1 Synopsis

Marvie

"GOODMORNING hubby!" masayang bati ko sa kaniya pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa coffe shop. Wala pang costumer kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Nakakahiya kaya yung sinabi ko kanina, hehe. Nakita ko naman siya sa may counter. Nagsusulat ito ng kung ano sa hawak-hawak nitong notepad. "Pasensya na, medyo na late ako." Lumapit naman ako."Ano 'yan?"

"Ah, goodmorning bunny," bati naman nito pabalik pero nakatuon ang atensyon nito sa sinusulat niya. Sinilip ko naman iyon. "Ano 'yan?" Pang-uulit ko sa tanong ko kanina. Tumingin naman siya sa akin tsaka ngumiti. "Nah, I'm just writing here some important day of this month."

Nagningning naman bigla ang mata ko ng marinig ko iyon. Naalala ko bigla yung birthday ko. "Teka, nilista mo ba diyan yung birth---"

"Of course, bunny. Why would I forget that special day?"

Hindi ko alam pero lagi talagang bumibilis ang tibok ng puso kapag tinatawag niya akong bunny. Ewan ko ba, lagi talaga akong kinikilig sa mga banat niya.

Inabot naman niya sa akin ang apron. Isinuot ko naman iyon, hindi na ako nagulat na siya ang nagtali ng ribbon sa likod ko. "By the way, how's your school?" nakangiti nitong tanong. Actually, graduating student na ako this year, culinary arts ang course ko. Samantalang siya naman ay last school year pa graduate, culinary arts di ang course niya. At dahil mula siya sa mayamang pamilya, kaya sa kaniya ipinamahala ng daddy niya ang pagpapatakbo nitong coffe shop.

"Ayun. Medyo busy na," sagot ko sa tanong niya. Tiningnan ko naman isa-isa ang mga Tea bags at flavoring syrup. "Pero keri naman. Kaya pa naman ng katawan ko ang stress." Napatawa naman ako ng mahina. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang mukha ko. "Halata nga e. Malalaki na eyebugs mo."

Ngumuso na lamang ako."Kaya nga e. Para na akong panda."

"Panda na sobrang cute," nakangiting sabi niya sa akin. Shete lang! Kinikilig ako!

"Ang aga landi agad ang inaatupag! tsk." Napabalik naman ako sa huwisyo ng marinig ang mga salitang iyon. Napadistansya naman ako kay Flin. "Sir, pinapapirmahan ng daddy niyo." Padabog naman niyang nilapag ang mga papel na dala niya.

Habang pinipirmahan ni Flin ang mga papel, kitang-kita ko ang palihim na pag-irap ng secretary ng daddy ni Flin sa akin. Everyone, meet Ruth Dianna Roosevelt. Ang babaeng may matagal ng pagnanasa sa boyfriend ko. Yeah, binalak na nitong i-seduce si Flin. She even accept the job of being the secretary of Flin's father. Akala niya suguro ay makukuha niya ang loob ni Flin. Nagtataka siguro kayo kung bakit alam ko ang mga bagay na ito. Well, Flin told me everything about this woman.

"Done na sir?" malanding tanong nito na bahagya pang pinapakita ang mala-pakwan niyang hinaharap. Masyadong revealing ang suot niya kaya siguradong lantad ang kaluluwa niya sa harap ni Flin. Sarap tanggalan ng balat ang babaeng 'to! Kainis.

"Yeah, you can go now," cold na saad naman ni Flin dito. Ni hindi nga siya tiningnan nito sa halip ay sa akin ito tumingin. "Hey bunny, I'll fetch you after school at around eight in the evening. If ok lang sayo?" nakangiting tanong naman nito sa akin. Night Class kasi ako. From one o'clock in the afternoon to eight o'clock in the evening ang schedule ko. And from seven to twelve ay nandito ako sa coffee shop para magpart-time job.

Nginitian ko din naman siya pabalik. "Ano ba syempre ok lang." Palihim ko namang sinulyapan si Ruth na matalim ang tingin sa akin. Selos lang? Psh.

"Oh? Why are you still here? Akala ko ba umalis ka na?" sabi niay ng mapansing nandito pa rin ito at hindi pa umaalis.

"Pasensya na. Naaliw lang kasi ako sa---" Inirapan naman ako nito tsaka ngumiti ng malapad kay Flin."---Sa ka-sweet-an niyong dalawa. Your really love this woman eh?"

"Why? It's none of your business." Oh yeah! Take that Ruth!

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga cheap." Ako ba tinutukoy niya?! "I thought your into hot and sexy woman?" Bakit sexy ba siya?! Anong tingin niya sa akin mataba?! Ano bang ipinagmamalaki niya?! Iyang dibdib niyang sobrang laki?! tsk.

"Just leave," ay diin na utos ni Flin kay Ruth. Pero imbes na sundin nito ang sinabi ni Flin. Napatawa na lamang ito kasabay ang pagcross arms.

"Oh c'mon Flin Jackson Garret Rockwell, your being confident this past few days." Ibinaling naman nito ang tingin sa akin. Inismiran naman niya ako kasabay ang pag-ngisi ng nakakaloko. "I bet Marvie didn't know something---"

"Shut up. Just fvcking leave!"

"Bakit? Natatakot ka bang malaman niya---"

"Leave!"

Bahagya akong nagulat sa biglaang pagsigaw ni Flin. Hindi naman niya kasi ugali ang sumigaw. He is very a calm person. Lagi niyang kontrolado ang lahat. Pero ngayon? Parang...parang may mali.

"Oh I see, your already mad." Umakto pa itong malungkot. "Fine. I think kailangan ko ng umalis." Tumalikod naman ito. Ngunit ilang sandali pa ay muli itong humarap sa amin.

"I pity you Flin, she will surely abandon you if she know your secret," bulong nito kay Flin na hindi ko narinig. Pero kitang-kita ng mata ko ang pagyukom ng kamao ni Flin at nagsimulang magsilabasan ang mga pawis sa noo nito. "Babye, enjoy your time together!" Ngumiti pa ito ng nakakaloko sa akin bago tuluyang umalis ng coffee shop.

Bakit ganun? Bakit parang kinakabahan ako? Parang may alam si Ruth tungkol kay Flin na hindi ko alam? May itinatago ba si Flin sa akin?

"Flin---"

"Marvie." Marvie? It's very rare for him to call me by my first name. "About that---"

"Ano ka ba! Hindi ko masyadong iniisip yung mga pinagsasabi ng Ruth na 'yon." Sinikap kong maging masaya sa paningin niya kahit sa totoo lang ay nacucurios din ako sa mga pinagsasabi ng Ruth na 'yon. Wala naman siguro 'yon di ba?

"R-Really?"

"Yes. And I believe you. Alam kong wala ka namang itinatago sa akin di ba?"

Napakurap naman siya ng ilang beses bago makasagot sa tanong ko."A-Ah oo naman. W-Wala akong sikreto sa'yo."

"Yun naman pala e." Niyakap ko siya."I love you Hubby." Naramadaman ko naman ang pagyakap niya pabalik. "I-I love you too Bunny."

Sana nga. Sana nga wala siyang tinatago sa akin.

#

avataravatar