webnovel

The Scene

CHAPTER TWELVE – The Scene

***Cindy's POV

Mabilis naming dinala si Felix sa malapit na hospital gamit ang sasakyan ni Gabriel. Sa pagkakataong ito, natataranta na ako sa kung ano ang susunod na mangyayari. Nakaupo ako sa likuran ng sasakyan habang si Gabriel naman ay nagda-drive at nakaupo naman sa unahan na upuan si Neil. Patong patong ko yung ulo ni Felix na sa ngayon ay walang malay. Hawak hawak ko yung tagiliran niya na hindi pa rin tumitigil yung dugo niya sa pag-agos mula roon. Naiiyak na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bagkus kinakabahan na rin ako sa kung ano ang mangyayari kay Felix kasi hindi na siya gumagalaw dahil wala siyang malay.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko kayang makipag-usap sa kanilang dalawa. Napapansin ko na pareho silang seryoso ngayon. Nararamdaman ko na parang ayaw nilang makipag-usapan sa akin o kaya naman eh may gusto silang sabihin sa akin pero pinipigilan lang nila ang kanilang mga sarili na huwag na lang muna yata magsalita sa pagkakataong ito.

Mga ilang minuto ang nakakalipas, nakarating na kami sa isang malaking hospital. Dali-daling bumaba si Neil at tinawag ang mga nurse na nasa lobby para tulungan kaming dalhin si Felix sa loob. Doon ko na namataan na mabilis na tumakbo ang apat na nurse sa labas ng hospital, dala dala ang stretcher para doon ilagay si Felix. Nakahinga naman ako ng maluwag nang maipasok naman kaagad siya sa emergency room.

Sa pagkakataong ito, ikinalma ko ang sarili ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Nananaginip ba ako? Kung ano man ang masamang mangyari kay Felix, kasalanan ko ito.

Umupo ako sa isang bench mula sa isang hallway ng hospital. Kasama ko doon si Neil na nakasandal sa dingding habang nakatayo't nakatapak ang kanyang kanang paa sa dingding. Napaka-seryoso nito nito ngayon at parang ang dilim ng mata niya nung bigla siyang tumingin sa akin.

Hindi kaagad ako nakatingin kay Neil. Kusa kong inilayo ang tingin ko sa kanya at ibinaba ito mula sa tiles ng hospital. Nahilamos ko yung buong mukha ko sa pagkakataong ito gamit ang dalawa kong mga kamay. Pagkatapos niyon ay biglang dumating si Gabriel na may dala-dalang bote ng tubig.

"Uminom ka muna," sabi niya sa akin. Hindi ako nagdalawang isip na kuhain ang tubig na iyon. Pagkatapos ko itong kunin, umupo naman si Gabriel sa tabi ko para i-comfort ako. "Okay ka lang?"

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Tumungo lang ako bago ko ininom ang tubig na binigay niya sa akin. Doon na biglang nagsalita si Neil sa akin.

"Ba't ba bigla-bigla ka na lang umaalis ng hindi nagpapaalam sa amin?" seryoso na sabi ni Neil sa akin.

"Kasi wala naman kayo… kaya umalis na lang ako doon," malungkot kong sabi sa kanya.

"Tang *na 'yan! Eh di sana hinanap mo kami!" galit na sabi ni Neil sa akin. Mukhang napapalakas na yung boses niya ngayon. "Hindi 'yung aalis ka na lang bigla na hindi namin alam kung saan ka na pumunta! Oh ano ka ngayon!? Hindi namin alam na may nangyari na pala sa iyo. Eh paano kung ikaw yung nasaksak ng gagong lalaking iyon!? HAH!? Ma-swerte ka at di ka nasaksak!"

Doon biglang uminit ang dugo ko kay Neil kaya napatayo na ako at nilapitan siya. "Eh sino ba kasi ang may sabi sa iyo na hanapin mo ako!? Kayo nga itong nang-iwan sa akin eh tapos ikaw pa 'tong galit kung bakit ako umalis roon. Eh natural naman aalis ako doon kasi kinausap ako ni Nancy na hindi daw ako invited sa debut niya. Who cares for that!? At saka sino ba kasing may sabi na pupunta ako sa letseng debut na 'yon!!? Ikaw lang naman 'tong nagpipilit na pumunta doon eh kahit hindi naman talaga ako invited."

"Ano'ng pinagsasabi mo na hindi ka invited? INVITED KA at napaka-legit niyan dahil sinabihan ako ni Ryan na papuntahin ka doon. Tapos ngayon gumagawa ka ng storya na sinabihan ka ni Nancy na hindi ka invited sa debut niya? So ano babaliktarin mo yung storya, ganun!?"

"Hindi ako gumagawa ng storya kasi totoo naman talaga na sinabihan ako ni Nancy na hindi ako invited kaya umalis na lang ako doon dahil wala rin naman kayo. Eh sino rin ba may sabi na hanapin niyo akong dalawa!!? Dapat hinayaan niyo na lang ako para nasaksak rin ako katulad ni Felix," galit kong sabi kay Neil. "Umalis na nga kayong dalawa dito at baka masapak ko pa kayong dalawa ngayon! Dagdag lang kayo sa problema ko!" sabi ko kay Neil at Gabriel. Umalis ako sa kinatatayuan ko para lumipat sa kalapit na bench hindi malayo sa kinauupuan ngayon ni Gabriel at doon umupo. Nakaramdam ako ng galit ngayon kay Neil sa totoo lang.

