18 PAGE 18: I'M THE RIGHT PERSON

Habang tumatagal, mas lalo ko syang minamahal. Alam nyo yung pakiramdam na makausap mo lang sya, sobrang saya mo na? Pano pa kaya kung makasama at makita mo? Siguro pwede ka nang mamatay! D joke lang HAHAHAHA! Gusto ko pa syang makasama habang buhay.

Sa dami nang tumangkang manligaw sakin. Sya lang ang pinili ko. Hindi naman sa nagyayabang pero pag single talaga ako, marami akong nakakachat na gustong makipagkaibigan kahit gusto naman talaga akong jowain. Maraming tumangkang manligaw, hindi naman sa binabasted ko. Hindi lang ako nareply at umiiba nalang ako ng topic. Feel me? Yung ayaw mong masaktan yong may gusto sayo?

May 16, 2019. Nag ipon talaga ako ng pera pangpamasahe papuntang Manlapaz. And, nakaipon naman ako ng 200. Syempre inaya nya akong kumain sa labas.

Nandito kami sa 7/11 sa labas. Tirik na tirik ang araw. Tanghaling tapat kasi. Maraming tumatambay sa 7/11 libre kasi wifi, kaso sa dami nang como-connect ay humihina na.

Nasa loob sya para bumili ng footlong. Anlaki non baka hindi ko maubos. Pero dahil nga hindi nako kumain ng tanghalian ay maaaring maubos ko yon. Binili nya yon eh, Hehez.

Lumabas na sya at ngumiti agad sya sakin. Umupo sya sa harap ko at nilapag ang footlong at soft drinks sa hapag.

"Kumain ka ba ng tanghalian?" Tanong nya.

Ngumiti ako "Oo naman. Ikaw ba?"

"Syempre naman. Kaso mukhang mabubusog uli ako Hahahaha! Ayaw ko tumaba! Ikaw pa. Dapat tumaba ka naman." Anya at pinisil pa ang braso kong nasa mesa. Nahampas ko yon at humalakhak naman sya.

Agad nyang pinisil ang pisngi ko "Cute mo!".

Tumayo ako at tumungo sa likod nya. Niyakap ko sya mula sa likoran. Nakapatong ang baba ko sa balikat nya. Napahawak sya sa braso kong nakapalibot sa leeg nya papunta sa balikat.

"Happy 2nd Monthsarry, Love... I love you forever!" Sabay kiss ko ng mabilis sa kanang pisngi nya.

"I love you too, Love... Happy 2nd. Hope magtagal pa tayo kahit toyoin ka HAHAHAHA!" Humalagpak sya ng tawa.

Napatayo ako at hinampas ang kanang balikat nya. Actually pagnahampas ako mahina lang.

Agad nyang pinalibot ang kaliwang braso nya sa likod ng bewang ko sabay hapit nya sakin paupo sa kandungan nya. Medyo napatalon ako dahil hindi ko akalaing iuupo nya ko ron. Naipatong ko ang braso ko sa batok nya at ang kamay ko'y nasa kanyang balikat. Nakahawak sya sa mesa para masuportahan ang likod ko.

Humalakhak sya at agad hinawakan ang pisngi ko. Bawat haplos nya ay para akong naiinitan. Mainit nanga panahon mas lalo pa ata akong nainitan. Napatingin ako sa paligid, and Thank God! Wala namang nakatingin samin dahil busy sa kakacellphone.

Hinaplos nya ang gilid ng pisngi ko pababa sa ilong ko papunta sa labi. Napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Para akong maiihi sa kiliting ginagawa nya sakin. Haplos pa lang yon. Pano pa kaya kung bigla nya akong kilitiin sa bewang baka maglupasay ako dito. HAHAHAHA!

Napabaling ang mata ko sa kalsada dahil sa narinig kobg kabog ng bola sa sahig. Medyo napatalon ako dahil si Clein yon. Ngumiti sya sakin at kumaway. Kita ko ang pagkalungkot ng mata nya pero ngumiti pa rin. Siguro dahil sa break nila ni Jessa.

