webnovel

Faith's Side

CHAPTER THIRTEEN – Faith's Side

***Faith's/Apple's POV

Hindi ko pa rin talaga maintidihan kung bakit ayaw pa rin niya ako tantanan. Si Johnny, parang sira. 'Di ba sinabi ko naman sa kanya na hiwalay na kami. Ba't ba ayaw niya ako tantanan.

Sa pagkakataong ito, natigilan ako sa pagsusulat ng aking assignment. Nakaharap ako ngayon study table ko habang ang ilaw lang ng lamp ang bumabalot sa kabuuan ng kwarto.

Naalala ko bigla si Johnny. Kanina kasi ay parang tanga na sunod ng sunod sa akin. Hindi ko na alam kung paano ko siya lulubayan sa buhay ko.

Johnny was Felix. Ito yung tawag ko sa kanya dahil noon pa man noong naging kami ay nasanay na ako na sa ganitong pangalan ko siya tatawagin. Para sa akin ay mas maganda iyon kaysa sa 'Felix'. Para ako lang 'yung naiiba sa lahat.

Pero noon niyon, hindi na ngayon. Magmula ng maghiwalay kami ni Johnny, nagbago ang lahat. Inaamin ko naman talaga sa sarili ko na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Kinakailangan ko siyang hiwalayan dahil na rin sa…. Ahmmm…. Basta. Hindi ko muna sasabihin sa inyo kung bakit ko siya hiniwalayan kahit ayoko talaga.

Alam niyo ba na si Johnny lang 'yung sobrang minahal ko. Besides na siya 'yung first boyfriend ko, syempre, naramdaman ko kaagad kung paano mahalin ng isang lalaki. Secret nga lang 'yung relasyon naming dalawa dahil sabi ng papa ko na isang pastor, ayaw niya munang nakikipag-date or nakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil bata pa daw ako at pag-aaral muna ang isipin ko.

Sinunod ko naman kaso nabigo ako. Tao rin ako at nakakaramdam rin ako ng pagmamahal. Noong unang nagkita kami ni Johnny, inaamin ko na na-attract kaagad ako sa kanya. Crush ko nga siya eh. Pero hindi ko iyon pinahalata at baka makita ng parents ko. Ayoko na isipin nila na nakikipaglandian ako. Ayoko ng ganun. Ever since, hindi pa ako sumusuway sa mga rules nina papa at mama. Mababait silang magulang kaya pinalaki rin nila akong may respeto sa magulang at may takot sa diyos.

Napaka-relihiyoso kasi nina papa at mama. Nadala ko naman ang ganung attitude. Kapag anak ka talaga ng pastor, blessed ka.

Pero sorry na lang talaga kay mama at papa dahil sinuway ko sila. Noong time na inamin ni Johnny na may gusto rin siya sa akin, inamin ko rin sa kanya na may gusto rin ako sa kanya. MU kung tatawagin kaya ayun, niligawan niya ako. Ayoko naman ng mabilisan 'no. Gusto ko munang maramdaman kung paano nililigawan ng isang lalaki. Umabot siguro ng ilang buwan niyon nung sinagot ko siya. Ayoko naman na paasahin siya, di 'ba. Kaya ayun, naging kami nga ni Johnny pero secret relationship nga lang.

Magkapit-bahay kami niyan. Magkatapat nga lang yung bintana ng kwarto namin eh. Sa pamamagitan niyon ay doon kami nagkakausap tuwing gabi o kaya naman eh tumatawag siya sa kanyang cellphone para mag-usap.

Napaka-sweet ni Johnny sa akin. Sincere talaga siya sa akin. Nararamdaman ko 'yung pagmamahal na iyon. At saka may respeto siya sa akin. One thing na hindi namin nagawa ay yung halikan niya ako sa lips at mag-involve ng premarital sex (sorry for the word). Ayoko ng ganun. Gusto ko kapag siya na nga yung magiging asawa ko, magpapakasal muna kami bago niya ako halikan sa lips at… at… basta… yun na yun. Natatakot kasi ako mag-involve ng mga ganyang sitwasyon. Kaya ayun, sa noo niya lang muna ako hinahalikan. As a kind of respect na rin siguro ang halik sa noo, di 'ba. Hindi naman yata ako nagmumukhang matanda.

Tumagal ang relasyon namin ng isang taon. At napaka-epic lang kasi nakipaghiwalay ako sa kanya after a week sa anniversary namin. Sa pagkakataong ito ay ayoko ng balikan ang ala-ala na iyon. Hanggang ngayon kasi ay nasasaktan pa rin ako. Ayoko sa mga ganitong sitwasyon.

Nakakatawa lang pero parang nag-flashback sa akin sa 'yung time na nakikipaghiwalay ako kay Johnny.

"Johnny, I will break up with you."

"Bakit?"

