webnovel

The Second Guy

CHAPTER FIVE – The 2nd Guy

Lunch time…

Matapos ang class namin sa isang subject for this morning, kaagad na sinundo ako ni Neil sa labas ng department. He used to be like that. Alam na alam niya kung ano ang schedule ko. Lagi niya kasing hinihingi kung magpapa-enroll kami at ime-memorize niya iyan para malaman niya kung kailan niya ako susunduin.

Hindi ko naman siya ini-encourage na sunduin niya ako palagi. Nagkataon lang talaga na gusto niya akong sunduin kahit busy pa siya. Ang sweet niya kung ganun.

As of now, nasa isang fast food kami ni Neil. And then, as usual nilibrehan niya ulit ako ng lunch kahit nakakahiya na sa kanya na librehan niya ako palagi ng pagkain. Habang kumakain kami ay naging topic namin yung new classmate ko na si Felix sa kanya.

"Who's that?" tanong niya sa akin. Tapos yung mukha niya ay parang nairita pa.

"Bagong classmate ko. Tapos partner ko pa sa project."

"Partner? Anong klaseng project iyan?"

"Video. Gagawa kami ng prank video or anything na relate sa social norms."

"Okay. So… sa tingin mo ba ay mabait yang partner mo?"

Napatingin ako sa kanya. "Hindi ko alam." Gusto ko sana sabihin kay Neil yung nangyari kanina nung nakita ko yung key chain ni Felix na may lamang picture pero biglang nagbago yung isip ko kaya nag-change topic ako.

"Neil---"

Magsasalita na sana ako ng biglang may nagtabon sa dalawang mata ko kaya bigla akong nataranta. "Hoy! Sino 'to!!!???"

Narinig ko yung mahinang tawa ni Neil. Alam niya na siguro kung sino 'tong nagtatakip ng mata ko.

Malakas kong inalis yung dalawang kamay na iyon sa mga mata ko. Pagkaalis niyon ay saka ako tumalikod at tumingin kung sino 'tong taong ito ang may gana na takpan ang mga mata ko.

Doon ko namataan na si Gabriel pala ito.

"GABBBB!!!" maiyak-iyak kong sabi sa kanya tapos kaagad akong tumayo at niyakap siya. Napaka-OA ko lang talaga pero ganito talaga ako sa mga kaibigan ko.

Siya nga pala si Gabriel Daguil. Isa sa mga kaibigan ko dito sa school same as Neil. Maputi si Gabriel at may pagka-chubby ng kaunti. Meron ding siyang dimple sa dalawa niyang pisngi at kasing tangkad ko lang siya. Kung ikukumpara ang tangkad nilang dalawa ni Neil ay mas mataas ng one inch si Neil kaysa kay Gabriel. Gwapo rin si Gabriel. May pagka-joker siya kaya minsan siya na yung nagpapatawa sa akin kapag mainit ang ulo ko o kaya naman minsan ay malungkot ako dahil sa buhay ko. Napapatawa naman ako ni Neil pero malakas lang talaga siguro ang sense of humor ni Gabriel kaysa kay Neil. Katulad kay Neil ay mayaman rin si Gabriel. Pero ayoko lang ma-meet yung parents niya kasi sobrang matapobre.

Naalala ko tuloy nung una na dinala niya ako sa bahay nila. Birthday niya that time at ini-vite niya ako na kumain sa bahay nila. Wala si Neil that time dahil may sakit kaya ako na yung malakas na loob na pumunta sa bahay nila Gabriel para i-celebrate yung birthday niya.

I met his family and relatives. Simpleng handaan lang ang naganap sa kanilang malaking bahay pero ang daming pagkain. Walang wala sa bahay namin kung ipagkukumpara ito.

Na-meet ko yung mga pinsan niya sa side ng kanyang mama at papa. Mga tita at tito niya pati na yung ninong at ninang niya. Na-meet ko rin yung lola't lola niya at syempre hindi mawawala yung parents ni Gabriel.

