1 [Dream I]

It's a very Cold and Gloomy afternoon, and i just finished my shift in a Coffee Shop

"Ma'am Vinia, Uuwi na po ako" pag-papaalam ko sa In-charge Supervisor namin

"Sige Dean, sigurado kang hindi ka mag-taxi??" Paninigurado niya sa akin

"Yes po Ma'am, lalakarin ko nalang po papunta sa bahay" sagot ko

"Sige kung ganon, ingat nalang"

Sinuot ko na ang aking Earphones at pina-tugtog yung bagong kantang dinownload ko

Now playing: Winter Bear

Lumabas na ako sa Coffee shop na aking  pinagta-trabahuhan

Naglakad nalang ako pauwi ng bahay para maka-bawas gastusin at makapag ipon

"Imagine your face

Say hello to me

Then all the bad days

They're nothing to me

With you"

Nang malapit na ako sa bahay ay in-stop ko na yung pinapatugtog ko

Pagkapasok ko sa bahay ay gumuho ang mundo ko

Mga Lightsticks ko

Hindi na ako nakapag-react lumuhod na ako at pinulot lahat ng mga Lightstick kong binali at basag

Napaiyak nalang ako dahil sa mga lightstick na pinag-hirapan at pinag-trabahuhan ko

Simula sa Hammerbong,ARMY Bomb,Robong, pati Bang Stick ko sira na lahat

Napaiyak nalang ako sa mga Lightstick na pinaghirapan ko

Naramdaman ko nalang si Mommy na tumabi saken

"Kuya, sorry, hindi ko napigilan si Daddy eh" mahinahong sambit ni Mommy

"Ano ba kasing nangyari Mommy??" Tanong ko habang umiiyak

"Nawawala kasi yung Wallet ng Daddy mo, shempre nagalit, ang alam niya, ikaw yung kumuha non kase ikaw lang naman daw yung nakita ng Daddy mo na pumasok sa kwarto namin" pag-explain ni Mommy sa akin

"Mommy naman, alam mo namang hindi na ako kumukupit, tsaka kung kukupit ako, pera lang kukupitin ko, eh kaso buong wallet na yon, hindi ko kaya kumuha ng ganon" sambit ko habang humahagulgol

"Alam ko naman yon, pero wala eh, nag-explain na ako sa Daddy mo, inexplain ko na lahat, pero ayaw maniwala, ayon dumeretso sa kwarto mo"

Yung huling sinabi ni Mommy yung nagpaguho sa mundo ko

"Ayon dumeretso sa kwarto mo"

"Ayon dumeretso sa kwarto mo"

"Ayon dumeretso sa kwarto mo"

"Ayon dumeretso sa kwarto mo"

Kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto ko

Pagpasok ko ay lalong gumuho ang mundo ko

Nakaramdam ako ng pagkahirap sa paghinga

Mga Albums pati Limited Edition Albums ko

Hindi ko na kinaya ang mga nakita ko at humagulgol na ako sa pag-iyak

Dahil sa pag iyak ko ay nagising si Daddy

"Ano ba!! Ang ingay ingay mo!! Magnanakaw ka na nga, ang ingay ingay mo pa!!"

Lalong sumikip ang dibdib ko dahil doon

"Bakit ba Daddy, di ko naman kinuha yung wallet mo"

"Anong hinde!! Ikaw yung nag-nakaw non, ikaw lang naman yung may malikot na kamay dito eh!!" Sigaw ni Daddy sa akin

"Ano ka ba Daddy!! May trabaho ako, May Pera ako, bakit ko naman pag-iinteresan yang Wallet mo!! May ipon ako pwede ako kumuha don ng pera!!"

Napatigil don si Daddy

"Kahit na ikaw pa rin yung nag-nakaw!!"

Umakyat nalang si Daddy sa kwarto niya

Wala na akong ibang nagawa kung hindi umiyak ng umiyak

Simula sa Lightsticks, Albums, pati Poster hindi pinatawad

Natulog nalang ako habang umiiyak

Lahat ng pinaghirapan ko wala na

Kinabukasan ay narinig kong nagsisigawan sila sa Taas

Umakyat ako, at nakitang nag babaga sa galit si Daddy

"Walang hiya kang Demonyo ka!! Ikaw lang pala nag-nakaw ng Wallet ko!!"

At don ko nakita ang kapatid ko

Binubugbog, Umiiyak, at walang ibang magawa kung hindi saluhin lahat ng binabatong suntok ni Daddy

BEEP!!BEEP!!BEEP!!BEEP!!BEEP!!

Nagising na ako sa ingay ng Alarm Clock ko

Nagising akong may Luha sa aking mata

Nagising akong hinihingal at humihikbi

Nagising akong....

Panaginip lang pala

avataravatar
Next chapter