webnovel

The Three Knights

CHAPTER ELEVEN – The Three Knights

***Felix's POV

"Johnny!!!???" sigaw ni Ate Maika sa akin habang nasa loob ako ng kwarto. Hindi ko siya sinagot, subalit ipinagpatuloy ko lang yung paglalaro ko doon sa cellphone. Maya-maya ay narinig ko na naman si Ate Maika na tinawag yung pangalan ko. Tapos doon na biglang bumukas yung pinto ng kwarto. Bigla akong napatingin sa pinto at pumasok si Ate Maika.

"Kakain na. Tawag ka nina Daddy at Mommy."

Hindi ako nagsalita. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalaro doon sa cellphone.

"Bahala ka," sabi ni Ate sa akin at isinara na niya ang pinto ng kwarto ko. Narinig ko pa ang sigaw niya pag-alis niya roon. "'My, si Johnny nage-emote na naman!!!" Tsk. Si Ate talaga oh.

Narinig ko yung boses ni Mommy sa baba. "Johnny!!!!????"

"BUSOG AKO 'MY!!!!" sigaw ko mula sa kwarto. Sa totoo lang eh gutom na ako. Ayoko lang kasi kumain dahil may hinihintay ako.

Mga ilang minuto ang nakalipas, pinabayaan na ako nila. Napahinto ako sa paglalaro ko nung biglang bumukas yung ilaw ng kwarto ng kapit-bahay namin. Tumayo ako at dali-daling sumilip sa bintana ko. Sana naman ay makita ko na siya kahit ngayon lang. Ilang buwan na kaming hindi nagkikita at nag-uusap. Tinitext ko siya pero ayaw niyang mag-reply. Ganun rin kung tatawagan ko siya. Nami-miss ko na si Apple.

Sa pagsilip ko, bigla naman akong nadismaya nung makita ko na yung kasambahay lang nila ang pumasok at kinuha ang mga damit na lalabhan yata nito. So ibig sabihin, wala si Apple sa bahay nila. Baka nasa sala siya ngayon.

Mabilis kong kinuha yung cellphone na nakalapag sa bed. Kaagad ko siyang tinext.

"Alam kong naguguluhan ka na sa akin. Pero please lang… pwede ba tayong mag-usap?" sabi ko sa text at kaagad ko na itong isi-nend.

Naghintay ako ng ilang minuto sa reply niya pero wala na naman akong natanggap. Nag-text ulit ako sa kanya.

"Mahal na mahal kita, alam mo ba 'yun. Gusto ko lang naman kasi maliwanagan kung bakit ka nakipag-break sa akin. Please… mag-usap tayo." Sabi ko pa sa text.

Mga ilang minuto na naman akong naghintay at sa wakas, biglang tumunog yung cellphone ko. At napakasaya ko nung biglang nagreply siya.

"Johnny, please… tama na." sabi ni Apple sa akin sa text. Nag-reply ako.

"Mag-uusap lang tayo." SENT!

"Sorry pero ayoko. Lubayan mo na ako, okay. Meron na akong iba. Sorry."

Nagulat ako sa text niya. Naramdaman ko yung galit sa dibdib ko sa pagkakataong ito. Totoo ba 'tong nababasa ko?

Hindi na ako nag-reply pa. Sobra akong nasaktan ngayon sa nabasa ko. Hindi ako makapaniwala. Meron na siyang iba. Ang bilis naman! Siguro ito yata ang reason kung bakit nakipaghiwalay siya sa akin. Ayaw niya sabihin sa akin yung totoo nung nakipag-break siya sa akin. Wala naman kaming problemang dalawa. Yun nga lang, patago yung relasyon namin dahil na rin sa parents naming dalawa. Atsaka napaka-sensitive na babae ni Apple dahil na rin sa parents niya na napakarelihiyoso. Sa pagkakaalam ko ay ayaw talaga ng mga ito na mag-involve si Apple sa ganitong relationship kaya ginawa naming patago ang relasyon naming dalawa.

Sa sinabi niyang meron na siyang iba… nagtataka pa rin ako at naguguluhan. Hindi ganitong tao si Apple. Hindi niya kayang ipagpalit yung mga bagay na napamahal na niya. At alam kong mahal niya rin ako. Sa palagay ko ay mayroon talaga siyang deep reason kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin at ayaw niya iyon ipaalam sa akin dahil hindi ko alam.

Naiinis ako sa ngayon. Dahil sa inis ko ay kinuha ko ang black na hood jacket ko at lumabas sa kwarto.