Habang kinakalma ko 'yung sarili ko ngayon, narinig ko ang boses ni Gab na kausap si Neil. "Bro, baka naman hayaan na muna natin si Cindy ngayon. Baka kasi hindi pa siya nakaka-move on sa nangyari kanina. At saka magpasalamat na lang tayo dahil ligtas siya."

Mabuti pa itong si Gab, naiintindihan niya ang sitwasyon ko ngayon. Hindi kagaya nitong si Neil na bigla na lang magagalit sa akin. Tsk. Nasanay na ako. Ganyan naman siya palagi eh. Kung ako yung may sala, nagagalit talaga siya sa akin at wala naman talaga akong takas kasi guilty rin naman ako. Kaya pasensya na.

Sa pagkakataong ito, galit na umalis si Neil sa kanyang pagkakatayo habang naiwan naman si Gab roon. Lumapit siya sa akin pagkatapos at umupo ulit sa tabi ko.

"Magiging okay rin siya. Don't worry. About kay Neil, mainit lang ang ulo niya ngayon kasi may nangyaring hindi maganda sa debut kanina."

Napatingin ako kay Gab dahil sa sinabi niya.

"Ano'ng nangyari?" curious kong tanong kay Gab.

"Gumawa ng eksena si Nancy kanina sa party. Hinalikan niya si Neil ng walang dahilan sa harap ng maraming tao kaya ayun sobrang galit ang kaibigan mo. Para sa kanya napakalaking scandal ang ginawa ni Nancy sa kanya kanina. Hindi mo alam ang pangyayari kasi wala ka."

"Tsss… bakit grabe yung pagtatanggol niya kay Nancy kanina sa akin eh totoo naman na sinabihan niya ako na hindi ako invited sa debut niya kaya umalis na lang ako. That time ay tinawag ka ng parents mo at doon na lumapit si Nancy sa akin upang sabihin iyon."

"Hindi ko alam. Hayaan na lang muna natin si Neil. Ang importante is… 'yung lalaking kasama natin kanina na nasaksak. Sino nga pala 'yun?"

Doon mismo muli akong nag-alala ng ibalik ni Gab ang usapan tungkol kay Felix. "Si Felix. Classmate ko siya sa isang subject ko. Transferee siya sa school natin. And then project partner ko siya."

"So magkasama kayo kanina nung umalis ka sa party?"

Tumungo ako. "Oo. Pumunta ako ng 7/11 para kumain. Saktong dumating siya kaya sinamahan ko na lang. Pero bigla siyang umalis kaya napagdesisyon ko na lang rin na umuwi na lang sa amin. Hindi ko naman ini-expect na maho-hold up ako. Salamat sa kanya at sa inyo ni Neil dahil kung wala kayong tatlo, baka nasaksak na rin talaga ako nung gagong holdaper na 'yun."

"Wala iyon. Para sa iyo… ligtas ka sa amin ni Neil. Intindihin mo na lang siguro yung isa ngayon kasi alam mo naman, minsan may tupak iyon kapag hindi maganda ang araw o gabi niyon."

"I'll understand him."

"Siya nga pala, paano mo kokontakin 'yung relatives ng classmate mo?"

Doon naman ako natigilan ngayon dahil hindi ko alam kung paano ko matatawagan 'yung pamilya ni Felix dahil sa pagkakataong ito, hindi pa nito alam ang aksidenteng nangyari ngayon sa kanilang anak.

Mabuti na lang at dumating yung doctor mula sa emergency room at kinausap kami.

"The patience is okay. Maraming dugo ang nawala sa kanya pero hindi na ito dapat ikabahala. Ililipat siya sa isang room mamaya para i-confine siya. Siguro one and above week siya rito sa hospital para magpahinga. Ito nga pala ang na-recover namin sa bulsa ng pasyente," binigay nung doctor sa amin ang isang plastic na doon nakalagay ang cellphone, wallet at susi sa motor ni Felix ngayon. Tinanggap ko naman ito. "I will leave now."

"Sige doc, salamat," sabi ko at umalis na 'yung doctor. Nagkatinginan muna kami ni Gab bago siya nagsalita.

"Try to open his phone or wallet. Baka may calling card diyan sa pamilya nya or something," sabi pa ni Gab sa akin at ginawa ko naman iyon. Sa pagkakataong ito, 'yung cellphone ni Felix ang inuna kong kinuha.

Binuksan koi to at nadismaya sa nakita. "May password ang cellphone niya," sabi ko. Aside from this, hindi lang ang password ang nakita ko sa screen saver ng cellphone niya kundi 20 missed calls mula sa pangalang "My GF". Doon na ako nagsimulang maging curious ulit. Siguro si Apple ito yung classmate ko sa literature kanina ang nag-missed call ngayon. What if kung siya na lang kaya ang tawagan ko. But how? Hindi ko nga mabuksan ang cellphone ni Felix ngayon dahil may password.

Doon ko naman nakita ang wallet ni Felix. Kinuha ko ito mula sa loob ng plastic at binuksan. Saktong may calling card doon sa family niya. Tumingin muna ako kay Gab bago koi tong tawagan sa pamamagitan ng cellphone ko.

"Go now. Call them," sabi pa ni Gab at ginawa ko naman iyon. Nauutal ako sa pagkakataong ito dahil hindi ko akalain na kausap ko na pala ang mother ni Felix ngayon.

Next chapter