"Basta. Ayoko lang na masaktan ka…"

"Hindi mo ba alam na nasasaktan rin ako sa sitwasyon natin ngayon. Hindi ko alam ang reason mo kung bakit kailangan mong makipag-break sa akin."

"I just want to say na ayokong masaktan ka kapag nalaman mo ang totoo. Sorry Johnny, break na tayo."

Naputol ang ala-alang iyon ng biglang umilaw ang kabuuan ng kwarto ko. Pumasok si Ate Marie sa kwarto ko para kuhain ang mga lalabhan na damit. Napahinto ako sa page-emote ko doon at hinarap si Ate Marie.

"Kukuhain ko 'yung mga lalabhan na damit mo para malabhan ko ngayong gabi. Nasaan na?"

"Nandun, Ate. Salamat," sabi ko sa kanya at suminghot ako dahil tumutulo 'yung sipon ko.

"Okay ka lang? Umiiyak ka ba?" tanong ni Ate Marie sa akin habang dala-dala niya yung basket na may lamang maruming damit ko.

Hindi kaagad ako napatingin kay Ate Marie kasi ramdam ko sa pisngi ko 'yung luha na tumulo roon. Tsk, oo, umiiyak nga ako.

"Hindi, Ate Marie. Sinisipon lang," pagdadahilan ko.

"Okay… Aalis na ako. Maglalaba pa ako eh."

"Sige Ate. Salamat."

Wala namang salitang iniwan si Ate Marie sa akin bago siya tuluyang umalis sa kwarto ko. Pinatay naman niya ang ilaw at bumalik ulit ako sa ginagawa ko.

Magsusulat na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. May nag-text. At nakita ko sa screen saver ng cellphone ko ang pangalang "My Ex-BF". 'My BF' iyan dati pero pinalitan ko.

Binuksan ko yung message at binasa iyon.

"Alam kong naguguluhan ka na sa akin. Pero please lang… pwede ba tayong mag-usap?" Ito 'yung sabi sa text ni Johnny sa akin. Nagdadalawang isip ako na replayan siya. Sa puso ko, gusto ko siyang replayan pero sigaw ng utak ko ay huwag dahil kailangan ko siyang kalimutan dahil hindi talaga pwedeng maging kami ni Johnny.

Pinairal ko ang sigaw ng utak ko kaya hindi ko siya ni-replayan. Maya-maya ay nagtext ulit siya sa akin. Binasa ko naman ito.

"Mahal na mahal kita, alam mo ba 'yun. Gusto ko lang naman kasi maliwanagan kung bakit ka nakipag-break sa akin. Please… mag-usap tayo."

Bakit ba ang kulit niya? Sabi nga'ng hindi pwede na malaman niya kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanya dahil masasaktan siya ng sobra. Ayoko na masaktan ulit siya ng dahil sa akin. Okay na 'yung nasaktan siya dahil hiniwalayan ko siya at ayoko na malaman niya yung reason kung bakit nakipag-hiwalay ako sa kanya at baka tuluyan pa siyang masaktan niyan. Ayoko pa naman na makita siyang umiiyak.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko kaya nireplayan ko siya.

"Johnny, please… tama na."

"Mag-uusap lang tayo."

"Sorry pero ayoko. Lubayan mo na ako, okay. Meron na akong iba. Sorry."

Ito yung best way para tantanan niya na ako, ang magpanggap ng meron na akong IBA. Simula niyon ay hindi na siya nag-reply pa. Deep inside, I felt guilty sa ginawa ko. Sa gusto ko na ayaw siyang saktan ay parang nasasaktan ko na rin siya dahil sa ginagawa ko sa kanya.

Bigla akong napatayo at sumilip sa bintana ng kwarto ko para tingnan ang kalapit na bintana ng kwarto ni Felix. I saw him. Nagsusuot ito ng jacket niya na may hood at lumabas ito. Wala akong idea kung saan siya pupunta pero hula ko ay mukhang lalabas na naman ito ng bahay.

Kaagad kong kinuha yung cellphone ko at nag-create ng text para sa kanya.

"Johnny, saan ka pupunta? Di 'ba sabi ko sa 'yo na huwag ka ng lalabas ng bahay kapag gabi na," ito yung sabi ko sa text pero hindi pa ito isinend. Nagdadalawang isip pa ako kasi kung isisend koi to, baka sabihin niya na ini-stalk ko siya. Kaya ayun, binura ko 'yung message at inihagis yung cellphone ko sa malambot kong kama. Ginulo ko yung buhok ko gamit ang dalawa kong kamay dahil sa frustrations. Hayss.. Ewan ko sa iyo, Johnny!

Nag-concentrate na lang ako sa sarili ko at bumalik sa paggawa ng assignments. Mga two hours siguro akong ganun ng biglang pumasok si mama sa kwarto ko at sabi niya na mayroon daw naghahanap sa akin.

