webnovel

Debut Party (Part 1)

CHAPTER NINE – Debut Party (Part 1)

Mabilis na ipinarada ni Neil ang kanyang motor. Nang maipatay na niya ang makina nito ay saka na kami sabay na pumasok sa loob ng bahay nina Ryan.

Isa sa mga kaibigan nina Niel at Gabriel si Ryan. Varsity player siya sa school na pinapasukan namin. Mas matanda nga lang ng isang taon ito sa amin tsaka higher year na sya. Same sila ng course ni Gabriel kaya magkakilala sila ni Gabriel talaga. Kaming dalawa ni Neil eh nasali lang kami at nakilala lang namin si Ryan dahil kay Gabriel.

May kapatid na babae si Ryan. Her name is Nancy. Same year rin yata kami and I knew her a little. Minsan nakikita ko si Nancy sa school at palagi itong nag-iisa. Loner type kasi ito. Matalino siya at palaging nag-aaral, siguro ito na rin yata ang reason kung bakit gusto niyang mapag-isa. And then, may balita rin yata na dumating sa kanya na mukhang siya ang napili sa exchange student program ng university sa Japan. Napaka-swerte niya, ika nga.

Pero one thing ang nakakaloka talaga sa totoo lang, nung nalaman ko may crush si Nancy kay Neil. Nalaman lang namin iyan one year ago. Hindi naman kasi showy si Nancy kay Neil and besides kapag nandiyan si Neil, napagmamasdan ko na parang nahihiya tumingin itong si Nancy kay Neil kaya naman binibiro ko siya lage.

There's no wrong about Nancy. Maganda naman siya. Hindi naman siya isang nerd or geek. Ano'ng masama sa isang babae na nakasuot ng malaking salamin sa mata at mahilig mag-aral. Beside, bagay kaya silang dalawa ni Neil. Pareho silang matalino.

"Tutuksuhin na naman kita kay Nancy!" pagbibiro ko kay Neil.

"Don't you dare to do that!"

Tumawa lang ako atsaka na kami tuluyang tumuloy sa bahay nina Ryan.

Mabilis na nakita namin si Ryan sa loob. Kaagad kaming lumapit at bumati sa kanya.

"Wazzup, 'bro!" masayang bati ni Ryan kay Neil habang ako naman eh nakangiti sa likuran niya. You know na. Mga lalaki talaga. Habang nag-uusap sina Ryan at Neil, hinahanap naman ng mga mata ko si Gabriel. Nasaan na kaya 'yun!?

Patingin-tingin lang ako doon sa paligid. Ang daming tao ngayon. Nasa maluwang na garden kami ng bahay nina Ryan at sobrang daming bisita. Hindi naman masyadong bongga ang party. Kadalasan kasi eh mga estudyante rin itong mga nandito. Probably mga kaibigan at ka-tropa ni Ryan. Imposible kasing mga kaibigan ito ni Nancy eh. Tapos hindi ko rin kilala ang mga ilan.

"Cindy, okay ka lang?" tanong sa akin ni Neil at napaharap naman ako sa kanya bigla.

"O-Oo. I'm okay," sagot ko.

"Tara. Pasok tayo sa loob," yaya ni Ryan at hinarap ulit ako ni Neil para sabihin sa pamamagitan ng mga mata na sumunod kami sa kanya. Wala akong nagawa kundi sumunod na lang rin kahit ngayon eh iniisip ko pa rin kung nasaan si Gabriel. Bakit mukhang late yata siya?

Pagpasok namin sa loob ay sumalubong sa aming dalawa ni Neil ang pamilya at relatives nito na masayang nagku-kwentuhan sa sala at sa kusina. Nag-good evening lang ako sa kanila sabay sunod kung saan papunta sina Neil at Ryan.

Doon mismo kami pumunta sa likod ng bahay. May malaking swimming pool doon at maraming mga teenagers na naliligo roon. Kadalasan ay mukhang mga classmate na ni Nancy. Teka? Nasaan kaya si Nancy!?

"Wow! Pool party, ah!" sabi ni Neil kay Ryan. "Sayang! Hindi kami nakahanda ni Cindy ng pangligo," narinig ko pang sabi ni Neil.

"Uminom na lang tayo. Eto oh!" ani ni Ryan at binigyan siya nito ng maiinom na nakalagay sa isang malaki at pulang plastic cups. Wow! Lakas maka-foreign film! Syempre. Mayaman nga pala sila Ryan at Nancy kung hindi niyo naitatanong.

"Nah! Wag na. Magda-drive pa ako. Ihahatid ko pa si Cindy mamaya."

"Tsk. Come here. Let's talk," sabi pa ni Ryan at mukhang hinila niya si Neil malayo sa akin. Ako naman ay ipinagpatuloy ko ang paghahanap ko kay Gabriel.

