5 PAGE 5: CELLPHONE

Hindi ko akalain na sa sobrang komportable naming magkausap ni Levan ay manliligaw sya. Chinat nya ako kagabi kung pwede ba raw manligaw. Grade na 9 na ako ngayon at nakakasama ko sya sa Manlapaz. Kwentohan ganon.

Nanghaharumentado ang puso ko sa nabasa ko. Agaran akong nagchat kay Carla na liligawan ako ni Levan. Kinilig naman sya. Parang akong kinikilig na ewan. Napakagat labi ako nang sabihin ni Carla na umoo raw ako.

Nanginginig pa ang kamay ko nang nagreply ako ng oo. Pota! Magkakaboyfriend nanaman ba ako? Naalala ko si Jayvee yung first kiss ko nakuha nya. Marami akong naging ka M.U pero sa isang tao lang ako interesado. Makakatikim na ba ng second kiss ang labi ko? Pota! Bat ganon ang iniisip ko? Sama naman.

Days ago... Tinatanong nya ako kung ano ginagawa ko nasan ako. Ang sweet nya lalo na pag pinapaalalahanan nya ako.

Levan:

   Tayo na ba?

Nakawala ata ang mga kabayo sa hawla dahil sa lakas ng kabog ng takbo nila pati dibdib ko ramdam ang bawat padyak ng mga kabayo. Potek! Why naman ganon Levan?

Agaran kong sinabi kay Carla na natatanong na si Levan.

Carla:

   Umoo kana! Bilisss... Mukhang mahal ka naman. Hahahaha...

Halos magkumahog ako sa pagtipa kaya simpleng oo lang ay ii ang nasend ko agaran ko yung denelete at tumipa ng panibago. Oo.

Levan:

   Talaga? Bukas kita tayo. Reses time.

Potek! As in? Magkikita uli kami? Ganon kadali? At ganon ko sya kadali sinagot? Hahaha... Isang grade 8 at samantalang ako'y grade 9.

Kinabukasan, ramdam ko ang paa kong nanginginig palabas ng room. Napahawak ako kay Carla tumawa sya. Simula kasi ng sinabi nyang manliligaw sya minsan ko nalang sya makita at malayo pa. Pero ngayon? Magkakaharapan. Nahihiya pa ako. Ewan ko ba.

"Easy besh. Boyfriend mo naman yon HAHAHA!".

Bumili ako ng valmer at coke sa canteen. Unti unting bumabaling ang ulo ko sa paligid pero di ko sya makita. At nang ako na. Nagulat pa ako ng bahagya dahil katabi ko lang pala sya sa pila.

Tumawa sya at umiling. Maglalakad na sana kami papasok sa room ng bigla akong napatianod sa hila ni Carla palapit kay Levan "Don kayo!" Turo nya sa pang apatang table.

Na estatwa pa ako. Kami lang bang dalwa? Andaming tao. Kakahiya. Maraming nagkakagusto kay Levan at isa na ako don. Gwapo kasi at mabait minsan masungit at mayabang hahaha.

Umupo ako paharap sa canteen at sya naman ay paharap sa room. Ramdam ko ang tingin ng mga tao samin ng iwan kami ni Carla ron. Kumaway pa ang Carla at nakipag asaran sa mga kaklase namin.

"Kainin mo na yan... Baka mag time na." Anya habang nakatingin sa pagkain kong nasa mesa.

Kinuha ko yon at dahan dahang binuksan. Ano na naman yan bat ang hirap. Gusto ko nang wasakin yung plastik pero kakahiya naman sa harap pa talaga nya? Pilit kong binubuksan iyon pero hirap talaga ako.

Napabaling ang tingin ko sa kanya ng kunin nya yon sakin "Ako na..." Mahina nyang ani. Tumango ako. Napaka gentle ng pagbukas nya. Pero nagulat ako dahil ang hinliliit nya ay nakataas. Pinagsawalang bahala ko na lang yon. Ibinigay nya yon sakin. Ngumiti sya ng kunti.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin. Potek! Naging kami lang parang di na kami komportable sa isa't isa. Ang lapit nya sakin pero parang ang layo nya parin.

Kumain na rin sya ng kanyang burger at mountain jew. Dinilaan pa ang mayonnaise sa gilid ng labi. Kumunot ang noo.

Hot ng Boyfriend ko! Pakiramdam ko namula na parang kamatis ang pisngi ko sa naisip kong yon.

"Sila Rose ba nakita mo?" Tanong ko dahil walang nagsasalita saamin.

Ngumuya muna sya at umiling "Diba magkagrade kayo? Bat mo sakin tinatanong grade 8 lang ako." Iritado nyang ani.

Tama ba ako? Parang may nagbago. Noon pa man ganyan na sya magsalita sa personal maharsh pero normal yon para sa kanya kumpara sa ibang tao. Pinagsawalang bahala ko nalang yon at namamayani ang sobrang tinding katahimikan sa amin. Napapabaling nalang ang tingin ko sa paligid. Sa mga kaschool mate.

Nagbell na. Hudyat na tapos na ang reses.

"Sabay tayo pag uwi." Anya nang makaalis na.