Narinig nina Mommy at Daddy pati ni Ate Maika yung pagbaba ko sa hagdan kaya narinig ko muli yung boses nila na inaanyayahan nila akong kumain ng dinner. Pero hindi ko sila pinakinggan. Mabilis akong naglakad papunta sa pinto ng bahay at kinuha ang black na motor ko mula sa garage. Pinaandar ko ito at gusto kong lumayo sa lugar na pinanggalingan ko.

Gusto ko talaga kasing maliwanagan pero bakit ayaw niya itong ibigay sa akin. Kung ano man ang reason ni Apple kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin, tatanggapin ko… kahit ano man ang mangyari at kung ano man ang reason niya, tatanggapin ko.

Sa pagda-drive ko sa motor, hindi ko namalayan na nakarating nap ala ako sa proper ng lungsod namin. Ipinarada ko ang motor ko sa 7/11 at pumasok roon. Gusto kong uminom at kumain ng kung ano dahil nagugutom na ako. Tsk. Sira ulo rin talaga ako. May pagkain sa bahay pero dito ako sa convenient store pumunta.

Pagpasok ko, may nakita kaagad akong isang babae na nakasuot ng casual na damit. Napaka-familiar niya kasi naalala ko na classmate ko siya sa isang subject ko kanina. And yeah, she's my partner sa video project. Ahmm… ano nga ulit pangalan niya?

Hindi ko lang siya pinansin bagkus pumunta ako sa counter para bumili ng cup noodles at tubig, at umupo sa isang vacant na lamesa malayo doon sa classmate na babae ko.

***Cindy's POV

Habang pinagmamasdan ko si Felix mula sa kinauupuan nitong upuan at lamesa, biglang may nag-text sa akin. Pangalan kaagad ni Neil ang nakita ko sa notif ko. Hindi ko in-open ang message pero nabasa ko yun doon mismo sa screen lock ng cellphone ko. Maikli lang yung text niya sa akin.

"Nasaan ka?"

Hindi ko siya ni-replayan bagkus ngumiwi lang ako. Bahala ka maghanap sa akin. Tsk. Ikaw 'tong unang nawala tapos hahanap-hanapin mo ako.

Nilapag ko muli yung cellphone ko doon sa lamesa at pinagmasdan muli si Felix na nakatalikod lang sa akin habang kumakain siya ng cup noodles roon. Ang lungkot niya. Bakit siya malungkot? Siguro LQ sila nung classmate ko sa literature na si Christian a.k.a Apple. Kaninang hapon kasi, pagkatapos kong pahiramin ng notebook si Apple para picturan niya, nandun si Felix sa harapan namin. Mukhang kilala niya si Apple.

Wala akong alam kung magkaano-ano sila. Siguro nga in relationship ang mga 'to. At mukhang sa ngayon ay LQ sila. Kaya ito ngayon si Felix, nandito sa 7/11 at nag-iisa, malungkot.

Hmmm… lapitan ko kaya?

Bigla akong nagdalawang isip na gawin iyon. Pero sa huli, doon ko namataan ang sarili ko na lapitan na lang si Felix. Tutal, classmate naman kaming dalawa eh tsaka ka-partner ko siya sa video project namin doon sa isang subject kung saan classmate kami.

Tumikhim ako at napalingon naman siya sa akin. Hindi pa rin maipinta sa mukha ni Felix kung gaano siya kalungkot ngayon. Napaka-loner naman ng lalaking ito.

"Okay ka lang, classmate?" tanong ko sa kanya. Hindi naman siya nagsalita. "Can I sit beside you?"

Bigla niyang inilayo ang tingin niya sa akin. "Bahala ka."

Napangiti ako kasi hindi naman siya ganito kasungit pala. Ang lungkot niya lang talaga ngayon.

Mabilis naman akong umupo mula sa kaharap niyang upuan. Doon ko nahuli ng tingin yung key chain niya na heart chain na nabubuksan tapos may picture doon mula sa susi ng kanyang motor. Oooopppsss… oo nga pala, sorry nga pala sa kanya dahil binuksan ko yun. Dapat hindi ko na lang ginawa iyon.

"May gusto ka bang i-share sa akin?" tanong ko sa kanya. Gusto ko lang siya i-comfort ngayon. Tutal, ako rin naman ang mag-isa ang nandito ngayon kaya sasamahan ko na lang siya.

Hindi siya nagsalita sa tanong ko. Kanina lang nung nasa school kami, hindi siya ganyan.

