webnovel

The Reason Why

CHAPTER SEVEN – The reason why

Kung gaano katalino si Neil, ganun rin katalino itong si Faith. Apple for short. This time, nag-quiz kami sa English 21. Up to ten questions ang quiz and each number is composed of 2 points. Ang bobo ko kasi nakakuha lang ako ng ten points over twenty samantalang itong si Apple ay naka-perfect siya sa quiz which is siya pa itong hindi pumasok nung nakaraang araw. Ang galing niya! Paano niya nagawa iyon?

Habang nagka-klase kami sa subject na ito, hindi ko pa rin matandaan kung saan o kailan ko nakita si Apple. Napaka-familiar kasi niya sa akin at parang nakita ko na siya lately. Hindi ko lang talaga matandaan.

Matalino si Apple. Inaamin ko sa sarili ko na naiingit ako sa kanya. Tsk. Pero laban lang kahit papaano.

Nang i-dismissed na kami ng aming instructor, niligpit ko na ang gamit ko kasi pupunta na ako sa gym para umuwi na kasama sina Gabriel at Neil. Sabi kasi ni Neil sa akin na doon lang kami magkikita sa gym kasama si Gabriel para sabay daw kaming tatlo umuwi kasi mamayang gabi, debut party na ng kapatid ni Ryan.

Nauna akong lumabas sa classroom. Nagmamadali akong naglakad papalabas ng department ng biglang tinawag ako ni Apple. Napahinto ako tapos tumalikod at tumingin sa kanya. Patakbo naman siyang lumapit sa akin.

"Sorry kung naabala kita. Gusto ko lang magtanong sa iyo kung meron kang notes sa previous topic natin sa English 21 nung nakaraang wala ako."

"Ahmm… meron."

"P-pwede picturan ko lang. Para makaself-study ako sa bahay."

Hindi ako nagsalita bagkus tumungo ako sa kanya ng paulit-ulit na ibig sabihin ay uma-agree ako. Kinuha ko kaagad ang notebook ko sa bag at ipinakita sa kanya yung notes ko na may mga nakasulat na kung ano-ano about sa English 21 na topic namin last week. Kaagad naman itong pinicturan ni Apple.

Maya-maya, nagulat na lang ako nung may lalaking dumati sa harapan namin. Napatingin ako at nagulat nung makita ko na si Felix ang lalaking nasa harapan namin ni Apple ngayon. Napatingin kaming dalawa ni Apple sa kanya. Ako naman ay pinapa-familiarize ko pa siya kung si Felix nga ba talaga ito, yung classmate ko sa isang subject slash yung partner ko sa project sa video. Remember?

Doon ko na napansin na parang nagmamadali si Apple sa pagpicture sa notes ko at parang iniiwasan niya na tingnan itong si Felix na seryosong nakatingin kay Apple. Pagkatapos picturan lahat ni Apple ang notes ko ay doon na siya nagsalita at ngumiti. Pero yung ngiti niya eh parang hindi totoo.

"Salamat ahh."

Gumanti rin ako ng ngiti sa kanya. "Wala 'yun." Tumingin pa ako kay Felix bago sa kanya at doon na ako nagpaalam. Kaagad akong umalis doon. Binagalan ko yung paglalakad ko at doon ko narinig ang boses ni Apple na mukhang kausap si Felix.

"Johnny, tama na please… please…" boses na sabi ni Apple. Kahit papaalis na ako sa lugar na iyon ay naririnig ko pa ang boses ni Apple na kausap si Felix. So Johnny pala ang second name ni Felix kung ganun.

Pagkatapos niyon ay hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa. Sa pagkakataong ito, doon ko naalala si Apple. Siya yung babaeng kasama ni Felix sa picture doon sa key chain na dala-dala ni Felix sa kanyang susi sa motor. Baka in relationship ang mga iyon, I think. Hindi ko alam. Who I am to judge, di ba?

Sa pagkakarinig ko sa boses ni Apple kay Felix ay mukhang may malaki silang pinagdadaanan ngayon. At hindi na ako mangingialam kasi problema nila 'yang dalawa.

Binilisan ko na ang paglakad ko papunta sa gym at pagdating doon ay nakita ko kaagad sina Gabriel at Neil na kumakaway sa akin kahit malayo pa ako sa kanilang dalawa.

****I don't know what to do. Kahit saan ko na siya sinundan pero wala pa rin, ayaw pa rin niya ako kausapin. I just want to talk to her. Gusto ko ayusin namin ang lahat pero mukhang siya itong ayaw na. Mahal pa ba niya ako?

My name is Felix John Amestoso. Johnny for short. Kinuha yung pangalan ko na "Johnny" sa "John" sa pangalan ko. I like to called me "Johnny" instead of "Felix". Kung tatawagin kasi ako na "Felix", parang tinatawag mo na rin ang papa ko. Yes, my father's name is Felix Amestoso. Wala ang "John" sa pangalan nito.

