8 You Look Beautiful

CHAPTER EIGHT – You look beautiful

****Balik normal na naman kami ulit nina Gabriel at Neil. Sabay kaming umuwing tatlo sakay sa motor ni Neil. Nasa likuran ako at si Gabriel ay nasa gitna namin ni Neil. Si Neil naman ang nagda-drive ngayon.

"Na-miss ko 'to! SOBRA!" sigaw ko sa hangin. Tapos narinig ko ang tawa nilang dalawa.

"You should!!" sigaw naman ni Gabriel sa akin. "Kung marunong lang ako mag-motor katulad ni Neil, siguro ako na maghahatid sa iyo lagi kapag umuuwi tayo."

"Okay lang 'yan, Gab! Nandiyan naman si Neil eh," sagot ko kay Gabriel at narinig ko na tumawa si Neil sa harapan.

"Kaya nga. Yun na nga ang sabi ko. Ako naman ang maghahatid sa iyo if marunong na ako mag-motor. Tandaan mo 'yan."

Sumali naman si Neil sa usapan namin ni Gabriel. "Wag ka ng mangarap, Gab. Magpaalam ka muna sa parents mo kung papayagan ka nila mag-drive ng motor. Kahit nga sasakyan eh ayaw ka nilang ipag-drive, motor pa kaya," pagbibiro ni Neil kay Gabriel na sunod naman niya binatukan si Neil sa ulo nito bilang ganti. Totoong hindi marunong mag-drive si Gabriel ng sasakyan, o kahit motor. Gusto sana niyang magpaturo ngunit ayaw naman siya payagan ng kanyang parents dahil delikado daw kaya palagi siyang sumasabay sa amin dalawa ni Neil kahit malayo ang bahay nila sa bahay namin ni Neil.

Mga ilang minuto ang nakalipas, una namin hinatid si Gabriel. Bago siya pumasok sa loob ay kinausap niya muna kami.

"So are we going to prepare for tonight's debut sa sister ni Ryan?" paninigurado niya.

"Yes. By seven, dapat nandoon na tayo," sagot naman ni Neil sa kanya.

"Hindi mo ako isusundo dito mamaya?" tanong ulit ni Gabriel.

"Asa ka pa!! Magpahatid ka sa daddy mo HAHAHA," sabi ni Neil at natawa naman ako habang nakaangkas pa rin ako sa motor sa likuran ni Neil. Maya-maya, tumingin si Gabriel sa akin.

"Bye, Cindy," paalam niya sa akin.

"Bye. Salamat ulit sa pasalubong mo ah.."

"No problem!"

"Okay! Tama na yan at uuwi na kaming dalawa ni Cindy. Magkikita pa tayo sa bahay nina Ryan mamayang gabi," naiirita na sabi ni Neil sa aming dalawa at doon na siya nagpa-andar muli sa kanyang motor. Nag-wave muna ako kay Gabriel at nag-wave back naman siya sa akin bago pinaandar ni Neil yung motor niya para makaalis na kami sa lugar na iyon. Kahit kailan talaga itong si Neil, sobrang atat umalis!! Tsk.

Hinatid naman ako ni Neil sa bahay namin. Pagdating doon ay kinausap ko muna siya.

"Susunduin kita dito mamaya, okay?" sabi ni Neil sa akin.

Nag-nod ako sa kanya. "Sige. Ikaw bahala."

"Suotin mo 'yung binili ko sa iyo na dress ah. Bagay sa iyo 'yun."

Napangiti ako sa sinabi niya sa akin. "Titingnan ko."

"Wag mong tingnan. Gawin mo. Gusto ko makita ka na nakasuot niyon. Could you do that for me?" tanong pa niya sa akin habang nakangiti siyang nakaharap sa akin.

"Sige. Ikaw! Kung pangit itong dress na ito sa akin, ikaw papasuotin ko nito," pagbibiro ko sa kanya. Tumawa naman siya.

"I will," sabi niya at nagulat ako sa sinabi niyang iyon. "Pero I bet na bagay sa iyo iyang binili ko. Trust me."

"Sige. Mauna na ako. Salamat sa paghatid."

"Bye."

Mabilis na pinaharurot ni Neil yung motor niya at saka na ako pumasok sa loob ng bahay na nakangiti.

Mga pasado alas sais ng gabi ay doon na ako nagsimulang mag-ayos sa sarili ko. Kaagad akong naligo sa CR. Saktong paglabas ko sa banyo ay dumating sina Kuya Dave, si mama at si papa. Karga-karga naman ni Kuya Dave si Chad na natutulog sa balikat nito.

"Oh Ba't ka naligo? Saan ka pupunta?" tanong ni Mama sa akin nung pumasok silang lahat sa bahay. Lumapit naman ako sa kanila at nagmano kina mama at papa. Dumaretso naman si Kuya Dave sa kanyang kwarto para ihiga yata yung anak niya doon.

