webnovel

Chapter 2

"Mama...Papa..." sigaw ng tatlong bata papunta sa kanilang ama at ina.

Patakbo naman ang ama sa tatlong anak sabay yakap sa tatlong anghel ng kanilang pamilya.

"My sweet Angels,kumusta naman ang mga baby ko?"

" Okay naman po kami papa" sagot ng nakakatandang anak

"papa pasalubong.." sabay abot ng kamay ng bunsong anak sa ama ,napangiti naman ito ng bahagya.

"Naku ang bunso talaga masyadong excited sa pasalubong..pumasok na muna tayo sa loob okay." Sabay karga nito sa bunsong anak.

Pero bago pa nakakahakbang papasok sa kanilang bahay napansin ng mag-asawa na tahimik ang kanilang pangalawang anak. Nilapitan naman ito ng ina.

Umupo ito sa harap nito at saka hinaplos-haplos ang pisngi nito

"Baby, what' wrong?" Tanong nito.

Tiningnan naman siya nito ng may lungkot sa mga mata

" Mama hindi na ba kayo aalis ni papa?" Saad nito, napalingon naman ang kanyang ama ng sabihin niya ito.

Ibinaba niya muna ang bunsong anak at saka pinaglapit lapit nito ang tatlo.

Hinawakan nila ang mga kamay nito

"Mga anak alam kong mahirap ang sitwasyon natin ngayon, lalo pa't lagi kaming wala ng mama niyo, sana maunawaan niyo kami lalo kana Sean, ikaw ang nakakatanda nilang kapatid. Dapat ikaw ang magbabantay at mag-aalaga sa kanila. Okay ba iyon anak?

"Opo papa, makakaasa po kayo, ako po ang bahala sa kanila." Tugon naman ng anak

"At ikaw naman Lorraine tutulungan mo ang kuya mo sa pag-aalaga sa kapatid mo ha!" Be a good girl" saad naman ng ina

"Opo mama…papa." Sagot nito

"Oh! Sige pasok na tayo at excited na itong kapatid niyo sa pasalubong niya". Aya ng ama sa mga anak

Pumasok na sila sa kanilang tahanan.

Simple lang ang kanilang pamunuhay.

May sarili silang taniman na prutas at gulay. May lanzones, dalanghita ,mangga, petchay ,kalabasa sitaw at marami pang iba.

Ang kanilang mga magulang ang nagdedeliver ng mga gulay at prutas sa iba't ibang lugar kaya kadalasan ay wala sila sa kanilang bahay. Minsan ay isinasama sila nito kung walang pasok sa eskwelahan.

Kaya naman, masasabing hindi sila naghihirap lalo na sa mga pangangailangan nilang magkakapatid. Tuwing linggo naman ay nagsisimba sila at kumakain sa labas. Family time na rin nila ito kaya tuwing sasapit ang Linggo ay sabik ang magkakapatid dahil makakasama nila ang kanilang magulang.

"Mama..Papa!" Nagising si Lorraine sa isang napakagandang panaginip na iyon subalit may kaakibat itong kirot dahil kahit anong gawin niya ay sa panaginip na lang niya ito makikita at makakasama.

Ipipikit sana niya muli ang kanyang mga mata. Tumulo ng bahagya ang kanyang luha. Iminulat niya mula ang kanyang mga mata at saka tumitig sa kisami. Inaalala niya ang mga araw na kasama pa nila ang kanilang magulang.

Nawala ang kanyang pag-iisip ng may biglang kumatok sa kanyang pinto.

Wala siyang ganang bumangon at pinahid ang luha. Baka kasi mapansin ito ng kanyang kapatid--na ayaw niyang mangyari dahil hindi siya titigilan nito hanggat hindi niya sinasabi ang dahilan.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang kanyang nasa harapan.

"C-CEDRICK??" gulat na tanong niya

Hindi siya makapaniwala na ang nasa harapan niya ay ang kanyang kababata at ang... Maliban sa magkababata sila magkapitbahay rin sila noong nasa probinsya sila, kung saan sila nakatira noong nabubuhay pa ang kanilang mga magulang.

