1 Chapter 1 The Boyfriend

"Wait, what?!" Malakas na tanong ni Lance.

My boyfriend for almost 3 years and still counting, he is Duke Lance Marquez. kasalukuyan kaming nandito sa cafeteria para sana kumain kaso lumapit sa amin ang SUPREME STUDENT GOVERNMENT ng school at sinabing lalaban ako para sa Mr. And Ms. Marquez na gaganapin dito sa school.

The one who will be deciding is Lance and not me.

Epal yan eh, gusto niya siya lagi ang nasusunod kaya hinayahan ko nalang. As long as hindi ako nasasakal I'll let him to decide.

"Sir. Duke, ka-kasali po si Miss Abi s-sa pageant." Utal utal na sabi ng prisedente ng school.

Sir. Duke ang tawag sakaniya dahil nirerespeto siya ng mga istudyante rito, ako lang at ang mga malalapit sakaniya ang tumatawag sa second name niya.

Kaya Sir Duke ang tawag sakaniya ng lahat dahil hindi friendly 'tong lalaking to.

Bukod na siya ang apo ng may ari ng paaralang ito, nakakatakot din siyang ka usap dahil sa itim na aura na bumabalot sakaniya. Gaya ngayong badtrip na badtrip na siya. Ang rason? Dahil lang naman kagabi.

Love: I still don't know what do you want love, so uhmmm. I bought all flavors they have.

Sent at 4:00 PM

Basa ko sa mensahe ni Lance, napa ngiwi naman ako, nag papabili lang naman ako ng donuts sakaniya dahil nag ca-crave ako at dahil din tinatamad akong umalis ng bahay.

Ininom ko muna ang mango shake ko bago nag tipa ng mensahe atsaka agad na sinend sakaniya.

I told you, just buy one. Paniguradong marami yan. Aanhin ko lahat yan? Hindi ko na mauubos yan.

Mag titipa pa sana ako ng makitang nag send agad ito ng reply niya.

Love: I send it exactly 4 and now its 4:02, what did you do at 4:01?!

Napa face palm nalang ako sa chinat nito.

Kahit kailan talaga.

"No, she will not join in that fucking competition." madiing saad niya kaya bagsak balikat umalis ang mga SSG dito sa mesa namin, napa ngisi naman ako, 'di kaya may dalaw tong lalaking to kaya ang sungit? Pero saakin ang sweet naman niya.

Ano iyon favouritism?

"Why don't you just say yes?" kalmadong tanong ko rito kaya ramdam ko ang matalim na tingin niya pero wa-epek sa akin, sanay na ako sa look na yan na lagi niyang tinatapon saakin once na may nagawa akong hindi niya nagustuhan.

Lahat naman hindi niya nagu-gustuhan eh.

"For what? For them to see your goddamn body? Then what? They will take you away from me?! fuck no!" malakas na sigaw niya na nag pa tahimik sa buong cafeteria, napaka agaw atensyon talaga ng lalaking to. Kailangan talagang isigaw?

Napa buntong hininga nalang ako at umiling nalang atsaka nilantakan ang niluto niyang pag kain

Ayoko kasing mag away pa kami ng dahil lang sa mga ganiyang dahilan kaya kahit maari ay umiiwas nalang ako para walang away kahit napaka o.a ng nasa harapan ko

Tumutunog na ang bell pero wala akong pake kahit na nag si alisan na ang mga tao rito, kailangan ko muna kasing ma-ubos 'to bago ako maka alis sa tabi niya, kakainin ko nalang to kaysa sa marinig ang word of wisdom niya na...

'You should eat a lot of food, other people is craving something to eat and you just wasting your food? Be fair love, that's bad.'

"Masarap?" tanong niya kaya tumango ako, masarap naman talaga siya mag luto kaya lagi akong busog eh. May chef na ako na masarap mag luto at libre pa. Namana niya ito kay Tita na magaling sa kusina.

"Ang sarap mo kaya mag luto, always the best!" puri ko sa mga niluluto niya, gaya ngayon adobong manok at andami pang patatas na paburitong paburito ko.

"Nah, I guess you are yummier than that." pag kasabi niya nun ay parang nag stop sa lalamunan ko ang patatas kaya napa hawak ako sa leeg ko.

Sht! Bakit hindi ka pa tuluyang bumaba?!

