15 PAGE 15: FIREWORKS

9am palang nandito na kami sa Salon ni Carla. Nilibre pako ng Gago HAHAHAHA! Sabi ko nang wag na dahil masasayang lang pera nya, pero sabi nya si Mama raw nya ang nagsabing ilibre nako.

Red na may design na black dot pa-horizontal ang kuko ko sa paa at kamay. Pinasalon rin ang short hair ko. Nag straight ang buhok ko at kumintab. Minake - upan rin kami.

Kala Carla na rin ako nagpalit ng isusuot. Nasisiyahan ako dahil dito. Ang ganda pa ng suot ko kahit hindi sa Mall binili. Nagpalit ako sa kwarto nya sa Cr. Si Carla naman ay nasa kusina nila para tingnan kung maayos na ba ang dadalhin. Magdadala kasi sya ng puto. Pinadala sya ni Mama nya para raw sa meryenda. May pangmeryenda naman kami na aruskaldo kaso pinadalhan pa rin sya ni Tita.

Lumabas nako at pumunta kay Carla. "Besh..." Nagkamot pako sa ulo baka panget sa iba "Ma-maganda ba?"

Tumingin sya sakin at tiningnan ako mula o hanggang paa at bumalik sa suot ko. Napa 'o' ang bibig nya "W-what T-the? Yan yon?!!!... My God!" Niyugyog nya pa balikat ko "Ang ganda!" Halos mangisay sya sa suot ko. "My God ang ganda! Hahahaha... Baka ikaw ang pagtuonan ng pansin! Wag kana sumabay sakin! Bye..." Kumaway sya sakin at lumabas na.

Tumawa ako at sumunod sa kanya.

Bumalik sya "Bat nga pala ako yung aalis eh samin tong bahay hahahaha... Ikawna umalis... Sho... Sho..." Tinaboy taboy pa nya ako.

Tumawa ako at umiling "Ewan ko sayo HAHAHAHA!... Ok lang ba suot ko? Bagay ba?"

"Pa-humble kapa!" Pinalo pako sa braso. "Manang, pakidala nalang po nyan mamayang alas dos sa School. Salamat po. Pakisabi po kay Mama na aalis na kami." Anya.

Pumara kami ng tricyle.

"Pwede namang maglakad nalang tayo hahahaha..." Untag ko.

"Jusmeyo marimar, Rizavin! Gusto mo talaga maging center of attention no? Hahahahaha".

"Loka loka ka!" Puna ko at humalakhak sya ng tawa.

Sumakay kami sa tricyle. Pumasok ako sa loob. Nagulat pako dahil pumasok rin sya.

"Himala pumasok ka rin? Akala ko sa likod ka ng driver uupo."

"Eh, magugulo buhok ko don. Anlakas ng hangin no!" Depensa nya.

"Arte mo!" Umirap ako.

Nakarating na kami sa CNC at lumabas na pagkatapos bumayad. Papasok pa lang kami titig na titig na ang guard samin.

Nakacross ang braso naming dalawa ni Carla. Tinulak nya ko bigla. Humalakhak kami dahil sa titig na ginawa ng guard.

"Ang tanda na nalove at first sight ata sayo hahahahahaha..." Biro nya.

"Gago!" Tumawa kami pareho.

Pumasok kami sa loob ng room. Hindi pa nagsisimula at ang mga officers naman ay nag aayos ng decoration.

Nagpicture kami ni Carla. May dala naman syang camera kaya madalas na yon ang ginagamit namin. May Christmas Tree kami sa gilid ng blackboard at nagpicture kami ni Carla ron. Pinicturan ko rin sya mag isa at ako rin. Bago ang lense ng camera nya regalo raw ng Ninang nya. Mahilig kasi sa magpose sa camera si Carla kaya may camera syang niregalo sa kanya ng Mama nya nong Grade 7 kami.

Naging masaya ang Christmas Party. Maraming palarong nagawa. Napapaiwas ang tingin pagnakikita ko ang mga kaklase kong lalaki na panay ang titig sakin at pagang loko pako.

"Makikipagbakbakan kaba Ventura? Hahahahaha" si Brits.

Pinakita ko ang middle finger ko sa kanya.

"Asan ang baril?!!!" Pasigaw na ani ng isa kong kaklase.

"Beng beng beng..." Umaksyon pang mukhang Cardo ang kaklase ko.

"Female Version ka ni Cardo hahahaha..." Biro nila.

"Mga hampaslupa!" Irita kong ani at tumawa sila.

Akala mo'y nakikipagtawanan ako mga Gago!

Di kona sila pinansin at nag online nalang.

Rogue:

   Party nyo pala ngayon. Kumusta? Send gift hahahaha...

