webnovel

Chapter 29

Nang papunta na sila sa canteen ay nadaanan nila ang billboard ng school na may nakalagay ng ranking tuloy sa botohan ng Mr. at Ms. Campus. Agad silang lumapit dito at binasa ang nakasulat.

 

"Tingnan mo Ada, konti na lang na votes at pwede ka na maging top 1 sa ranking." Sabi ni Joice.

 

"Oo nga, sana nga." Sagot naman ni Ada.

 

"Kaya natin yan! Matatalo natin si Charm!" Sabi ni Joice habang inangat ang kanyang braso at itiniklup ang kanyang kamao.

 

Dahil si Charm pa rin ang nasa top 1 sa ranking.

 

Ngumiti naman si Ada dahil sa pagpupursige ni Joice na maging top 1 siya sa ranking, additional points na kasi yun para sa kanya.

 

"Oo, kaya natin yan!" At ginaya siya ni Ada.

 

Pagkatapos ay pumasok na sila sa loob ng canteen at nag-order ng ice cream. Habang kumakain ay nakita ni Ada na papasok ng canteen si Mark, agad siyang nagtago sa ilalim ng lamesa.

 

Nagtaka naman si Joice at tinanong si Joice.

 

"Ada, bakit ka nagtago diyan?" Tanong ni Joice.

 

"Sshhiii, wag ka maingay nandyan si Mark." Sagot ni Ada.

 

Luminga-linga naman si Joice sa palagid at nakita nga niya si Mark sa may vendo machine na nakatayo at pumipili ng iinumin.

 

"Kapag lumapit si Mark, sabihin mong wala ako dito." Bulong ni Ada sa ilalim ng lamesa.

 

Maya-maya pa ay may nakita siyang mga paa na papunta sa kanilang lamesa.

 

"Nasaan si Ada?" tanong nito.

 

"Si Ada?" Tanong ni Joice. "Ah, nagpunta siya sa restroom." Sagot ulit ni Joice.

 

"Ah, ganun ba." Pagkatapos ay lumayo na ang mga paa na nakatayo sa kanilang lamesa

 

Ito ang mga narinig ni Ada na sinabi ni Joice at sa palagay niya ay si Mark iyon na hinahanap siya.

 

Nang masiguarado niyang nakalabas na ito ng canteen ay nakahinga na siya ng maluwag, nang biglang may sumilip sa ilalim ng lamesa.

 

"Anong ginagawa mo dyan sa ilalim?" Tanong ni Kent.

 

Nagulat naman si Ada ng makita ang mukha ni Kent.

 

"Ah… eh, nahulog kasi yun ice cream ko, kinuha ko lang." Pagsisinungaling ni Ada at bumalik siya sa kanyang upuan.

 

Tumabi naman sa kanya si Kent habang palihim na natatawa.

 

"Talaga? Ehdi madumi na yan?" Sabi ni Kent.

 

Umiling naman si Ada at ngumiti, "Ah, hindi pa, hindi pa naman 5 seconds eh."

 

Pagkatapos ay biglang inagaw ni Kent ang hawak-hawak niyang ice cream.

 

"Teka, ice cream yan." Pagmamaktol ni Ada habang tinitingnan si Kent na kinakain ang ice cream niya na nasa cup.

 

"Oh, masarap ah, anong flavor 'to?" Tanong ni Kent habang sinusubo ang ice cream.

 

"Double dutch," sagot naman ni Joice.

 

Wala naman magawa si Ada habang pinagmamasdan ang ice cream niya malapit na maubos.

 

"Kamusta yun votes?" Tanong ni Kent.

 

"Ayun, nasa top 3 parin si Ada at si Charm pa rin ang nasa top 1." Nakasimangot na sabi ni Joice.

 

"Hmm, siguro kailangan pa ng ibang way para tumaas ang votes mo. Ano kaya na magpanggap kang girlfriend ko?" Tanong ni Kent.

 

Nanlaki naman ang mga mata nila Ada at Joice at sabay na sinabi, "Girlfriend?"

 

"Oo, maging girlfriend ko." Nakangiting sabi ni Kent sa kanya sabay kindat.

 

"No, that is not a good idea. Baka imbes na tumaas ang votes ko, ay lalo pa itong bumaba. Siguradong magagalit ang mga admirers mo kapag nalaman na may girlfriend ka na." Sabi ni Ada.

 

"Tama si Ada, sa palagay ko mabibigla sila kapag ipinakilala mo siya na girlfriend mo." Sabi naman ni Joice.

 

"Isip pa tayo ng iba." Sabi ni Ada.

