2 Cinderella's Shoe

Denise's P.O.V.

Tinangka akong pigilan ni Princess sa pamamagitan nang paghawak niya sa kaliwang kamay ko pero hindi ko siya pinansin. Bahagya niya pa akong hinila upang maupong muli, pero hindi talaga ako nagpapigil. Nagpupuyos ako sa galit at walang sino man ang makapagpapakalma sa akin.

Sabay-sabay silang tatlo na lumingon sa direksiyon ko at saka dahan-dahang nilapitan ako. Para ngang nag-slow motion bigla ang paligid ko, pero hindi ko na pinansin pa 'yon.

"Are you referring to me, Miss?" tanong no'ng nakabuhos ng coffee shake sa akin.

His chinito eyes were now staring at me, coldly. He had a pair of perfect-chiseled jaws matched with a cleft chin. Moreno siya at magaling magdala ng damit. Mukhang mayaman, oo... pero hindi siya gwapo. Mukha siyang gangster kahit ang ganda pa ng pagkakapostura sa buhok niya. Naka-gel ito at may nakalawit na kaunting bangs.

"Ay hindi! Actually, siya 'yong tinutukoy ko!" Sarcastic kong tinuro 'yong lalaking parang kano na nasa kaliwa niya. "Siya kasi 'yong nasa gitna at may dala ng letseng coffee shake na 'yan, hindi ba?"

Kahit hindi ako nakatingin sa paligid ay alam kong sentro na kami ng atensyon ngayon. Alam kong halos lahat ng mga estudyante sa cafeteria ay napako na ang mga mata sa aming dalawa pero wala na akong pakialam doon.

Nananahimik ako rito, tapos ay bubuhusan niya ako ng coffee shake na parang wala lang? Tang-ina niya!

"Miss..." wika niya bago inayos 'yong bangs niyang hindi naman pantay, "wala ako sa mood ngayon para makipaglokohan sa'yo, okay? Pero kung ginagawa mo ito para lang magpapansin sa akin, then you won! You already got my attention."

Tumingin siya sa paligid namin bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Actually, you even got everyone's attention here! Happy? Now, can I leave? Can we leave?"

Ay, wow! Gwapong-gwapo lang sa sarili, dude?

Naniningkit ang mga matang tila tumatagos ang mga tingin niya sa akin. Kikiligin na sana ako kaso ay hindi ko naman siya gusto.

"Aba naman talaga! And what makes you think na nagpapapansin ako sa'yo, ha? You're so full of your narcissistic ego! Sige na, gwapo ka na! But let me tell you this, Kuya! Gwapo ka nga pero malinaw pa sa sikat ng araw na wala ka namang utak!" sigaw ko bago ko siya pinamaywangan.

Pero shit lang! Bakit ko ba nasabing gwapo siya? Eh hindi naman!

"Anong sinabi mo?" He gritted his teeth. Halata na nagpipigil lang siya ng pasensiya sa akin. That was when I smiled secretly, because I was able to provoke him.

"Kita mo 'to, wala na ngang utak, bingi pa!" patuloy ko siyang ininsulto. "Huwag mo sabihing hindi mo nakikita 'to?" At inilapit ko sa kanya 'yong balikat kong natapunan niya ng coffee shake. Maging ang pantalon ko ay may kaunting tulo na nagmantsa na rin. "Ano? Bulag ka rin?"

Hinding-hindi talaga ako magpapatalo. Sinadya ko pang 'wag munang punasan 'yong braso ko para lang makita niya ang coffee shake niya rito, kahit na ang lagkit-lagkit na sa balat nito.

Ibinigay niya sa isang kasama 'yong coffee shake at saka sarkastikong pinag-krus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. "And what do you want me to do over a spilled iced coffee on your skin? Do you want me to lick it in front of everyone here?"

Lalong nag-init 'yong mukha ko dahil pakiramdam ko'y makapapatay na talaga ako ng tao. Hindi ako nakasagot agad, but rest assured that I wouldn't let him humiliate me in front of everyone. Hindi talaga ako papayag!