Me:

   Punta na dito hahahaha

Rogue:

   Next year makakasama kita sa Party hahahaha... Dyan nako mag aaral eh diba?

Next year Grade 8 sya at ako naman ay Grade 10 dahil nadropt sya ng dalawang beses kaya dalawang taon rin. Magkasing edad lang kami.

Matagal ko syang nakachat. Nakatanggap rin ako ng chat kay Clein.

Clein:

   Ano? Nausot muna? Hahahaha send pic.

Me:

   Later. Sa camera ni Carla kami nagpic hahaha.

Marami pa kaming napag usapan. Kumain na rin kami at nagmeryenda. Ansarap ng puto na dala ni Carla. Sabi si Manang at Mama nya raw ang nagluto nito.

Candy lang ang nakuha ko. Nagpasaboy ng candy si Mam. Maraming larong naganap. Di ako madalas nakikisali dahil mas magandang manuod sa kagagohang ginagawa ng mga kaklase ko. Si Carla naman naatasang tulongan si Mam. Palaban kasi si Carla, halos lahat ng kaklase namin ay sumusunod sa kanya. Kaya pag nagkakagulo na, isang sigaw lang nya lahat ay natitigil. Kahit na hindi sya ang President. Ang President naman namin ay walang nakakasunod dahil sa kabaitan nito. Kaya nga nanalo eh dahil sa kabaitan.

Natapos ang Party. Dumating si Manang para kunin ang lalagyan ang putong dinala. Tatlong malalaking plato kasi yon.

Lumabas na kami at nagulat ako sa biglang may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko ang nakahalukipkip na si Clein kasama si Jessa.

Tinapik ni Carla ang balikat ko "Una na kami ni Damzel, Besh!" Paalam nya at nauna na sila.

Lumapit ako kala Clein na nasa gilid ng gate kasama si Jessa.

Ngumisi sya at inakbayan si Jessa.

Pinasadahan nya ng tingin ang damit ko "Bagay na bagay! Kaso haggard na ata mukha mo hahahaha" anya at pinasadahan ng palad nya ang mukha ko pataas.

Sumimangot ako.

"Ganda mo Rizavin! Hahahaha... Sanaol!" Si Jessa.

"Mas maganda ka!" Depensa ko. At tumawa kami.

Pinagsiklop ni Jessa ang daliri sa daliri ni Clein at ngumiti "Tara na!... Tara na Rizavin. Gusto ka kasing makita ni Clein kaya pumunta kami dito hahahaha..." Anya.

Parang uminit ang pisngi ko sa narinig ko pero pinagsawalang bahala ko nalang.

Naglakad kami sa tulay habang nagkwekwentohan. Medyo OP pako sa kanilang dalawa dahil nagmumukha ako ditong Third Wheel. Kulang nalang gumulong ako para magmukhang Wheel HAHAHAHA!.

Naglakad kami papuntang Manlapaz. Gusto ko sana magtricycle dahil sumasakit na paa ko. Anlayo pa naman. Pero mukhang di papayag tong dalawa dahil gustong maglakad para matagal makasama ang isa't isa kahit na magkalapit lang naman ng bahay HAHAHAHA!

Napatigil ako. Malapit na kami sa Manlapaz kaso di pa kami nakakarating ay nandito agad si Papa. Sumakay nako at nagpaaalam na sa dalawa.

Nakauwi kami sa bahay ni Papa. Nagmano ako kay Nanay at Mama na nagkwekwentohan kasama sina Tita, nagmano na rin ako sa kanila. Napatingin ako sa dalawang babaeng ngumiti sakin kaya nagmano na rin ako.

"Ang ganda mo na Bb eneng!" Ngumiti yung isa.

"Hindi mo na kami kilala? Hahahaha... Bata ka pa kasi non eh." Sabi ng isa.

"Ilan taon nga tong anak mo Riza nung umalis kami?" Tanong nung isa kanina kay Mama.

"Pitong taon! Hahahaha... Bb, si Tita Rev at Tita Ras mo yan." Anya.

Nanlaki ang mata ko "Ow! Kayo po pala." Naalala ko yong name dahil lagi silang nakwekwento sakin ni Mama dati. Pinadalhan pako nila ng medyas at yung hawk bag ko ay galing raw kay Tita Ras. Nasa Palawan kasi sila. Don sila nakatira dahil may pinatayong burger shop don.

Nagkamustahan pa kami nila Tita at pumasok na rin ako sa loob ng bahay.

Naglabar ako para hindi ako katihin sa make up. Hindi naman ako nalabar pero ngayon kailangan kong maglabar.