Nakawala na si Clein at nanlaki ang mata ko dahil bigla akong hinalikan ni Rogue. Napasinghap ako. Naamoy ko agad ang mabango nyang bibig. Para bang nakakaadik. Magaling sya. Sobra! Magaling humalik. Siguro mahilig to manuod ng kissing scene.

Naramdaman ko ang paghawak nya sa likod ng ulo ko. Mas idiniin nya ang labi saakin. Naibahagi ko ang labi ko. Naramdaman ko ang pagpasok nya ng dila saakin. Parang nanlaban ang dila ko at parehas nang nageespadahan sa ginagawa. Hindi ko akalaing sa ganitong pangyayari. Mas lalo ko syang nagugustohan. Hindi dahil sa halik nya, kundi dahil sa napakaalaga nya. Wala ka nang mahihiling pa.

Napatigil kami at nakaawang kaming pareho para lumanghap ng hangin. Nawalan siguro kami ng hinga. At kung hindi yon natigil ay maaaring tumigil ang pagtakbo ng puso namin.

Ramdam ko ang kabog ng puso nya mula sa gilid ko at ramdam ko rin ang akin. Napahawak ako ron dahil parang sumikip. Matagal ko nang nararamdaman to. Sumisikip ang puso ko madalas. Sinabi kona kala Mama pero wala kaming pangpagamot.

Nagkatitigan kami. Medyo nakatingala sya sakin dahil mas mataas ako sa kanya dahil nasa kandungan nya ako. Ngumiti sya kinuha ang footlong na nasa mesa. Binuksa nya yon gamit ang isang kamay at itinapat sa bibig ko. Agad ko yong kinagatan.

"Sarap?" Tanong nya habang nakangisi.

Tumango ako.

"Alin? Yung halik ko o yung kiss ko?" Namumungay ang mata nyang ani.

Sa perpekto nyang mukha talagang mahahanga ka. Nanlaki ang mata ko sa tanong nya at tumingin ako sa hawak nyang footlong. Narinig ko ang paghagikgik nya. Tinampal ko sya at tumayo na. Umupo ako sa kinauupoan ko kanina.

Naka blue jumper ako at off shoulder sa loob. Naka white shoes na babagay sa suot ko. Naka-bun ang hair ko at may light make up.

Napatingin ako sa labi nyang pulang pula. Kinuha ko agad ang tissue na nasa mesa at pinunasan ang labi nya.

"Ngumuso ka." Sabi ko.

Ngumisi sya "Bakit? Makiss uli tayo?"

"Pulang pula labi mo! Sabihin naglipstick ka!" Umirap ako.

Ngumuso sya at idiniin ko ang tissue para matanggal ang liptint na nasa labi nya.

May kunti pang pula pero hayaan na hindi na kasi matanggal at hindi namana halata. Dadampotin kona sana ang footlong na hawak pa rin nya nang bigla nya yong inilayo saakin. Sumimangot ako at ngumuso.

"Hindi pako kumakain! Akin na kasi..."

Umigting ang panga nya parang galit. Kinabahan ako, dahil naisiwalat ko na hindi pa ako nakain.

"Hindi ka pa nakain?" Mas lalong dumepina ang panga nyang nangangalaiti.

Tumawa ako para maibsan ang iritasyon saming dalawa "Kumain nako no! I mean, hindi pako nakakain ng footlong..." Ngumiti ako at nagpuppy eyes.

Nagulat ako dahil tumayo sya at hinigit ako patayo. Hila pa rin nya ako habang hawak ang pagkaing binili.

Tumungo kami sa Papa Zaldish. Pinaupo nya ko ron. Maraming tao sa loob. Isa tong restaurant. Kulay yellow ang ilaw sa loob. Nagpapatugtog ng 'Gusto kitang isayaw ng mabagal'.