Eh ano kung transferee lang ako rito? Hindi pa rin ako papayag na tatapak-tapakan lang ako ng kahit na sino!

Kinuyom ko ang kanang kamao ko. Nagpipigil lang ako ngayon, pero kaunti na lang talaga ay makakatikim na sa akin ng sapak ang demonyong ito.

"Next time, Miss... kilalanin mo muna kung sino ang babanggain mo. We'll never know, baka kung anong mangyari sa'yo rito! You're so fragile to beat a wall and you're too small to block my way," he said, curving the end of his lips into a smirk. I just got my senses back, when his broad back faced me. His friends also did the same thing.

"Denise, please... tama na," nag-aalalang awat ni Princess pero hindi ko ito pinakinggan.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. I guessed, hindi na ako nakapag-isip ng tama sa takot kong ma-bully ulit. Bigla kong hinubad ang isang sapatos ko at mabilis na binato 'yong lalaki. Natamaan naman ito sa batok. I always wore a pair of high-heeled shoes at mukhang 'yong takong pa talaga ang sumakto sa batok niya.

"Oh!"

"Patay!"

"What the?"

"Ang tapang ha!"

"Did she really do it?"

Kanya-kanyang reaksiyon ang karamihan na bigla na lang sinundan ng nakabibinging katahimikan. Parang may bumara sa lalamunan ko at nilunok ko muna 'yon, bago ako sumigaw.

"Wala akong pakialam kung sino kang bwisit ka! Bakit, Diyos ka ba? Simpleng sorry lang, hindi mo pa magawa. Jerk!"

Nagulat naman 'yong dalawang lalaking kasama niya base sa naging reaksiyon ng mga ito. Ang isa nga'y napahawak pa sa bibig sa tindi ng pagkagulat sa ginawa ko. And when I wandered my eyes around the whole cafeteria, lahat ng mga tao ay literal lang na nakanganga.

Bigla tuloy akong nahiya. Gusto ko mang bawiin 'yong ginawa ko ay huli na ang lahat. Nagawa ko na. Gusto ko mang pagsisihan 'yon ay mukhang kailangan ko na lang panindigan. Kailangan kong harapin ang kung ano mang magiging kahihinatnan.

Umiiling na hinawakan ng jerk na 'yon ang batok niya, sabay lingon sa kinaroonan ko. Nagtatagis ang mga bagang niya habang papalapit siya sa akin. Pero, bago pa man niya ako malapitan nang lubusan ay may isang tao nang humila sa kamay ko at napasama ako sa kanyang tumakbo palayo kahit ang isang paa ko ay walang sapatos.

Nakalayo na kami sa cafeteria nang bitiwan niya 'yong kamay ko. We were on the third building grounds based on my own description of the building. We were on the Engineering Building grounds to be exact.

Humihingal niya akong hinarap. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Denise? Unang araw pa lang natin dito pero nakipag-away ka na agad! Kilala mo ba kung sino siya ha?" singhal sa akin ng wala lang namang iba kung hindi si Michael. As usual, playing as my knight in shining armor again... but not exactly today!

Sinong knight in shining armor ang basta na lang tatakbo?

I rolled my eyes. "At ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon ha? Bakit ka ba nangingialam? Hindi ko sinabing iligtas mo 'ko sa kanya, okay? Hindi ko rin sinabing basta mo na lang akong hilain doon para ilayo sa taong 'yon! Hindi ko hiningi 'yong tulong mo, Michael."

Magsasalita sana siya nang magpatuloy ako...

"Hindi mo alam kung anong nangyari na kahit isang pekeng sorry lang ay wala akong narinig mula sa taong 'yon pagkatapos nang ginawa niya sa'kin! Wala akong pakialam kung sino siya dahil hindi ako natatakot sa kanya, kahit maging anak pa siya ng presidente ng bansang 'to. Naiintindihan mo ba 'yon?" sigaw ko sa mukha niya.

Nakakainis! Hindi niya naman kasi ako dapat na inalis doon. Eh 'di sana, hindi ako nacu-curious ngayon sa kung anong gagawin sa akin ng lalaking iyon.