Okay na sana ang lahat pero parang may mali. Kung ikukumpara ang attitude ni Gabriel sa attitude ng kanyang mga magulang, mas mabait si Gabriel kaysa sa kanila. I don't like the attitude of his mother and father. Ayoko yung pakikitungo nila sa akin. Even his elder sister, ayoko rin. Sobrang arte. Kaya thankful ako dahil sa mga pangit na ugali ng pamilya ni Gabriel ay nandiyan siya at naiiba.

Hindi ko lang kasi ma-explain kung gaano at kung paano ako i-treat ng parents niya sa harap ng hapagkainan that time kasama ang lahat ng relatives niya. Biglang nawalan ako ng gana that time. Nahiya ako sa pagkatao ko. Pinagtawanan pa ako nung mama niya nung malaman niya na bakery lang ang business ng papa ko. Ano'ng masama doon? Mabuti na lang at nandiyan si Gabriel para sawayin ang mama niya dahil parang hindi ko kinaya yung ganung galaw. Pero I maintained to be strong that night. Ayoko pa rin alisin sa sarili ko ang galang na ipinapakita ko sa kanila. And then, Gabriel is always there beside me para i-comfort ako kapag nasasaktan na ako.

Kung sa talinuhan lang, hmf… mas ka-level lang siguro kami ni Gabriel kaysa kay Neil. Matalino kasi si Neil at very active lalo na sa academics. Kami ni Gabriel ay natutuwa na lang if makakapasar sa exam. At ito ang nagustuhan ko kay Gabriel. Hindi siya mayabang. Lalo na si Neil. Kahit matalino si Neil ay humble pa rin siya. Tinuturuan pa nga niya ako kaya kapag may time siya eh. Ganyan lang talaga sa akin.

This time, na-excite akong yakapin si Gabriel ngayon dahil galing siyang London dahil doon siya nagbakasyon this past semestral break kasama ang kanyang pamilya. Nag-online enroll lang siya last week kaya siya naka-enroll dito sa school.

Naramdaman ko na niyakap rin niya ako ng mahigpit pagkayakap ko sa kanya. Ang bango niya promise!

"Kailan ka pa umuwi?" tanong ko sa kanya nung kumalas na ako sa pagkakayakap ko.

"Kahapon lang. Hindi lang ako nakatawag sa inyong dalawa kasi lowbat ang cellphone ko," page-explain ni Gabriel sa aming dalawa ni Neil. Umupo ito sa tabi ko at may kinuha sa kanyang bag pack.

"Wait lang. May ibibigay ako sa inyo…" sabi pa niya sa amin. "Oh Neil… para sa iyo!" Inabot ni Gabriel ang tatlong t-shirt na nakabalot pa sa plastic kay Neil at excited na kinuha naman ito ni Neil na sobrang tuwang tuwa sa pasalubong ni Gab sa kanya. "And then, ito naman ang sa iyo, Cindy." Apat na t-shirt at isang box ng chocolate na galing sa London ang ibinigay niya sa akin. Kaagad naman akong nagpasalamat sa kanya at tuwang tuwa ako sa pasalubong niya para sa aming dalawa ni Neil.

"Pinag-ipunan ko talaga iyan para makabili ng pasalubong sa inyo galing London. Kulang na lang yung tower clock nila ang bilhin ko at ibigay sa inyo," pagbibiro pa niya sa aming dalawa.

"Salamat dito ahh.." sabi ko ulit kay Gabriel. Tapos napatingin siya sa akin at ngumiti.

"No problem…"

"Walang relo…?" pagbibiro ni Neil kay Gabriel.

"Gago! Mahal ang relo sa London. Saka na kapag nagka-girlfriend ka."

Napangiwi na lamang si Neil at natawa na lang ako sa sinabi ni Gabriel sa kanya. Ewan ko sa mga ito. Tsk.

Next chapter