webnovel

THE PROLOGUE

MY LIFE WITH THE THREE KNIGHTS

Written by: Gabriel Tan

Sa bawat buhay ng tao ay mayroong dumarating na pagsubok. Yung pilit mong sinusubukan ngunit ayaw pa rin. Yung palagi mong ginagawa ang tama pero mali pa rin. Yung wala ka namang ginagawa ngunit mali pa rin sa mata ng ibang tao. Nakakasawa na ang mga ganito.

Pero aminin mo rin na kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay natin, hindi pa rin tayo gumi-give up. Sabi nga ng ilan, "Laban lang!" At sa bawat pagsubok na dumating, may kinukuhanan tayo ng inspirasyon.

Parang ako...

Isa ako sa mga taong palaging negative kung mag-isip. Galing ako sa hindi mayamang pamilya pero nakakapag-aral naman ako ng maayos dahil scholar ako. At sa bawat araw na nagdaan, palagi akong nega mag-isip. Mabuti na lang... dumating sa buhay ko ang tatlong lalaking ito.

Sila talaga yung inspirasyon ko kung bakit ako lumalaban kahit mahirap. Sila kasi yung palaging tumutulong sa akin eh. Wala naman akong issue sa kanila kasi tinuturing ko silang mga kaibigan.

Makalipas ang ilang buwan, parang may nagbago. Yung pagbabagong iyon ay parang ikinabahala ko. Kasi inaamin ko sa sarili ko na may gusto ako sa isa sa kanilang tatlo. At ayoko naman aminin sa kanya (kung sino man siya) at baka mapahiya ako kasi sa pagkakaalam ko may mahal siyang iba.

Hahayaan ko na lang ba ang sarili ko na masaktan sa isang tao na hindi naman ako mahal?

At sino nga ba sa tatlong lalaking ito ang tinutukoy kong mahal ko?

Next chapter