8 PAGE 8: TYPE

Alam nyo yung feeling na... Tutulongan ko sya para mapalapit sila or maging sila ng gusto kong magkatuloyan? Kasi habang tumatagal ako ata yung nagkakagusto sa kanya. Eh pano ba naman kasi. Ikaw ba naman yung may ka late night talks, joker at napapasaya tuwing kausap ka, hindi ka mahuhulog?

Pagkausap ko sya, nilalagay ko ang besh ko sa topic namin kaso... Sya naman itong iniiba. Pag hindi interesado sayo ang tao kahit anong pilit mo kung ayaw naman sayo, wag kana umasa. Kasi kung patuloy kang aasa. Ikaw yung iiyak ng dugo sa huli. Samantalang sya chill lang kasi hindi ka naman minahal. Parang si Rujan at Carla lang. Pinipilit kong ilagay sa topic namin si Carla kaso iniiba nya. Isa lang ibig sabihin wala syang interest kay Carla.

Napapahawak ako sa dibdib ko sa tuwing kakabog ito ng mabilis kapag kausap ko sya. Hindi alam ni Carla na nakakausap ko sya one week na ang nakalipas. Pag dumadaan kami ni Carla sa room nila, napapatingin ako nakikita ko syang nasa hulihan at minsan ngumingiti sakin. Medyo nabalik ngiti naman ako kaso naiwas din agad baka makita ni Carla.

"Libot tayo!" Sabi ko kay Carla.

Nanliliit ang mata nyang tumitig sakin "Malibot? Teka lang, teka lang. Nahahalata ko! Parang may hinahunting ka nanaman sa grade 8 hahaha..." Anya at tumawa.

Nito kasi mga nakaraang araw lagi ko syang inaayang maglibot sa campus. Ang totoo kasi nyan, gusto ko syang makita. Yung makita ko lang sya buo na agad ang araw ko kahit makita lang kahit hindi makausap pero mas masisiyahan siguro ako kung makaharap ko at makausap. Baka naman mahimatay ako non pagkaharap kona sya hahaha... Char.

"Ge Tara." Anya at hinigit agad ako sa kinauupuan. Dumaan kami sa corridor ng

Grade 8 at napatigil kami ni Carla ng may nagsalita.

"Rizavin!" Nanigas ako sa kinatatayoan ko. Bumaling si Carla sa pinto. Samantalang ako hindi pa nakakaget over sa pagtawag nya ng pangalan ko. Humarap ako sa kanya at ngumiti. Agad ko ring tinikom baka makita nya ang bungi ko sa baba. "San kayo?" Anya at tiningnan ako ng diretso. Napaiwas ako ng tingin dahil yung mga tingin nya para kang inaakit na magtanan hahahaha... Potek!

"Libot lang." Iminuwestra ko paikot ang point finger ko sa paligid. Nakita ko sa gilid ng mata kong tumango sya.

"Sama." Anya, Potek! Kinikilig nako ha! "Sama ako!" Anya.

"Sama ba? Sigeeee!!!!" Mahabang ani Carla sa huling salita. Tumingin ako sa kanya. Tumango tango ako at nauna nang maglakad.

Agad humabol si Carla sakin "Hoy! Di ka nang iintay" hinawakan pa braso ko. Binaling ko ng bahagya ang mata ko sa gilid baka sakaling nandyan sya. Agad akong tinampal sa braso ni Carla "Hoy! Ano tinitingin tingin mo dyan? Ayan sila oh!" Turo nya sa unahan namin. Nanlaki ang mata ko at tinikom ang bibig. Potek!potek! potek! End this world naba?

Pinipigilan kong kiligin. Pano ba naman kasi nandito si Carla.

"Crush mo no?" Pabulong na ani Carla. Bumaling ako sa kanya. Nakangisi pa ang Gago.

"H-hindi..." Umiling ako at tumingin na sa unahan.

Tinulak nya ako ng kunti "Ede wow! Halata ka eneng. Oh! Oh!" Turo nya sakin "Namumula pisngi mo kanina pa" sabay tusok nya sa pisngi ko "Tapos hindi ka tumingin sa kanya... At ngayong hindi sya nakaharap sayo panay naman ang titig mo! Natutunaw. Hahahaha... Support ako sayo besh! Tulongan kita!" Anya at kinindatan pako.

