6 Her Face Sounds Familiar

CHAPTER SIX – Her face sounds familiar

Maga-ala una ng tanghali nung nagpaalam si Gabriel sa aming dalawa ni Neil. May klase pa daw siya ng mga 1:30 kaya ayun nagmamadaling umalis sa fast food. Dahil mamayang 3:00 pa ng hapon ang klase namin ni Neil, napagdesisyunan namin na tumambay muna sa DCST building kung saan may free wifi doon. DCST meaning Department of Computer Science and Technology.

Pagdating roon ay kaagad kaming umupo sa sahig na gawa sa tiles. Nilabas ni Neil ang kanyang cellphone samantalang ako ay nilabas ko yung notebook ko dahil may assignment nga pala ako sa isang subject ngayon.

Binasa ko yung question number 1 sa assignment ko.

1.) What do you say about boys?

Napangiwi na lang ako doon sa question. Ano nga ba ang masasabi ko sa mga lalaki? Hindi ko alam. Ano ba ang ilalagay ko dito? Eh wala naman akong alam tungkol sa mga hobby at lifestyle ng mga lalaki.

Napatingin ako sa tabi ko kung saan katabi ko si Neil na seryosong nakatingin sa kanyang cellphone. Hindi ko alam kung ano yung pinapanuod niya. Sa ngayon ay naka-headset siya kaya hindi niya alam na tinitingnan ko siya.

Napangiti ako bigla. Na-realized ko kasi ngayon na sobrang cute at gwapo talaga itong si Neil kapag nasa malapitan (at kapag nasa malayo rin hehehe). Sa mga taon at buwan na nagsasama kami nito sa college ay hindi ko namalayan ang pagka-gwapo ng kaibigan kong ito. Sinasabihan ko lang siya na gwapo siya pero not really na naa-appreciate ko yung kagwapuhan niya. Sa ngayon, doon ko na na-prove na gwapo nga talaga si Neil. May dimple siya sa dalawang pisngi niya kapag ngumingiti siya. Payat nga lang pero nakaka-attract siya.

Sa pagiging magkaibigan namin nina Gabriel at Neil, si Neil lang ang pinaka-close ko sa lahat. Close naman kami ni Gabriel pero hindi ganun ka-close kay Neil. Gets?

Binalik ko yung tingin ko sa assignment ko. Nilaktawan ko yung question no. 1 at baka sakaling masagutan ko iyon kapag babalikan ko mamaya.

Doon ako sa question no. 2.

2.) Do you have any guy friend?

Siyempre naman meron. Sinagutan ko yung number 2. Doon ako sa number 3 na question.

3.) Among those guy friends that you have, who is so very close to you?

Doon ulit ako napatingin kay Neil. Tapos sinulat ko yung complete name niya sa notebook ko.

Number 4.

4.) What are his hobbies?

Playing basketball, mobile legends, and watching youtube.

Number 5.

5.) Is he have a girlfriend?

Hindi ko alam. Pero sa pagkakaalam ko ay mayroon siyang ka-fling na babae. Her name is Maris. Napatingin ulit ako kay Neil at kinalabit siya. Tumingin naman siya sa akin.

"Hmmm?" sabi ni Neil sa akin nung kinalabit ko siya. Tinanggal pa niya ang headset sa kanyang tenga.

"Musta na nga pala kayo ni Maris?"

"Maris?"

"Si Maris. Yung ka-fling last sem. Musta na kayo? Hindi pa ba kayo niyon?"

Ngumiwi siya sa akin. "Hindi 'no. Hindi magiging kami."

"Wow ah. Ang gwapo mo!"

"Siyempre!"

"Ba't hindi naging kayo ni Maris? Ang sweet-sweet niyo kaya last sem. Halos wala ka na'ng time sa mga lakad natin eh kasi kasama mo siya."

"Tsk. Matagal na 'yun."

"Pero nasaan na nga siya?"

"Hindi ko alam. Ba't mo sa akin hinahanap?" sabi ni Neil sa akin na parang nairita siya. Galit na ba siya niyan?

"Nagtatanong lang. Malay ko ba na wala ka ng paki sa kanya."

"Wala na talaga."

"At bakit mo naman nasabi iyan?"

"Sa totoo lang, nag-away kami ni Maris last sem. May sinabi ako sa kanya na hindi niya ginusto kaya ayun, nagalit siya sa akin."

"Ano naman ang sinabi mo sa kanya kaya siya nagalit?"

Bigla siyang napahinto sa tanong ko. Tapos tumingin siya ulit sa akin. "Gusto mo talaga malaman kung ano ang sinabi ko sa kanya?"

"Ano nga 'yun?"

"Sinabi ko sa kanya na may gusto akong babae at hindi siya kaya ayun nagalit siya sa akin."

Bigla akong nagulat at natawa sa sinabi niya sa akin.

"Sure na?"

"Oo. Pero wala akong minention na babae na gusto ko."

"Siguro dahilan mo lang iyan para ma-turn off si Maris sa iyo. Mag-girlfriend ka na kaya para naman may maipakilala ka na sa akin hahaha," sabi ko sa kanya.

Wala siyang naisalita bagkus ay tumahimik lang siya. Ano kaya iniisip ng lalaking 'to?

Kaagad ako tumingin sa notebook ko at sinagutan ang question number 5. Wala siyang girlfriend. Syempre sinagutan ko yun in English sentence.

Number 6.

6.) What are other things didn't know to him?