"May debut party po kasi kaming pupuntahan ni Neil, 'Ma," sabi ko sa kanila.

"Ganun ba. Doon ka sa papa mo magpaalam niyan at pagod ako," sabi ni mama sa akin tapos umalis siya sa harapan ko para pumunta yata sa kusina. Lumapit naman ako kay papa na abalang abala sa pagte-text niya roon.

"Papa, pupunta kami ni Neil sa party mamaya."

"Sino kasama mo?" napatingin na sabi ni papa sa akin habang hawak-hawak pa rin niya yung kanyang de-keypad na cellphone. Patingin-hindi siya sa akin ngayon.

"Si Neil, papa."

"Neil? Sino 'yan?"

"Si Neil Bongat po. 'Yung kapit-bahay natin diyan banda sa dulo." Si papa talaga! Makakalimutin! Kilala niya talaga si Neil, nakakalimutan niya lang paminsan-minsan.

"Boyfriend mo 'yan?"

Nagulat ako sa sinabi ni Papa. "Hindi 'no! Kaibigan ko lang po si Neil." Si papa talaga oh!

"Mabuti kung ganun. Wag kang magbo-boyfriend habang hindi ka pa gruma-graduate sa college."

"Hindi naman ako nagbo-boyriend, papa eh. Kilala mo naman siguro ako."

Patingin-hindi na naman si papa sa akin dahil mukhang busy siya kaka-type sa kanyang cellphone.

"Susunduin ka ng kaibigan mong iyan?"

"Opo."

"Sige. Pumunta kayo doon. Basta wag kang magpapagabi ah. Mag-text ka sa amin kung may emergency, okay."

Natuwa naman ako. "Sige 'Pa. Thank you."

Hindi na naman ako pinakinggan ni papa kaya dali-dali na akong pumasok sa kwarto ko at nag-ayos.

Hindi ko muna sinuot yung dress na binili ni Neil sa akin. Naglagay muna ako ng kaunting make up sa mukha ko bago koi yon sinuot. Nang maisuot ko iyon ay doon ko na talaga na-realized na maganda yung dress na binili ni Neil sa akin. May taste talaga siya sa mga gantong bagay, I think. At nakakatuwa lang kasi gustong gusto ko yung pinili niyang dress para sa akin.

Habang nag-aayos ako ay biglang tumunog yung cellphone ko na nasa study table ko lang nakalagay. Nag-text si Neil at ang sabi niya ay nasa labas na daw siya. Paglabas ko sa kwarto ay nakita ko sina Kuya Dave, si mama at si papa na kumakain sa lamesa ng dinner.

"'Ma, 'Pa, aalis na po ako! Nandiyan na si Neil." sigaw ko sa kanila at kaagad na akong tumakbo palabas ng bahay.

"TUMAWAG KA AH!!" rinig kong sabi ni mama nung tumakbo ako sa labas.

"Opo!!"

Mabilis ako lumabas ng bahay at doon ko na nadatnan si Neil na nakatalikod na naghihintay sa akin. Tinawag ko siya at napalingon naman siya sa akin. Nakita ko kung paano siya napatunganga sa akin.

"Okay lang ba?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin. "Sumakay ka na at late na tayo."

Huh? Di ba siya magko-comment sa suot ko ngayon?

"Walang comment, ganun!?" pagrereklamo ko at narinig kong tumawa siya. Sinuot ko kaagad yung helmet na binigay niya sa akin at saka kami umalis sa lugar na iyon.

Habang bumabyahe kami, bigla siyang nagsalita. "Gumanda ka yata ngayon, seriously," sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. Bakit ngayon pa niya iyan sinabi ah?

"Bolero ka!"

At doon siya natawa sa sinabi ko. "Sabi mo iyan. Ikaw na bahala kung ayaw mong maniwala sa akin basta ako, nagsasabi ako ng totoo. I told you na bagay sa iyo ang dress na binili ko para sa iyo. Maganda ka sa dress na iyan."

Parang may kung anong kilig ang naramdaman ko ngayon dahil sa sinabi ni Neil sa akin. Sus! Kung boyfriend ko nga lang talaga itong lalaking ito, siguro bibigay na ako ngayon. Pero joke lang 'yun 'no. Natuwa lang talaga ako sa sinabi niya sa akin. I appreciate it. First time niya kasi akong sinabihan na maganda ako. At feeling ko namumula yung dalawang pisngi ko ngayon pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya.

"Sige na nga. Ikaw na magaling pumili ng dress. Salamat," sabi ko na lang sa kanya at hindi na kami nag-usap pa hanggang sa makarating kami sa bahay nina Ryan kung saan doon gaganapin ang debut party ng kapatid niyang babae.

avataravatar
Next chapter