1 The Sick Girl

Pang-apat na beses nang na-snooze ni Bree ang alarm nya sa cellphone pero antok na antok pa rin sya. It's a Saturday and tamad na tamad sya after a very tiring week but she really needs to see her doctor for her regular check-up.

Humihikab pa sya habang nag-stretch ng kanyang katawan kahit na nasa higaan pa. Pumupungas-pungas pa sya nang unti-unting bumangon at tinungo ang bathroom na nasa loob din ng silid nya.

Makalipas ng 30 minuto ay nasa harap na sya ng dresser nya at tinutuyo ng towel ang kanyang basang buhok.

"Haaaayyyy, ang putla ko talaga", palatak na sabi ng dalaga habang minamasdan ang sarili nya sa salamin. Kahit na ganon ang itsura nya sa buong buhay nya ay di pa rin sya nasasanay. Sinunod nyang i-blowdry ang kanyang buhok at pagkatapos ay kumilos na para magbihis. Pinili nyang magsuot ng yellow crop top at skinny jeans na may kaunting rips sa bandang tuhod. Tinernuhan nya naman ito ng blue wedge shoes. Sumunod nyang ginawa ay ang pag-apply ng cheek at lip tint. Uso ngayon ang drunk blush kaya yun ang ginawa nya. Inilugay nya lang ang kanyang buhok na hanggang balikat.

"Simple pero may dating", aniya sa kanyang sarili nang makita nya ang repleksyon nya sa salamin nang matapos syang mag-ayos. Kinuha nya ang susi nv Audi R8 nya at dumiretso na sa garahe.

Sa totoo lang, maganda si Bree. Brianna Jyle Imperial ang kanyang buong pangalan. Isang 24 anyos na dalaga na may balingkinitang katawan at may napakagandang mukha. Maamo ang kanyang itsura dahil malamlam ang kanyang nangungusap na mga mata, katamtaman ang tangos ng ilong at perpekto din ang hugis ng kanyang mga labi.

Minana nya rin ang coffee shop chain na business ng kanilang pamilya. Kung tutuusin, nasa kanya na ang lahat at tila napakaswerte nya. Kaya kung sinuman ang makakakita sa kanya at di sya kilala, di nila aakalain na may kondisyon syang panghabambuhay nyang kakaharapin.

-----

Habang binabaybay ni Bree ang Katipunan Avenue ay tumunog ang kanyang smartphone. Dali-dali nyang pinindot ang call button sa suot nyang bluetooth headset para sagutin ang tawag.

"Hello", sagot nya.

"Hello, Bree, hija." Ang kanyang ina ang tumatawag.

"Hi, Ma. Napatawag po kayo?" sagot ng dalaga.

"I just want to check on you and make sure that you are on your way to your doctor for your check-up", mahinahong sabi ni Aria sa kanyang anak.

"Of course, Mama" napapangiting sabi ni Bree. "We've been doing this since I was a little girl so makakalimutan ko pa ba?"

"You know that your Papa and I are just concerned and worried, Bree" sagot nito.

Napabuntunghininga si Bree sa sinabi ng kanyang ina.

"I know, Ma. How about I'll call once the check-up is done so you'll know if I need some further treatments again.", pagbibigay assurance nya sa kanyang ina.

"I will really appreciate that, hija. Hihintayin ko ang tawag mo." At nagpaalam na nga si Aria sa kanyanga anak na si Bree.

Malungkot na nagpatuloy sa pagmamaneho ang dalaga patungo sa St Luke's Medical Center sa BGC, Taguig kung san nandon ang kanyang espesyalistang doctor, si Dr. Emmanuel Roque. Isa itong mahusay na hematology-oncology sa pamosong ospital na yun at syang nag-aalaga sa kanya simula nang magdalaga sya hanggang sa kasalukuyan. Ang asawa naman nito na si Dra. Rose Roque ay isang pediatrician na nag-specialized din sa hematology-oncology ang nag-alaga sa kanya simula pa nung bata sya. Malaki ang pasasalamat ng pamilya nya sa mag-asawang doctor na iyon. Naaagapan at nama-manage ang kondisyon ni Bree kaya naman nakakapag-function sya katulad ng mga normal at masisiglang tao.

Magdadalawang taong gulang si Bree non nang ma-diagnose syang may Thalassemia Major. Isang blood disorder na namana nya sa kanyang mga magulang na kung saan hindi makapagproduce ng hemoglobin ang kanyang dugo na nagreresulta ng kakulangan ng oxygen sa kanyang katawan. Delikado ito kapag hindi na-manage ng maayos at ito rin ang dahilan kung bakit kelangan nyang palaging magpa-check up para ma-monitor ang kanyang kondisyon. Hindi miminsan lang na sumailalim sya ng blood transfusion at iron chelation. At ito rin ang dahilan kung bakit palagi syang namumutla at madaling mapagod.

Pero sa kabila ng kanyang kalagayan ay tinuturing nya ang kanyang sarili na mapalad. Mahal na mahal sya ng kanyang mga magulang. Biniyayaan din sila ng maayos na kabuhayan dahil successful ding maituturing ang kanilang negosyo. Kahit na maysakit sya eh nama-manage nya naman ito ng maayos. Isa na lang ang kulang... PAG-IBIG...

Di nya alam kung matatagpuan pa ba nya yun o may lalaki pa bang magmamahal sa kanya kapag nalaman nito ang kanyang kalagayan... Minsan di nya alam kung mararanasan nya pa ba ang magmahal at mahalin...

Naputol ang kanyang pag-iisip nang ipasok nya sa parking area ang minamanehong sasakyan. Bumaba sya rito, sinara ang pinto at pinindot ang lock ng kotse saka naglakad na patungo sa Outpatient Department ng ospital kung san andon ang clinic ni Dr. Roque...

avataravatar
Next chapter