22 CHAPTER 20

Now playing: Old Love - Yuji

Elena's POV

Pagdating ko sa loob ng unit ni Kassandra ay napakatahimik ng paligid na animo'y walang katao-tao sa loob.

Teka, hindi pa ba pumupunta rito si Roxanne? Tanong ko sa aking sarili bago dumiretso kaagad sa kitchen.

Wala naman akong ibang pwedeng puntahan sa apat na sulok ng tirahan niya kundi kusina. 'Di ba?

Hindi nagtagal ay nasulyapan ko na rin si Luna na kapapasok lamang din ng main door.

Akala ko ba sinundo at hinatid lamang niya ako? Eh bakit nandito pa rin siya ngayon? Naguguluhan na tanong ko sa aking sarili.

Kunwari na hindi ko siya napansin noong makarating siya ng kusina. Kumuha ito ng baso at dumiretso sa fridge para uminom ng tubig.

Habang ako naman ay tahimik lamang din na inihahanda ang mga kakailanganin ko sa pagluto.

Hindi ako ang pwedeng unang magsalita ano? Like duh! Kay Kassandra lang naman ako madaldal, 'no?

"Hindi pa nga nagiging tayo pero parang LQ na agad." Rinig kong bulong nito na halatang sinadya niya talagang iparinig sa akin.

Hindi ko mapigilan ang mapanganga in disbelief.

"W-What did you just say?" Pagmamaang-maangan ko bago siya tuluyang hinarap.

Ngunit binigyan lamang ako nito ng isang mapang-asar na ngiti bago maingat na inilapag ang kanyang baso sa ibabaw ng center island.

"Wala. Sabi ko, ang ganda mo." Pamimilosopo nito sa akin. Magsasalita na sana akong muli nang magpatuloy siya. "Bagay kang maging girlfriend ko."

Muli akong napanganga in disbelief.

Grabe! Hindi ko akalain na ganito kalakas ang fighting spirit ng babaeng ito. Kaya sa halip na mainis ako sa mga pinagsasabi niya ay bigla na lamang akong natawa.

"Alam mo ikaw?" Sabay turo ko sa pagmumukha niya. "May kakapalan din pala 'yang mukha mo 'no?" Dagdag ko pa dahilan para tuluyan na rin siyang matawa habang naiiling at malagkit na nakatitig lamang sa itsura ko.

"What will you cook, Chef?" Tanong nito at pag-iiba na rin ng usapan.

Nagkibit balikat lamang ako.

"Whatever Kassandra wants for breakfast." Sagot ko sa kanya at muling ibinalik ang atensyon sa aking ginagawa.

"Natulog ba siya ulit? Bakit mukhang walang tao at napakatahimik ng buong unit?" Curious na tanong ko sa kanya.

"Uhh, about that she's with---"

Natigilan kami pareho at sabay na napalingon noong may marinig kaming nag-uusap at kapapasok lamang din ng unit. Ngunit nangingibabaw sa boses ng mga ito ang inipit at malaking boses ni Roxanne.

Patungo ang mga yabag nito sa kitchen kaya inaasahan ko na ang unang makikita ng aking aking mga mata ay ang magandang mukha ni Kassandra, pero nagkamali ako.

Dahil unang bumungad ang mukha ng babaeng hindi ko inaasahan na muling makikita ko ngayon pagkatapos ng mahabang panahon, kasabay ng kung paano ko hindi inaasahan na makikitang muli si Luna.

"She's with Annia." Pagpapatuloy ni Luna sa kanyang sinasabi kanina. "She is also Kassandra's best friend." Pagpapakilala na rin nito.

Pagpasok pa lamang ni Annia ay ako na agad ang nahagip ng mga mata niya. Awtomatikong napataas ang kabilang kilay nito na animo'y nagtataray habang sinisipat ako. Tingin pa lamang niya, halatang pinagdududahan na agad ang pagkatao ko.

Hanggang ngayon yata eh napaka-judgemental pa rin niyang tao. Sabi ko sa aking sarili.

Kaya mabilis na napayuko ako at kunwaring abala nang muli sa aking ginagawa.

Ngunit sa loob loob ko ay sobrang kinakabahan na naman ako. Bakit ba kung kailang nakalayo na ako sa nakaraan eh pilit akong binabalikan ngayon?

Hayst.

