1 Prologue:

"Pahingi po. Palimus po."

Ani ng isang matandang babaeng pulubi sa mga dumadaang mga estudyante. Halos iilan lamang ang nagbibigay sa kan'ya at mabibilang lamang ito sa kamay.

"Oh my ghad! Girls look. I have my new phone! Mom gave me this after natin kumanta!" Mula sa kinatatayuan ng matandang pulubi ay rinig na rinig n'ya ang maarteng pagkakasabi nang isang babae sa mga kasamahan nito.

"Wow! Your so lucky girl. Buti ka pa. I wish my parents buy me a new phone too!" ani nang isa pang Babae.

"Don't worry girls. I know naman na hindi kayo matitiis ng mga parents nyo at bibigyan kayo nang bagong phone like this."

Sabi nang babaeng nakagitna sa kanila sabay pakita ulit ng bagong cellphone na nakuha n'ya. Sa sobrang busy nang matanda sa pwesto ng mga kababaihang ito ay hindi n'ya namamalayang naglalakad na s'ya. Hanggang sa...

"Aray!"

Sigaw ng matanda nang matapilok s'ya. Nangudngod ang mukha n'ya sa kalsadang puro may tirang sauce ng street foods na ilang metro lang ang lapit sa kan'ya. At dahil sa sinigaw n'ya ay nakuha n'ya ang atensyon ng lahat, maging ang atensyon nang grupo ng mga kababaihang pupuntahan n'ya sana.

Agad nagtawanan ang karamihan habang meron namang mga naaawa. Meron rin namang walang pake basta makadaan lang.

Mga lapaspangang nilalang!!

Sigaw nang matanda sa kanyang isip at hindi n'ya man lang ito tinama.

"Yuck!! Bakit merong pulubi dito?"

Maarteng sabi nang isa sa kasama ng mga babaeng nag-uusap kanina.

"At may balak pa ata s'yang pumunta sa atin!"

Histerical na sabi nang babaeng kanina lamang ay pinagmamayabang ang kan'yang bagong cellphone. Ito rin ata ang leader nila.

"Oh my! Yuck! Wag kang lalapit samin!"

Galit na sita nang babaeng kasama sa grupo. Sa pagkakabilang ng matanda ay lima sila. Yung nasa gitna ay nakabagsak ang buhok na kulot sa dulo. Ang dalawang katabi naman nito ay parehas na naka-tirintas at ang dalawa pa ay naka headband.

"Pwede ba! lumayo ka nga sa amin! Nakakadiri ka!"

Bulyaw naman nang isa sa mga babaeng naka-headband. Tinignan naman sila ng matanda na mistulang ineeksamina ang mga ito.

"Alam naming magaganda kami kaya pwede bang wag ka ng tumitig? Nakakadiri yang titig mo!"

Galit na sabi nung leader ng grupo. Ngunit hindi s'ya pinakinggan nang matanda at bagkus ay lumapit pa ito sa kanila na halos paggapang na. Agad na nagsilayuan ang mga ito at diring-diring umiiwas.

"Dont come near us! Beggar!"

"Fuck you! Nakakadiri ka!"

"Ipapahuli ka namin sa pulis! Yuck!!!!!"

"Wag kang lalapit! Ang baho mo!"

"Dapat namatay ka na lang! hindi ka nababagay sa mundong ito!"

Kan'ya-kan'yang sabi nang mga ito habang lumalayo ngunit isa lang ang tumatak sa isip ng matandang ito. Tumigil na s'ya sa paglapit at napatingin s'ya sa babaeng nakabagsak ang buhok at mukhang leader ng grupo.

'Dapat namatay ka na lang! hindi ka na bagay sa mundong ito!'

'Dapat namatay ka na lang! hindi ka na bagay sa mundong ito!'

'Dapat namatay ka na lang! hindi ka na bagay sa mundong ito!'

Paulit-ulit na nagplay ang mga katagang iyon sa utak ng matanda.

'Lapaspangan! Dapat sa isang ito'y parusahan nang mabigat!'

Tumingin naman ang matanda sa apat pang kababaihan.

'Dapat naman sa mga ito'y maghirap upang maranasan ang panlalait na ibinabato sa mga taong hirap na hirap!'