"Sino 'Ma?" Sana naman ay hindi si Johnny.

"Nandito ang mother ni Felix. Hinahanap ka," dagdag pa ni Mama sa akin at doon na ako naguluhan. Ba't hinahanap ako ng mama ni Felix ngayon. Ano'ng oras na??

"Bakit daw po?"

"Nawawala si Felix. Kayo na mag-usap ngayon. Bumaba ka diyan." Pagkatapos niyon ay umalis na si mama sa kwarto ko. Sumunod naman ako sa kanya at pagbaba ko sa hagdan papuntang sala ay doon ko nga nakita ang mother ni Johnny na mukhang nag-aalala.

"Sorry sa abala, Apple. May gusto lang sana akong itanong sa iyo. Kung okay lang?"

"Ano po iyon, Tita?"

"It's been an hour since Johnny left the house. Baka may idea kung saan siya pumunta? Ikaw lang ang naisip ko na tanungan dahil alam kong magkaibigan kayo niyon."

Huh? Hindi pa pala umuuwi si Johnny ngayon sa bahay nila!? Nasaan na kaya 'yung mokong na 'yun? Tsk.

Johnny's parents and I really knew that we were friend lang. Patago nga lang 'yung relationship naming dalawa, di ba.

"Sorry Tita pero hindi ko po alam. Pero ita-try ko pong tawagan siya at baka sagutin niya. Hindi niyo po ba siya matawagan?"

"I forget my phone in the office. Eto namang asawa ko ay parang walang pakialam sa anak niya lalo na 'yung ate niya. Kaya ikaw na lang ang pinuntahan ko."

"Ahm sige po. Tatawagan ko na lang po siya at ibabalita ko na lang po kung sa iyo kung nasaan po siya ngayon."

"Sige iha. Salamat. Baka kasi nag-iinom na naman 'yung lalaking 'yun. Recently, these past few days ay parang kakaiba ang ikinikilos niya. He always locked to his room. Minsan tinatamad pumasok. Ngayon nga lang pumasok iyan sa bagong school niya dahil hindi ko rin alam kung bakit basta basta na lang siya magta-transfer ng ibang school."

Natigilan ako sa sinabi ng mother ni Johnny. So kaya pala nandun kaninang hapon si Johnny sa school namin dahil doon na rin siya pumapasok.

"Sige po, tita. Ipapaalam ko na lang po sa inyo kung natawagan ko na siya." Isang ngiti ang ginawad ko sa mother ni Johnny pero deep inside ay nag-aalala rin ako sa kanya. Nasaan na kaya 'yun?

Nagpaalam naman si Tita sa akin at saka na ito umalis sa bahay. Nang makaalis na ito ay saka na ako umakyat sa taas at kinuha ang cellphone ko.

Nagdadalawang isip pa rin akong tawagan siya pero dahil emergency na rin, hindi na ang puso ko ang sinunod ko.

I contacted him pero he can't reach. I contacted him 20 times pero walang sumasagot. Nagri-ring naman ang cellphone niya pero bakit ayaw niya sagutin. Itinigil ko naman iyon dahil wala talagang pag-asa na sasagutin niya ito. Siguro nga ay nag-iinom na naman ito. Tsk. Ayoko sa ganyang niyang habit eh. Sinabihan ko na siya na huwag uminom.

Mga isang oras ang nakakalipas, nakarinig ako ng boses sa labas ng bahay. Nanggagaling iyon sa labas ng bahay nina Johnny at sa pagkakaalam ko ay ang boses ni Tita ang naririnig ko.

Mabilis akong bumangon sa kama ko at sumilip ako sa bintana para tingnan si Tita. Kasama niya ang asawa niya at mukhang nag-aaway ang mga ito habang hinahanda ng asawa nito ang sasakyan. Saan kaya sila pupunta? Baka nahanap na nila si Johnny. Sana nga.

Si Johnny talaga. Napakapasaway niyon.

Babalik na sana ako sa pagkakatulog ng mapahinto ako sa narinig ko mula kay Tita sa labas habang nag-aaway pa rin ang mga ito ngayon.

"Nasaksak ang anak mo. Wala ka na lang ba talagang paki?" galit na sabi ni Tita sa asawa niya. Mabilisan na tumingin ulit ako sa bintana at pinakinggan pa ang mga salita na ilalabas ni Tita.

Ano? Nasaksak si Johnny???

"Malaki na siya. He can do anything on his life. Huwag ka nang maingay diyan at sumakay ka na. Pupuntahan natin siya sa hospital."

Sa pagkakataong iyon, ang pag-alis na lamang sa sasakyan ang narinig ko sa labas. Doon naman ako nag-alala bigla kay Johnny. Bakit siya nasaksak? Ano ba ang pinaggagawa niya ngayon???

And then suddenly, I feel that I started crying… again.

Kasalanan ko ito.