa backstage ang dalawa...kausap ni kesha ang pinsan nya..."anan nito at..."ahh!"anan ni bonne at umupo ito sa tabi nila rafael..."nagsisimula na hindi pa nalabas ang boyfriend mo ahh!"anang pang aasar ng tropa ni rafael..."sino ba kaseng may sabing may boyfriend ako dyan?"anan ni bonne..."talaga ba?kase...halos ang katabi natin dito ay Rioz Fans club..."anan ni rafael..."pakialam ko.jan na nga kayo.pupuntahan ko na lang sina kesha..."anan ni bonne at tumayo ito...tama si rafael...halos ang nakikita nya at pangalan ay rioz fans club...lahat kaya...lalo syang naiinis...

    Sa backstage..."anong ginagawa niong dalwa dito.di ba dapat nagduduty kayo don sa labas."anan ni bonne na diretso lamang ang lakad...nakita nya sina rio at Zack na magkatabi at nag gigitara si Zack...at ng makita ni rio si bonne na nagdiretso ay lumayo ito kay Zack...pero hindi sya pinapansin ni bonne kaya...

RIONNE LIM

TEXT MESSAGE:

    PLEASE...DON'T IGNORE ME...I KNOW WHAT YOUR FEELINGS...BUT I HOPE YOU'LL UNDERSTAND...

SENDING MESSAGE...📨📨📨

"Ooppss...may nagtx...baka naman pede mong sagutin yang nagtx sau."anan ni kesha."oo nga..."anan ni jay at tumayo na ang dalwa at palabas na...dadaan sana si bonne para sumunod na ng...

"Alam mo bang malungkot ako.pag binabalewala mo ko."anan ni rio na pinigilan si bonne sa kamay..."malungkot ka..."anan nito sabay tingin kay Zack at napatingin din si rio kay Zack..."ok...para hindi ka na malungkot."anan ni bonne at binaba ang mukha malapit sa nakaupong si rio..."manalo ka man o matalo...may reward ako sayo...ok.masaya  ka na ba?"tanong ni bonne...at ngumiti lang si rio saka binitawan na ang kamay ni bonne...kaya umalis na si bonne don...

ang pagkatalo ni Rio

MC:"ok habang may oras pa...sa mga naghihintay na ibang faculties dyan...makikilala nio na ang mga escort at muses ng bawat faculties...ang program na ito ay para ipakita ang bawat kagandahan ng bawat kasapi ng faculty...at may mga ilang katanungan na maaaring maging dahilan upang ang bawat kasali ay manalo...sa pamamagitan ng pagboto...lamang ang kailangan..para manalo ang isang Muse at isang Escort...ok...sisimulan na natin sa faculty ng Medine..."anan ng Mc na nakatayo sa harap ng stage...habang ang ilang kasali ay tinatawag at lumalabas mula sa backstage...at nakaupo lamang sa may bandang hulihan ang mga nagbabantay na sina bonne,jay,at kesha...at grupo no rafael naman ang nasa may harapan nila...matapos matawag ang lahat...pagdating sa pangalan ni rio ay nagsisigawan ang ilang mga kababaihan,lalo na ang Rioz fan club...

"Bakit ba kailangan pa nilang isigaw yun?"bwisit na sabi ni bonne at..."hmmm...fans club lang naman yang rioz..."anan ni kesha..."hindi na ko natutuwa.naiinis ako..."anan ni bonne at..."Mylene...puntahan mo nga ang mga student counsil faculty...pakisabi wag silang masyadong maingay..."anan ni jay at sumunod naman agad ang napag utusan...

MC:Ok,sa student counsil faculty naman tayo...grabe...ilang taon na ang Rioz fans club mo...matanong lang namin...bakit pala iniba mo ang pangalan mo?Bakit Rionne Lim?"tanong ng Mc at binigay ang Mic kay rio...

"Rionne...kase dahil sa isang taong gustong gusto ko."anan ni rio at hinahanap ng mata nya si bonne at ng makita ito sa huli ay saka naman ngumiti si rio..."nasabi ko na sa kanya isang beses na hindi rionne ang tunay kong pangalan...isang pangalan lang ng pinagsama ang ginagamit ko ngayon..."anan ni rio at biglang may itatanong ang Mc!"ok.kung may Rionne ka na ngayon...pano na ang Rioz fans club mo noon?"tanong ng Mc..."para sa Rioz fans...naisip lang nila na pagsamahin ang pangalan namin ni Zack...dahil sa lagi kaming magkasama,magkasangga at parang kapatid na ang tingin ko kay Zack...sa tagal ng pagkakaibigan namin...mas tumitibay pa ito kase sa masasayang nangyayare sa buhay namin...ganon kami ka sweet.pero wala kaming in relationship..."anan ni rio...