"Hey? Are you ok?!" tanong niya pero agad akong umiling at hinampas ng ilang ulit ang dibdib ko para makakuha ng hangin dahil nahihirapan na akong huminga, pero itong nasa harap ko parang walang ka-alam alam dahil bakas sa muka nito na naguguluhan siya.

Damn it! naiiyak na ako.

"Abi anong nang yayare sayo?" nag aalalang tanong niya pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko at na u-ubusan narin ako ng hininga, napa tayo na ako dahil sa hirap at sakit na nang yayari saakin.

Until two hands wrapped around my stomach and lift me up to start squeezing it.

I can feel myself that I'm about to puke.

I felt the hand of the one who hugged me again and immediately squeezed my stomach, until I vomited food.

Success! Nailabas ko iyong buong malaking patatas.

"Miss, are you ok?" tanong ng lalaki pero hindi ko ito magawang tignan dahil naka duko ako at naka hawak sa mag ka bilang tuhod kaya itinaas ko nalang ang isang kamay ko at nag okay sign para sabihing ayos na ako.

Pheww! That was close.

"Abi? Damn! Are you ok?" alalang tanong ni Lance at lumapit saakin sabay abot ng tubig na agad ko namang tinangap at ininom "Dude, Thanks for saving my girlfriend.'' dinig kong pa-sasalamat ni Lance sa lalaki, narinig ko pa itong nag salita hanggang sa nag lakad na ito palayo sa amin.

Agad naman akong napa upo sa upuan atsaka huminga ng malalim "'Yan kasi ang takaw mo" sermon niya saakin kaya tinignan ko ito ng masama "ikaw kasi eh, ano ano pinag sasabi mo" sabi ko at napa pikit kasabay nun ay huminga ako ng malalim.

"Bakit ka napa pikit? Inaalala mo yung muka ng lalaking yumakap sayo 'no?!" mahinang sigaw nito kaya napa mulat ako at tinignan siya ng 'really-looks'

"Damn it Lance, that was close, death is almost there tapos yan pa ang na sabi ko imbes na mag sabi ka ng 'Abi, are you ok?' 'Abi do you want me to bring you in clinic?' tch! Ewan ko sayo!" malakas na sabi ko at iniwan siya duon sa canteen at nag lakad na palayo sakaniya.

Rinig ko pa ang pag tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko ito nilingon, baka kasi bumalik ako sakaniya at hindi na makapasok sa subject naming math may quiz pa naman ngayon.

Nag tatampo ako kasi kaysa sa mag alala siya pinapa-iral na naman niya ang selos niya na wala namang kwenta Tsk! napa hawak naman ako sa leeg ko ng maramdaman kong medyo mahapdi pero pinag sa walang bahala ko nalang ito at nag patuloy sa pag lakad papuntang room ko.

"Love sorry na, pansinin mo na ko." malambing na sabi ni Lance habang kinakalabit ang balikat ko.

Andito kasi kami sa library, tuwing friday kasi naka schedule kami dito para mag aral same as Lance, kaya Ito kinukulit niya ako ngayon, 'di ko kasi siya pinapansin kanina atsaka ini-ignore ko ang text niya at calls niya pano kaya nag ca-call sa kalagitnaan ng klase.

"Abi, sorry na please." mahinang sabi niya at hinalikan pa ang leeg ko, wala kasi siyang pakialam sa mga estudyanteng andito kaya hinayahan ko nalang din siya. Sanay na rin naman ako at alam kong sawang sawa na ang mga estudyante dito na makita kaming mag kasama.

"Oo na." sabi ko at inilipat ang pahinang binabasa ko, nasa kabilang mesa ang section niya pero heto siya andito sa mesa ng section ko at kinukulit ako, "Tch! Pansinin mo nga ako, lagi nalang libro ang kaharap mo." inis na sabi niya at inalis ang librong hawak hawak ko kanina.

Damn this man.

At dahil nga sa malaki ang school at mapera sofa ang upuan dito sa library, may apat na sofa na mag kakaharap bawat table at sa sofang 'yon ay kasiya ang tatlong tao pero ako at si Lance lang ang andito sa isang sofa.

Humiga siya sa hita ko at ginawa itong unan, kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa buhok niya kaya natawa nalang ako habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga kamay ko, ang lambot ng buhok ng lalaking to 'di halatang alagang alaga, eh samantalang yung akin parang scoba na pwede nang gamitin panlaba.

