13 PAGE 13: CONTINUE

Naglalakad kami pero walang nagsasalita saaming dalwa. Panay ang sulyap ko sa kanya. Tiim bagang sya habang nakatingin lang ng diretso sa daan. Medyo tinulak ko sya. Napabaling sya sakin na may mariing tingin. "Hoy! Galit ka ba? Kanina ka pala walang imik." Sabi ko at napatigil kaming dalawa sa paglalakad.

Pinasadahan nya ng tingin ang buo kong katawan. Medyo nagulat ako.

Bumitaw ako sa pagkakakapit ko sa kanya.

"Bakit ganyan suot mo? Yung totoo san tayo pupunta?" Iritado nyang sabi.

Nag alinlangan ako. "Edi kung san tayo bibili! San ba tayo bibili?" Tanong ko.

Napailing sya. "Hindi yon ang ibig kong sabihin. Ang point ko... Bakit ka nakashorts tapos make up?"

"Ah!... Nagshorts ako para madaling makapagsukat." Ngumisi ako pero napangiwi rin dahil mas lalong dumilim ang ekpresyon ng kanyang mukha! Wow ha parang uulan ng malakas.

Napahilamos ang palad nya sa kanyang mukha "Maraming tumitingin sayo! Kunti nalang hubaran ka nila!" Frustrated nyang anya.

Ay ang OA naman hahahaha... "Ay sus!... Madali lang naman tayo diba? Saka kasama naman kita" ngumisi pako.

Umiling sya "Next time na kasama moko wag ka magsusuot ng shorts! Saka mas lalo kang gumaganda pagnakaayos." Pahinang pahina nyang sinabi. Umuna syang maglakad. Habang ako naman ay napawi ang ngiti. Pinoproseso ang kanyang sinabi. Dati pa naman ganto na ako magsuot. Pero bakit ngayon, nagkakaganyan sya?

Kanina pa pala ako nakatulala sa kawalan at hindi pa sumunod sa kanya dahil naramdaman ko ang paghigit nya sakin. Napasunod naman ako sa kanya. Napatingin ako sa kamay nyang mahigpit na nakahawak sa palapulsuhan ko.

Napatigil kami sa paglalakad. Tiningnan ko kung anong tinitingnan ni Clein. Laking gulat ko nang makita ang Girlfriend nyang si Jessa. Tumingin sa nakahawak na kamay ni Clein sa aking palapulsuhan si Jessa. Nakita ko ang pait sa kanyang mata kaya pumasok nalang sya sa kanilang bahay. Tatakbo sana papunta ron si Clein pero bumuhos ang malakas na ulan. Nangatog ang binti ko. Basa na kami. Sumulyap sakin si Clein at hinigit ako papunta sa bahay na masisilongan.

"Potek! Umulan pa!" Bwesit kong ani.

Napatingin ako kay Clein na tulala habang nakatingin sa baba. Binitawan na rin nya ang kamay ko. Ako naman ay nagpunas ng sarili dahil sa natamong ulan. Sya naman ay basa rin. Lumapit ako para sana punasan ang mukha nyang may tumatagatak na tubig pero lumayo sya at sumulyap sakin.

"Ok lang ba kayo ni Jessa?" Tanong ko.

"Nagkakalaboan na kami. At nakita pa nya tayong magkasam." Anya.

Nagsalubong ang kilay ko "Ano naman? Bakit?".

"Nakahawak ako sa wrist mo. Malamang nagselos yon." Anya.

"Magpapaliwanag ako. Ichachat ko!" Puna ko at binuksan ang cellphone ko.

"Wag na! Ako na magsasabi."

"Ito na chachat ko---"

"Ako na! Tara na! Humulaw na." Anya at umuna nang maglakad uli sa kalsada.

"Sino jowa mo ngayon?" Tanong nya.

"Wala! Hahahaha... Pero marami nakakachat!" Pagmamayabang ko.

Umiwas sya ng tingin at tumawa ng bahagya "Chat lang? Hindi ka nililigawan?"

"Don din patungo yon!" Tumawa ako.

"Di kapa ata nakakamove on kay Rujan! Hahahaha... Move na Bb eneng!" Anya.

"Nakamove on nako don no!... Masaya ako sa mga kaibigan ko ngayon. Bahala na kung sino bang sunod kong magiging jowa!" Umirap ako.

"San ba tayo bibili ng susuotin mo?" Pag iiba nya ng topic.

"Kahit san! Basta kasya ang 1k hahaha..."

"Edi sa ukay na tayo!" Anya.

"Ulol! Don tayo!" Turo ko sa isang tindahan na hindi naman okayan. Sa pagkakaalam ko sa Maynila namimili ang may ari nito.

