2 The Encounter

Kumatok si Bree sa pintuan ng clinic ni Dr. Roque at unti-unting pinihit ang doorknob. Sumilip sya at nakita nya si Teresa o Tere kung tawagin nya. Sumenyas sya at tinanong kung andyan na ba si Doc at tumayo si Tere at iginiya sya labas. Sinara ni Tere ang pinto sa likuran nila.

"Madam ganda, di ba nga nasa seminar sa Germany si Doc. Nakalimutan mo na?" sabi sa kanya ni Tere.

Napanganga si Bree sabay napapahiyang ngumiti sa kausap "Oo nga pala, Tere. Nawaglit sa isip ko siguro kasi dami kong ginagawa. Eh so pano na ako? Sabi ni Dr. Roque sa akin, iche-check nya raw if kelangan kong mag-undergo ng Iron Chelation Therapy." Halata sa boses nya ang tumataas na panic.

"Naku, madam. Ok lang yan. May pinakiusapan naman si Doc na pumalit sa kanya habang nasa Germany sya." natatawang sagot ni Tere kay Bree.

"Really?!", Bree exclaimed. She's so relieved to know. "Ikaw, Tere, pinakaba mo ako ah", sabi nya sabay mahinang hampas sa siko ng kausap.

"Haha. Ikaw naman madam ganda, ang dali mong magpanic. Oo, may dumating dito na isang doctor na galing sa US. Student daw dati ni Dr. Roque nung nagtuturo pa lang sya sa UP Manila. Oh sya, tawagin kita pag tapos na yung naunang pasyente." At pumasok na ulit si Tere sa klinika ni Dr. Roque.

Habang naghihintay si Bree ay binuksan nya muna ang kanyang phone at nag-browse sa kanyang mga social media accounts. Napansin nya na may nag-invite sa kanya sa Alumni Get Together nila ng kanyang mga high school batchmates. Isang dinner sa isang buffet restaurant sa isang sikat na mall sa Quezon City. Gaganapin yun two weeks from now. She checked her calendar to see if she's free to go. Nakita nyang wala naman syang ibang gagawin o ka-meeting kaya pinindot nya ang "GOING" button.

Sakto naman na lumabas na yung patient sa loob ng clinic room kaya hinanda na nya ang kanyang sarili sakaling tawagin sya ni Tere. Naghintay sya ng naghintay pero lumipas na ang sampung minuto eh di pa rin sya tinatawag kaya naman kumatok ulit sya, binuksan ang pinto at sumilip. Nakita nya na wala si Tere don sa desk nya. Napagtanto nya na baka di nya napansin ang sekretarya na umalis dahil nakatutok sya sa kanyang phone.

"San na kaya si Tere?" pabulong nyang sabi habang dahan-dahang pumapasok sa silid na yun. Naisip nya tutal naman sabi ni Tere eh sya na ang kasunod na pasyente kaya minabuti nya nang pumasok.

Tahimik sa loob ng clinic. May partition iyon, isang makeshift room, para bigyan ng privacy ang doktor at ang kanyang pasyente habang nasa consultation. Tinungo ni Bree yun habang nauuna ang kanyang leeg upang silipin kung nasa loob na ba yung sinasabing doktor na pumalit pansamantala kay Dr. Roque. Nasa ganong posisyon sya nang may biglang nagsalita sa kanyang likod.

"Excuse me," isang baritonong boses ng lalake ang narinig nya. Nagulat at bumilis ang tibok ng puso ni Bree pero di nya alam kung dahil ba sa nahuli syang pumasok sa silid na yun o dahil sa nakakakiliting sensasyon sa katawan nya na dulot ng boses na narinig nya.

Unti-unti nyang nilingon ang nagsalita at di sya nagkamali. Tumambad sa harap nya ang isang matangkad at napakagwapong nilalang. Napanganga pa sya ng konti kasi naisip nya na kaharap nya ata si Park Seo Joon. Malaki ang resemblance ng lalakeng ito sa paborito nyang Korean Actor. Yung singkit na mata, yung prominenteng jawline na very manly tingnan. Yung katawan na... YUMMY!...

Naputol ang kanyang pagiisip nang mapansin nyang pinagmasdan sya ng lalake mula ulo hanggang paa at nagsalita ulit ito. Ayun na naman ang boses nitong makalaglag puso.

"Sorry to tell you this, Ms Med Rep but I cannot accommodate anyone of you because I'm still expecting patients.", nakakunot ang noong sabi ng lalake sa kanya habang pumasok ito sa makeshift room at umupo sa desk na madalas inuupuan ni Dr. Roque. Don nya lang napansin na nakasuot ito ng puting coat.

Lalong napanganga si Bree. Di sya makapaniwala sa narinig nya. Para syang nabuhusan ng malamig na tubig at ang atraksyong naramdaman nya sa kaharap ay biglang naglaho. Tiningnan nya ang kanyang sarili at inisip nya... "Ano raw, Med Rep?! Ako?!" sarkastiko syang napapatawa. Tumayo sya ng matuwid at sinundan ang lalake sa loob ng makeshift room.

"Ahm, sorry. But I guess there's a misunderstanding. I'm a PATIENT of Dr. Roque and I have an appointment with him today." nakataas ang kilay nyang sagot dito.

Tiningnan lang sya ng lalakeng kaharap at walang expression na makikita sa mukha nito na kinuha yung patient's record na nakapatong sa desk at binasa yun saglit.

"Your name please?," nakatitig pa rin ang lalake sa papel na hawak nito.

"Brianna Jyle Imperial" inis na sinagot ni Bree ang antipatikong doktor. Tiningnan nya ito at naghihintay sa susunod na nakakainis na gagawin o sasabihin pero nagtaka sya nang lumipas ang ilang saglit pero di pa rin nagsasalita o kumilos ang lalake.

"Ayan, pahiya ka tuloy" natatawang sambit ni Bree sa isip nya. Lingid sa kanyang kaalaman na iba ang nasa isip ng manggagamot.

Dahil this time, si Dr. Jace Montejo naman ang di makapaniwala sa narinig.

avataravatar