webnovel

Debut Party (Part 2)

CHAPTER TEN – Debut Party (Part 2)

"N-Neil… p-pwede ba tayong mag-usap?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Kung tutuusin eh nahahalata ko siya na nilalakasan niya talaga ang kanyang loob na gusto niyang makipag-usap sa akin. Alam kong may gusto siya sa akin. Pero ni minsan ay hindi ko siya kinausap man lang. Baka sa pagkakataong ito eh baka masabi ko sa kanya na… hindi ko talaga siya gusto… at wala siyang pag-asa para sa akin.

"Sige…" sabi ko na lang. Yumuko naman siya at nauna siyang naglakad papunta sa madilim na gilid ng kanilang malaking bahay. Bago ko pa inilakad yung dalawa kong paa, tiningnan ko muna si Cindy kung ano na ang ginagawa niya. Kasama pa rin niya si Gabriel at nagkakatuwaan silang nagku-kwentuhan habang kumakain. Maya-maya nito ay doon na ako sumunod kay Nancy.

Nasa isang sulok kami ng malaking bahay nina Nancy. Madilim sa lugar na ito pero hindi naman masyado dahil nakikita ko pa rin 'yung mukha niya. Hindi ko alam kung bakit dito niya gustong makipag-usap sa akin.

"Bakit dito tayo mag-uusap?" tanong ko kaagad sa kanya.

"A-Ayoko sana na makita tayo ng mga bisita. Ayoko na pagtawanan nila ako. Atsaka, nahihiya rin ako sa iyo kaya dito tayo sa dilim mag-uusap."

Hindi ako nakapagsalita subalit pinilit ko lang ang sarili ko na huwag matawa sa sinabi niya. Masyado talagang mahiyain si Nancy sa totoo lang.

Maya-maya, ako ang unang nagsalita. "Happy Birthday nga pala."

Kahit madilim sa lugar na iyon, nakita ko pa rin siyang ngumiti. "Salamat."

Pagkatapos ay bumalot na naman yung katahimikan sa aming dalawa bago siya nagsalita.

"Musta ka na nga pala?" tanong ni Nancy sa akin.

"Okay ka lang. Ikaw ba?"

"Mabuti rin."

So ganto lang ang pag-uusapan namin ngayon?

"Mabuti at nakapunta ka sa party ko."

"Ahh… Oo eh. Ininvite kami ng kuya mo kaya kami pumunta dito."

"Ayoko sana magpa-party pero mapilit sila mommy at daddy. Wala naman akong magagawa eh."

"Ganun ba."

"Pero nagpapasalamat rin ako ng dahil sa party na ito, may pag-asa ako na makipag-usap sa iyo."

Hindi ako nakapagsalita. Pinilit ko lang ngumiti sa harapan niya para malaman niya na okay lang ako ngayon kahit gusto ko na talaga umalis sa lugar na ito at puntahan doon si Cindy. Baka kasi hinahanap na niya rin ako.

"Neil…"

"Hmmm…"

"M-Matanong ko lang sa iyo…."

"Ano iyon?" Bilisan mo at nagmamadali ako dito.

"May pag-asa ba ako sa iyo?"

"Huh?"

"G-Gusto ko lang malaman ang sagot mo. M-May pag-asa ba ako para sa iyo?"

Hindi ako makapagsalita. Ano ng aba ang isasagot ko sa kanya? Ahmmm….

"Ahhmm… ano… hehehe… Ahmmmm…" nabubulol yata ako. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na hindi ko siya gusto at baka masaktan siya. Birthday pa naman niya.

"Neil… Mahal kita."

"Wait lang… bakit parang ang bilis yata," natatawa na lang ako pero sa totoo lang, naiirita na ako. "Ganto na lang, Nancy 'no. Ahmmm… s-sabihin na lang natin na… h-hindi pa siguro ito ang tamang panahon na sabihin ko sa iyo kung may pag-asa ka ba sa akin o wala. P-pero… ang point ko lang is… a-ayoko yung umaasa ka sa akin. Baka… masaktan ka lang."

"So… ibig mong sabihin… wala na talaga akong pag-asa sa iyo, ganun. Na hindi mo rin ako mahal."

"Ahmmm…" Ano nga ba ang sasabihin ko? "Ahmmm… d-definitely… yes I think hehehe," nasabi ko na lang dahil wala na akong masabi pang dahilan kay Nancy. Nakita ko yung reaction niya kung paano at gaano siya nasaktan sa sinabi ko. Sorry for that. Sorry. Dahil doon ay nagsalita ulit ako. "Ahmm… Nancy, I think it's time for you to move on. Kasi kung pipilitin mo lang na mahalin ako… baka masaktan ka pa. At ayoko na mangyari iyon kahit ngayon ay nakikita ko na nasasaktan ka na. Siguro naman meron pang mga lalaki na magugustuhan mo na higit pa para sa akin. No offense but sorry, Nancy. Sorry," sabi ko sa kanya at doon na ako umalis sa lugar na iyon. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari kay Nancy dahil kaagad na akong pumunta kay Cindy na kasama si Gabriel.

