webnovel

Chapter 1

STEPHANIE

"UGH!" Wala sa sariling napa buntong hininga ako. What can I do? I was walking for 4 freaking hours to find a new freaking school, I entered like 5 universities and ask if I can still have a freaking admission papers but they said that the admission for the 4th year high school already closes. Anong magagawa ko? Wala!

I entered almost every university na makikita ng mata ko and then my mother called me telling me to go to this Academy called "Shine Academy" because she already reserved me a freaking admission papers. Sobrang naiinis ako kasi kung kanina niya pa sinabi edi sana hindi na ko nag lakad ng napaka layo para lang pasukin yung mga university at academy na nakikita ko.

Nagpunta ako sa Shine Academy para mag enroll. Sabi ng nanay ko eh, Ano pa nga bang magagawa ko? siya na nga mismo nagsabi sakin. Pumara ako ng taxi kasi hindi ko naman alam kung saang lugar ba yung Shine Academy na yun. Pero kahit hindi ko alam kung san to, kasi hindi niya ako binigyan ng address at bigla bigla na lang ako pinapatayan ng phone (tawag) eh hinanap ko pa rin, manghuhula na nga sana ako ng lugar pero buti na lang alam to nung driver ng taxi na sinakyan ko.

Nawala ang inis ko ng makarating ako sa Shine Academy, It was a pretty big school. I might say na nagustuhan ko din itong School na 'to. Kahit medyo bad trip ako eh nawala naman the moment I entered this School, Why? cause this is one of my dream school. Well, not actually the Shine Academy, but the structures, the buildings, ito yung school na napapanood ko. Ito yung school na gusto kong mapasukan.

Nang makapasok ako nag tanong agad ako sa guard kung saan pupunta kapag mag e-enroll. Nagtanong ako kung saan yung Principal's office, kasi kaylangan ko daw dun pumunta sabi ng guard, dun daw ako magtanong kung san pupunta. pag pasa-pasahan ba naman ako?

Nang makarating ako sa may Principal's office kumatok ako at pinapasok naman ako ng secretary ng Principal, actually hindi ko alam kung secretary nga, mukha lang.

"Sitdown Miss?" sabi nung Principal, habang tinitingnan ako na parang tinatanong kung anong Pangalan ko.

"Padua po" sabi ko.

"Okay, Please sitdown Ms.Padua"

"Mag-e-enroll po sana ako" sabi ko sa kanya in a polite way, Grabe improving to! Nagiging magalang na ko, hindi ko alam kung bakit ko sinabi yung 'sana' at kung bakit parang di ko talaga alam ang sasabihin ko pero hala bahala na, basta maka enroll ako

"Okay, dala mo ba mga requirements?" She asked me while looking directly in my eyes.

"Ah, opo, lahat po ng requirements dala ko" Sabi ko naman. Ngumiti naman siya, so wala naman pala akong masyadong problema kasi mabait siya.

"Pati Good Moral mo?" tanong niya sakin na parang amazed kasi may dala na kong Good Moral.

"Ah, opo."

"Ah sige, Stephanie Louisse Christine Padua. 4thyear ka na diba?" sabi nung principal habang tininingnan yung mga dala kong requirements.

"Opo,at Steph ba lang po." sabi ko naman

"Okay Steph, bakit lumipat ka pa ng school eh last year mo na din naman sa high school?"

"Personal Reason po ng mommy ko eh. Hindi niya din po sinabi sakin sinusunod ko lang po siya." ngumiti na lang yung Principal at nagpaalam na may kukunin lang daw siya.

Bumalik din naman siya agad after 30 mins

"Oh eto mga kaylangan mong dalhin para sa mga subjects mo, and then mag pa picture ka na dun sa may computer lab 2 para sa I.D mo. Then, punta ka sa locker room malapit yun sa may cr katabi ng room 102 para makapili ka na ng locker mo wala ka ng entrance exam, qualified naman tong grades mo, Nandito na din ang Section mo, at room assignment. Section A ka okay?"

"Sige po thank you po, una na po ako" sabi ko, at iniwan ko siya ng isang napaka sweet na smile.

"Sige"sabi niya at ngumiti din.

Sinunod ko yung sinabi ni miss principal, hanggang sa makarating na ko sa may Locker room.

"Grabe bro ang dami na naman nageenroll dami na namang magkakagusto satin nyan haha!" narinig kong sabi nung isa sa apat na lalaking nag uusap.

"Gago pare! chickboy ka talaga" sabi naman nung isang, hindi ko kilala. Haha hindi ko naman sila kilalang lahat eh

"Sorry mga bro loyal talaga ako sa girlfriend ko" sabi naman nung isa

"Oh Rhyan tahimik ka na naman iniisip mo na naman siguro siya no?" sabi nung isa.

"Tss." sabi ata nung Rhyan, sorry na hindi ko kilala eh.

Magkakagusto daw sa kanila? Well, di maipagkakaila gwapo silang apat, lahat sila gwapo as in. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay magkakagusto na sa kanila ang lahat!

depende pa rin yun sa ugali ng tao.

