4 The Open-Heart Key Chain

CHAPTER FOUR – The Open-heart Key Chain

The class started. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-get over yung mga classmate kong babae sa bago naming classmate na ngayon lang pumasok. Sabi niya ay transfer student daw siya but he didn't mention any school kung saan siya nagmula bago siya lumipat dito sa school. Nagiging curious na naman ako ngayon.

Today's topic is all about social norms. Palapit na matapos yung discussion niya nung biglang mag-flash sa kanyang projector screen ang nakasulat na PROJECT TO BE SUBMITTED AT THE END OF SEMESTER.

"Okay class. As we agreed on the first day of school, you will make your project and this will pass at the end of the semester…" panimula ni Ma'am Gomez. She really told us that thing last week pero ang hindi lang namin alam kung anong klaseng project ang ipapasa namin sa kanya.

"For your project, all you need to do is to make your own prank video or any video that conceptualize the social norms. Just to remind everyone that this project is not individual but rather you have to choose your own partner kung saan kayo comfortable. Be sure that your video will not harm any individuals if you do pranks or anything. Just record their expression when they see something wrong. Let's see how will they react if they see something wrong in their surroundings. Choose your partner now and give me your names today in a 1/8 sheet of yellow paper. Then make a report after the video in A4 size of paper and this will also submit together with the video that already burn in the CD. Understood? So choose your partner now."

Pagkatapos niyon ay kaagad na umingay yung classroom namin. Syempre, hindi kaagad ako kumilos kasi wala naman akong kakilala sa mga ito. I never interact with other people lalo na kapag hindi ko sila kilala. Pero friendly naman ako kapag comfortable na ako sa mga tao. Nahihiya lang talaga ako sa mga ganitong panimula.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Wala kasi akong makitang isang estudyante na willing makipag-partner sa akin for the project. Hinihintay ko pa yung iba na tumingin sa akin at sabihin na "Uy! Partner tayo ah" pero reality versus expected tayo dito ngayon eh.

Mga ilang minuto ang nakakalipas, nakita ko na nagsilabasan na yung mga may partner sa project ng 1/8 sheet of yellow paper. Tapos ako naman ay kinakabahan na ako na baka wala akong partner sa project. Okay lang naman ako lang mag-isa ang gumawa ng project pero kailangan ko lang talaga siguro ng man power nina Neil at Gabriel para matapos ito kung sakaling magi-individual ako di ba. These two guy were already my best buddies kapag may assignments and projects ako. Tinutulungan nila ako sa mga ganitong bagay at nakaka-appreciate ang kanilang effort.

Mga ilang minuto pa ang nakakalipas, doon na ako nag-conclude sa sarili ko na magi-individual ako kasi wala akong partner. Okay lang ba kay Ma'am Gomez?

Itataas ko na sana yung kamay ko para makuha yung atensyon ni Ma'am Gomez pero hindi iyon natuloy nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Miss, wala kang partner?"

Napaigtad ako sa upuan ko at biglang napatingin sa likuran para makita ko kung sino yung nagsalita. Doon ko na-realized na si Felix pala yung lumapit sa akin.

Doon ako biglang kinabahan at nagulat nung biglang lumapit siya sa akin. Hindi kaagad ako nakapagsalita bagkus tumingin lang ako sa kanya na parang nagulat.

"Wala akong partner. Pwede tayo na lang?" tanong pa niya sa akin. Pwedeng TAYO na lang? Ano ibig niyang sabihin. "Ahmm what I mean is… pwede tayo na lang mag-partner for the project. I know something friend na pwede tumulong sa atin just in case kung mag-gagawa na tayo ng video for the project."

Sinubukan kong magsalita kahit feeling ko nauutal ako. Nakita ko na umupo siya sa katabi kong upuan. Kumuha siya ng notebook sa kanyang bagpack at may kinuha ulit doon na 1/8 sheet of paper na nakaipit sa isang pahina ng notebook niya.

"Are you willing for my offer?" tanong pa niya sa akin.

"Sure ka?" tanong ko sa kanya.

Tapos bigla siyang natawa ng mahina. "Wala akong choice kasi wala naman akong kakilala dito sa classroom. And then I saw you na parang wala ka pang partner kaya I encourage myself na lumapit sa iyo at tanungin kung pwede kang maging partner para sa project."

Kahit ang pangit pakinggan yung lumapit lang siya sa akin dahil wala na siyang choice, still I accept his reason. Napaka-assuming ko naman if above his reason ang gusto kong

avataravatar
Next chapter