Until the Day Comes
Wag kang magmahal kung hindi pa handa
ang puso mong wasak
Wag mo akong paikutin sa matatamis mong paglalambing sa tuwing hinahanap mo ang dating init ng taong iniwan ka’t winasak.
Hindi ako isang mighty bond na kaya kang buoin at mas lalo nang hindi ako band-aid para takpan ang sugat na iniwan ng nakaraan.
Wag mo akong paasahin sa balang-araw na baka ako ang piliin. Wag mong ibato sakin ang masasakit mong salita na dapat ay sakanya, siyang sinaktan ka’t iniwang wasak at lumuluha.
Kahit anong gawin ko, hindi kita kayang buoin kasi hindi ako diyos at hindi ako ikaw.
Bago mo ko muling lapitan,
Tumingin ka sa salamin
at tanungin ang sarili “Handa na ba ko muling magmahal?”
Handa ka na bang sumabak muli.
Ayusin ang sarili’t pahilumin ang mga sugat
at wag iasa na sa muling pag mahal
Makakalimutan ang nakalipas at mapupunan ang butas na hinahanap ng puso.
Wag kang magmahal kung alam mong
wasak na wasak kapa
Magmahal ka kapag handa kana
Kapag buo kana
Kasi kahit anong pag pilit mo
Kahit anong pagtangka mo
Puso mo ang kalaban
Puso mo ang nahihirapan
Kaya habang hindi pa huli ang lahat,
Wag mo akong mahalin kung ang puso mo
Wasak pa rin sa bakas ng kahapon.
—-
Si Darren ay anak ng isang mayaman na businessman sa Pilipinas. Alam ng lahat kung paano niya ginawa ang lahat makuha lamang ang titolong ipinangako sakanya ng kanyang ama at matapos ng ilang taong pag sasakripisyo at pag pupursige ay nakamit na niya ang kanyang pangarap. Ang maging CEO nang kanilang kompanya at ang maging handa para sa pag buo ng sarili niyang pamilya kasama ang kanyang apat na taong kasintahan na si Jana.
Si Jana, isang business marketing specialist na nakilala ni Darren during college at simula noon ay naging mabuti na ang kanilang pagsasama. Para sakanya, as long as masaya ang pamilya niya at ang kanyang nobyo, wala na siyang mahihiling pa. Ngunit sa kalagitnaan ng lahat, makikilala niya ang isa mga taong magiging kakumpetensiya niya sa lahat ng bagay.
Si Allyza, ex-girlfriend ni Darren. Umalis sila ng pamilya niya sa Pilipinas nung high school pa lamang sila at hindi niya sinabi kay Darren ang dahilan ng biglaan nilang pag migrate sa US. After ng ilang taon muli siyang babalik ng Pilipinas.
———————————————————————-
This is not your ordinary cliche love story. Things are about to get messy and tragic. People will get hurt and some will definitely lose somebody.
Thank you again and God Bless you all
IamCess · Urban