 

"Well, siguro itry natin ang ibang way." Sabi ni Kent.

 

Kinuha ni Kent ang ice cream at lumapit ng bahagya kay Ada at nagselfie sila.

 

"Smile." Sabi ni Kent at ngumiti din si Ada.

 

"Wait, bakit mo ako kinuhaan?" Pag-aalala ni Ada.

 

"Just wait!" Sabi ni Kent at pinost niya ito sa fb niya.

 

"Hi guys, please support my classmate Ada for Ms. Campus! She is beautiful, kind and sweet, like this Ice cream... I hope you vote for her! I really appreciate it !!! Thank you! Muahh."

 

Ito ang caption ni Kent kasama ng picture nilang dalawa. Agad naman nagresponse ang mga admirers niya na sumusoporta din sa kanya.

 

"Yes, Kent I will vote for her!"

 

"Done Kent! I already voted her!"

 

"Yes, she is so pretty!"

 

"I saw her earlier, Kent is right, she is beautiful! Let's vote for her!" etc.

 

"Ada look, the number of votes tumaas na kaagad! Siguradong magiging top 1 ka na." Masayang sinabi ni Joice habang tinitingnan ang votes ni Ada sa school page nila.

 

"Thank you Kent!" Sabi ni Ada at ngumiti siya dito.

 

"Thank you lang?" Tumingin siya kay Ada may kahulugan.

 

"Tumigil ka." Mahinang sabi ni Ada.

 

"Alright, maybe later." Pagkatapos ay tumayo na si Kent at nagpaalam sa kanila.

 

"Thanks Kent! Bye!" Paalam nilang dalawa kay Kent.

 

Bumalik naman si Kent sa kabilang lamesa at nakipag kwentuhan na muli sa kanyang kateam mates. Pati ang mga ito ay niyaya niyang iboto si Ada sa Ms. Campus.

 

~

 

Dumating ang araw ng Biyernes.

 

Nanalo ang team nila Kent sa foot ball at sila ang nag champion. Umuwi muna si Kent para kapagpahinga sandali, dahil mamayang gabi na gaganapin ang Mr. and Ms. Campus.

 

Samantala, patuloy na tumaas ang mga boto ni Ada siya na ang naging number 1 sa ranking para sa Ms. Campus candidate. Pumili ng top 5 ang school at sila ang maglalaban-laban mamayang gabi para sa final coronation.

 

Nang bandang hapon ay iniayos ni Ada ang kanilang mga gamit na gagamitin para sa event. Lumapit naman sa kanya si Kent at yumakap ito sa kanyang baywang habang siya ay nakatalikod.

 

"Congrats!" Bulong ni Kent sa kanyang tenga.

 

"Ha?" Nagtaka naman si Ada sa sinabi ni Kent.

 

"For Miss Campus, gusto ko ako unang bumati sayo." Sabi ni Kent.

 

"Well, wala pa noh. Hindi ko nga alam kung mananalo ako, pero ikaw…" Humarap si Ada sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita, "Sigurado akong mananalo ka." Habang pinipisil ni Ada ang pisngi ni Kent.

 

Ngumiti naman si Kent sa kanya. "Sigurado din ako na mananalo ka mamaya."

 

Pagkatapos ay niyakap niyang mahigpit si Ada at masuyong hinalikan sa mga labi.

 

Nang maihanda na nila lahat ang kanilang mga gamit ay agad na silang umalis at nagpaalam sa kanilang lolo.

 

Habang nasa kotse ay nahalata ni Kent na di mapakali si Ada at kinakabahan.

 

Hinawakan ni Kent ang kanyang mga kamay at sinabi. "Don't be so nervous, stay calm, okay."

 

"Tsk, ngayon lang kasi ako magjojoin sa ganitong compitation, kaya sobrang kinakabahan talaga ako."

 

"Wag mong isipin na maraming tao mamaya, wag kang tumingin sa mga tao para hindi ka kabahan. You can do it! Isipin mo na lang na nandito lang ako sa tabi." Sabi ni Kent habang masuyo siyang hinalikan sa noo.

 

Ngumiti naman si Ada at yumakap kay Kent. "Kent…"

 

Dahan-dahan namang hinaplos ni Kent ang buhok ni Ada, "Don't worry, makakaya mo yan. Andito lang ako."

 

Magkayap silang dalawa hanggang sa makarating sila sa school. Inihatid naman siya ni Kent sa tent nila para sa mga candidate ng Ms. Campus dahil mabigat ang dala ni Ada. Pagkatapos ay tska siya pumunta sa kabilang tent para sa Mr. Campus candidate.