Pumasok kami sa loob. Naghanap kami ng magagaraganda. Nakakita ako ng fitted dress. Nilapitan ko yon at nang makita ang presyo ay sa iba nalang bumaling.

Si Clein naman ay naghahanap rin ng para sa kanya.

Nakakita ako ng isang male pants na itsurang pansundalo. Kinuha ko yon at hinanap si Clein. Nakita kong may hawak na syang t-shirt na black at may pendant pa ng blade sa tapat ng puso na may bulsa non. Lumapit ako sa kanya at nilagay ang pants na dala ko sa pangbaba nya. Kinuha ko ang hawak nya at nilagay rin sa pantaas nya. Yown! Sakto bagay! Kulang nalang sapatos!

"Bagay!" Ngumiti ako.

"Bibilhin mo ba to para sakin?" Turo nya sa pants.

Nanlaki ang mata ko at nagmartsa papunta sa kung saan nakasabit ang pants kanina at binalik yon don. Narinig ko ang pagtawa nya nang makalapit.

"Gusto mo bang suotin ko yon?" Anya.

"Sana! Pero ako pala magbabayad eh 1K lang dala ko."

"Mamili kana nalang! Dali!" Tinulak nya ako.

Nagtingin tingin ako. Sa gilid ay may nakita akong isang manikin. Mint Green  Long sleeve v neck at army skirt na may black belt. Pota! Anganda! Fuck Shit! Anganda nito!.

Tiningnan ako ng presyo at laking gulat ko dahil "999?" piso nalang sukli nito ah! Baka candy pa ang ibigay.

"Oh bakit? Ganda nyan  ah! Yan nalang suotin mo! Hahahaha... Para couple tayo."

"Kupal kamo---" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang hawak nya. "Ano yan? Nabili mo na?" Tanong ko sa gusto ko sanang suotin nya kanina.

Ngumisi sya "Gusto mo ba nyan? 999 diba? Kunin mo na." Anya.

"Ganda no? Kaso mag tsitsinelas ata ako nito! Wala nakong pera no!" Umirap ako at pumihit para sana maghanap ng iba kaso hinawakan nya ang braso ko. Medyo nakakuryente ako sa malamig nyang kamay. Malamig ang kamay nya noon pa basta pagkasama ko sya. Ewan ko ba. Minsan natanong kona kala Mary bakit ang lamig ng kamay ni Clein pero sabi nila 'Hindi naman ah!'.

"Yan na! Ganda nyan. Ang ganda ng manikin hahahahaha." Tumawa pa ang hinayupak. "Kunin mo na yan ako na bahala sa sandals mo." Anya.

"Ha?" Medyo nagulat ako.

"Ha? Hanger Hahahahaha..."

"Wag na! Hanap pa tayo iba!"

"Uy! Pachoosy kapa hahahaha... Ate! Kunin na po namin to!" Tawag nya sa tinderang may inaasikasong customer.

"Sige na!" Sigaw ni Ate.

"Sige na daw!" Agad binuhat ni Clein ang manikin at halos malugmok ako sa gulat sa ginaws nya. Binuhat nya yon. Halos natatawa na ako at humahalakhak sa ginagawa nya. Agad syang lumabas habang bitbit ang manikin. Tiningnan nya si Ate. "Ito na ate! Alis na kami bye." Anya at kumaway pa.

Halos lumagapak ng tawa ang nga customer. Si Clein naman ay humahagikhik sa ginawa.

Nakita ko si Ateng nanlaki ang mata at sumigaw ng "HOY IHO! IBALIK MO YAN DITO! PULIS! TUMAWAG KAYO NG PULIS! DEMONYO KANG BATA KA! IBALIK MO YAN DITO! ANG BOBO MO BATA KA! HINDI KAPA NAGBABAYAD KINUHA MO NA PATI MANIKIN! BAKLA KA ATA! PAMBABAE YAN!..." galit na galit na sinabi ni Ate. Nasa labas ako at nakatunghay kaming lahat kay Clein na lumiko at hindi na mahagilap ng aming mga mata. Napabaling ang tingin sakin ni Ate at agad saking lumapit. Medyo kinabahan ako mukha syang mangangain sa itsura nya "Ikaw diba ang kasama non? Halika ka---" napatigil sya sa pagsasalita ng sumigaw si Clein at tumatakbo pabalik na at buhat ang manikin na parang bigas.

"ITO NA PO! HAHAHAHA... BIRO LANG PO! WAG NYO LANG SAKTAN YANG KAIBIGAN KO! HAHAHAHA... ITO NA ITO NA PO! BABAYAD NA." anya at binalik sa loob kung saan nakalagay ang manikin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang maniking hubot hubad na! Pota! Anong ginawa nitong Clein na to?