Pero sa pagkakataong ito, parang doon ko na realized na mali yung ginawa ko sa kanya. Dapat hindi na lang ganun yung sinabi ko. Sinabi ko na lang dapat siguro na may pag-asa siya sa akin pero hindi pa sa araw na iyon. Tsk.

****Cindy's POV

Nung hinanap ko si Gabriel kanina, nakita ko naman siya kaagad. Nawala kasi bigla si Neil sa harapan ko at nakita ko na lang na magkausap sila ni Ryan. Kaya wala rin akong nagawa kundi kausapin rin itong si Gabriel.

He looks so very attractive sa suot niyang bohemian polo na may nakasapaw na puting tshirt sa kanyang upper part at nakasuot lang din siyang ng jean short na color sky green. Hindi ko ini-expect na ganun ang isusuot niya kasi yung suot ko, para akong magsisimba.

"Bagay ba sa akin?" tanong niya.

"Ba't ganyan 'yung suot mo?" tanong ko.

"Bakit? Hindi ba pwede? Wala naman dress code para sa debut party ah. Sabi ni Ryan sa akin eh pool party daw kaya ganito yung suot ko. Eh bakit ikaw? Ba't parang magsisimba ka yata sa suot mong yan?"

Hinampas ko yung balikat niya dahil tinutukso na naman niya ako. Tumawa naman siya bigla. "Ehhhhhh. Sira ulo ka talaga! Sorry ah, kasi eto yung pinasuot ni Neil sa akin eh!"

Tumigil siya sa pagtawa at bigla siyang ngumiwi. "So si Neil na ngayon yung may bahala kung ano ang susuotin mo, ganun," napaka-sarcastic na sabi niya sa akin.

"Hindi naman sa ganun. Binilhan niya lang ako ng masusuot kasi wala ako maisusuot ngayon."

"Ganun ba."

"Oo. Pagbigyan mo na lang ako as a friend."

Nakita ko na ngumiwi siya. "Okay."

Habang wala pa si Neil, plano namin ni Gabriel na kumuha ng makakain ngayon. Pumunta kami sa isang mahabang dining table kung saan nandoon nakalagay ang mga pagkain na ise-served na lang sa amin nung mga waiter sa catering. Kumuha ako ng maraming kanin. Naalala ko kasi na wala pa akong kain ngayon. Gabi na at kailangan ko ng kumain kasi nagugutom na ako.

Pagkatapos kong kumuha ng kanin, namili naman ako ng maiuulam ko. Sa sobrang daming putahe na nakahanda ngayon eh hindi ko na alam ang pipiliin ko. Basta kung ano yung masarap, yun na yung pipiliin ko.

Mga limang ulam yata yung napili ko sa pagkakataong ito. Samahan mo pa ng limang lumpia at tatlong cordon bleu. Nakita ako ni Gabriel at halatang gulat na gulat siya sa dala-dala kong plato na punong-puno ng pagkain.

"Hindi ka naman siguro gutom sa lagay na yan?" tanong ni Gabriel sa akin.

"Pabayaan mo na ako, Gab. Ngayon lang ito. Bukas wala na 'to," sabi ko sa kanya at narinig ko yung tawa niya.

"Spaghetti? Gusto mo?" alok niya sa akin.

"Go!" sabi ko tapos kaagad kong inilahad yung platong hawak-hawak ko sa kanya para siya na yung magsasandok ng spaghetti sa akin doon sa plato.

"Magdoble ka na lang yata ng plato. Mukhang hindi kakasya eh. Ang takaw mo!" pagbibiro ni Gabriel sa akin tapos malakas na tumawa siya sa harapan ko. Inirapan ko na lang siya tapos ngumiti. Syempre hindi ko sinunod yung sabi niya na magdo-doble ako ng plato 'no. Nakakahiya, ano ba!

Pagkatapos namin kumuha ng pagkain, humanap kami ni Gabriel ng bakanteng lamesa at saktong may nakita kami malapit sa swimming pool. Doon kami pumwesto at kumain. Nasa kalagitnaan na kami sa pagkain ng biglang dumating ang parents ni Gabriel sa party. Napatingin sila sa aming dalawa lalo na sa akin. Lalo na yung Mom at Dad ni Gabriel. Grabe yung titig nila sa akin na parang may ginawa akong kasalanan sa kanila. Tsk. As far as I know ay magkakilala rin ang magulang ni Ryan at magulang ni Gabriel. Ka-sosyo siguro sila sa negosyo I think.

"Wait muna, Cindy ah. Pupuntahan ko muna sina Mom at Dad. Babalik ako, huwag kang aalis," paalam niya sa akin.