Sila 'yung mga tao sa nakaraan na ayaw ko na sanang makasama at makitang muli, pero heto sila ngayon, para bang may biglang reunion kami sa araw na ito at muling nagkita-kita.

"So, you must be Chef Elena." Maarte na tanong nito sa akin.

Napasulyap ako kay Luna, thinking na sasabihin niyang ako 'yung babae na paborito nilang i-bully noong high school kami. Hinihintay ko na lang na ibukas nito ang kanyang mga bibig para magsalita.

Ngunit nagkamali ako. Dahil tinignan lamang niya ako ng 'Your secret is safe with me' look.

Dahil doon ay parang nabunutan ako ng tinik kahit papaano sa aking dibdib. Hindi maipagkakailang nanginginig ang mga tuhod ko ngayon sa takot na baka mabuko ako ni Annia.

Pero hindi. Hindi ka pwedeng mahalata, self. Kaya umayos ka, please lang. Pakiusap ko sa aking sarili.

Lihim na napahinga ako ng malalim, pilit na inaalis kahit papaano ang kaba sa dibdib, bago inayos ang aking suot na apron at nakangiting inilahad ang kamay kay Annia.

"Elena." Pormal na pagpapakilala ko sa kanya ng aking sarili.

Ngunit tinignan lamang nito ang kamay kong nakalahad bago ito umikot patalikod sa akin at agad na nagtungo sa fridge para kumuha rin ng tubig na maiinom.

"Sorry, I don't like shaking hands when I'm sweaty, honey." Paliwanag nito in a sarcastic tone habang nagsasalin ng tubig sa baso na ginamit na Luna kanina.

Kagagaling lamang kasi nila ni Kassandra sa pag-work out. At totoo 'yung sinabi niyang pawisan nga siya.

Lihim na napahinga akong muli ng malalim, pinipigilan ang sarili na magdabog o magtaray sa kay Annia. Gustong-gusto na ring tumirik ng mga mata ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin pala talaga siya nagbabago, napakabastos pa rin ng ugali niya.

Lumapit si Annia sa akin habang may hawak na baso. Hindi pa rin kasi siya tapos sa pag-inom ng tubig. Ngunit ipinagwalang bahala ko na lamang ang presensya nito at piniling mag-focus na lamang sa aking ginagawa.

"So, are you really good at cooking?" Biglang tanong ni Annia sa akin na para bang close kami. "Because Kassandra's mouth doesn't stop talking about how delicious your dishes are." Dagdag pa niya.

Muling napasulyap ako kay Luna na tahimik lamang na nakikinig sa amin habang pinanonood kami. Si Roxanne naman kasi eh bahala na naman sa pagdutdot ng kanyang cellphone.

Si Kassandra, hindi ko alam. Mukhang dumiretso na ito sa kanyang kwarto para maligo.

 

"Uh, I'm not sure." Alanganing sagot ko sa kanya. "Ikaw na ang bahalang humusga kapag natikman mo na itong ginagawa kong breakfast para sa inyo. Hehehe." Nakangiting sagot ko sa kanya.

Ngunit muling tinaasan na naman ako nito ng kilay bago ako binigyan ng isang ngisi.

"Ops! Wrong answer." Wika nito. "Yes or no lang naman ang kailangan kong sagot." Dagdag pa niya at pagkatapos ay kunwaring hindi sinasadya na natapunan ako nito ng malamig na tubig sa aking katawan.

"Ow, so sorry." Maarteng paghingi nito ng tawad ngunit halatang labas sa uhog ng ilong niya.

Dahil sa nangyari ay mabilis na napatayo si Luna at lumapit sa amin.

"Annia!" Saway nito sa kanyang kaibigan.

"What? Hindi ko sinasadya." Pagmamang-maangan ng kaibigan.

Agad naman na lumapit din si Roxanne sa akin nang may pag-aalala sa kanyang mukha.

"It's okay, Luna." Nakangiting sabi ko kay Luna bago ito nginitian. "I'm fine." Sabay bigay ko rin ng assurance kay Roxanne.

Napahinga naman si Luna ng malalim bago ibinalik ang mga mata kay Annia.

"I'm sorry, Elena. But I think Annia and I have to leave." Sabay hawak nito ng mahigpit sa kamay ni Annia at mabilis na hinila ito palabas ngunit pilit na nagpupumiglas si Annia.

"We will have breakfast here!" Pangungulit pa rin ni Annia.