Simula ng mamatay ang kanilang magulang ay sa maynila na sila tumira kasama ang kanilang tiyahin.

Simula noon wala na silang balita sa isa't isa.

Bigla niya itong nayakap sa pagkabigla.

Nagulat naman siya sa kanyang ginawa kaya agad niyang kinalas ang kanyang pagkakayakap dito.

"S-sorry nabigla lang a-ako" nahihiyang saad nito. Bigla namang namula ang kanyang mga pisngi dahilan para mapansin siya nito.

"It's okay, parang di na ako na sanay." pabiro nitong sabi.

Bigla siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa at biglang ngumiti.

"Hmm b-bakit ka natatawa ? Naguguluhang tanong nito.

"Ha? Wala. Napansin ko kasi hindi ka pa rin nagbabago katulad ka pa rin ng dati". Natatawa pa ring tugon nito

"Ha?" Tiningnan niya ang kanyang sarili, agad naman niyang nakuha ang ibig sabihin nito.

Dahil gulo-gulo ang kanyang buhok ng oras na iyon na halatang bagong gising. Maluwang din ang tshirt na suot niya kaya nag mukha siyang gangster sa suot niya.

"Nakakainis ka naman eh! Sandali nga maliligo lang ako. Hintayin mo na lang ako sa baba--inom ka muna ng tubig o kahit anong makita mo diyan sa kusina" pagtataboy nito

"Oo na di mo na ako kailangan ipagtabuyan... Little messy" natatawang saad nito sa kanya habang pinipisil ang pisngi nito at lalong ginulo ang kanyang buhok.

" Tsk! Gaya ka pa rin ng dati mapang-asar." sabay taboy ng kamay nito papalayo sa mukha niya

"Ikaw pikon pa rin" sabay alis nito habang natatawa pa rin.

Naiinis man subalit namiss niya ang alaala niyang iyon. Masaya siya na nagkita muli sila atleast ito hindi imposible hindi katulad ng kanyang pinapangarap na asawa- napaka-imposibleng mangyari.

Umiling-iling siya.

"Ano ba itong naiisip ko makaligo na nga at baka mainip na ang bakulaw na yun!"

Agad siyang pumunta sa banyo upang maligo.

Matapos ang ilang minutong pag-aayos sa sarili.

Nagsuot lang siya ng short na hindi kaiklian at isang crop top na cream color na bagay na bagay sa kanyang maputing kulay. Dahil basa ang kanyang buhok ay hinayaan niya lamang itong nakalugay.

Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin. Hindi pa rin siya makapaniwala na kuhang-kuha niya ang imahe ng kanyang ina. Mahahaba ang kanyang pilik-mata, 5'6 ang kanyang taas. Namana niya ito sa kanyang ina,samantalang ang kanyang kuya ay 6'2 ang taas na katulad ng ama,at ang bunsong kapatid ay nasa 5'3 na ang taas.

Matapos ang ilang minuto ay bumaba na siya.

Nakita niyang nakaupo sa sofa a si Cedrick.

Agad napatayo si Cedrick ng makita niyang papalapit si Lorraine sa kanya.

Napatitig siya rito. Litaw na litaw ang kagandahan nito sa kanyang suot. Halos hindi niya ito makilala noong huli nilang pagkikita limang taon na ang nakakaraan.

"Laway mo papatak na."

Nagulat si Cedrick sa sinabing iyon. Nasa harap na pala niya si Lorraine.

"Anong laway ka diyan." Pag-iwas nito na halatang nahiya.

"Kumusta na pala? paano mo nga pala ako nahanap? It's been 5 years, right?" Pagsisimula nito

"Yeah! 5 long years... akala ko nga hindi na tayo magkikita eh! Mabuti na lang at nakita kita sa Facebook. Nakita ko rin ang adress niyo ,then here I am!" Paliwanag nito sabay ngiti

"Oh! I see...iba na talaga ang nagagawa ng social media ngayon, madali ng mahanap ang kahit sino- isang pindot lang ayan…lalabas na! Sana ganyan kadali makasama ang asawa ko!" Saad niya na may buntong hininga.

Nagulat naman si Cedrick ng marinig ang salitang asawa mula sa bibig ni Lorraine.