Pinaupo nya ko ron at tumabi sya sakin. Nakapalibot ang kamay nya sa bewang ko.

"Pumili ka. Yung may kanin ha! Alam kong di kapa nakain. Pili na. Ayaw kong nagugutom ka." Anya.

"Uh... Ito nalang... Yung mura." Sabi ko turo sa isag dish na 80 pesos lang.

Bumuntong hininga sya "Yan ba talaga? Alam kong hindi yan! Pumili ka kahit ano."

"Ito na." Sabi ko.

"Sure? Sige." Anya at tumayo na.

Nakabalik na sya. Kinuha ko naman ang cellphone ko at nagselfie. Hinapit ko ang ulo nya para magdikit sakin. Ngumiti sya sa picture. Maraming picture ang nagawa namin. Agad nyang hinablot ang cellphone sa kamay ko at pinicturan ako mag isa.  Bumwelo naman ako para magpose. Nakaisang picture lang sya sakin dahil dumating na ang order.

"Yung sayo?" Tanong ko dahil yung akin lang yon.

"Sayo lang. Busog nako!" Anya at ginamit ang cellphone ko.

Nilagyan ko ng sabaw ang kanin ko agad akong kumain. Ansarap! Nilagyan ko ang kutsara at hinarap kay Rogue. Nanlaki ang mata ko dahil kanina pa pala nya ako pinipicturan gamit ang cellphone ko.

Nilapag ko ang kutsara at aagawin na sana ang cellphone nang inilayo nya to sakin. Inaabot ko sa kanya pero napatigil ako dahil nakatingin ang marami saamin.

"Sanaol!" Sabi nong isa.

"Sweet!" Sabi pa nong iba.

Nahiya ako kaya imbes na makipag-agawan pa sa kanya ay binilisan ko ang pagtapos ng kinakain. Ansarap talaga. Nilahad ko ang kutsarang may kanin at ulam sa kanya.

"Ansarap! Tikman mo!" Sabi ko at tumaas ang kilay nya sabay subo sa pagkain.

Ngumuya sya at kumikibot ang kilay sa pagnguya. Tumango sya at nagpunas ng tissue para magpunas ng bibig.

Lumapit sya sakin at bumulong "Mas Masarap pa rin ang..." Sabay tingin nya sa labi ko. Naitikom ko yon sa kahihiyang sinasabi nya. Kukunin kona sana ang cellphone kong hawak nya ngunit humalakhak sya at lumayo ulit sakin. Ngayon, hindi na nya ako pinipicturan. May kinakalikot lang sya. Ewan ko kung ano. Wala naman syang makikita na cheating dahil pagmahal ko. Sya lang at wala nang iba.

Nang maubos ko ang kinain ay dumighal ako at agad nyang sinubo ang footlong sa bibig ko.

Bumusangot akong tumingin sa kanya. Humalakhak sya "Pakabusog ka, Love..." Anya at kumain na rin ng kanya.

Binalik nya sa akin ang cellphone ko. Tiningnan ko kung anong ginawa nya pero wala naman akong nakita. Kahit picture ko ay wala. Siguro denelete na. Bakit naman nya ko pipicturan kung idedelete rin nya diba?

"Anong ginawa mo? Akala ko nagpicture ka? Stolen? Asan ang epic?"

Ngumisi sya "Secret" kumindat pa. Napahawak sya sa bibig nya at hinablot ang cellphone ko sakin. Tiningnan nya ang dila nya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang maliit na dugo sa dulong dila nya.

"Anyare dyan?"

"Kinagat mo! ano pa?" Anya.

Nanlaki ang mata ko dahil napalakas ang pagkakasabi nyang yon. May nakita akong nakatingin pa samin kaya agad kong tinakpan ang bibig nya.

"Shhh... Narinig ka! Kakahiya..." Bulong ko.

Humalakhak sya "Buti nang alam nilang akin ka!" Kumindat pa.

Umirap ako at hinawakan ang magkabilang pisngi nya. "Labas mo dila. Patingin" sabi ko.