"Kung manggugulo lang kayo rito, umalis na lang kayo." Lahat kami natigilan noong marinig ang boses ni Kassandra na ngayon ay may blangkong expression ng itsura, habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga kaibigan.

"But---"

"I won't repeat what I said, Annia." Putol nito kay Annia bago sila nilampasan at diretso akong nilapitan.

"Are you okay?" Concern na tanong ni Kassandra sa akin.

Hindi ko maintindihan pero sa paraan pa lamang ng pagtanong niya sa akin kinikilig na agad ako. Gusto ko na agad ngumiti ng napalawak habang nagpapadyak pero pilit na pinipigilan ko ang aking sarili.

Dahan-dahan na napatango ako bago napakagat sa aking labi. Ang bango-bango niya lalo at bagong ligo. Haayyyy.

"Okay, change your clothes. You can borrow my unused clothes from my closet." Utos nito sa akin. "Sa labas na lang tayo magbe-breakfast." Pagkatapos ay marahan na itinulak niya ako paalis sa ginagawa ko.

"P-Pero..." Natigilan ako noong tinignan niya ako ng 'please' look.

"Fine." Sagot ko sa kanya at mabilis na tinalikuran na siya dahil pakiramdam ko anytime ay bigla na lamang akong sasabog sa kilig.

Mabuti na lamang din at nakaalis na 'yung dalawang kaibigan niya, habang abala pa rin si Roxanne sa kung ano mang ginagawa niya kaya walang ibang nakakaalam ng kilig ko kundi sarili ko lang. Hahahahaha.

Hayst!

Ang lala na talaga ng tama ko kay Kassandra. Tsk!

---

Pagkatapos naming mag-breakfast ay agad na umalis na rin kami ng restaurant kung saan kami kumain ni Kassandra, lalo na dahil kasama namin si Roxanne.

Masyadong mahigpit kasi ito pagdating kay Kassandra lalo na kapag nasa public places ang kanyang alaga. Naiintindihan ko naman ang side niya dahil ayaw lamang nitong pagbulungan, makunan ng litrato si Kassandra at basta na lang kakalat sa social media.

Ngunit kung si Kassandra naman kasi ang tatanungin, eh ayos lang sa kanya na makita siya ng kahit na sino o ng mga fans niya. Dahil sa pagkakakilala ko, mahal na mahal niya ang mga fans niya at ayaw niyang ipagdamot ang kanyang sarili sa mga ito.

Pero iyon nga, hindi lang kasi siya normal lamang na tao. Madaming pwedeng maapektuhan kahit sa maliliit lamang na aksyon at desisyon na gagawin niya kaya kailangan din nitong mag-ingat.

Pagbalik namin sa parking area ng penthouse ni Kassandra ay hindi muna kami kaagad nagtungo sa elevator.

Awtomatikong napatingin ako sa nagbubulungang si Roxanne at Kassandra na para bang wala ako sa kanilang harapan.

"Okay, guys? Care to share kung anong pinagbubulungan ninyong dalawa? Kasi pwede ko kayong bigyan ng space. Gusto niyo ba mauna na ako sa unit ni Kassandra?" Sarcastic ngunit nakangiti naman na sabi ko sa kanila.

Agad ko namang naagaw ang kanilang atensyon.

Hindi nagtagal ay nakangiting lumapit sa akin si Kassandra.

Iyong ngiti na para bang may ginawa siya na hindi maganda at ngayon niya aaminin sa akin.

"Wait...mukhang hindi ko magugustuhan ang sasabihin mo." Panimula ako. "May sasabihin ka, right?" Tanong ko sa kanya.

Agad namang napatango ito bago napakamot sa kanyang batok.

"A-Actually, I have something to show you." Utal na wika nito bago ako marahan na hinila patungo sa kabilang direksyon ng parking area. Tahimik at pangiti-ngiti lamang ding nakasunod sa amin si Roxanne.

Pagkatapos ay huminto kami sa tapat ng isang puting sasakyan na sobrang kumikintab pa. Mukhang bagong bili ito at napakabangong tignan sa loob.

Sa sobrang kitab nito nakakatakot siyang hawakan dahil baka magasgasan.

Hindi ko mapigilan ang mapasinghap at mapalunok ng mariin noong makita ang mas malawak na pag ngiti ni Kassandra kasabay ang pag-abot ng isang susi sa akin.

"It's for you." Nakangiting sabi niya sa akin.

Awtomatikong napakunot ang noo ko.

"Ha?"