MC:"ok,pede ba naming malaman kung sino yung pangalan na idinikit mo ngayon sa pangalan mo."anan ng Mc...at natahimik si rio..."pangalan yun ng isang tao na matagal ko ng gusto since junior at freshy pa lang ako dito sa university na ito...nung una...naisip ko parang ang hirap lumapit sa kanya...kase hindi ko pa sya kilala.as in hindi ko alam ang pangalan nya...hanggang isang araw...may aksidenteng nangyare...at nagkataon umuulan...basang basa sya sa labas ng campus na ito...kaya naisipan kong itigil ko ang kotse at pasakayin ang taong gusto ko."anan nito at nakatingin sa may likurang bahagi...habang nagsasalita si Rio ay..."ayos din toh!umibig ahh!since freshmen pa..."anan ng tropa ni rafael sabay lingon kina bonne na may halong pang aasar..."wala kang pakialam.manahimik ka na lang..."anan ni kesha at tumahimik nga ang mga tropa ni rafael pero palihim pa din silang natatawa."bakit ba kailangan pa nyang sabihin yun?sino bang tinutukoy nya?"tanong ni bonne..."sino pa? Ehh! Di ikaw...bakit ba kase kailangan mo pang pahirapan yung tao...ehh!seryoso naman sya sa mga sinasabi nya...kase alam mo bonne hindi yan magsasalita kung hindi sya totoo sa nararamdaman nya."anan ni kesha at saka sumingit naman si jay..."yan talaga ang lalake...kaya kung ako lang ang nililigawan ni rio...sasagutin ko na.bukod sa handsome na...seryoso pa...masipag...at loveable  pa😍😍"anan ni kesha...at ngumuso si jay..."kaya pala nireject mo agad ako..."anan ni jay...at ngumuso din si kesha...at natahimik ang mga ito ng...

"Sorry,kung gusto kita.sorry hindi ko na mapigil pa.ang tagal kong naghintay.sorry...gusto kita...Bonne Valdez...sorry...ok lang kung ireject mo ulit ako.basta masabi ko sayo na gusto kita."naluluhang sabi ni rio sa may mic.pa..."ohh! My god...his so sweet..."anan ni kesha na kinikilig at ang ilang mga babae...sa loob..."oyyy...bonne...ikaw ang tinutukoy nya...ano na?wala ka man lang bang gagawin...sige na...punta ka na don...sabihin mo ang side mo..."anan ni kesha...at napilitang tumayo si bonne at lumapit sa may stage...

MC:ahh!si Bonne Valdez pala ng Engeneering faculty ang tinutukoy nya...ohh!Valdez...ano na..."anan ng Mc at...

"Ano bang sinasabi mo?bakit ba ang dami mong sinasabi?hindi mo naman kailangan na sabihin pa yun..."anan ni bonne na pagalit ang tono...

"Sorry...talaga kung sa tingin mo napahiya kita...sorry...tatanggapin ko..."anan ni rio sabay napatigil ito ng magsalita si bonne...

"Pede ba tumigil ka na saka sosorry mo...hindi na nakakatuwa.kung talagang nililigawan mo ko...hindi mo dapat ako iniisipan na marereject kita...kase kung reject ka na...bakit ako ang unang humalik sau.at bakit lagi kitang pinagseselosan...di ba sabi ko naman...sayo kung gusto mo kong maging boyfriend bigyan mo lang ako ng panahon...ngayon itanong mo kung gusto mo pa kong maging boyfriend?"anan ni bonne at..."sigurado ka ba?"anan ni rio at nagsalita ang Mc

MC:ayyy naku!rionne...itanong mo na.sige na.para malaman na namin kung ano sagot ni bonne!"kinikilig at nakangiting Mc habang hawak ang Mic.

