1 Nung Nakita Kita..

"Trisha, trisha, gumising ka na, iiwanan kita, pupunta na ko sa birthday party ni rose" bumangon kagad ako ng narinig ko si mama.

7 yrs old pa lang ako nun kung di ako nagkakamali. Naligo kagad ako dahil ayaw kong maiwanan ni mama, sinuot ko ang damit ko na color pink tutu, stockings na pink, ballet shoes na pink, pakpak na pink, wand na pink, at tutubi kong headband na pink, ewan ko ba, sabi ko sa nanay ko gusto ko muka akong fairy, kaso bakit para akong tutubi? hhmmmmpp, "trisha, ano ba, matagal ka pa ba, inaantay na tayo ni tita leila mo sa labas" "opo ma, ito na po" sagot ko sa nanay ko, si leila? chismosa naming kapitbahay yun, ewan ko ba bakit sumasama nanay ko dun, well, anyway nakaupo na ko at tuwang tuwa pa ko sa clown nuon (sana ganon hanggang ngayon noh? clown lang masaya ka na, di mo na kelangan ng pagmamahal nya charot) sabi ng clown "ikaw batang tutubi" (di nga ko tutubi, may wand ako oh, kita mo) sabi ng isip ko, pero pumunta din ako "alam mo ung pahabaan?" "hindi po" sagot ko naman sa clown, "ganito lang, happy birthday roooooooooooooossssse, ganon lang ha, ang may pinakamahabang oras, may candy saken" (candy lang kuntento na ko, kaso yung gusto ko ni candy walang binigay saken, charenng!!) ready na ko "happy birth-day roooooooooo, ehe ehe ehe (ubo, ubo, ubo) (dalagang pilipina kaya ehe ehe) may pumasok na insekto sa bibig ko, binibigyan nila ako ng tubig ayaw ko dahil ayoko malunok ung insekto, tinusok ko lalamunan ko para maisuka ko yung insekto kaso naisuka ko pati yung spaghetti na kinain ko, sayang naman yun pffftt, may lumapit sakin ang dugyot nya parang kakatapos lang maglaro ng di ko alam kung saan dahil may itim itim muka nya "ang ganda naman ng damit mo" (uy crush nya ko) (oo bata pa lang ako malandi na ko) ako nga pala si rj, ikaw??

next chapter

written by: yrnaj

avataravatar