Napahinga siya ng malalim. Habang si Roxanne naman ay natatawang nakatingin kay Kassandra.

"Kahit kailan talaga hindi mo alam paano gumamit ng right words kapag magbibigay ka ng regalo." Sabay hablot nito ng susi sa kamay ni Kassandra at siya na mismo ang naglagay ng susi sa kamay ko.

"Kassandra bought you a new car." Paliwanag ni Roxanne sa akin sabay lingon nito sa bagong biling sasakyan habang naka ngiti ng malawak. "As a gift." Dagdag pa niya.

Dahan-dahan naman na nagbaling ako ng aking mga mata kay Kassandra na ngayon ay tila ba nahihiya pang nakangiti sa akin.

"P-Pero bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Anong bakit?/What?!" Chorus nilang dalawa ni Roxanne.

"What do you mean why?" Muling pagtanong ni Kassandra.

"Didn't I tell you that I will give you many benefits? And along with the apartment I provided you, of course, I will also provide your car. Hindi naman pwedeng palaging ipasusundo na lang kita o magko-commute ka." Paliwanag nito sa akin.

Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapanganga dahil hindi makapaniwala na tutuparin nga niya ang sinabi niyang iyon sa akin. Napatakip ako sa aking bibig bago muling ibinalik ang mga mata sa sinasabi nitong sasakyan na para sa akin.

Sa sobrang gara nito tignan, hindi ko alam kung magkano ang kinailangang gastusin ni Kassandra maibigay lamang ito sa akin.

"Magkano ba itong sasakyan?" Tanong ko sa kanila pareho ni Roxanne. Pero ni wala sa kanila ang sumasagot.

"Hindi mo na kailangang malaman. Para sa'yo 'yan, period." Tugon ni Kassandra at tatalikuran na sana ako nang muli akong magsalita.

"Baka pwede nating ibalik na lang?" Pagpapatuloy ko. "K-Kasi mukhang mamahalin. Bakit naman kasi brand new eh pwede niyo naman akong bigyan na lang ng pampamasahe?" Bigla tuloy natawa si Roxanne sa sinabi ko.

"Girl, ba't kailangan mo pang mamasahe kung kaya namang mag-provide ni Kassandra ng sasakyan para sa'yo?" Tanong nito sa akin.

Napakamot ako sa aking batok. May point din naman talaga siya.

"K-Kaya lang kasi..."

"Kasi?" Naguguluhan at magkasalubong ang kilay na tanong ni Kassandra sa akin.

"H-Hindi ako marunong mag-drive." Nahihiya at medyo mahinang sabi ko sa kanya, sapat lang para marinig nila pareho ni Roxanne.

Pagkatapos kong sabihin iyon eh bigla na lamang gumagalpak sa pagtawa si Roxanne habang si Kassandra naman ay halatang nagpipigil lamang sa kanyang pagtawa.

"Pffftt. W-What?" Natatawa na tanong ni Kassandra sa akin habang naiiling.

Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang mapairap sa kanya tsaka nagpapadyak ng paa.

"Hindi mo naman kasi muna inalam kung marunong ba akong mag-drive o hindi! Hmp!" Pagmamaktol ko.

"Hahahaha! Girl, ayaw mo no'n? Ang laki ng problema mo, may kotse ka pero hindi ka marunong mag-drive. Kaysa naman sa marunong ka nga, wala ka namang imamaneho. Hahahaha!"

Napahinga ng malalim si Kassandra bago ako tinignan sa aking mga mata.

"Well, that's not a problem, you can take a driving lesson starting today. Roxanne will enroll you in a driving school." Sabay lingon nito kay Roxanne na agad namang napatango bilang pagpayag.

"I will be busy today, so, see you later?" Sabay ngiti na tanong nito sa akin.

Napalunok ako noong magtama ang mga mata namin ng medyo matagal. Paano naman kasing hindi ako mapapalunok eh 'yung tingin niya parang sinasabi na, 'I need to see you afer my tiring day'.

Aaaaahhhh! Kinikilig akooo! My gosh!

Wala pa ngang kami pero parang naka-priority lane na ako. Sana kayo rin. Hahahaha!

"O-Okay." Iyon na lamang ang tanging nasabi ko bago mabilis na napayuko dahil baka makita pa niya kung paano mamula ang mukha ko sa kilig.

Haaay! Kassandra, you really are driving me crazy.

avataravatar
Next chapter