"Bonne,can you be my boyfriend?"agad na tanong ni rio at...walang alinlangan na sumagot si bonne at..."uhmm..."anan nito at saka umakyat sa stage...at lumapit kay rio at yumakap dito...habang ang ilan ay kinikilig at saka lumabas si Zack na kumakanta habang nag gigitara...kaya mas lalong kinilig ang mga nanonood doon...

im happy too

"ok lang.sige.sumama ka na."anan ni bonne habang naglalakad sila...papunta ang mga ito sa isang maliit na bar lamang...para mag celebrate...mag celebrate ng hindi pagka panalo kundi...mag celebrate ng kanilang pagiging mag boyfriend...

"Hi!handsome...sabi nga pala ng kasama ko kung pedeng mahingi ang pangalan mo."anan ng isang babae na lumapit kay rio....habang nag aasaran sila...at napangiti lamang si rio..."sure...pero..."anan ni rio sabay tingin sa katabi nyang si bonne...at nagulat sya ng..."sorry miss...taken na sya ehh!"anan ni bonne na nakahawak isang kamay ni rio at pinakita sa babae..."ayyyy...sorry....sige....bye...."anan ng babae at umalis na...at bumitaw na si bonne sa kamay ni rio kaya naman nag kaasaran muli ang mga ito..."anong pakiramdam ng may nagsasabi ng taken ka na,rio?"anan ni jay..."hmmm...masaya...sobrang saya ko na may taong nagsasabi ng ganon."anan ni rio at lumingon kay bonne..."oyyy...wag mo nga kong tingnan ng ganyan..."anan ni bonne..."bakit nahihiya ka pa ba rin ba sir bonne...ehh!nasabi mo ng hinalikan mo na si rio kanina..."anan ni Zack na sumingit pa...at nagkatawanan na lamang ang mga ito...

     Makalipas ang ilang oras..."kaya mo pa bang magmaneho?"tanong ni bonne kay rio..."naku!sir bonne...ako na lang maghahatid kay rio."anan ni Zack....tatlo na lang silang naiwan sa may labas ng bar...nakauwi na si kesha hatid ni jay...

       "Hindi....ok lang...sakin ko na lamang sya papatulugin muna."anan ni bonne na umiral na naman ang pagkaseloso..."ok lang ako...kaya ko pang umuwi..."anan ni rio na nagsalita at..."alam nio sir bonne,hindi talaga umiinom si rio ehh!first time nyang gawin toh!"anan ni Zack..."ganon ba..."anan lamang ni bonne at may dumating na isang taxi at sumakay na si Zack don at nagpaalam na kay bonne..."oyyyy...ang bigat mo...."anan ni bonne...at dahang dahang binuksan ang pinto ng kotse...at dahan dahang isinakay na din si rio sa may tabi ng driver seat....

       Ng makauwi na sila...akay nya pa din si rio hanggang sa makapasok na sila sa dorm ni bonne..."grabe....ang bigat mo pala...hindi kita kaya..."anan ni bonne at ihihiga sana nyabito sa kama na pero nawalan sya ng balance....pabagsak na lamang sa kama ang dalwa...habang nakasabit pa ang braso ni rio sa batok ni bonne...napatingin si bonne sa mulha ni rio...at ng makitang unti unting dumidilat ang mga mata ni rio ay saka sya kumilos na aalis sa ibaba ni rio pero..."hmmm...masaya ako na naging boyfriend na kita...hindi ko alam na sa tagal ng panahon...magiging akin ka."anan ni rio na nagsalita na parang normal na..."oyyy...ano ba?rio bitawan mo na ko....maliligo na ko..."anan ni bonne at malakas na naihiga sya ni rio kaya nakaunan naman sya sa braso ni rio..."masaya ka ba?"tanong ni rio na tumagilid pa..."bakit parang hindi ka naman masaya?"anan ni rio na nakanguso..."oyyy...ano ba,masaya din ako.pero hindi ko maipakita ng katulad ng sayo."anan ni bonne..."nahihiya ka ba?"anan ni rio..."hindi ako nahihiya."anan ni bonne sabay bangon at umupo...saka bumangon na din ng paupo si rio at magakatabi na ang dalwa..."oyyy....ano ba,rio...wag mo na kase akong tingnan ng ganyan."anan ni bonne..."pede ba kitang halikan."tanong ni rio at sa narinig ni bonne ay tumingin ito kay rio at nagsungit pa..."pag may gusto ka,wag mo ng itatanong ang permiso ko.dahil boyfriend mo na ko."anan ni bonne at sya na ang humalik ng dip sa labi ni rio at...napangiti lamang si rio...na nakatingin pa din kay bonne na may ngiti at..."oyy...dyan ka na nga...sabing wag mo kong tinitingnan ng ganyan ehh!"anan ni bonne...at saka tumayo..."ohh!saan ka pupunta?"pigil ni rio na napaupo muli si bonne..."maliligo na ko."anan ni bonne at..."gusto mo ba sabay tauong maligo..."anan ni rio na pilyo ang pagkakabulong..."ayyy...shiya ka rionne..."anan ni bonne...at agad na tumayo at nagsalita si rio pa..."that's your boyfriend name."anan ni rio...

