1 Nightmare

Nagising na lang bigla si Jia dahil sa nakakatakot na panaginip. Pawisan at humahagulgol siya at walang tigil ang pagpatak ng luha niya.  Napakabilis rin ng tibok ng puso niya at tila ba pagod na pagod siya dahil hinihingal siya. Halong kaba, takot at at paghihinagpis ang nararamdaman niya.

"Sino siya?!" buong pag-aalalang tanong niya sa sarili. Sa pagdilat ng mata niya ay naglaho ang anyo ng taong dahilan ng pag-iyak niya. Pilit niyang kinakalma ang sarili habang iniisip ang pangyayaring nasaksihan sa panaginip.

"Bakit gano'n ang panaginip ko?" naisip niya. Habol pa rin niya ang kanyang hininga. Hindi naman siya madalas managinip ng mga bagay na hindi niya pa nararanasan o nakikita.

Bumangon siya at naupo sa kanyang kama at saka sinipat ang maliit na orasan sa sidetable. Alas tres pa lang nang umaga pero mukhang hindi na siya makakatulog muli. Natatakot siyang maulit ang panaginip.

Pinunasan niya ang pawis sa noo gamit ang likod ng kamay niya at saka tumayo dahil nakaramdam siya bigla ng uhaw.

Tinungo niya ang kusina at saka uminom ng tubig. Napatingin siya sa kitchen counter niya. Iniwan niya nga pala ang laptop niya doon.

Nanood lang naman siya ng Kdrama.

Naisip niya na baka dahil sa pagka-adik niya doon ay kung anu-ano na lang ang napapanaginipan niya. Lalo pa at detective story at action ang genre ng pinanood niya kagabi.

"Grabe ang OA ko naman sa panginip ko. Try ko kayang mag-audition bilang artista."

Sa sobrang antok kagabi ay hindi na niya naligpit ang pinagkainan niya. May mga balat ng snacks at naiwang empty can ng softdrinks sa tabi ng laptop.

Naisip ni Jia na mag-move on na lang sa paniginip na iyon. O pwede ring tawagin na isa iyong bangungot.

Naupo siya at binuksan ang laptop. Makakatulong iyon para makalimutan ang masamang panaginip. Agad na nag-appear sa screen ang wallpaper.  Saglit niya iyong tinitigan. Mata pa lang ng lalaking nasa wallpaper niya ay nare-relax na siya. Ito lang naman ang taong hinahangaan niya at ini-idolo.

"Hay..kung alam mo lang gustung-gusto kitang makita." mahina niyang sambit habang tini-trace ng daliri niya ang pisngi nito. Tinitigan niya ang mata nito, ilong, pati labi.

"Bakit napaka-perpekto ng lahat?"

Bigla naman siyang natauhan bigla. Kaya napabuntong-hininga na naman siya.

"Hay, Rave! Napakadaya naman ng tadhana!" Napalakas ang boses niya pero okay lang dahil mag-isa lang naman siya sa apartment na ito.

Si Rave ay isa sa member ng sikat na Korean Band na Hertz. Bukod sa pagiging singer at dancer, ay naging actor din ito. At nalaman niya na isa rin ito sa gumagawa ng lyrics at music para sa sarili nitong banda. Bukod doon ay napakabait nitong tao base sa mga napapanuod niyang videos ng mga ito. Dahil doon umapaw ang paghanga niya sa lalaking ito pati na rin sa grupo nito.

Matagal na rin simula ng naging fan siya ng Hertz. Una sa lahat ay nagustuhan niya ang mga kanta nila. Nakatulong ito sa pakikipagsapalaran niya sa buhay. Magaling rin silang bumuo ng choreography ng kanta nila. Nagsisi pa siya noong una dahil hindi niya agad pinagtuunan ng pansin Hertz noong unang nag-debut ang grupo.

Ngayon lahat ng shows nila ay pinapanood na ni Jia. Bukod nga lang sa mga concert ng banda. Isa lang siyang mahirap na mamamayan ng bansang Pilipinas.

Oo nga pala, isa pa sa dahilan kung bakit imposible na makita niya ang idol dahil nasa Pilipinas siya at ito naman ay sa Korea.

At kung sakaling magkita man sila ng idolo, imposible rin na magustuhan siya nito. Una, mas matanda siya dito. Sigurado siya na mas pipiliin nito ang babaeng kapareho nito ng edad. Pangalawa, hindi siya maganda. Pero hindi naman siya pangit. Pero sigurado ako na mas pipiliin nito ang mga nag-gagandahang dalaga sa sarili nitong bansa. Pangatlo, hindi siya mayaman para makabali ng magagandang damit. Kaya sigurado siya na kahit magkaharap man sila ay hindi ito mag-aaksaya na tingnan siya. Kung ikukumpara sa mga damit na sinusuot nito ay mistulang basahan lang ang sa kanya.

"Suko na talaga ako. Alam kong hindi tayo para sa isa't isa." malungkot niyang usad habang nakatitig sa mata nito.

Ipinatong niya ang mga braso sa table niya at inilapit pa ang mukha sa screen ng laptop niya hanggang sa nakapatpng na ang baba niya sa braso. Tinitigan ulit nang mabuti ang wallpaper nang may lungkot sa mata.

"Pero okay lang nandito ako lagi para sa'yo. Kahit na imposibleng magtagpo ang landas natin lagi akong susuporta sa'yo." Pagkasabi ng mga katagang iyon ay nakaramdam na siya ng antok hanggang sa unti-unti na naman siyang makatulog nang hindi niya namamalayan.

avataravatar
Next chapter