*Prrt!* *Prrt!*

Agad na nagbigay nang daan ang mga taong mas dumami na at halatang nanonood lamang. Dumating ang dalawang gwardya sa pwesto ng mga kababaihan. kung titignan ay tila wala itong mga pake sa matandang nakaupo sa daan at mas binigyan ng mga ito nang pansin ang limang kababaihang nagsigawan kanina.

"Anung kaguluhan ito?!"

Masama ang tingin nang dalawang gwardya sa pulubi habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"'Yan! Lumalapit sa amin! Nakakadiri s'ya! Bakit may pulubi dito sa harap ng school?"

Sigaw nang babaeng leader. Agad naman napatingin ang dalawang gwardya at lumambot ang ekspresyon. Bakas din ang takot sa kanilang mga mata sa babaeng kaharap nila na tila ba'y mayroong nakadepende sa mga ito.

"P-pasensya na po m-ma'am. Hindi po n-namin alam na merong p-pulubi dito."

Hinging paumanhin nang isang gwardiya. Nagkandautal-utal pa ito at ilang beses na yumuko sa limang babae. Maging ang kasamahan nitong sumigaw kanina'y humingi rin nang tawad sa mga ito kahit na halata sa itsura ng mga ito na mas matanda ang dalawang gwardya kaysa sa limang babaeng nagrereklamo. Nakamasid lamang ang matandang pulubi. Waring inaantay ang susunod na kaganapan.

"Linisin n'yo na nga 'yan! At kapag nakita ko pang may pulubi dito! Ipapatanggal ko kayo!"

Sigaw nang babaeng leader sa dalawang gwardiya. Agad naman itong sinunod nang dalawa at hinawakan ang matanda sa dalawang braso at ito'y hinigit at hindi man lamang muna ito pinatayo.

"Wait!"

Malakas ang boses ng babae. Agad napahinto ang dalawang gwardiya sa paghigit sa matanda. Pinilig nang matanda ang kan'yang ulo at nilingid-lingid ang kanyang paningin sa pwesto nila. Tinitignan ang mga taong nanonood lamang at walang ginagawa.

Mistulang para silang nasa isang pelikula kung mamasdan, ngunit ang mapait na katotohanang ito'y realidad at talagang nararanasan mismo ito ng matandang pulubi na nais lamang humingi nang tulong ay nakapagbigay ng mapait na ngiti sa labi nang matanda.

'Dapat sa mga ito'y parusahan! hindi man lang tumulong sa akin! mga walang puso!'

"Pahirapan n'yo muna 'yan! Gusto kong magtanda 'yan nang hindi na bumalik pa dito!"

Napangisi ang apat na babaeng kasama nito at nagsisisigaw. Sa una'y wala pang nakikisigaw dito ngunit di naglaon ay nasundan na ito ng iba't ibang boses nang mga lalaki at babae. Palihim na naikuyom ng matanda ang kan'yang kamay at pinilit na itago ito sa kan'yang gusgusin at sira-sirang damit. Ang sakit at galit ay namuo sa kan'yang dibdib.

"Pahirapan!"

"Pahirapan!"

"Pahirapan!"

Ang mga luha'y unti-unting namuo sa mga mata nang matanda. Hindi akalaing ang paglapit sa limang babae'y magpapahamak sa kan'ya. Simpleng tulong lamang ang hinihingi n'ya ngunit bakit ito ang ibinigay sa kan'ya?

"Pahirapan!"

"Pahirapan!"

"Pahirapan!"

"Pahirapan!"

"Pahirapan n'yo 'yan! Ngayon na!"

Sigaw nang babaeng nag-uutos sa mga gwardyang pahirapan ito. Walang nagawa ang dalawang gwardya kundi bitawan s'ya at kuhanin ang mga batutang nasa gilid nila. Bago ihampas ang mga batuta sa katawa nang matandang babaeng pulubing hinang-hina na ay nakapagbigkas pa ito.

"Sinusumpa ko! Isinusumpa ko kayo!!!!!"

Ang pagtama nang mga batuta sa mahinang katawan nito at ang kaalamang wala man lang tumutol o pumigil sa dalawang gwardya kahit na pa marami nang dugo ang nailabas ng matanda ay isa lamang sa mga realisasyong ang mundo nang mga tao'y hindi na napanatiling paraiso.

avataravatar
Next chapter