Walang emosyon 'yong mga mata ng chinitong 'yon no'ng kinakausap niya ako. Pero no'ng nilingon niya ako pagkatapos ko siyang batuhin ng sapatos ko, nagtatagis na ang mga bagang at nanlilisik na ang mga mata ng taong 'yon.

Did I trigger him after throwing him my shoe? Did I activate his emotion? I'm curious. Gusto kong malaman ang sagot.

"Nakita ko kung anong nangyari, okay? Sinadya ka niyang tapunan ng coffee shake and that's it! Hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya ginawa 'yon pero pwede ba, Denise? Can't you just ignore it? Can't you just go back to your old self? 'Yong Denise na madaling makaintindi, 'yong Denise na mabait at palangiti, 'yong Denise na malambing at higit sa lahat... 'yong Denise na kilala ko? 'Yong Denise na kaibigan ko..."

I could sense na may pagsusumamo sa boses niya nang hawakan niya ang mga kamay ko. I looked at his eyes and I saw too much of his overflowing emotions.

But I shoved his hands away. "God knows how much I'm trying, Michael. Pero kung ganito lang naman ang mangyayari sa akin, it would be much better not to bring back the old Denise. I wouldn't let others to bully me again. Ako lang ang magiging kawawa, ako lang ang masasaktan. At times like this, I should know how to protect myself because I have to..."

"That's why I'm always here to protect you—" he said but I cut him off. He was my best friend, pero ayokong nadadamay siya sa mga gulong kinasasangkutan ko. I still cared for him after all.

"You're my best friend, pero hindi mo ako kailangang protektahan sa lahat ng oras!" I sighed after raising my voice on him. "I'll go ahead and please lang, 'wag mo na akong sundan pa. I would like to be alone for now," mahina kong sabi pagkatapos ay tinalikuran ko na siya.

Hinayaan naman niya akong umalis mag-isa... kahit na alam kong gusto niya pa rin akong samahan.

Nakakainis lang maglakad na 'yong isa mong paa ay may sapatos pero 'yong isa ay wala. Eh 'di 'yon, nganga!

Wala rin naman akong magagawa. Nagdesisyon na lang tuloy akong mag-paa na lang kaysa pahirapan pa ang sarili kong maglakad gamit ang isang sapatos na four inches ang takong.

Nakalagpas na ako ng Information Technology Building o 'yong pang-anim na building. In order to save some of my allowance, hindi na ako sumakay sa e-bus.

Dapat kasi ay libre na lang 'yon tutal naman ay nasa loob ng campus, kaso hindi. Nakita ko kasing nagbayad 'yong dean kanina no'ng sumakay kami nila Ate. Speaking of money, nanghinayang din tuloy ako na hindi ko man lang naubos 'yong kinakain ko kanina sa canteen.

Dalawang buildings na lang, Men's Dorm 1 and 2, at mararating ko na ang Women's Dorm 1 para makapagpalit ng damit at kumuha ng bagong pares ng sapatos. But I got startled when someone suddenly grabbed my shoulders and pinned my back on the wall, dahilan para mabitiwan ko 'yong hawak kong sapatos.

"What are you doing?" sigaw ko.

Buong lakas ko siyang itinulak, but he really had a broad chest at ni hindi man lang siya natinag. Medyo nasaktan ako sa ginawa niya, dahilan upang maalala ko ang naging fracture ko noon sa balikat.

"Already missing your shoe, Cinderella?" malamig na tanong niya sa akin.

I slowly looked at his face and hell yes, I could see those cold chinito eyes again!

I sighed. At first, I definitely thought that I would be enjoying my stay here at Le Sora's Dopan University. But now I realized... yes I would enjoy, but not for so long!

Kung may ganitong demonyong bigla na lang susulpot at haharang sa daan ko, mag-eenjoy pa ba ako? Hindi ko naman hiniling 'to pero bakit ba habulin na lang ako palagi ng gulo?

First day ko pa lang dito, ganito na agad ang inabot ko. Paano pa kaya sa mga susunod? Paano na lang kapag nalaman ni Ate Diane 'to? Eh 'di patay na naman ako!

"Ano ba? Nasasaktan ako! Could you please let me go?" sigaw ko.