"Bakit hubad na yan?!" Gulat kong sabi.

Bumaling sya sakin at tumawa. Tumawa rin ang mga customer.

"Nakakatawa ka iho! Hahaha..."

"Ang pogi Mama! Kaso girlfriend ata kasama."

"Pinagsamantalahan mo ba yan? Kaya pagbalik mo hubad na? Ginahasa mo ba muna bago ka bumalik o---" sabi ni Ate pero hindi natapos nang magsalita si Clein.

"Nakita ko po kasing hinihigit nyo si Bb kaya bumalik nako hahaha... Pasensya na po. Ito po. Magkano po ba lahat? Kasama tong pants at t-shirt?" Anya.

"699 yung pants, 599 yung t-shirt at 999 yung nasa manikin na ni-rape mo!" Agad kaming nagtawanan. "2, 297.".

Agad nag abot ng bayad si Clein.

"Sa manikin po" iaabot kona sana ang bayad nang biglang pinigilan yon ni Clein.

"Wag kana magbayad. Ako na." Anya at ngumisi.

"Ha? Hindi na! Ako na." Depensa ko pero kinuha na nya ang sopot at lumabas na inunahan ako. Dala nya yong pinamili.

Bakit nya binayaran? Anlaki non ha? Magkano bang dala nya?

Lumabas na rin ako at sumunod sa kanya.

"Wag ka mag alala. 5K binigay ni Papa sakin. Ayos lang yon! Kaibigan naman kita hahaha..." Anya.

"Anlaki non ha? Tapos ikaw pa bibili nang sandals!" Umirap ako "Ako na sa sandals!" Puna ko at nakakita nang sandamakmak na sandals.

Binilisan ko ang paglakad at pumasok ron. May mga sapatos, sandals, boots at tsinelas. Kilala tong 'CHOOSY BUT SHOE'SY' sa buong Camarines Norte bilang isang may pinakamaganda at matibay na pansuot sa paa.

Panay ang suri ko sa bawat sandals ns nakikita ko. Napabaling ang tingin ko sa kakapasok lang na si Clein. May natipuhan agad syang sapatos.

Binalewala ko nalang sya at naghanap ng akin. Nakakita ako ng isang doll shoes. Royal blue shoes sya. Anganda! May ribbon sa gitna non. Ito nalang! Tatanggalin kona sana ang sandals ko nang may biglang may nagtanggal non sakin.

Naka squat sa harap ko si Clein habang dahan dahang tinatanggal ang sandals ko. Medyo nawalan ako ng balanse dahil sa pangangatog ng binti. Nabuhay ang sistema ko. Ang nga cells, nerves ay parang mga sumasayaw sa kanyang ginagawa at nasisisyahan. Pota! Kaibigan ko yan! Hindi ako pwedeng mainlove. Nilagay nya ang paa ko sa lap nya at kinuha ang doll shoes. Agad nya yong sinuot sakin ng maayos. Nilagay nya ang paa ko sa sahig at kinuha naman ang kaliwa kong paa. Napahawak ako sa balikat nya dahil sa pagkakatumba ng bahagya. Tumingin sya sakin at tumawa. Tumayo ako ng maayos

"Gentle baby..." Anya. Para akong hinihele sa malamig pero nabuhayang sistema ko na yon.

Nilagay nya rin ang doll shoes sa kabila kong paa. At nang ilalapag na nya yon sa sahig ay nawalan ako ng balanse, dahilan para mahawakan nya ang kamay ko. Agad may tumili sa paligid.

"Ehhhkkkkk"

"Ugh!"

"Clein Gonzaga nagpoprose sa girlfriend nya! Ehkkkk!!!"

Napabaling ang tingin ni Clein sa mga babaeng namimili rin at agad syang tumayo. "Hindi ako nagpoprose! She's my bestfriend." At iniwan ako ron. Bumalik sya sa sapatos na natipuhan nya.

Parang gumuho ako sa kinatatayuan ko. Alam kong magkaibigan kami pero bakit parang tinusok ang puso ko sa nasabi nyang yon. Pero parang nasisiyahan dahil sa pagtawag nya saking 'BestFriend'. Ewan ko! Pero basta ang alam ko lang, kasama ko sya ngayon at nagkakasiyahan sa isa't isa.

Kasyang kasya ang Doll Shoes at gusto ko sanang makita ang kabuuan ng itsura ko dito habang suot to.