"ASAWA? May asawa ka na?" Naguguluhang tanong nito.

Nagulat naman siya sa naging reaksyon nito . Bigla niya itong tiningnan ng seryoso. Halos gusto na niyang humalakhak dahil hindi man lang ito kumurap ng magtama ang kanilang mga mata.

" Oo, ilang taon na kami kaya lang nasa malayo siya. Nasa Korea kasi siya." Seryoso niyang saad dito

" Ha? Sa korea? doon ba siya nagtatrabaho?"

"Oo mis na mi-" hindi na niya naituloy ng magulat siya sa sigaw ni Lily."

"KUYAAA CEDYY??" patakbo siyang bumaba sa hagdan sabay yakap kay Cedy.

Nabigla man sa pagyakap ni Lily ay yinakap niya rin ito.

"Oh! MayGad! Kuya… kailan ka pa rito? Pano mo nalaman bahay namin?" sunod-sunod na tanong ni Lily. Natawa na lamang siya rito.

Tumikhim ng marahan si Lorraine. Napalingon naman sa kanya ang kapatid.

"Oh! Ate andiyan ka pala". natatawang saad nito sa kanya.

"Oo, kanina pa. Saka umalis ka nga diyan. Makayakap ka naman kay Cedy eh. Para kang linta alam mo yun!" inis ngunit pabirong saad niya sa kapatid.

"Bakit, selos ka?" sagot naman ni Lily.

"Selos selos ka diyan! Mabuti pa ipagtimpla mo kami ng juice at saka ipaghiwa mo kami ng cake. Bilis." utos niya rito. Sasagot pa sana si Lily ngunit nahiya siya sa kanilang bisita.

Natawa na lamang si Cedy sa magkapatid.

"Pasensya kana sa kapatid ko ahh. Alam mo naman na masyadong makulit yun. Mas malala pa kaysa noong bata pa siya.

"Naku, okay lang. Sanay na ako sainyong dalawa." napatingin naman si Lorraine sa kanya

"I-I mean sanay na ako sa kakulitan ni Lilly." natatawang saad niya. " By the way, nasabi mo kanina na may asawa kana?"

"Ano ka ba kuya Cedrick, huwag ka ngang maniwala diyan, boyfriend nga wala eh asawa pa kaya!"

"LILY!" Bulyaw nito sa kapatid

"P-pero sabi niya may asawa na siya" nagugulahan paring tugong nito

"Haay kuya nababaliw na yan! Nag-iilusyon lang yan sa artistang koreano niya.. Kahit nga kuya sa panaginip tinatawag niya yun eh! Ang sabi pa ROWOON...ROWOON..RO-" hindi na naituloy ni Lily ang pang-aasar dahil hinabol na siya ng kanyang ate

"Ikaw talagang bata ka panira ka talaga kahit kailan...Naku! Pag naabutan kita kakalbuhin talaga kita."

Naghabulan ang dalawa sa loob ng kanilang bahay. Nakalumutan siguro nilang may bisita sila ng araw na iyon.

. Halos mapuno ng halakhak at sigaw ang bahay.

Samantala, natawa na lang si Cedrick sa ginagawa ng magkapatid at nakahinga siya ng maluwag ng malamang wala pang asawa o nobyo ang kanyang kababatang si Lorraine.

Dahil sa ginawang pananabat ni Lily nasira ang plano ni Lorraine na paglaruan si Cedrick na may asawa na ito.

Nahihiya man ,bumalik ulit siya sa kinaroroonan ni Cedrick.

"P-pasensya ka na sa inasal ng kapatid ko ahh! Ganun talaga yun panira ng araw" nakangiting saad nito sa kaharap.

"Don't worry I don't mind it nakakatawa lang kayong dalawa." Saad nito ngumiti naman siya ng papilit dahil alam niyang inaasar lang siya nito.

"By the way are you free on Sunday?" Biglang saad nito

"Ha? Why?" taka niyang tanong. Habang umiinom ng Juice na inihanda ni Lily.

"Yayain sana kita sa bahay... alam mo na gusto kang makita ni Mommy at Daddy." Saad nito

"Ahh! S-sure no problem." Sagot niya na medyo naiilang.