Ano daw? Tama ba pagkakasabi ni Carla? Parang nawala ang milyon milyong kaba ko dahil sa sinabi nya. Ok lang sa kanya? Ok lang talaga na yung gusto nya, ay magustohan ko?

"Ok lang sayo?" Tanong ko, tinatansya ko kung totoo ba sinasabi nya.

"I told you... Hindi ko ang mga mas bata sakin. Ayaw ko ng ganon! Ikaw talaga!" Sabay batok nya sakin. "Tulongan kita sa kanya! Mabait yan. Magtatagal kayo nyan." Anya at kumindat pa.

Dapat ako yung tutulong sa inyo para maging kayo pero nabaliktad. Dahil ikaw na yung tutulong samin para maging kami. That's why, i love my bestfriend.

"Nag reses na ba kayo?" Humarap samin si Rujan, nagtatanong.

D ako nakasagot kaya si Carla ang sumagot, sinagi pako dahil sa gulat.

"Malamang! Maglilibot ba kami kung di pa." Mataray na ani Carla.

"Hahahahahaha... Astig nitong... Carla ba to? Rujan." Tanong ng kasama nya, tumango si Rujan "Astig ah hahaha..." Tumawa pa.

"Matalino yan eh... Pilosopo hahaha..." Tumawa pa ang Rujan at napabitaw sya sakin para sugodin si Rujan. Hinampas hampas nya di naman nanlaban. Tumatawa pa. Hahahaaha... Mga gago

Nakita ko si Mam na parating, gusto ko sabihin kay Carla na nandyan na si Mam kailangan na naming pumasok kaso mas gusto ko atang manatili muna dito sa labas para makasama pa namin si Rujan.

Kaso nakita kami ni Mam kaya agad kaming pinapasok "Pasok na Pasok na..." Anya.

"Mam, di pa naman bell eh hehehe..." Ani ko.

"Gusto mo pang makasama crush mo. Mamaya na yan! Pasok na" anya.

Bat alam ni Mam? Ganon ba ako kahalata para malaman nya?

"Ah Mam, bili lang po ako tubig." Pagdadahilan ko.

"Oh sige sige... Dalian na." Anya.

Tumakbo ako sa canteen. Sumilip ako kung nakatingin ba si Mam pero hindi. Don ako dumiretso sa lababo at naghugas lang ng kamay hahahaha...

Sumunod sakin si Carla. Nandyan rin si Rujan at yung kasama nya. Napatitig ako habang papalapit sya. Ang ganda talaga ng pilik. Nabibighani ako sa pilik nyang malantik at makapal para syang may lahi.

Agad akong siniko ni Carla kaya napabaling ako sa kanya. Umiling sya. Gets kona! Natutulala nananaman ako.

Kaso nakakatakot. Kung magiging kami nga, gusto nya rin ba ako? Totoo kayang magtatagal kami tulad ng sinabi ni Carla?

"Sige pasok na kami! Maonline ka ba mamaya Rizavin?" Tanong nya.

Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya. In-off kona ang gripo. Sa unang pagkakataon titingin ako ng diretso sa kanya at makikipag usap ng normal "Oo, uhm... Sige. Pasok na rin kami." Sabi ko at tumalikod na.

Potek! Potek! Gusto ko pa syang makasama. Sana wala nalang lesson. Ano ba naman yan!

Pumasok na kami ni Carla sa loob. May naganap na quizz. Di ako makafucos, hindi kasi ako nagreview kagabi. Umaasa ako sa stock knowledge kahit wala namang knowledge. Pota lang! Kakatamad kasi mag review. Kahit anong review ko sya yung pumapasok sa isip ko! Potek.

Kinagabihan, nakita kong online sya. Nagchat agad sya sakin.

Rujan:

   Oy, may crush ka ba? Para kasing nahihiya ka kanina. Mukhang crush mo barkada ko haha.

Anong haha? Dapat hahahahaha. Para kasing pilit yung tawa na haha. Dapat hahahaha... Nako! Arte ko no? Wapakeys.

Me:

   Crush? Oo naman. Abnormal ang walang crush no! Hahahahaha... Yung kasama mo kanina? Hindi ah!

Rujan:

   Ah! Kala ko gusto mo reto sana kita hahaha...

Para akong binagsakan ng langit! Ikaw yung gusto ko tapos irereto moko sa iba. Ikaw yung gusto kong ireto sakin, hindi yung iba. Kasi ikaw ang gusto ko hindi sya.

Me:

   Ha? Yaw ko don! Hahahaha...