Tumungo ako sa Tindera. Subalit nang iaabot kona ang bayad ay umiling sya at nilayasan ako! Wow ha! Bastos!

"Tara na Bb!" Tawag sakin ni Clein.

"Wait! Maybabayad pa---"

"Bayad na yan! Tara na!" Anya at pinakita sakin ang isang sopot na may box. Sapatos nya. Nilagay ko ang Doll Shoes sa supot na dala ko.

Sumunod na ako sa kanya. Hinampas ko ang likod nya "Bakit mo nanaman binayaran?!" Irita kong ani.

"Hahahaha... Hayaan mo na! Basta isipin mo nalang na special ka sakin kaya ko yon ginawa." Anya.

Special ka sakin kaya ko yon ginawa

Special ka sakin kaya ko yon ginawa

Special ka sakin kaya ko yon ginawa.

Nagpaulit ulit yon sa isip ko. Napasinghap ako ng may bumangga sakin. "Harang ka Miss!" Sabi ng isang matanda at pinasadahan ako ng tingin. Natigil sya sa legs ko at kumindat.

Pota! Tanda mo na!

Narinig ko ang malademonyong tawa ni Clein nang makawala ang matanda.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!......X

" agad ko syang iniwan don habang tumatawa. May pahawak hawak pa ng tyan. Pota!

Naglakad ako at nakita ko ang gate ng Court ng Park. Pumasok ako don dahil umuulan sa labas. Maraming naglalaro ng basketball at yung iba ay mga couple o kupal na lovebirds na naglalampungan. Kulang nalang mags*x.

Dito sana ako dadaan para maka short cut ng daan kaso napatigil ako ng makita ko ang Cr. Maganda ang Cr dito sa Park sa loib dahil malinaw at puro tiles ang bawat sulok!. Pati mga cubicle ay magaganda. Parang cr ng mamahaling hotel lang ang peg!

Pagpapasok ka ay kailangan mong tanggalin ang suot mo sa paa. Kaya kung makikita mo sobrang kindat ng sahig dahil hindi pwedeng pumasok nang hindi nakapaa. Huhubarin ko na sana ang sandals ko nang makita ko si Clein na paparating. Agad akong pumasok pero tumakbo sya at naabotan ako sa loob. Tumatawa pa.

"Try ko kung bagay tong pinamili" sabi ko "saka, hindi ka pwede dito! Pambabae to! Ikaw ha! Bakla ka ba? Hahahaha..."

"Hindi no!" Anya.

"Weee bakla ka eh! Hahahaha... Bakla! Bakla! bakla!" Napahawak ako sa tyan kakatawa.

Umamba syang abotin ako pero lumayo ako agad.

"Hindi ako bakla! Isa pang bakla hahalikan kita!" Anya.

"Weee kaya mo yon? Hahahaha... Bakla ka lang! Lagot! Don ka sa kabila! Male dapat! Bakla ka---"

Hindi ko natapos dahil biglang pumulupot ang mainit nyang braso sa bewang ko. Nakayakap na sya sakin. Titig na titig sya sa mata ko papunta sa labi ko. Medyo kinabahan ako sa titig nyang yon. Napatingin rin ako sa nakaawang labi nya.  Ngayon ko lang napansin na may hikaw pala sya sa left side ng lower lips. Potek! Ang sexy nya sa hikaw na yon. Black sya na nakapalibot papaloob.

Napahawak ako sa braso nya. Nagflex yon.

"Hahahahaha..." Nagulantang kami nang marinig ang mga babaeng tumatawa sa labas. Agad akong nadala ni Clein sa loob ng cubicle sa ganon pa ring ayos. Nabitawan ko pa ang hawak kong sopot sa labas ng cubicle. Pota! Mga babae nga naman! Buti nalang narinig namin ang pagtawa kundi makikita kami sa ayos namin at makikitang may lalaki!

"Ah!!!" Kumalas sakin si Clein at sumigaw ng mahina pero hindi maririnig ng mga babae sa labas dahil sa ingay nila. "Tangina! Tangina!" Panay ang mura nya at gulo ng buhok. Tumingala sya habang pikit ang mata. He's sexy!  Bagay pala sa kanya ang messy hair.

Napapikit ako! Ramdam ko pa ang pagpulopot ng braso nya sa bewang ko.

"Suotin ta to! Para makita natin kung bagay!" Sabi ko ng mahina.

"Sige." Anya. "Kaso nasa labas pa sila." Anya.

"Mamaya pag nakaalis na." Sabi ko.

"Ako na muna bibihis. Tumalikod ka nalang hahaha..." Anya.

