2 July

As i remember, March 16, 2020 nagstart yung lockdown. Nung time na yon nasa office ako, maaga ako nakarating sa office kase sumabay ako sa daddy ko sa motor at hindi na ako nag commute. Kumakain ako sa pantry ng cheeseburger at fries na binili ko sa mcdo, ang saya saya ko pa nun kase ako lang mag isa sa pantry. Hindi naman pala ako nainform na yun na pala yung last na kain ko dun kase nag announce na maglalockdown daw! Kaya bago pa magstart yung shift ko na 8pm nagmadali na agad ako umuwi kase pwede naman na pala mag work from home.

Yung work ko? Data Analyst ako sa Accenture, nagmadali na agad ako umuwi na muntikan pa akong hindi nakauwi kase walang masakyan at lahat ng tao gusto ng makauwi para hindi na maabutan ng lockdown buti nalang may nakasabay akong umuwi, yung boyfriend ko. Kung idedescribe ko siya, isa siyang maputing lalake, sakto lang ang tangkad at ang katawan. Mabait at gwapo, hindi ko sinasabi to kase boyfriend ko siya pero gwapo talaga siya. Apat na taon age gap namin, siya ang first boyfriend ko at 3 years na kami. So balik na nga tayo sa kwento muntikan pa kaming hindi umuwi kaya naglakad kami hanggang dun sa antayan ng jeep sa may cubao at pag dating namin dun sobrang daming tao na din, luckily nakasakay kami.

avataravatar
Next chapter