"Alam mo ba, galing akong debut party ng kapatid ng kaibigan ng kaibigan ko."

"Huh?" sabi niya. Natuwa naman ako kasi nagsalita na siya.

"Ayun! Mabuti naman at nagsalita ka na!" masaya kong sabi sa kanya.

"Tsk…"

"Umalis lang ako doon kasi… pakiramdam ko… nao-OP ako hehehe. Ikaw? Ba't ka nandito? Sakto at nagkita tayo. Kung ayaw mong pag-usapan kung bakit ka malungkot, pwede yung video project na lang ang pag-usap natin."

"Tsk. Never mind. I have to go," sabi niya sa akin at biglang siyang tumayo sa kinauupuan niya. Ganun rin ako.

"Sure ka? Aalis ka na? Ang aga naman."

Napahinto siya sa kanyang paglalakad palabas tapos bigla siyang tumingin sa akin na ikinatungo ng aking ulo. Sa ngayon, hindi na siya malungkot. Seryoso na siya ngayon na para bang galit siya. Sorry po. Ang daldal ko.

"I'm okay…" sabi na lamang niya at saka na siya umalis doon. Sumakay siya sa kanyang motor ang mabilis niya itong pinaandar palayo sa convenient store. Tsk. Pati ba naman si Felix, iiwanan ako. Tsk. Sabagay, hindi ko naman din siya lubos na kilala. Pero… honestly speaking lang ah, ba't ba napaka-gwapo niya nung bigla siyang sumeryoso kanina? Eeeehhhhhhh….. Para akong tanga!

Sa pagkakataong ito, pinagpasyahan ko na ring lumabas sa 7/11. Nag-decide na rin ako na umuwi na lang sa amin at doon ko na lang teteksan si Neil at Gabriel na nakauwi na ako ng bahay para naman tumigil na sila kakahanap sa akin kung nasaan na ako ngayon.

Mabilis naman akong lumabas sa 7/11. Hindi kaagad ako naghanap ng jeep dahil sa ngayon parang ang ganda kung maglalakad muna ako.

Habang naglalakad ako, hindi pa rin tumitigil ang cellphone ko kakatunog dahil na rin sa mga notif na natanggap ko kina Gabriel at Neil. Lage silang nagte-text kung nasaan na ako dahil susunduin nila ako. Tapos minsan tatawag naman sila. Pero ako, hindi ko na lang iyon sinasagot o nirereplayan kasi nasa puso ko pa rin yung pagtatampo ko sa kanilang dalawa.

Sa paglalakad ko, hindi ko namalayan na nasa lugar na pala ako kung saan wala nang masyadong maraming tao. Tanging ang street light na color orange to yellow na lang yung umiilaw sa akin pero hindi koi yon pinansin dahil pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad ko ngayon.

Habang naglalakad ako, biglang may nagtakip ng bibig ko at may tinusok pa sa tigiliran ko na matalim na bagay. Doon na ako nataratanta nung naramdaman ko na kutsilyo pala ang tumutusok sa tagiliran ko. Tapos may narinig akong bulong mula sa kaliwang bahagi ng tenga ko. Isang boses ng lalaki.

"Hold up 'to. Akin na ang pera at cellphone mo," mahina pero nakakatakot na sabi nung lalaki sa akin na mukhang nasa mid-thirties na ang edad. Nakatabon siya ng red na scarf sa mukha niya at tanging mata ko lang ang nakikita ko sa ngayon sa lalaking ito.

Doon na ako nagsimulang matakot at pagpawisan. Ayan kasi! Ang kulit ko kasi!!! Biktima tuloy ako!

"Kuya, wala po akong pera… tsaka basag na po yung screen ng cellphone ko," naiiyak kong sabi doon kay Kuyang panget!

"Hindi ako naniniwala sa iyo. Akin na 'yan!" matigas na sabi ng kuyang panget sa akin. Ba't ba ayaw maniwala ng mokong na 'to!!!???

Imbes na mag-iiyak ako doon, gumawa ako ng paraan para makatakas kay kuyang panget. Kaya ang ginawa ko, malakas kong kinagat yung kamay niyang nakatakip sa bibig ko at narinig ko yung sigaw niya dahil sa sakit. Butinga sa 'yo, kalbo ka!!

Mabilis na tumakbo ako at nagsisigaw roon. Pero dahil sa wala akong nakikitang tao roon eh walang may balak na tulungan ako sa kuyang panget na ito.