Nilabas naman ny at sinuri yon "Masakit?"

"Ok lang masaktan basta sayo galing..." Ngumisi sya. Agad ko syang hinampas sa braso at humalakhak naman sya. "Andami palang gustong manligaw sayo? Bakit ako yung pinili mo?"

Siguro nabasa nya sa messenger. "Bakit naman hindi kita pipiliin? Eh, pinili mo nga rin ako eh." Ngumiti ako.

"Binasted mo ba? Buti hindi ako yung nabasted." Ngumiti sya.

"I reject others just for you, Love... Hindi pa tayo, Gusto na kita. At nang malaman kong gusto mo rin ako? Mas lalo kitang nagustohan."

"Nireject mo?" Nagulat sya.

Umiling ako at hinawakan ang kamay nya. Pinagsiklop namin ang daliri habang nakapatong sa mesa.

"Hindi ko sinabi pero pinadama ko sa kanilang hindi pwede dahil may gusto na akong iba. Umiiba ako ng topic ayaw kong sabihin sa kanila na ayaw kong pumayag na manligaw sila sakin. Ayaw kong makasakit, kasi alam ko yung pakiramdam na masaktan." Ngumiti ako ng malungkot.

"Thank you..." Sabay haplos nya sa pisngi ko. Napapikit ako sa haplos nya.

"Para san?"

"Kasi ako yung pinili mo kahit ganto lang ako. Hindi ako gwapo, hindi ako deserve para sa magandang tulad mo. Naglakas loob pa ako non nang sabihin sayo. Sa personal sana kaso ayaw kong mabasted ng personal. Masakit yon!"

"HAHAHAHA!... Pogi ka naman. Kaso kahit hindi ka naman pogi siguro magugustohan kita. Ikaw yung tipo ng Boyfriend na hihilingin ng lahat." Ngumiti ako at hinapit nya ako para yakapin ng mahigpit.

"Happy 2nd, Love... I love you so much!"

"I love you... hindi ko akalaing magtatagal tayo. Kasi walang nakakatagal sakin. Days lang. Minsan iniisip kong baka magbreak din tayo---"

"Shhh... Hindi yan mangyayari. Mahal kita sa kung ano ka." Anya.

Ngumiti ako.

Nang kumalas kami sa pagkakayakap ay pinunasan ko ang luha nyang tumulo.

"Alam mo bang ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiyak?" Ngumisi ako.

"Mahal kasi kita kaya ako naiyak" anya at suminghot dahil nagkasipon sa iyak.

Naiiyak tuloy ako. Pero pinigilan ko.

Kinuha ko ang footlong ko at kinuha nya in ang kanya. Pinaikot namin ang pareho naming braso sabay kain. Inilalayo nya ang braso ko sa tuwing kakain na ako, ginagawa ko rin sa kanya kaya pareho kaming tumatawa.

"Ang ingay natin hahahaha!" Tumawa ako.

Nang makalabas na kami ay tumungo kmi sa simbahan. Malapit lang naman yon dito.

"Bili lang ako kandila." Sabi ko. Nakasiklop ang daliri namin sa isa't isa.

Tumango sya at tumungo kami sa nagtitinda ng mga kandila. Bumili ako, binigyan ako ng tindera ng tatlong piraso at nagbayad ako ng five pesos.

Tumungo kami sa tirikan ng kandila at kinuha ni Love ang isang kandila at tumirik rin. Tinirik ko ang isa. Ang hirap pa dahil mahangin. Nawawala ang sindi. Nilagyan ko na rin ang isa at nanguros. Nagdasal ako at ganon rin sya.

'Sana Lord, nasa mabuti kaming kalagayan... Pagalingin nyo po ang aming nga sakit. Sorry po sa lahat ng kasalanan kong nagawa at nagawa naming lahat. Maraming salamat po sa lahat. Sana wag kayong magsawang tulongan kami at ibigay ang aming pangangailangan. Mahal na mahal ko po kayo... Sana ang lalaking katabi ko ang syang makasama ko habang buhay... Sana sya na po...'