Kahit ayokong mawala siya ngayon dahil nahihiya akong mag-isa sa lamesang ito habang kumakain ay wala akong nagawa kundi pumayag na lang. Tumungo ako sa kanya bilang sagot bago siya umalis doon sa pwesto naming dalawa.

Sinubukan kong panuorin si Gabriel at ang kanyang magulang. Nag-usap sila at biglang tumingin si Gabriel sa akin mula sa kinauupuan ko ngayon tapos sumunod ring tumingin ang mga magulang nito sa akin. Pagkatapos niyon ay pumasok silang lahat sa loob ng bahay.

Siguro hihintayin ko na lang si Gabriel dito. Sabi niya kasi eh babalik siya.

Wait muna!? Nasaan na kaya si Neil?

Habang nakaupo ako sa pwesto ko, hinahanap ko naman si Neil sa paligid. Wala siya. Wala akong idea kung nasaan na si Neil ngayon. After na nag-usap sila ni Ryan ay doon ko na sya hindi na nakita pa. Nasaan na kaya 'yun?

Wala na ako nag-mind pa na hanapin si Neil. Bumalik na lang ako sa pagkain ko para maubos ko na ito. Mga sandaling kumain ako ngayon ng biglang napahinto ako sa pagkain ko ng spaghetti ng makita ko si Nancy na nakatayo sa harapan ko hindi malayo sa kinauupuan ko ngayon.

Napangiti ako nung makita siya pero wala naman siyang response nung ginawa ko iyon. Besides this, napaka-seryoso ng mukha niyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Galit ba siya sa akin or what? Hindi ko alam.

Nakita ko na lumapit siya sa akin at umupo mula sa kinauupuan kanina ni Gabriel. Bumuntong-hinga siya sa habang nakatingin pa rin siya sa akin. Ang awkward ko naman tingnan para sa kanya. Subo-subo ko pa yung spaghetti ngayon.

Dahil sa katahimikan ng awra naming dalawa ngayon ni Nancy, ako na yung kusang nagsalita para maputol ang katahimikang iyon. Pero nung magsasalita na ako, bigla niya iyon pinutol.

"Happy Birth---"

"Hindi ka invited dito," daretsong sabi niya sa akin na ikinagulat at ikinatahimik ko naman.

"Ahmmm…"

"Sabi ko hindi ka invited dito. Ang tunay na inin-vite lang dito ay si Neil at si Gabriel. Hindi ko alam kung bakit nandito ka. Sira ulo siguro itong si Kuya Ryan. Kahit sino na lang kasi pinapapunta niya rito kahit hindi invited eh."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Nagulat lang ako. Tsk. Ang sakit naman niyang makapagsalita. Hindi pala ako invited eh bakit ako sinama ni Neil dito kung hindi naman ako invited.

Dahil doon ay inatras ko yung plato ko na may mga laman pa ng pagkain. Nawalan ako ng gana dahil sa sinabi niya plus nasaktan rin ako. Hindi ko rin kasi ini-expect na masasabi ni Nancy iyan sa akin. Sabagay, hindi naman kami close ng babaeng ito. Ang habol niya lang yata ngayon ay si Neil kasi may gusto siya rito.

"Makakaalis ka na kung gusto mo. Basta sabi ko hindi ka invited dito," sabi pa niya sa akin. Uminom na lang muna ako sandali ng tubig bago tumayo at umalis sa lugar na iyon. Hindi ko na muling nakita pa sina Neil at Gabriel ngayon. Wala akong idea kung nasaan sila.

Sa huli ay umalis na lang ako sa lugar na iyon. Doon sana ako lalabas sa front gate pero mabuti na lang at may labasan rin dito sa likod. Doon na lang ako lumabas.

Sa pagkakataong ito, parang nawalan ako sa gana. Naramdaman kong malungkot ako ngayon. Hindi masaya ang araw ko ngayon. Tsk.

Bahala na. Mamamasyal muna ako kahit saan. Maaga pa naman ang gabi eh.

Pagkalabas ko mula sa malaking bahay na iyon, kaagad akong naglakad palayo sa lugar na iyon. May nakita akong tricycle nang makalayo ako. Sumakay ako doon at sinabihan ko si Kuya driver na sa may 7/11 lang ako.

Gusto ko muna mapag-isa siguro. Yun lang.

Pagdating ko sa 7/11, pumunta kaagad ako sa counter at um-order ng maiinom. Um-order rin ako ng isang cup noodles. Kumuha na rin ako ng chichirya sa stall nila doon at binayaran. Maya-maya, pumwesto na ako malapit sa isang lamesa na nakadikit lang sa glass panel ng convenient store. Sa pagkakataong ito, may pumasok na isang lalaki at kaagad na namukhaan ko siya.

Si Felix. Si Felix yung nakita ko ngayon. Biglang sumaya yung pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit.

Next chapter