May hahahaha parin sa dulo kahit masakit yong sinabi mo. Tatawa kahit masakit na.

Rujan:

   Sino ba gusto mo?

Potek! Potek! Potek! Why naman ganon Rujan? Agad agad? Tatanongin moko ng ganyan.

Me:

   Ikaw

   I mean, ikaw? Sino ba gusto mo?

Oxygen nga! I need inhaler! Di ako makahinga! Kinikilig ako! Potek!

Rujan:

   Ikaw😘

Oh! Pete's shake! Ako gusto nya? Totoo ba to?

Me:

   Ako? Bakit ako? Ikaw ba kausap tong kachat ko?

Rujan:

   Ibig kong sabihin, ikaw muna sino crush mo?

Napairap ako! Ano ba naman yan! Akala ko umamin na sya. Kinikilig na sana ako eh! Bakit iniba mopa? Umasa ako eh! Pota.

Me:

   Ikaw nga. Hahahahaha

Wala namang mawawala kung aamin ako diba?

Kaso, saktong pag amin ko 2minutes active sya. Kung kelan ako umamin saka sya nag out. Nawalan ako ng gana.

May isa pang nagchat. Si Noel. Pogi si Noel. Kasing tangkad ko sya. Kayumanggi ang kulay, itim na mata, maganda rin pilik nya, makapal. Medyo payat. Matanda sya sakin ng isang taon. Grade 10 sya at ako naman ay Grade 9.

Grade 8 pa lang ako gusto na nyang manligaw sakin. Kaso naka dalawang beses na reject ako sa kanya. At ngayon gusto nanaman nyang manligaw.

Noel:

   Pwede ba ako manligaw? Kung pwede lang

Me:

   Sakin? Bakit? Di naman ako maganda.

Noel:

   Maganda ka saka mabait. Kaya gusto kita, mababasted nanaman ba ako sa pangatlong pagkakataon?😥

Chinat ko si Carla na gusto manligaw ni Noel. Sabi nya pumayag daw ako mabait yon. Marami kasing kakilala yan si Carla kaya.

Me:

   Ah, sige.

Noel:

   Talaga? So tayo na?

Potek ha! Tayo agad?

Me to Carla:

   Aba manliligaw agad kami na ba raw?

Carla:

   Sabihin mo OO mabait yan besh.

Me to Noel:

   Agad?

Noel:

   Matagal namana ako gusto manligaw sayo kaso binabasted moko. Since matagal na yon. Tayo na ba?

Me:

   Sige. Hahaha...

Bakit ganon parang di ako nasiyahan nang sagotin ko sya. Nagchat chat pa kami.

Noel:

   Kumain ka na? Kain kana wag ka papagutom.

Gusto ko talaga yung may care sakin eh! Yung pinahahalagahan ako kung sino ako.

Me:

   Oo, ikaw ba?

Noel:

   Hindi pa eh, kakatapos lang namin maglaro ng basketball sa Court ng Bulhao. Gusto mo kainin kita? Hahaha

Me:

   Ay bad Noel! No ba yan...

Noel:

   Joke lang! Ito naman masyadong mabait hahaha.

Why naman ganon? Pa- fall ha!

Inabot kami ng alas dyes nv gabi.

Noel:

   Goodnight.

Me:

   Goodnight.

Hindi pa ako nag out inintay kong may sasabihin pa sya kaso wala. Ayaw ko ng gamon. Gusto ko yung nagsasabi ng magic words. Kaso wala.

Kinaumagahan, sinabi ko kay Carla na kami na nga ni Noel. Morning class ang regular nila samantalang kami naman ay afternoon class.

Wala pang alas onse ng umaga maaga kaming pumasok ni Carla. Gusto ko syang makita kahit saglit lang.

Nasa canteen kami at sandali lang ay nagbell para sa huling subject nila. Nakita ko syang lumabas kasama ang bestfriend nyang si Paulo.

Nasa canteen kami at paparating sya papuntang cr. Ngumisi sya sakin. Ngumiti rin ako ng kunti, baka makita bungi ko. Potek! Magpapapostiso nanga ako! Si Resel kasi ay nung nasa swimming pool kami akala ko nakapadusdos na sya sa padusdosan kaso hindi pa pala. Kaya nang ako na ang magpapadusdos natamaan ng bibig ko ang ulo nya. Saka natanggal ang ngipin ko sa baba ng harap. Nagkadura pako non sa tubig dahil lumabas dugo. Sakit eh!