sister Ex

"gising ka na pala..."anan ni bonne ng makitang nakaupo na si rio sa kama nya."hmmm..."anan ni rio na tumango lamang..."bakit dito mo ko pinatulog?nakatulog ka ba?san ka natulog."anang tanong ni rio..."oyyy...ang daming tanong...sa sofa ako natulog.at bago ako natulog pinagmasdan muna kita.masaya ka na?"anan ni bonne..."awww...hindi ko alam...sorry..."anan ni rio at biglang nagpilyo ito ng tingin kay bonne at..."oyyy...ganyan ka makatingin.anong iniisip mo..."anan ni bonne..."tutal boyfriend na kita baka naman pedeng..."anan ni rio..."oyyyy...tumigil ka.maligo ka na.tanghali na."anan ni bonne at..."awww...ok."anan ni rio at nakangusong tumayo na lamang ito at nagtungo sa banyo habang si bonne naman..."HINDI KO NA KAYA.PIGILAN MO,BONNE."bulong ni bonne sa sarili..."ayyy...bonne..."anan ni rio na biglang dumungaw sa may pintuan at ylo lamang nya ang nakalabas..."oyyyy,rio....ano ba?"tanong ni bonne na hindi tumingin..."wala akong towel.pedeng pahiram."anan nito at napabuntong hininga lamang si bonne at...saka inabot kay rio ang towel...minabuti nyang hindi sya mahahawakan ni rio kaya pahagis nya itong ibinigay sa kamay ni rio na nakalabas sa may pintuan ng banyo...

    "Marunong ka palang magluto."anan ni rio kay bonne at nakangiting nakatingin kay bonne..."oyyy...binibiro mo na naman ako ehh!tigilan mo nga ko.kumain ka na.at malelate na tayo."anan ni bonne..."ok..."anan ni rio at tumutok sa pagkain..."rio...tungkol nga pala don sa sinabi mo kagabe..."anan ni bonne at tumingin sa kanya si rio..."bakit may nasabi ba ko kagabe?ano yun?"tanong ni rio..."wala.wala.hmmm...kalimutan mo na lang."anan ni bonne at tumingin pa ng matagal si rio kay bonne..."oo na sasabihin ko na...yung sinabi mo kase kagabe na...Ako lang ang gusto mo..."anan ni bonne..."awww...nasabi ko ba yun!hindi ko na kase alam yun..."anan ni ni rio..."rio naman...ano ba?"anan ni bonne na napipikon sa inaasal ni rio na pan dededma...at hindi rin naman nagtagal at..."oo na,ikaw lang ang gugustuhin ko...walang iba.seryoso.ikaw ba?"nilapit ang mukha kay bonne..."uhm...ikaw lang din ang gugustuhin ko..."anan ni bonne at ngumiti ng tipid saka kumain....

     Sa university..."may klase ka ba ng 11?"tanong ni bonne."wala...vacant namin...at may tutor ako ng 11:35am.bakit?"anan ni rio..."di bale na lang."irap ni bonne..."ohooohh!nagseselos na naman ang boyfriend ko..."anan ni rio..."sige na.siguro naman sa lunch pede ka ng makasama."anan ni bonne..."hmmm...pede naman...bakit namimiss mo ba ko."anan ni rio at..."baliw..."anan ni bonne pero sa loob nya ay kinikilig sya.ayaw lang nyang ipahalata...

       "Anong pakiramdam ng unang gabi nyo ni rionne huh?"anang pang aasar ni kesha..."sinasabi mo?"anan ni bonne at pairap nitong sinabi..."awww...wag mong sabihin na wala syang ginawang moves kagabe..?"si jay naman..."wala.kung anu ano na lang iniisip nyo...nalasing si rio kagabe...kaya sakin ko muna pinatulog..."anan ni bonne..."ooppss...sayo mo pinatulog...so,ibig sabihin walang naganap.walang..."anan ni jay..."uyyy...manahimik ka nga..."anan ni bonne na tumingin pa sa paligid nila..."ngayong boyfriend ka na ni rio...dapat siguro itanong mo na sa kanya ang mga schedule nya...alam mo na...student counsil sya...halos member nya don ay mga babae..."anan ni kesha..."oo nga...pero alam namin na may tiwala ka kay rio.pero syempre dahil seloso ka...hindi naman siguro masama yun."anan ni jay at napa isip si bonne...