Ramdam ko ang pagdiin ng pagkakahawak niya sa mga balikat ko... like he was crushing my bones. Lumihis na nga 'yong damit ko para lumantad nang buo 'yong collar bone at peklat sa kaliwang balikat ko. Sa sobrang sakit, pakiramdam ko ay babalik muli ang naging fracture ko noon dahilan para mapangiwi ako.

He narrowed his eyes kaya lalo lamang iyong naningkit. "Masakit ba? Well, your reaction is indeed my pleasure... it's priceless! You're nothing but a weak, fragile and breakable doll! Balita ko, transferee ka raw... tingnan nga natin kung hanggang saan ang tibay mo!" He then let out a cocky smirk.

"I'm not weak, jerk!" sigaw ko ulit sa kanya.

If I had to free myself from him, I had to be wiser than him. I had to be one step ahead. For that, hindi na ako nagdalawang-isip. What I did next was I hit him on what I knew was his weakest spot to save myself—that bulge in the middle of his legs. Buong lakas ko lang namang tinuhod 'yon!

"Shit," narinig kong bulong niya.

Alam kong kahit hindi niya sabihin ay nasaktan siya sa ginawa ko dahil bigla na lang akong nakawala mula sa pagkakahawak niya sa akin, at siya nama'y napahawak din doon. Pagkatapos niyon ay sinamantala ko na ang pagkakataon.

Dire-diretso akong tumakbo papunta sa direksiyon ng Women's Dorm 1 building, pero hindi pa man ako nakararating sa Men's Dorm 1 ay may dalawang pares na ng mga kamay ang biglang humawak sa akin.

They were none other than his two friends! Pinagitnaan nila akong dalawa habang parehong hawak ang mga braso ko!

Mga epal din 'tong friends niya eh, 'no? Ano ba sila, mga puppet? Nakakainis, mga bwisit!

"Let me go! Hoy, ikaw..." baling ko sa lalaking tinuhod ko kanina, "lumaban ka nang patas! Hindi 'yong ganito. You should be the one to chase me, not these puppet friends of yours!" Pilit akong nagpupumiglas sa mga kaibigan niyang nakahawak sa'kin. "Oh, I should have known the reason why won't you! See what I did to you? Hindi mo kasi ako kaya nang mag-isa ka lang. If you can, then you wouldn't ask for your friends' help anyway!" patuloy kong pag-iinsulto sa kanya.

"Let me tell you this, Miss. I don't chase someone who's ugly," sabi niya pagkatapos niya akong tingnan mula ulo hanggang paa.

Nagulat ako sa sinabi niya, pero hindi ko pinahalata 'yon. Feeling gwapo talaga ang demonyong 'to!

Dahil sa sinabi niyang 'yon, natawa 'yong mga kaibigan niya at ilan ding mga estudyanteng nakatingin lang sa amin. Wala man lang talagang naglakas nang loob na tumulong sa'kin!

Ngayon tuloy ay bigla kong na-miss si Michael. Sana kasi ay nagpahatid na lang ako sa kanya sa Women's Dorm 1 building.

Alam kong hindi ako masyadong maganda, pero hindi rin naman ako pangit. Alam ko sa sarili kong may maipagmamalaki rin naman ako sa itsura ko kahit papa'no. I had my own definition of the word beautiful at hindi lang 'yon nakikita sa panlabas na anyo.

But to oppose on what he said na pangit daw ako, maputi ako at matangos ang ilong... pero mukha nga lang mataray ang mga mata ko. I had naturally long eyelashes and pinkish cheeks too. I didn't have any pimples. Everything with regards to my face was completely natural to the point that I didn't have to use any makeup or skin care at all.

In fact, Kuya David told me that I was prettier than Ate Diane dahil girl version niya raw ako... at naniniwala ako roon. Kailan ba nangyaring inisip ko ang sasabihin ng ibang tao?

"Aba't—" I was about to object when he suddenly cut me off and that made me freeze in an instant.

"Bring her to my secret room. Hindi pa ako tapos sa babaeng 'yan!"

avataravatar
Next chapter