Bakit ganon? Kahit Boyfriend ko na sya parang di ako masaya. May hinahanap akong wala sa kanya.

Bumalik sila galing sa cr. Tumingin lang sya at pumasok na sa room nila. Ganon rin ba sya? O ganyan lang talaga sya pag may girlfriend. Ang cold nya!

Nang nagbell. Hindi sila dumaan sa canteen, inaasahan ko pa naman na makikita ko uli sya pero wala. Sa ibang corridor sila dumaan.

Pumasok na kami sa room at nakachat ko sina Clein at Suse.

Nagdiscuss ng nagdiscuss ang subject teachers namin kaso wala akong naintindihan.

Kahit maraming pinapasulat hindi ako nakakasulat ng lesson dahil iniisip ko sya. Mahal nya ba ako? O gusto nya lang ako kaya nya ako jinowa?

Nagulat nalang ako sa mga sulat ko dahil nasulat ko pala ang mga salitang hindi ko inaasahan.

Sa likod ng papel ko punong puno ng...

Mahal na mahal kita Noel.

I love you Noel.

Ikaw yung dumating na hindi ko inaasahan.

Puro heart pa. Pero bawat katagang nakalagay don ay hindi ko maramdaman na mahal nya ako.

Kaya pagkauwian ng hapon. Nag online ako at nakaonline rin sya. Wala silang pasok ng hapon, akala ko tatadtadin nya ako ng chat pag di ako online pero wala. Umasa akong uuwi akong marami syang chat sakin kaso wala pala.

Chinat ko si Carla. Kaso di pa nagrereply.

Me:

   Ayaw mo na ba? One day pa lang tayo pero ang cold mo na. Kung ayaw mo na pwede namang break na🙂

Noel:

   Bakit? Bebreak mo na ba ako?

Me:

   Kung ayaw mo na, oo. Kasi ayaw kita pilitin sakin.

Noel:

   Sige... Salamat nalang dahil naging girlfriend kita.

Namalayan ko nalang ang pagpatak ng luha ko sa pisngi. Bakit ang dali lang para sa inyo na iwan ako? Ano bang mali sakin bakit nyo ako agad iniiwan? Gusto ko lang naman magtagal tayo tulad ng iba, nagtatagal. Kung ayaw nyo talaga sakin. Hindi ko kayo pipilitin kasi tao lang din naman ako nasasaktan.

Kasabay ng pag emote ko ang pagchat ni Rujan.

Rujan:

   Oy! Sorry. Nawalan signal dito samin kagabi. Sorry talaga.

   Gusto rin kita. Pwede ba ako manligaw sayo?

Sa iyak at sakit, may aalis pero may dadating. Kung hindi nakita ang halaga mo, may isang taong makakakita non. Yung worth it.

Me:

   Sigurado ka ba?

Rujan:

   Oo naman.

Potek!

Me to Carla:

   Besh!!!!!!!!! Pota! Hayop! Manliligaw daw si Rujan! Sure daw sya. Chinat mo ba yon?

Carla:

   Tumulong lang ako no! Sabihin mo bahala ka! Ganon.

Me to Rujan:

   Bahala ka kung yan gusto mo hahahaha...

Rujan:

   Sige sisimulan ko na😉

Me to Carla:

   Besh! Kakakilig hahaha...

Carla:

   Magtatagal kayo nyan HAHAHAHA!😆

Me to Rujan:

   Ano nga palang nagustohan mo sakin bakit moko niligawan?

Rujan:

   Maganda ka, mabait at gusto kita.

Me:

   Eh bakit kay Carla ayaw mo?

Rujan:

   Bakit ikaw ba sya?

Enebeee! Kenekeleg akesh. Mey Ged!

Me:

   I mean, matagal na kayo magkakilala tapos di ka man lang nagdamoves.

Rujan:

   Hindi sya yung tipo ko. Kasi ikaw yung type ko. Iba ka sa kanya dahil gusto kita. Kaibigan lang turing ko sa kanya.

Nemen... Gusto rin po keta hehez.

Nagdaan ang mga araw at patuloy ko syang kachat. Minsan nakakausap ko pa pag reses pero bihira lang. Masaya na ako sa ganon. Basta makasama at makita ko sya, buo na araw ko. Masaya para sakin si Carla.

BLACKxNEON

avataravatar
Next chapter