Napamulat ako at napabaling ang tingin ko kay Rogue na nakapikit. Dumilat sya at namumungay ang matang ngumiti sakin.

"Anong dinasal mo?"

"Sakin na yon HAHAHAHA!..." Tumawa pa.

Hinigit nya ako papasok ng simbahan. Umupo kami sa pinakalikoran. Malapit sa electric fan para hindi mabanas.

"Alam mo ba dati... Sa tuwing magsisimba kami ni Clein, kasama nya si Jessa. Ako yung third wheel hahaha... At ngayon, may girlfriend na rin akong kasama. Kaso si Clein naman ang wala. Buti yon para masulo kita hahahaha..." Hinampas ko ang braso nya.

Nagsimula ang misa. Sa ama namin ay nagkahawak pa rin ang kamay namin. Ramdam ko ang pagkabasa ng kamay ko dahil pasmado. Tinatanggal ko ang kamay ko sa kanya ngunit mas hinihigpitan nya ang pagkakahawak.

"Basang basa kamay ko. Pasmado..." Bulong ko.

"Ok lang, Love... Basta ikaw." Ngumiti sya.

Madulas na ang kamay ko dahil sa pamamasa.

"Peace be with you..."

"Peace be with you..."

"Peace be with you..."

Nag "Peace be with you" rin ako at si Rogue sa unahan at likod.

Nang magkaharapan kami ay pabulong  nyang sinabi ang "Kiss be with you..." Agad kong pinisil ang kamay nya at tumawa sya ng marahan.

Napailing ako at napangisi. Agad nyang kiniliti ang bewang ko kaya napalayo ako sa kanya. Napairap ako at nakita ang mga kaklase ko dating nakangisi samin.

Nang matapos ang misa ay tumungo kami sa park. Bumili muna kami ng street foods.

Fishball at kikiam ang binili nya at palamig.

Naglakad na kami papasok ng park.

"Sakit na ng tyan ko. Baka tumaba ako nito." Puna ko.

Tumawa sya.

Dumaan ang mga araw. Sa chat nalang kami nag uusap. Minsan hindi kami nagkakausap  dahil aalis na sya papuntang Naga. Pinapaalagaan sya kanya ang anak ng pinsan nya. Babayaran raw sya arawan.

2 weeks raw  syang nasa Naga. Minsan nalang kami nagkakausap. One time nagvideo call kami. Hinarap nya yon sa batang nasa kuna. Inaalagaan nya. Ang cute. Ang puti.

"Ang cute!" Gigil na sabi ko.

"Pag uwi ko dyan bigyan kita nito." Anya.

"Huh? Alin?" Nagugulohan kong tanong.

Tinuro nya ang bata "Baby... HAHAHAHA! Bigyan kita baby... Sabay nating aalagaan hahahaha..."

"Kung nandito ka lang... Hampas abot mo sakin!"

"Ayaw mo ba?" Ngumuso sya.

Di ako nakapagsalita. Noon pa man, sinasabi nya ang pangarap nya para saming dalawa. Alam nyo yung feeling na kasama ka sa bawat pangarap nya? Gusto raw nya ang buong pamilya at may maayos na buhay. Magtatrabaho raw sya ng mabuti para saaming magiging anak. Hindi ko akalaing maiisip na nya yung ganon.

Narinig ko ang pagkalabog. Napatingin ako sa kanya "Speechless?" Anya.

Inilayo ko ang cellphone dahil sa kilig. Potek! Wag ka nga... Hehez.

"Hoy! Asan kana, Love... Hahahaha!"

Nilagay ko ang bibig ko sa speaker "Kinikilig pako. Potek ka!" Tumawa sya.

"Patingin ng kilig... Hahahaha! Miss na kita." Anya. "Pag uwi ko dyan, Pa-daet tayo. Gusto mo ng Wattpad Book diba? Bilhan kita." Anya.