Naglakad na ko, Nalagyan ko na ng name yung locker ko eh, So It's time for me to go home.

Habang naglalakad nagbabasa ako ng wattpad. Ang ganda kaya ng story.

Pero wait?

May naalala ako, Yung lalaki sa may locker kania. Yung Rhyan ang name magkamuka sila nung bidang lalaki sa binabasa kong story sa wattpad. Ang name nung boy ay Rhyan James Paulo Chua. RJ ang nickname. :)

Hihi ayon sa binabasa ko Fan ni Rj si Mia (yun yung bidang girl) tapos sa huli nagkatuluyan sila sobrang sweet pa nga nila eh, well actually di ko alam kung hanggang sa huli nga, pero ganun din naman yun eh. for sure happy ending din yun.

kakabasa ko habang naglalakad ayun may nabunggo ako, Tanga ko kasi!

"Naku sorry Miss! Sorry talaga" sabi nung boy habang tinutulungan ako sa pagtayo.

Gwapo (check)

Hot (check)

Gentleman (check)

"Miss okay ka lang ba?" tanong nya sakin habang chine-check kung okay lang ba ako.

"huh? ah eh oo." utal kong sabi kasi naman, napapatitig ako sa napaka gwapong mukha ng nilalang na to

"Ah sige Miss Francis nga pala." sabi niya at nilahad niya yung kamay niya sakin na para bang makikipag kamay

Ang bait naman niya, yung istura niya kasi mukhang suplado pero hindi, minsan na lang din ngayon yung mga taong gwapo na mabait.

"Stephanie, Steph na lang.." sabi ko at tapos ngumiti siya, ang gwapo talaga niya

"Ah sige Steph una na ko ha.. sorry ulit" sabi niya sabay alis. ang gwapo talaga niya, wala pong halong biro mga kababayan Hahhaha gwapo po talaga siya pwede ko pong ulit-ulitin

Grabe pero teka?? ang alam ko isa siya dun sa mga lalaki kanina, yung dun sa mga nag uusap? Hmm.

bahala sila! basta ang gwapo niya!

Naglakad na lang ako.. medyo malayo pa kasi yung gate palabas ng school eh.. hehe

Ng biglang may makasalubong ako..

Maganda

Matangkad.

Maputi..

Sorry ah, mahilig talaga ako mag observe ng tao eh. Oh wait wait ..

Mia? Siya yung bidang babae sa binabasa kong story, kamukha niya

"Excuse me miss?" sabi ko sa kanya

"Yes?" mataray nyang sabi.. mataray pala to? o baka naman dahil lang sa bago ako dito mabait kasi siya dun sa binabasa ko eh.

"Mia right?" sabi ko sa kanya.

"Yeah." ngumiti na siya sakin "pano mo nalaman? bago ka pa lang dito diba? ngayon lang kasi kita nakita dito eh" dagdag na sabi niya..

"Ah, Oo bago lang ako dito, pero nakilala kita kasi uhm, nabasa ko kasi yung story nyong dalawa ni RJ eh" sabi ko

"Talaga?"sabi niya halatang nagulat. "yay! sige friends na tayo dahil jan. teka lang wag mo na sana sabihin kay rj yung tungkol sa story ha" sabi niya

"Sinong Rj ?" tanong ko

"Kasi si Rj na nasa story ko, siya si Rhyan ng real life kasi naman eh . ano uhm crush ko yun matagal na" sabi nya ng medyo kinikilig haha

So, totoo nga yung Rj na nakita ko sa Locker room at yung Rj na binabasa ko ay iisa. yay! nakilala ko yung mga bida sa story! in real life! Ang swerte kooo!

"Sure.  Di ko din naman siya kilala, at di kami close." sabi ko na lang sa kanya

"Eh kasi naman pantasya ko lang yun na makausap at makasama nya, kaya kahit sa story ko na lang inilalagay yun."

"Eh hindi naman po imposibleng magkatuluyan kayo ang ganda ganda mo kaya." sabi ko sa kanya at ngumiti, pero totoo naman kasi maganda naman kasi talaga si Mia.

"Sus! ikaw talaga nambola ka pa. ikaw din naman ah maganda ka din. Hindi ko pa nga pala natatanong sayo, Ano pala name mo?" sabi niya with a wide smile.. Ang ganda. nakakatomboy ang ganda talaga nya..

"Stephanie. Steph na lang" sabi ko

Sabay kaming naglalakad ni Mia. siguro hindi muna ako uuwi . haha

"Teka lang anong year ka na nga pala?" tanong niya sakin habang naglalakd kami, at siya naman ay naka tingin sa phone niya na parang may nirereplyan na text.

"4th year" sabi ko..

"Section?" tanong ulit niya

"A" matipid na sagot ko.

"Yun! classmates tayo by the way, alam mo bang Sa isang araw na simula ng klase?" tanong nya.

"Agad agad?" may halong taka na sabi ko

"Oo nga eh ang bilis" siya

"Grabe naman." ako

"Uhm. Steph. una na ko ha hinahanap na ako sa bahay eh." sabi nya

"Oo sige, salamat pala ulit Mia" sabi ko, ngumiti naman siya at nag wave.