My family had a business. Mayroon silang malaking super market which is ito yung tinatawag natin na "Mall" sa buong Pilipinas at sobrang benta nito sa mga tao. Just like SM, ganun.

I have a sister and a brother. Ako ang second sa magkakapatid. Dalawa kaming lalaki at isa naman ang babae, at 'yung panganay sa amin dalawa ng kapatid kong lalaki. You will meet them soon.

Masaya naman kaming lahat, lalo na nung dumating sa buhay ko si Apple. Oo, si Christian Faith Tagnipez. Actually, kapit-bahay ko siya. Magkaibigan rin ang parents ko sa parents niya but not totally na sobrang close na. Sobrang religious lang kasi nila Apple, lalo na ang mama't papa niya. They like to share the bible's message to the other people at dahil sa ganitong set-up, dito ko siya nakilala.

Never pa nagka-boyfriend si Apple. That day, I courted her dahil may gusto ako sa kanya. Nag-start lang 'yun nung sumama sa bible study si mama sa parents nito. At dahil pinipilit akong isama ng mama ko, sumama na lang ako.

Naganap ang bible study nila hindi sa bahay nina Apple kundi sa isang gazebo mula sa mini park sa subdivision na tinitirhan namin.

That day, doon ko na nakita si Apple. Alam ko kasi na mayroong anak na babae sina Mr. Tagnipez at Mrs. Tagnipez pero hindi ko pa ito nakikita ever since kasi minsan lang lumabas si Apple sa bahay nila if papasok sa school or magtatapon lang ng basura sa labas. Sa mga time na iyon, hindi ko siya naabutan kaya hindi ko siya nakikita.

Magkaiba kami ng university na pinapasukan. Sa isang private school ako pumapasok at si Apple naman sa isang prestigious public university pero sobrang sikat sa mga tao dahil marami sa school na ito ang nakakapasa sa board exams dahil sa sobrang hectic sa training.

Noong panahon na hindi ko kilala si Apple, hindi ko namalayan na magkaharap lang pala ang bintana ng kwarto namin sa isa't isa. Lagi kasing nakasara yung bintana niya kaya hindi ko nakikita.

At dahil sa pagsama ko sa bible study dahil sa mama ko, ayun, doon ko na siya na-meet.

Hindi ko akalain na maganda pala si Apple. Sobrang ganda niya. Sobrang napaka-inosente at sobrang masunurin. Ito lang yung nakita kong characteristics kay Apple that time noong nasa gazebo kami. Busy kasi siya sa paghahanda sa snacks dahil marami ang sumama sa bible sharing nila that time. Ako naman na nakaupo lang sa isang upuan at pinagmamasdan si Apple, kinausap ako ni mama na kung pwede tulungan ko daw si Apple dahil siya lang ang naghahanda sa snacks.

Noong una ay nahihiya ako pero hindi ko iyon pinansin. Kusa akong tumayo sa upuan ko at lumapit kay Apple na nagtitimpla ng juice sa malaking jar.

At dito na nagsimula yung pagiging magkaibigan namin.

Maraming nangyari sa aming dalawa hanggang sa inamin ko sa kanya na gusto ko siya at kung pwede ko ba siyang ligawan.

Inamin niya sa akin na ayaw ng kanyang parents na mag-boyfriend siya dahil nag-aaral pa siya. 'Yun yung unang busted ako sa kanya.

Hindi ako sumuko. I always to talk to her personally or through text message and call. And then I realized that time na may gusto rin pala siya sa akin.

My heart was pounding through my chest that time when I knew that she was also like me. Hindi ko alam ang gagawin ko. I admitted that I have a lot of girlfriends in my life since high school but that's totally a shit love. Walang epekto sa akin ang mga previous girlfriends ko kasi hindi ako nakaramdam ng kilig sa kanilang lahat. At pagdating kay Apple, dito ko na naramdaman kung ano yung "kilig" na ibig nilang sabihin.

Because of that, I used to court her again sa pangalawang pagkakataon at pinayagan niya ako. I secretly courted mapa-araw man o gabi. Sa personal man o sa cellphone. Pero hindi namin iyan sinabi sa mga magulang niya.

Three months after that, she answered "yes". Naging kami na. At sobrang saya ko that time. Hindi ako makatulog kasi nga hindi ako makapaniwala na kami na ni Apple. We had this secret in relationship in one year at pa-sikreto kaming nagsasama kapag nasa labas kami. Dahil magkaiba kami ng school ay sinusundo ko siya palagi with my motor cycle. Hatid-sundo ko siya that time at sobrang saya ko kapag nakikita ko siya araw-araw. I concluded that time na ito na siguro 'yung tinatawag nilang "in love" sa tao. At nararamdaman ko na ito the day I met Apple and the day that she answered me yes.

