Chapter 10
Vinson's POV
Bakit parang ang tagal naman kausapin ni Mommy si Andrea? Ano na kaya ang nangyari?
Kanina pa ako paikot ikot sa labas ng pintuan ng office ni Mommy. Kasalukuyan kasing kinakausap, kinakausap nga ba? O iniinterrogate si Andrea? Sana okay lang siya. Sana hindi siya masindak kay Mommy. Pinaalalahanan ko siya na magdala ng resume pero, hindi pala niya sineryoso.
Bakit ba ang tagal nila?
Hanggangn sa tumunog ang phone ko, kinuha ko sa loob ng bulsa ko't tinignan kung sino ang tumatawag, si Seth lang pala. Sinagot ko na ito. He asked me, kung nasaan raw ako, sabi ko nasa bahay lang. He invite me to come over sa kanila, laro raw kami ng basketball, sinagot ko siya at sinabi ko na busy kasi ako ngayon. Ngumisi siya, paano raw ako naging busy, e wala naman raw akong ginagawa. I told him na, iniinterview ngayon iyong tutor ko. Tumawa siya. Seryoso na raw ba talaga ang Mommy ko na kuhaan ako ng tutor. Nagmukha na naman akong stupid sa kaniya. Umoo nalang ako. Tinanong niya kung sexy raw ba iyong tutor ko. Di kaagad ako nakasagot. Sexy? Ewan ko kung sexy ba itong si Andrea at kailangan ba talaga na sexy ang magtuturo sa iyo?
"Shit! Don't tell me na lalaki ang tutor mo." sabi niya.
"Si Andrea," i told him.
"Andrea who?" pagtataka niya pero maya-maya na gets niya rin ang taong sinabi ko.
"Seryoso? Akala ko ba hindi ka interesado sa kaniya?"
"Hindi naman talaga, kaso siya itong lumapit para raw pandagdag sa panggastos niya. I'm just being kind to the person, besides classmate naman natin siya at kailangan ko rin ng tulong niya."
"Pero di mo siya gusto?" ano bang gusto ang iniisip nitong si Seth? Tingin niya ba may gusto ako kay Andrea kaya ko siya kinuha bilang tutor ko? Damn.
"Hindi, bro." sagot ko.
"Bakit kinuha mo parin siyang tutor mo, kung di mo naman siya gusto?" nasapo ko nalang ang ulo ko at napailing sa reply ni Seth. Para siyang bata.
"Seryoso? I don't like her guts, pero i don't have any choice, okay. Kapag si Mama ang nakapili ng tutor for me, alam mong hindi na ako makakagawa ng mga gusto ko. Kapag si Andrea, i can still doing what i want to do." dahilan ko sa kaniya.
"You sure?" tanong niya parin sa akin.
"Are you really into her?" tanong kong pabalik sa kaniya.
"Nope. Sige, goodluck see you tomorrow." saka na niya binaba ang tawag niya sa akin. Napakunot nalang ako ng noo ko. Talaga bang seryoso siya? Mukhang tinamaan si gago, ah?
Hanggang sa bumukas ang pintuan. And she looks so pale. Ano bang nangyari sa loob? Mukhang nanalo na naman si Mommy, ah? Tapos tinitigan niya lang ako, at biglang nagwalk out, hinabol ko siya at hinawakan ko siya sa braso para iharap sa akin.
"Hey, what happened?" i asked her. Pero di siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa akin.
"Ano, tititigan mo nalang ba ako?"
"Ano, tanggap ka ba or what?"
Laking gulat ko nang bigla niya akong kinindatan at sabay sabi nito na, "I am officially your tutor."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko mula sa kaniya. Talaga ba? Hindi ba siya nagbibiro? Hindi ba niya ako niloloko? E, bakit naman niya ako lolokohin in the first place? Tsaka, anong mapapala niya?
"Oh, bakit ganyan lang ang reaksyon mo?" tanong niya sa akin. a
"Anong gusto mo magtatalon ako?" then she nod.
"No. That's not gonna happen." saka na ako naglakad tapos sinundan niya ako.
She asked me kung nasaan raw ang room ko. Napatingin ako sa kaniya.
"What?" nanlaki ulit ang mata ko.
Sabi niya, ang arte ko raw. Puro ako what, what. Tapos ang oa ng mga reaksyon ko, para raw akong teddybear.
Sa dami ng pwede niyang I described sa pagkatao ko, isang teddybear? At paano naging oa ang isang teddybear?
Abnormal ba siya?