1 Prologue

🎶Mahirap maging babae, kung torpe yung lalaki kahit may gusto ka di mo masabi.🎶

-PANGARAP LANG KITA

by Parokya ni Edgar .

I agree with that. pero walang-wala yan kung ikukumpara sa experience ko.

"Mahirap maging babae kung beki yung lalaki. kahit may gusto ka di mo masabi."

"Because i am stupid to fall in love with my bestfriend."

Pangmalakasang linyahan ni Mrs. Jolina Magdangal kay Marvin Agustin sa pelikulang Dahil Mahal na Mahal Kita.

Pero buti pa si Jolina lalake yung bestfriend nya dun kahit may ibang gusto, eh ako?

Am i stupid to fall inlove with my GAY bestfriend?

"Bakit di ka crush ng crush mo?" mabuti nga kayo yan lang ang tanong nyo. ako kasi, ang tanong ko. Bakit hindi pusong lalaki, ang puso ng crush ko? 😩

😩HAY! ang hirap ma-fall sa bakla😩

mas madali pa siguro kung hindi lang ako gusto ng taong mahal ko. mas madaling baguhin yung ganun kesa sa gawing lalaki ang isang pusong babae.

pano nga kaya? pano kaya mapapalitan ang puso nya na magmahal ng isang babae?

avataravatar