One thing that is very unique to our relationship is that… I never kissed her in the lips, or smack her in her cheeks. May rule siya sa relationship naming dalawa. Ayoko sana pero Apple was very religious person… lalo na ang family niya. Kaya I respect her with both love kasi nga mahal ko siya.

She has this one rule. DON'T KISS HER IN THE LIPS. Ayoko sana pero dahil may religious faith si Apple kaya ni-respect ko na lang siya. Instead of kissing her in the lips, I kissed her in her forehead. Through that, I can show to her how much I love her… with respect. Sabi niya sa akin ay kailangan ko daw matutong maghintay. Sinabihan niya rin ako na kapag grumaduate na kaming dalawa sa college, doon na namin sasabihin sa both parents namin na may relasyon kaming dalawa… and that time, I can now kiss her in the lips.

Kaya naging malakas yung patience ko. Daily routine na lang siguro namin na kapag nasa bahay kaming dalawa ay through text at tawag lang ang mangyayari sa amin. Kung magkikita man kami sa labas ng bahay, we just like we don't know each other. Pero kapag nasa school na kami, dito ko na siya nilalapitan. Pagkatapos ng klase, lagi kaming nagde-date. Gusto ko sana na ako lang yung gumagasto sa lahat pero sabi ni Apple sa akin, hindi daw iyan magandang habit sa mag-nobya't nobyo. Dapat daw mayroon ding shini-share ang babae sa lalaki at dahil doon ay hindi na siya pumapayag na ako lang ang gumagasto sa mga date namin. Nagshe-share din siya at ito yung nagustuhan ko pa kay Apple. Iba talaga siya sa ibang babae. At doon ko pa na-realized na lalo ko siyang minahal dahil sa ganitong attitude.

She knows also to cook. Pinatikman niya ako sa sinigang na baboy na luto niya at sobrang sarap. Lalo na sa mga putahi na niluluto niya. Napaka-swerte ko talaga sa babaeng ito.

But one day, bigla na lang siyang lumapit sa akin. Napaka-lungkot niya at hindi ko alam kung bakit. Nasa isang park kami niyon at nakaupo kaming dalawa sa isang bench.

Doon niya inamin sa akin kung bakit siya malungkot. That day, first time ko rin siyang nakitang umiyak. At ayoko na nakikita siyang umiyak dahil nalulungkot rin ako. Nasanay na rin siguro ako na nakikita siyang masaya kapag magkasama kami. Nakakapanibago lang kumbaga.

Lagi ko siyang kinakausap kung bakit siya umiiyak and the she said… "Johnny, I will break up with you."

Nagulat ako. Hindi ko ini-expect sa kanya na masasabi niya ito bigla-bigla sa akin. First, hindi ako naniwala sa sinasabi niya pero mukhang hindi naman siya nagjo-joke niyan kasi umiiyak na siya.

"Bakit?" I asked.

"Basta. Ayoko lang na masaktan ka…"

"Hindi mo ba alam na nasasaktan rin ako sa sitwasyon natin ngayon. Hindi ko alam ang reason mo kung bakit kailangan mong makipag-break sa akin."

"I just want to say na ayokong masaktan ka kapag nalaman mo ang totoo. Sorry Johnny, break na tayo."

She kissed me in cheeks bago siya tuluyan umalis. Doon na ako umiyak nung umalis siya. First time kong umiyak dahil sa isang babae. Napakabilis ng pangyayaring iyon. Hindi ko rin alam ang reason kung bakit siya nakipag-break sa akin. Kaya ayun, sa labis na pagkalungkot ko that time, parang may namumuo rin sa dibdib ko na sama ng loob sa kanya. Napa-mura na lang ako ng hindi sinasadya. Lahat nawala na parang bula except ang key chain na pinagawa niya para sa akin noong 1st anniversary naming dalawa.

Hindi na rin siya nagte-text o tumatawag sa akin. Kahit ako na itong gustong makipag-usap sa kanya ay ayaw na niya. So, official na ba talaga na hiwalay na kaming dalawa? Hindi ko alam.

Days had passed, sinabihan ko ang parents ko na magta-transfer ako ng ibang school. Pinayagan nila ako at doon ako nag-enroll sa school nina Apple. Gusto kong makipag-usap kay Apple kaya ako nag-transfer. I will follow her kahit saan man siya magpunta. At gusto ko malinawan kung ano nga ba talaga ang reason kung bakit siya nakipag-hiwalay sa akin. Nasasaktan na ako sa lahat at sobrang naguguluhan na ako. Kailangan ko na talagang makipag-usap kay Apple na sana bumalik kami sa dating KAMI. Kasi… mahal ko siya at sobrang nami-miss ko na siya… sobra!

The sign “****” means “change POV”. Para hindi kayo mailto. Thank you for reading this story.

gabriel_tancreators' thoughts
Next chapter