Hinarap ko ang cellphone sakin "Ha? Wag na! Sayang pera mo"

"Kaya ako pumayag na alagaan ang baby para mabigay ko ang gusto mo." Anya.

"Eh binigay mo namana. Nasakin kana..." Tumawa ako.

Inilayo nya ang cellphone. Yung baby nalang ang nakikita ko. Asan na yon? Kinilig ba? Hahahaha! Akala mo ikaw lang kayang magpakilig no? Ako rin kaya...

"Hoy! Kinilig ka ba? Hahahaha!" Sabi ko.

"Basta, bilhan kita ha! Miss you, Love..." Ngumiti sya.

"Miss you... Uwi kana hahaha..."

Narinig ko ang pag iyak nong baby kaya nagpaalam na sya.

Nag aalaga na sya ng baby. Pano pa kaya kung may baby kami? Ang cute tingnan ang lalaking nag aalaga ng baby. Ako kasi minsan pinaalaga sakin yung anak ng Tita ko kaso yung Marie na biscuit ako lang nakaubos HAHAHAHA!  Nangayayat yung bata kaya hindi na sakin pinaalaga.

Sya lang yung tumagal sakin. Kahit mahirap akong intindihin. Sya lang yung tyumaga sakin na intindihin ako. Sya lang yung tumagal sa pag uugaling meron ako. Pakiramdam ko nga ayaw nila Mama kay Rogue. Pero kahit na ganon, pinaglalaban ko sya sa pamilya ko.

Maraming beses akong natanggap na chat sa Mama nya. Alam kasi ng Mama nya na girlfriend nya ako. Kahit hindi pa nya ako nakikita in person. Madalas syang hanapin ng Mama nya sakin noon.

Mama ni Rogue:

   Nakita mo si Rogue? Sabi pupunta raw sya dyan?

Me:

   Wala na po ako sa Manlapaz. Wala rin po sya dito sa bahay namin sa Calabasa. Bakit po?

Mama ni Rogue:

   Baka naman tinatago mo? Hindi butog ang anak ko. Asan ba sya?  Ilabas mo na.

Me:

   Wala po sya dito... Sorry po Tita, wala po akong ilalabas dahil wala po sya dito.

Seneen na nya. Minsan naibadbaran ako sa Mama nya. Laging hinahanap sakin kahit hindi ko naman sya kasama.

One time nagchat sakin si Mary na sumugod raw ang Mama ni Rogue sa bahay nila Suse. May dala daw itak. Hindi panga ako makapaniwala. Pero totoo raw. Pinapalabas daw si Rogue. Nang makalabas daw si Rogue ay may hawak na yosi. Agad daw kumaripas ng takbo si Rogue ng batohin sya ng tsinelas ng Mama nya. Minsan nahihiya na raw si Rogue.

Nong April ay napagkasundoan naming magprosisyon. Kasama ko si Mary at Suse. 3pm pa lang ay tumungo kami sa bilihan ng shake pinili namin yung mango shake, 25pesos. 5pm ay nakita namin si Rogue na nagcecellphone sa harap ng simbahan. Niyakap ko agad sya mula sa likod. Tinagilid nya ang ulo nya para makita ko ngumiti sya.

Tumungo ako sa harap nya at hinawakan nya agad ang wrist ko. "Magchachat pa naman sana ako na nandito nako kaso nandito na pala kayo..." Ngumiti sya.

6pm nagsimula ang prosisyon. Tahimik lang kaming naglalakad. Si Mary at Suse ay napapalayo. Lumalapit pa sa mga santo para makaagaw ng bulaklak mamaya.

Nakaramdam ako ng paninigas ng tyan. Noon pa man may sakit na talaga akong ganito. Napatingin ako sa paligid kung nasan na sina Mary. Napahawak ako sa tyan ko.

Hinawakan ni Rogue ang braso ko. "Anong nangyayari?" Nag aalala nyang ani.