Tumango ako at tumalikod. Narinig ko ang zipper nya pababa. Napatingin ako ng diretso sa dingding. Sa makintab na dingding. Kitang kita ko ang likot nya. Nakatalikod rin pala sya sakin. Nakita ko ang line sa gitna ng likod nya. Nagflex ang muscles nya sa likod nang maisuot ang t-shirt.

"Sapatos nalang. Harap na. Mamaya ikaw naman." Anya.

Hindi pa rin ako humarap. Nakita ko nalang na nagsusuot sya ng sapatos na binili nya habang nakapatong sa nakasarang bowl. Nawala ang ingay ng mga babae sa labas.

"Wala na ata sila! Labas nako para makapagbihis kana."

Lumabas sya at huminga ng malalim. Parang hindi ako makahinga bg maluwag kanina. Potek!

Sinuot kona ang skirt sunod ang long sleeve v neck at doll shoes. Inaayos kopa ang buhok ko nang makalabas ng cubicle. Nakita kong inaayos nya ang buhok nya sa salamin. Napatingin ako mula baba pataas sa kanya kahit nakatalikod sya. Makikita mo ang katikasan nya. Kahit nakatalikod ang gwapo ng postura.

Ngumiti sya nang makita ako sa salamin. "Bagay! Couple pa tayo hahahaha... G

Handa kana ba sa gera? Asan ang baril mo?" Pagbibiro nya.

Tumabi ako sa kanya at agad syang hinampas sa braso habang tumatawa "Kupal ka! Kung may baril ako ikaw una kong babarilin!"

"Babarilin ng pagmamahal? Awts gege!" Nagdrama pa habang nakahawak sa puso.

"Gago! Hahahaha..." Hinampas ko nanaman sya habang tumatawa kaming dalawa.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagpicture sa salamin. Naka tatlong shots ako habang sya'y kanina pa pala nakatingin sakin sa salamin. Nagtaas ako ng kilay at hinigit sya palapit sakin. Nakita kong nagulat sya pero nabuhayan rin.

"Alam mo! Antagal na nating magkaibigan pero wala tayong picture! Picture tayo dali!" Sabi ko at nagposing sa salamin sabay click ng camera pero tumalikod sya "Bakit ba ayaw mo? Takot ka ba sa camera? Aswang ka? Hahahaha"

"Bigyan pa kita ng bawang at asin kung aswang ako." Anya.

"Whoa! Sibuyas, toyo at suka na rin para makapagluto na ko ng adobo." Ngumisi ako.

"Walang karne? Kulang ka mag adobo!"

"Ikaw ang ilalagay ko. Kakarnehen kita hahahahaha..." Tumakbo ako pero hindi nya ako hinabol kaya bumalik nalang ako sa harap ng salamin.

Hinila ko ang batok nya kaya napalapit nanaman sya. "Dalina na kasi! Kahit isa lang." Pagsusumamo ko.

"Alright!" Anya at ngumiti, click! Wacky, click! Inakbayan nya ako, napatalon ako pero kinalma ang sarili, click!

Napasinghot ako, Potek! Sinisipon pa ata ako!.

Hinawakan nya ang noo at leeg ko "ang init mo ah! May sipon kapa!" Anya.

Hindi naman masakit ang ulo ko ah!

"Malamang mainit at Buhay!"

"Di yon! Tara na nga! Magpalit na tayo!" Anya at pumasok sa isang cubicle.

Pumasok ako sa kabilang cubicle at nagpalit.

Nang makalabas ay hinawakan nya ang palapulsuhan ko at naglakad kami sa sa short cut. Gumigilid lang kami dahil sa pag ulan.

"Pahulaw muna tayo." Sabi ko sabay singhot.

"Baka magalit sakin si Tita dahil nagkasakit ka!"

"Hindi yon! Hahahaha..." Dinaan kopa sa tawa.

Habang nag iintay kaming humulaw ay parang mas lumalakas naman ang pagbuhos ng ulan.

Nag online naman ako at nakita ang mga chat ng barkada. Naexcite akong basahin ang chat ni Rogue.

Ewan ko pero nitong mga nakaraang araw parang kinikilig ako sa tuwing kausap ko si Rogue. Mas pogi si Rogue kay Clein.

Nereplyan ko sya at napapangiti. Ramdam ko ang bilis ng kabog ng puso ko.

Continue to love... Continue to grow... Continue to pray... Continue to hurt... Continue to forgive...

Magmamahal, masasaktan, magmamahal ulit, masasaktan ulit.

Dyan ako umiikot ngayon. Kahit paulit ulit akong saktan, paulit ulit rin akong magmamahal. Wala eh! Nagmamahal ata ako para masaktan.

BLACKxNEON

avataravatar
Next chapter