"Love." sabi niya at humarap saakin pero nanatili siyang naka higa sa hita ko.

"Hmmm?" mahinang sabi ko, tinignan niya lang ako sa mata at pumihit paharap sa tiyan ko atsaka ito niyakap, napa tingin saamin ang iilan na istudyante pero hindi ko na lang 'yon pinansin at pinag pa tuloy ang pag suklay sa buhok ng taong mahal ko, parang humahawak ako ng malambot na bagay.

Ang sarap sabunutan.

"I can't wait to see you Pregnant." mahinang pag uumpisa nito kaya napa ngiti ako.

Masiyado kang advace mag isip mahal ko.

"I cant wait to see you bare my child---No my children." sabi pa nito at mas hinigpitan ang pag kakayakap sa bewang ko.

Ewan ko pero napapangiti nalang ako everytime lumalabas ang pagiging childish side ng lalaking to, para bang mas lalong ang sarap niyang mahalin kahit na madalas ay selos ang pinai-iral niya.

"Isang taon nalang 'To, Love, tiisin mo na." natatawang sabi ko kaya tinignan niya ako habang nakayakap parin.

Kita ko ang pag nguso niya kaya napa ngiwi ako. Pero sa totoo ay ayoko pang pasukin ang buhay mag asawa, gusto ko pang sulitin ang mga bunga ng pag sisikap ko

"Hummm... after we graduate you will marry me and that's not a request it's a order you understand?" sabi niya kaya napa tango nalang ako, but im not promising.

Napaka bossy naman ng mahal ko, pinag masdan ko ang muka niya, mapula pula ang labi niya para bang hindi siya naninigarilyo at makapal na kilay ang meron siya kinulayan siguro ito ng marker nung baby pa siya, proud na proud sa katangusan ng ilong niya, sobrang tangos nito dahil may lahi siya at mahabang pilik-mata, He has this broad shoulders and well-build biceps. God, why you made such a perfect man?

Hindi kaya nag mumuka akong katulong pag kasama ko siya? Well... just kidding, ang ganda ko kaya!

"Guys, excuse me." na-alis ang paningin ko sakan,ya at napa baling sa harapan ko kung nasaan si prof, ramdam ko rin na napatingin duon si Lance pero nanatili siyang naka higa at naka yakap sa bewang ko na para bang pag nalingat lang siya saglit ay mawawala na ako sa paningin niya.

"Okay, I want to introduce to you Mr. Tart Werus, your new classmate." sabi ni prof atsaka duon ko lang napansin na may kasama siyang isang matangkad na lalaki.

Red ang labi niya pero mas mapula ang kay Lance, My man's lips is ideal, Matangos rin ang ilong niya gaya rin ng kay Lance at mistizo siya samantalang kakulay ko si Lance na kulay harina, kulay brown ang mata nito habang kulay green ang mata ni Lance.

Teka?! Bat ko pa sila pinag kukumpara? Tsk

napa tingin siya saakin kaya natitigan ko ang kulay brown niyang mata pero agad din akong nag iwas ng tingin ng humigpit ang yakap ni Lance sa tiyan ko.

"Tsk." He exclaimed, hindi ko nalang ito pinansin at nag pa tuloy sa pag suklay sa buhok ng isang 'to na naka higa parin sa hita ko.

"Oh andito kapala Mr. Marquez." sabi ni prof at napa tingin ito kay Lance na naka pikit pero agad din nitong minulat at tumingin kay prof, busangot ang muka niya ng harapin ang guro "Go away, I'm sleepy." sabi niya kaya gulat akong napa takpan sa bibig niya.

Bastos na bata.

"Hmmmmmm." daing nito kaya agad kong inalis ang kamay ko sa bibig niya, grabe talaga tong lalaking to walang sinasanto, napatingin ako kay prof at nag bow para Humingi ng pasensiya atsaka niya ako nginitian at tinanguan na para bang sinabing 'ayos-lang-alam-kong-sira-yang-boyfriend-mo-look' hays hulog ka talaga ng langit prof.

"Oi, ikaw ah ganiyan ka, bad ka na" sermon ko sa lalaking naka palupot na ulit sa bewang ko, hinalikan niya lang ang puson ko kaysa sagutin ang sinabi ko.

Hays, anong gagawin ko sayo?

avataravatar
Next chapter