Hindi nako kumain ng gabihan dahil nabusog ako sa kinain ko kanina. Humiga nalang ako sa kama at nag online. Marami akong natanggap na chat sa mga kaibigan. Halos lagi ko silang ka midnight talks. May nga pangahas pang gustong manligaw pero hindi ko binabasted, mas mabuting makakwentohan nalang muna ayaw ko makasakit dahil alam ko ang pakiramdam ng masaktan.

Dahil wala namanang pasok, madalas akong nasa bahay lang. Potek! Kung nasa Manlapaz kami, sana magkakasama kaming barkada. Si Carla naman ay nagbakasyon silang pamilya sa Maynila.

Halos cellphone ang ang inatupag ko sa nagdaang araw kahit na puro scroll up lang ang ginagawa ko sa pagfefacebook. Maraming post si Carla sa Maynila. Halos malibot na nila ang Maynila. Alam ko namang mapera sina Carla kaya nakakapunta sila sa kahit saang lugar, baka nga sa susunod ay sa ibang bansa na sila magbakasyon. May restaurant kasi sila sa iba't ibang lugar. Businessman naman ang Papa nya.

Hindi ko namalayan ang araw, Pasko na pala bukas. Naghanda ng Noche Buena si Mama, Biko at puto lang. Biko lang sana pero nakwento ko kay Mama na ansarap ng lutong puto ng Mama ng Carla kaya nagluto rin sya. Gusto rin atang mapuri ko ang luto nyang puto HAHAHAHA! o baka gusto nyang ipagkumpara ang puto nya at puto ng Mama ni Carla. Hahahaha... Gago! Iba talaga si Mama.

Naabotan kopa ang pagsapit ng hating gabi. Fireworks ang naririnig ko sa labas. Napasilip ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ang naggagandahang fireworks. Naalala ko dati, ayaw kong tumingin don dahil parang sayo babagsak HAHAHAHA! pero kalaunan ay nalaman kong hindi naman pala.

Maraming pagbati ang natanggap ko sa mga kaibigan. Mga nagpicture pa kasama ang mga Jowa.

'Clein Gonzaga, updated his profile picture — Caption: Christmas ft. Jowa'

Nakatingin sila sa Fireworks habang inaabot to.

Marami akong nabasang comment. Agad akong nagcomment.

Rizavin Javier Ventura

   -Edi Sanaol!

Nakatanggap agad ako ng reply galing kay Rogue.

Rogue Das

   Ede punta nako dyan? Para makacaption ka rin nyan😘

Agad nag init ang pisngi ko. Potek!

Alas dos na nang nakatulog ako.

Nagising ako sa ingay ni Nanay.

"Jusko Bb! Alas sais na, tulog kapa rin? Gumising kana at magtabo! Napakatamad mo! Maghugas kana pinggan. Di mo hinugasan kagabi. Jusko kang bata ka!"

Potek! Nakakairita ng boses ni Nanay. Tumayo nako kahit mungaw mungaw pa. Kinusot ko ang mata ko. Napatalon ako nang makita ko ang nasa harap bahay namin na lalaki. Nakangisi. Hindi kagwapohan. Sakto lang. Agad ako napapasok sa loob dahil sa itsura ko. Inayos ko buhok ko at hindi na pinansin ang lalaking nasa labas. Ramdam ko ang titig nya sakin. Tumungo ako sa likod bahay para magtabo.

Nag online nako. Kakatamd talaga. Paskong pasko!

"ANO NA? SABI KO SAYO MAGHUGAS KA!" sigaw ni Nanay sakin.

Sumimangot ako at tumungo sa lababo. Nakakainis ha! Nakakainis talaga.

"Basagin mo na lahat ng plato! Pati kutsara basagin mona rin! Dapat mababasag yung kutsara ha! Hindi mayuyupi! Basagin mo!" Sigaw ni Nanay.

Natikom ko ang kamao ko sa inis.

Natapos ang paghuhugas ko at nagcellphone ulit. Nanliit ang mata ko nang makita ang sugat sa palad ko. Hindi ko man lang to nakita kanina ah! Mahaba kasi kuko ko. Bumaon ata sa pagkakatikom ko kanina. Hindi ko man lang naramdaman ang sakit dahil siguro sa inis ko.

Pero ngayong nakita kona ang sugat ay saka ko naramdaman ang sakit. Ganon naman diba? Yung sobrang galit kana pero hindi mo maramdamang nasugatan ka pala, saka mo lang mararamdaman pagnakita muna.

Nagpasyang mag inoman ang barkada sa Manlapaz. Nagpaalam ako kay Mama na sa New Year ay kala Mary ako maover night. Pumayag naman sya basta babae. Sa isang araw na yon.

Nong pasko ay akala ko magsisimba kami pero hindi natuloy. Ewan ko ba kala Mama.

BLACKxNEON

avataravatar
Next chapter