****Neil's POV

Iniwan ko muna si Cindy sa isang gilid tsaka ako sumunod kay Ryan.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy, bro ah. Girlfriend mo na ba 'yang si Cindy?" mabilis na tanong niya sa akin na kaagad ko namang ikinamutla.

"Huh!? W-What are you talking about!?"

"Klaro naman siguro ang tanong ko sa iyo, di ba? If Cindy is your girlfriend now?"

Huh? Wait! Kailangan ko ba talaga sagutin iyan?

"Ahm.. Ahhh… A-Ano? Ahmm…"

"Tsk. Wag mo na ngang sagutin. Alam ko na ang sagot."

"Sure ka?" kinabahan ulit ako.

"Oo. Hindi mo siya girlfriend. And you never find a girlfriend if umaarte ka na mahina at parang babae."

Tsk. Bahala ka diyan.

"What do you mean?"

"Alam ko na may gusto ka kay Cindy. Huwag mo na kasi itago pa. Just admit it, okay."

Aaminin ko na ba!?

"Okay. Okay. Inaamin ko. May gusto nga ako sa kanya. Wag kang maingay. Ayoko na malaman niya."

"Paano mo magiging girlfriend yang kaibigan mo if takot ka na malaman niya ah?"

"Basta. Ako na bahala. Aaminin ko naman talaga eh. Naghihintay lang ako ng tamang timing at panahon para sabihin iyon sa kanya."

Oo, tama kayo sa narinig niyo. May gusto nga talaga ako kay Cindy. Walang halong biro.

Hi, ako nga pala si Neil Bongat. Kaibigan ni Cindy. Matalik na kaibigan ni Cindy. Malapit lang yung bahay namin sa isa't isa kaya palagi ko siyang hinahatid-sundo kapag pumapasok at umuuwi kami galing school. Paano ko nga pala naging kaibigan iyan si Cindy? Well, nagsimula iyan noong high school pa kaming dalawa.

Bagong lipat kami sa bahay namin ngayon noong nakilala ko siya. Syempre, transfer student rin ako sa school na pinapasukan niya noong high school at nakilala ko siya minsan nung naging classmate ko siya pagka-second year high school namin.

Mapagbiro si Cindy at sobrang bait niya. That time, wala akong gusto sa kanya at hindi rin kami close. Naging group mate ko lang siya isang araw sa isang science project at doon kami naging sobrang close. Parang normal na kaibigan, ganun. Hanggang sa pagka-third year high school namin ay naging classmate ulit kami. Dito siguro kami unang naging close talaga hanggang sa umabot ng college.

That time, wala talaga akong pagtingin sa kanya. Pero dumating ang panahon na parang iba na yung nararamdaman ko kay Cindy. Parang feeling ko hindi na kaibigan ang turing ko sa kanya. Para kasing mahal ko na siya. Na-realized ko naman iyon sa sarili ko. Ang problema lang sa akin ay hindi ko kayang aminin kay Cindy na mahal ko siya at kung pwede ba ligawan siya para maging girlfriend ko.

Natatakot ako. Baka kasi kapag inamin ko sa kanya eh baka hindi na niya ako pansinin. Ayoko ng ganun. Napaka-importante niya kaya para sa akin.

Kaya eto. Hanggang ngayon, hopeless pa rin ako na sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko kahit natatakot ako sa mga mangyayari susunod kung gagawin ko talaga iyon.

"See that?" sabi pa ni Ryan sa akin at sabay turo niya sa isang lugar kung saan nakatayo si Cindy na kasama si… Gabriel. "I think Gabriel like her too. Sige ka, baka maunahan ka ni Gabriel niyan," dagdag pa niya at naramdaman ko na umalis na ito sa tabi ko.

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Napatingin lang ako sa dalawa habang masaya silang nag-uusap. Mukhang kakarating lang rin yata ni Gabriel at ngayon lang sila nagkita ni Cindy. Bigla kaagad akong nakaramdam ng inis at… selos. Naiinis ako kay Gabriel. Bakit kaya ako naiinis sa kanya? Siguro masyado lang siyang clingy kay Cindy at ayoko yung ganung trato niya para rito.

Masyado na ba akong halata? Masyado na ba akong napa-praning na kahit mag-kaibigan lang sina Gabriel at Cindy eh pinagseselosan ko na sa Gabriel kung paano niya tratuhin si Cindy?

Tsk.

Nakita ko na kumaway silang dalawa sa akin. Sinubukan kong ngumiti ng hindi totoo at tuluyang nawala yung ngiti kong iyon pagkatapos nila akong pansinin. Nararamdaman ko na ang sama ng loob ko. Tsk.

Maya-maya, biglang may tumawag sa akin na babae.

"N-Neil…" Napakahina ng boses niya ngunit narinig ko naman iyon sa likuran ko. Humarap ako at nakita ko kung sino yung tumawag sa akin.

"Nancy…"

"N-Neil… p-pwede ba tayong mag-usap?"

Next chapter