Bigla akong napaisip. Ano nga ba ang hindi ko pa alam kay Neil? Tumingin muli sa kanya na busy ulit kakapanuod ng video sa kanyang cellphone. Wala akong idea kung ano pinapanuod niya kaya pa-sikreto akong tumingin sa screen ng cellphone niya at napasinghap ako nung nakita ko na nanunuod siya ng babaeng nakahubad sa twitter. Kaagad ko siyang hinampas sa balikat niya at doon siya ulit napatingin sa akin.

"Aray!"

"Sira ulo ka pala! Ba't ka nanunuod ng porn ah!? Alam mo ang bastos mo," pagrereklamo ko sa kanya at doon siya natawa.

"Eh wala akong magawa eh. Nakita ko lang sa twitter kaya ko pinanuod."

"Ewan ko sa iyo!" natatawa kong sabi sa kanya. "Kadiri ka ah!" Kaagad ko lang na hinarap yung notebook ko ulit at narinig ko pa na tumawa siya. Doon ko naman sinagutan yung pinaka-last na question sa assignment ko.

He likes to watch porn.

Pagkatapos kong sulatin iyon ay narinig ko na nagsalita si Neil sa tabi ko.

"Ano'ng oras kita susunduin mamaya? Sabay na tayong pumunta sa bahay nina Ryan," tanong niya sa akin.

"Eh ano bang oras magsisimula yung party ah?"

"I don't know. Punta na lang tayo doon. Sunduin na lang kita."

"As always. Mga 7:30 lang tayo pumunta doon ah."

Tumungo si Neil at ibinalik muli ang tingin nito sa cellphone.

Dumating ang alas tres ng hapon ay nagpaalam na ako kay Neil. Dahil mayroon din siyang class ngayong alas tres ng hapon, naghiwalay na kami ng daan para pumunta sa kanya-kanya naming department. Last subject ko na itong papasukan ko. Bago kami maghiwalay ni Neil ay sinabihan niya ulit ako na sabay kaming umuwi nina Gabriel at doon lang kami magkikita sa gym mamayang alas kwatro.

Nang makarating ako sa department para sa last subject na papasukan ko ay may nakita akong isang babae na mahaba ang buhok ang pasulyap-sulyap na tumitingin sa isang classroom kung saan doon rin mismo yung classroom na papasukan ko para sa last subject ko. Para siyang nagdadalawang isip kung papasok ba siya sa loob or hindi though wala naman tao sa loob.

Nung makita niya ako ay doon na siya lumapit sa akin at nahihiyang nagtanong.

"Ahmm… Excuse me… Dito ba yung classroom for English 21?"

The girl was thin and innocent. Maputi yung balat niya, mas maputi pa siya kaysa sa akin. Kasing tangkad ko lang siya at simple lang siyang manamit kung titingnan mo yung damit na suot niya, isang jeans at t-shirt na color light pink. Naka-doll shoes rin siya at makikita na wala itong suot na make up sa mukha.

Mahinhin siya na babae pero hindi siya tipong nerd para sa akin. She's beautiful. Pero mas maganda ako hehe.

Pero ang weird lang is… parang familiar ang babaeng ito sa akin. Parang nakita ko na ito somewhere, hindi ko lang alam kung saan iyon.

Namataan ko na same subject rin kami na papasukan kaya ngumiti ako sa kanya at sinagot ang tanong niya sa akin.

"Oo. Diyan 'yun. Bago ka dito sa school?"

Ngumiti rin siya sa akin at nagsalita siya. "Hindi. Ngayon pa lang kasi ako nakapunta sa department na ito. Hindi ako masyadong maka-familiarize sa lugar na 'to. Sorry."

"You don't have to sorry," sabi ko at mahina siyang natawa. "Pasok na tayo?"

"Sige…"

Nauna siyang naglakad at pumasok sa loob. Nakasunod lang naman ako sa kanya. Sa dating upuan pa rin ako umupo kung saan ako umupo nung first day of school. Tumabi naman si ate girl sa katabi kong upuan.

"Ano ginawa niyo last meeting. Hindi kasi ako pumasok eh."

"Ahmm… nagbigay si ma'am ng assignment."

"Ano'ng assignment?"

"About boy's character."

"Ahh… ganun ba. Magpapasa na lang siguro next meeting. Pwede pa kaya?"

"Pwede pa siguro." Ba't ba ang bait-bait ng babaeng ito? Iba lang kasi siya sa ibang babae. Napaka-innosente ng mukha niya at parang angel yung kabaitan niya. Mukha ngang di ito marunong magbiro eh. Maganda naman si ate girl. Mas gaganda pa siya if mag-aayos siya like magme-make up siya ganun.

"Siya nga pala, ako pala si Christian," pagpapakilala niya sa akin. Namilog yung dalawa kong mata sa pangalan niya. Ba't pang-lalaki yung pangalan niya?

"Christian?"

"Christian Faith Tagnipez yung complete name ko. Apple na lang ang itawag mo sa akin for short."

Napatungo na lang ako sa sinabi niya. Bakit iba iba ang pangalan niya? Tumingin ako kay Apple. Para talaga siyang may kamukha. Parang nakita ko na ang mukha niya. Hindi ko lang alam kung kailan.

"Pardon me. Pero parang familiar ka para sa akin," sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at mahinang tumawa.

"Talaga?"

"Oo. Hindi ko lang alam kung saan kita nakita."

"Baka naman ay nakikita mo na ako dati pa dito sa school pero hindi mo lang ako kilala."

"Siguro nga."

Mga ilang minuto ang nakakalipas ay nagsidatingan naman yung iba kong classmate. Kasunod niyon ay dumating na rin yung instructor na magtuturo sa amin at nagsimula na naman ang matinding boring sa klase.

avataravatar
Next chapter