Oo close siya sa mga magulang nito noong mga bata pa sila kasi kadalasan doon sila naglalaro ng kanyang mga kapatid. Dahil nag-iisa itong anak, kaya sila lamang magkakapatid ang kaibigan at kalaro nito.

"Pwede mo rin isama si Kuya Sean at si Little Lily" dugtong pa nito

"Sige sasabihin ko sa kanya mamaya pagdating niya, nasa trabaho pa kasi siya eh!"

"Oh! I see... Buti hindi pa nag-aasawa ang kuya mo, talagang napaka responsable niyang kapatid"

"Oo naman, maliban kay tita- siya na ang nag-alaga samin ni Lily pero may girlfriend siya --si ate Hannah. Magkatrabaho sila" paliwanag nito

"Oh! Good...Hmmm ikaw bakit wala ka pang nobyo?" Sabay tanong nito.

Nagulat naman siya sa tanong ni Cedy sa kanya. Itinawa na lang niya ito.

" Ano ka ba nakalimutan mo na agad, may asawa na ako di ba?" Natatawang saad nito

"Ooh! I'm sorry I forgot...so kailan ko makikita ang dream husband mo?". Pang-aasar na saad nito

"Alam mo okay na sana yung Husband eh! Dinagdagan mo pa ng Dream." Naiinis na saad nito kay Cedy.

Nagtawan na lang silang dalawa.

Pasado alas-singko na ng hapon ng magpasyang umalis si Cedrick.

"Sige alis muna ako. See you on Sunday? Nakangiti nitong saad sabay kindat sa kanya.

Halos lumundag ang kanyang puso sa ginawang iyon ni Cedy. Sobrang kinilig siya subalit hindi niya ito ipinahalata dahil ayaw niyang mapahiya at baka kung ano pa ang isipin nito.

"O-oay! Sige hatid na kita sa labas"

Sinamahan niya ito palabas.

"Teka may nakalimutan pala akong ibigay… wait.." patakbo itong pumunta sa kanyang kotse na nakaparada sa labas ng gate ng kanilang bahay.

Mayamaya lang ay bumalik na ito, may bitbit itong isang tatlong paper bag na di kalakihan.

Nagtaka naman siya ng iabot ito sa kanya.

"What's this?" Takang tanong nito. Tiningnan niya ito subalit nakangiti lang ito

" Pasalubong...para sayo at kay Kuya Sean at Lily ang dalawang paper bag and of course one for you " nakangiti nitong sabi.

"Ano ka ba dapat hindi ka na nag-abala. Okay na samin yung naalala mo kami." Saad nito

"It's okay...sige alis na ako see you , next Sunday okay...for now text and call muna tayo."

"Sure...p-pero paano tayo mag t-text kung wala akong number mo?" Pabiro nitong sabi

"Oo nga no? Ok,give me your cellphone" binigay naman niya ang kanyang cellphone na hawak hawak niya.

Agad namang tinaype ang number nito sa kanyang cellphone. Pagkatapos ay ibinalik sa kanya.

"Here" sabay abot ng cellphone

"Thanks" saad nito

"Okay..bye" paalam nito kumaway muna ito bago pinaandar ang sasakyan.

Nang wala na ang sasakyan ay agad naman siyang pumasok sa kanyang kwarto. Iniwan niya sa may table ang dalawang paper bag na ibinigay ni Cedrick sa kanya at dinala niya ang kanyang regalo.

Excited na siyang buksan kung ano ang laman ng paper bag na iyon.

Pagkapasok ay naupo agad siya sa kama. At binuksan ang laman ng paper bag.

Dahan dahan niya itong binuksan at namangha siya sa laman ng kahon. Halos hindi siya makapaniwala sa lamang iyon. Tumingin-tingin sa sa loob ng kwarto at biglang sumigaw ng malakas.

"YES! FINALLY!" Malakas na saad niya habang patalon-talon sa kama.

End-

Salamat po in adnvance❤❤

GOD BLESS and keep safe everyone.

<quillbot-extension-portal></quillbot-extension-portal>

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Lovemj0624creators' thoughts
Next chapter