Nakahinga ako ng maluwag ng pumasok ako sa room. Potek! Andami atang kabayo kaya sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

May groupings na nangyari. At pipili ang leader kung sino ang gusto nyang makagrupo. At ayon nanaman. Ako nanaman ang huli. Halatang pilit lang yung pagpili nila sakin. Kung di pa pinilit ni Carla yung leader wala pa akong groupings. Kung ayaw nyo sakin ayaw ko rin sa inyo. Mas lalo ata kayong nagyabang. Gusto nyo kayo lang ang tataas ang marka. Di porket bobo ako gagantohin nyo na ako. Tao rin ako nasasaktan.

Habang nakabilog kami. Hindi nila ako pinapansin "2 pesos Rizavin. Bibili tayong Manila paper. 5 pesos na pala." Ngumiti pa ng plastik ang kaklase ko.

"Bat 5 pesos? Diba dapat piso lang? 10 tayo sa grupo oh!" Turo ko sa kanila "7 pesos lang naman ang manila paper."

"Arte mo! Bumigay kana. Wala ka namang pakinabang" sarkastikong ani Brits.

Umiling si Rubels "Bibili pang pentouch." Anya. Binigay ko ang 5 pesos.

Umirap ako kay Brits "Yabang mo. Di ka nga dito. Di ka rin naman pinili. Yabang yabang kala mo'y magaling." Pabulong kong ani. "ARAY!" napahawak ako sa likod ng ulo ko ng batokan nya yon. Medyo malakas lalo na lalaki sya.

Madilim ang ekspresyon ng mukha ni Brits habang nakatingin sakin "Sinong mayabang? Ha? Napilitan lang naman silang piliin ka eh! Kasi di ka kapili pili. Panget mo." Matigas nyang ani sa huli.

Susugod na sana ako ng pumagitna si Carla samin.

Aminadong tamad nga ako mag aral pero malayo ang pangarap ko.

Bumalik si Rubels ng dala lang ay Manila Paper. Napakunot ang noo ko ng kumuha sya ng pentouch sa bag nya. Meron naman pala sya bat sabi nya bibili pa. Bakit ba penipirahan nyo ako? Hindi ako mayaman.

Uwian na at sinabi ko kay Carla na sabay kami ni Levan umuwi. Nakita ko si Levan na galing sa Cr. Hinala ako ni Carla papalapit sa kanya. Ngumiti sya at lumapit sakin.

"Sina Rose nakita mo? Uuwi na din ba sila?" Ani ko nang maglakad na kami palabas ng CNC.

Napakagat ako ng labi sa tanong kong iyon baka irita nanaman sya.

Inilabas nya ang cellphone nya at panay ang scroll sa facebook, paminsa'y may nachat hindi ko alam kung sino.

Nagkibit balikat sya "Di ko alam." Sumulyap sya sakin "Bakit sila ang hinahanap mo? Ako yung nandito, kasama mo. Pero iba ang hanap mo? Ano ako dito?" Iritado nyang sabi.

Agad akong umiling iling "Hindi, hindi. I mean..." D kona nadugtongan dahil pinagcross ko ang braso ko sa braso nya. Napatingin sya ron at tumipa nalang sa cellphone.

Ngayon nalang nga kami nagkasama nagcecellphone pa sya.

Nasa tulay na kami at ganon pa din sya.

"Magala pa raw sila ng kaibigan nya." Anya at sumulyap saakin.

Tumango ako.

"Ano besh? Uuwi na kayo?" Ani Carla na nasa likod pala namin. Sinulpayan ko sya dahil mukhang kinikilig sya saamin.

"Uwi na ba?" Tanong ko kay Levan.

"Uh. Kung yon ang gusto mo sige..." Anya.

"Oh right!" Tili ni Carla, "Para!" Anya sa tricycle. Nasa harap na kami ng munisipyo. Pumasok ako sa loob at ganon rin si Levan. Magkatabi kami ngayon. Si Carla naman ay nasa likod ng driver, nakahead seat pa habang kumakanta.

Nagkwentohan kami ni Levan sa loob ng tricycle about school at about na rin sa mga kaibigan namin sa Manlapaz.

Unang binaba si Carla. Sunod ay kami na. Pumasok na sya sa kanilang bahay. Pumasok na ako sa bahay ng makita ko si Papa na umiiyak at si Mama na malungkot din. Si Nanay naman ay nanunuod ng Tv. Anyare?

Sinabi ni Papa na lilipat na raw kami ng bahay at doon na maninirahan hindi pa sure kung sa Calabasa nga. Malayo ang Calabasa mahihirapan ako sa byahe. Last year kasi nakunan si Mama at sinasabing may engkanto sa labas ng bahay namin. May puno kasi don, sinabi ng albularyo na umalis na sa bahay na yon para mabuhayan si Mama ng anak. Pangalawang kuha na kasi sa kanya non. Mahihirapan din si Papa dahil mapapayo sya sa trabaho. Naniwala kami saalbularyo dahil maraming namatay na asong lalaki sa amin at may namatay rin na batang lakaki. Sabi ng albularyo na lalaki ang kinukuha ng engkantong iyon.

Umuwi ako ng bahay na masaya. Ansaya ng puso ko dahil kasama ko sya. Medyo nainis lang ako dahil nagcecellphone sya. Cellphone lang naman yon. Ok lang.

Nag online ako at nakatanggap ako ng chat mula sa kanya. Nakatanggap rin ako kay Carla kung nakauwi na ba daw ako. Sabi ko oo.

BLACKxNEON

avataravatar
Next chapter