"Ansakit ng tyan ko."

Dinala nya ko sa tabi at umupo kani sa tricyle sa likod. Nakaramdam ako ng pagsusuka. Tumungo ako sa madilim para maisuka.

"Katinko." Sabi ko habang nasa likod ko sya.

Umalis sya at maya maya'y nang makabalik nandyan na si Mary at inabot sakin ang katinko. Binuksan ko yon ng mabilis at nilagyan ang tyan ko.

"Tubig, Mary..." Nanghihina kong ani.

Tumakbo si Rogue. Nang makabalik ay binigay nya sakin ang tubig at nagmumug ako sabay luwa. Uminom na rin ako.

"Ok kana?" Nag aalalang tanong nila.

"Medyo..." Sagot ko.

Alam nyo yung pakiramdam na parang tumigas tyan mo.

"Ano bang kinain mo? Yung huli." Tanong ni Rogue.

"Mango shake lang naman kinain natin ah..." Sagot ni Mary.

Umigting ang panga ni Rogue. Kahit medyo madilim ay kita ko ang pagkaigting non.

"Baka sira yung mangga..." Anya.

Nagpahilan muna kami at nang ok na ay naglakad na kami.

"Ano? Uuwi na ba tayo?" Tanong ni Rogue.

"Hindi... Diba pupunta pa tayong CNC?" Sabi ko.

Tuwing bakasyon kasi may Ferris Wheel, Caterpillar, Horror House at kung ano anong nakakaliwaliw sa CNC.

"Ok kana? Sure ka... Love?"

Ngumiti ako at tumango.

Naglakad kami papuntang CNC. Sa tulay pa lang ay rinig na rinig muna at kitang kita ang ingay sa labas ng School. Maraming tao, Sobra.

Nagpahilan uli kami sa Stage ng CNC sa labas at tumungo na si Mary at Suse don para maglaro.

Inaya ko na si Rogue na mag ferris wheel. Gusto nya raw kasi to.

Sya ang nagbayad para sa ticket. Sumakay na kami. Halos mabilaukan ako nang gumalaw agad yon. Para kang dinuduyan. Pataas ng pataas habang may dumadagdag para sumakay. Nasa tuktok na kami at kitang kita ang ang taas. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay nya at tumawa sya.

Unti unti nang umiikot at napapatili ako sa ikot na yon dahil pabilis ng pabilis. Tumatawa si Rogue. Ako naman at kabado na dahil sa bilis ng ikot.

Nang makababa ay ramdan ko ang bilis ng kabog ng puso ko.

"Kinabahan ka ba? Hahahaha... Grabe ang tawa ko sayo." Anya.

"Wala kang ginagawa kundi panoorin akong sumigaw eh no?" Sabay hampas ko sa braso nya.

Tumawa sya. Nakita ko si Suse at Mary na nag aaway na sa nilalaro.

Umupo muna kami sa malaking bato. Bumili si Rogue nang burger at binigay sakin.

"Kainin mo yan. Naisuka mo ang kinain mo." Anya.

"Love you..." Ngumiti ako.

"So much, Love..." Sagot nya.

Yung aalagaan ka... Yung kailangan busog ka lagi na ayaw nyang nagugutom ka. Si Rogue yon.

"Bakit mo ba ako minahal at nagustohan?" Tanong ko sa katahimikan.

"May dahilan ba lagi para magustohan ang isang tao?"

"Ewan ko... Nagtataka lang talaga ako. Hindi naman ako maganda, ikaw na ba yung tamang tao para sa tulad ko?"

"Yes, I'm the right person... Cause, In the eyes of the right person, You will always be beautiful..." Anya.

Ngumiti ako at niyakap sya.

8days na syang nasa Naga. Bihira na kami magkausap. Pero ganon paman... Tinatadtad ko sya ng chat tulad ng pagtadtad nya sakin.

BLACKxNEON

avataravatar
Next chapter