RIONNE LIM

TEXT MESSAGE:

     MAY KLASE KA PA BA?AKO KASE WALA NA...NANDITO AKO SA FACULTY NGAYON...MEDYO NAG AAYOS LANG NG MGA LISTAHAN...PARA SA PROM NIGHT NG MGA JUNIOR HIGH...

SENDING MESSAGE...📨📨📨

BONNE VALDEZ

TEXT MESSAGE:

        WALA KAMING KLASE...PERO PINAGDUTY KO MUNA ANG MGA CADETE...BAKIT?

SENDING MESSAGE...📨📨📨

RIONNE LIM

TEXT MESSAGE:

        PUNTA AKO JAN.OK LANG BA?MISS NA KASE KITA.

SENDING MESSAGE...📨📨📨

BONNE VALDEZ

TEXT MESSAGE:

     OK LANG NAMAN.PERO OK KA LANG BA NA MABIRO NILA KESHA?ALAM MO NAMAN ANG MGA KAIBIGAN KO...

SENDING MESSAGE...📨📨📨

At hindi na nakapagreply...si rionne...

   "Hindi ka pa ba tapos dyan rio?"tanong ni Zack."hindi pa naman bakit?"tanong ni Rio..."kumain naman tayo...hindi na tayo nakakain ng sabay...mula ng ligawan mo si bonne...hanggang sa sagutin ka kahapon...nga pala...kamusta yung kagabe...ako dapat maghahatid sayo ehh!ayaw ka naman ibigay sakin ni bonne.para bang takot syang may gawin ako sau."anan ni Zack..."nagseselos lang yun sayo.kase masyado tayong close..."anan ni rio...

"Ohooohhh!guest who?ang bisita natin?"anan ni kesha...at pag taas ng ulo ni bonne ay sumaya ang puso nya ng makita si rio...pero hindi nya maipakita dito..."anong ginagawa mo dito?"tanong ni bonne..."awww...di ba sabi ko pupunta ako dito sa faculty mo kase namimiss na kita."anan ni rio..."oyyyy...ang sweet talaga ng boyfriend ni sir Bonne..."anang sabi ng isang Cadette at nagsunod sunod na ang biro ng mga ito..."ohooohhh...pano ba yan, alam na ng buong cadette na boyfriend ka na ni rio..."anan ni jay "pede ba manahimik kayo..."at nilampasan si rio at..."galit ka ba?"tanong ni rio at natigilan si jay at kesha at natahimik ang buong Cadette...at hindi na sinagot ni bonne ang tanong ni rio kaya naman..."nagpunta pa naman ako dito.kase namimiss kita.namimiss ko yung taong gustong gusto ko.namimiss ko yung boyfriend ko...pero parang..."anan ni rio...at nagring ang phone ni rio...tumingin muna si rio kay bonne bago iyon sagutin...at..."ok,i'll see you..."anan ni rio at saka pinatay ang phone...at..."aalis na muna ko.mamaya na lang ulit...may kakausapin lang ako."anan ni rio...at napapakagat labi si kesha...at pairap irap na tumingin si bonne..."sinong kausap mo?"tanong ni bonne..."akala ko hindi mo na ko kakausapin ehh!"anan ni rio...at hinila ni bonne si rio sa may labas ng faculty nila..."nahihiya ka ba?"tanong ni rio..."hindi naman...naiinis lang ako kase inaasar nila tayo..."anan ni bonne..."hindi ka dapat maasar...kase masaya naman ako na marinig yun."anan ni rio at...napatingin si rio sa orasan nyang suot at..."mamayang lunch na lang tayo magkita...sa Canteen...ok ba"anan ni rio..."uhm...s-sino palang tumawag sayo?"tanong ni bonne..."si Paula...yung tinuturuan ko...gusto kase akong kausapin ng ate nya..."anan ni rio at natigilan si bonne...sa narinig..."ok lang ba?"tanong ni rio at..."uhm...."anan ni bonne na nd pinahalata kay rio...

avataravatar
Next chapter