Sa kasamaang palad, dahil na rin sa suot kong casual dress ngayon, nahuli ako ni kuyang panget at doon na talaga ako nagsisigaw at nag-iiyak dahil binuhat na niya ako. Sa pagkakabuhat niya sa akin, hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong kumawala pero hindi ko kaya. What to do??

"Kung ayaw mong ibigay sa aking pera at cellphone mo, katawan mo na lang ang kukuhain ko. Halika ka dito!!" sabi pa ni Kuyang panget sa akin at binuhat niya ako na parang may karga-karga siyang baboy sa balikat niya. Umiiyak na ako kasi ayokong ma-rape at mamatay!! TULUNGAN NIYO AKO!!!!!!!

"Sir…" *thud*

Naramdaman ko na lang natumba ako sa semento ng kalsada dahil sa pagkakataong ito, may isang lalaki ang tumulong sa akin para makawala sa hayop at panget na matandang holdaper na ito!

Doon ko na-realized na si Felix yung nakikipagbanatan sa kuyang panget ngayon. Isang suntok sa tiyan ang ginawa ni Felix doon kay kuyang panget. Tapos isang suntok naman sa mukha ang ginawa niya pagkatapos. Natumba si kuyang panget pero mabilis siyang nakabangon. Inimbahan niya ng suntok itong si Felix sa mukha dalawang beses. Tapos sinuntok na naman niya ito sa tiyan na ikinatumba ni Felix ngayon. OMG!!!! WHAT TO DO!!???

Sa ngayon, lumapit na naman si kuyang panget sa akin habang ako ay nakaupo pa rin sa sahig. Hahawakan na sana ako nitong si Kuyang panget ng biglang pigilan na naman siya ni Felix sa pamamagitan ng paghila sa tshirt nitong black at itulak ito malayo sa akin. Hahawakan na sana ako ni Felix para makatayo at makatakbo pero huli na ang lahat nung biglang narinig ko na napasigaw si Felix sa sakit ng masaksak ito sa tagiliran niya sa kutsilyong hawak ni Kuyang panget ngayon.

Hindi ko rin naiwasang sumigaw lalo na nung natumba na talag si Felix sa harapan ko. Nakita ko yung dugo… bigla akong natakot sa susunod na mangyayari. Siguro ito na talaga yung katapusan ko. Ano ba 'tong si kuyang panget!? Ang lakas-lakas niya kahit siya lang mag-isa. Ano siya? Si incredible hulk!??

Hahawakan na sana ako ni kuyang panget ulit ng biglang may humila na naman sa kanya ngayon at sabay suntok sa mukha nito. Sa pagkakataong ito, hindi na si Felix ang nakita ko na nakikipagbanatan sa holdaper na ito. Sa ngayon ay nakita ko si Neil na yung nakikipag-away ngayon kay kuyang panget na sadyang ikinagulat ko naman kasi himala na nandito siya ngayon.

Nakita ko na susuntok na ulit si Neil sa holdaper pero mabilis na nakaiwas si kuyang panget kaya nasuntok niya ng malakas sa tiyan si Neil na ikinatumba naman nito. Papatungan na sana ni Kuyang panget itong si Neil para suntukin sa mukha pero mabuti na lang at dumating si Gabriel na may dala-dalang dos por dos na kahoy at malakas na pinalo ito sa likod ng holdaper. Sa pagkakataong ito, natumba ang holdaper sa sahig at pinagtatadyakan ito ni Gabriel.

Kahit sobrang sakit na, mabilis pa rin nakatayo si kuyang panget at nagtatakbo papalayo sa amin. Doon ko na-realized na nandito sa harapan ko sina Gabriel at Neil ngayon. Kasalukuyang tinutulungan ni Gabriel si Neil makatayo habang ako ay mabilis na tumayo na rin sa sahig.

Pero hindi silang dalawa ang iniisip ko ngayon. Si Felix… NASAKSAK SI FELIX at sa ngayon ay nagdudugo siya habang nakahiga sa sahig ngayon.

"Felix? Felix!!!!" sigaw ko nung makita ko si Felix na mukhang hindi na kaya ang sarili nito dahil sa saksak. Marahil ay nagulat rin sina Neil at Gabriel ngayon. "Dalhin natin siya sa hospital, please!!!" mangiyak-ngiyak kong sabi kay Gabriel at Neil at wala naman silang binitawang salita dahil natataranta na rin silang tinulangan ako para dalhin si Felix sa sasakyan ni Gabriel ngayon.

Lord, tulungan mo naman kami ngayon oh. Kasalanan ko talaga ito sa totoo lang.

Next chapter