3 Chapter 2: Clips

Kinabukasan, maaga palang ay naghanda na kami. Kaya saktong 6:00 ng umaga ay pumunta na kami sa studio ng Weekly Idol para magshoot. Pero pinakain muna kami ng mga staffs ng breakfast bago ayusan.

Nagsho-shoot sina Jayda at Tara para sa variety show namin samantalang ako naman ay inaayusan ng isang stylist. Hinahayaan ko nalang sila at nilibang ang sarili ko sa pagce-cellphone at pagche-check ng mga social media accounts ko.

May nakikita na ako sa twitter na mga posts about sa paparating na Melon Music Awards. Kasali na kami sa line-up at nagsimula nang makapag-practice nung nakaraan. Baka itutuloy nalang ang practice pag-uwi namin sa Seoul after ng fan signing sa China.

Biglang sumulpot si Tara sa tabi ko at tinutok sa akin ang camera.

"Maknae, say hi!" Sabi niya.

"Hi! Astrals hi!" Bati ko sa mga fans namin.

Astrals ang tawag namin sa kanila. Astral is a part of heavenly bodies whom we look up to. Kasi sa tuwing nagpeperform kami sa stage. Sila ang nagpapaliwanag ng crowd at nagchi-cheer sa amin. We're always looking up at them everytime we perform, kaya ayun ang tawag namin sa kanila.

Pina-abot ko ang earphones ko sa isang staff at sinaksak iyon sa phone ko saka nag-youtube. Nung una ay nanunuod lang ako ng vlogs at mga compilation ng mga crafts at DIY. Hanggang sa napunta sa recommendation ko ang isang video ng fancam ng reaction ng BTS sa performance namin last year sa MMA. Naisipan kong panuorin 'yon.

Tumatak sa mga fans ang performance namin dito dahil sa kakaibang concept at magandang pagkaka-remix ng intro, ganon rin ang VCR namin na ang ganda ng pagkaka-edit. Parang may kung ano akong naramdaman sa tiyan nang makita ang manghang mga reaction ng BTS sa intro namin. Nagbulungan pa sina Jin at Jungkook habang nakangiti. Nakita ko pang ngumisi si Suga sunbae at nagsabi ng 'Daebak'.

Nang magsimula nang tumugtog song namin ay nakikisabay sina V, Jungkook at Jimin sa pagsasayaw ng choreo kahit na nakaupo. Sinasabayan din nila kami minsan sa pagkanta ng lyrics. Nakakatuwa panuorin na parang ine-enjoy talaga nila yung performance namin.

Sakto namang natapos na akong ayusan kaya umupo nalang muna ako sa sofa sa dressing room.namin habang hinihintay ang damit na susuotin ko. Nagyo-youtube parin ako. Nags-scroll ng maaaring panuorin nang makita ko ang isang video na ang title ay 'BTS' Jungkook and Silverlight Yulyn's moments'.

Na-curious ako sa laman ng video kaya pinanuod ko 'yon. Unang moment 'daw' namin ay sa encore ng Music Bank, kung saan nagsasama-sama ang lahat ng artists sa stage para malaman kung sino ang nanalo. That time ay nanalo kami at kaka-comeback lang BTS. Nasa likod namin sila habang naghihintay kami ng result.

Nang ma-announce na ang panalo, which is kami. Nakita kong pumalakpak at nakangiti ang mga kapwa namin idols sa likod. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang first win namin. Umiyak na si Jayda, Quinn at Tara sa video pero nanatili akong nakangiti kahit na gusto ko na rin umiyak. Hindi makapagsalita sina Unnie dahil sa sobrang emosyonal kaya ako na ang nag-presinta. Binigay sa akin ang trophy samantalang kay Zari naman binigay ang bulaklak.

Hindi ko na masyadong marinig ang boses ko sa video dahil sa background music. Pero pinoint out doon sa video na nakatingin lang si Jungkook sa akin the whole time na nagsasalita ako sa microphone, hanggang sa tinampal siya ni Jimin sa balikat. Doon lang siya umiwas ng tingin sa akin saka sila nagkatinginan ni Jimin at tinuro si Jungkook habang tinatawanan ito. Nakisali rin si Jin sa kanila, tumingin pa si Jin sa akin saka kay Jungkook habang nakangisi at nakahalukipkip. Umiling pa si Jin kaya mas lalong natawa si Jimin habang si Jungkook naman ay nakangiti lang the whole time.

Hindi ko alam ang ibig sabihin no'n, kaya mas pinili ko nalang na h'wag iyong bigyan ng meaning. Dahil baka naman may nakita lang sila na something sa likod ko or baka naman may naalala lang sila.

Pangalawang clip ay ang reaction naman namin sa performance ng BTS noong GDA. May captions ang clip kaya ang nabasa ko doon ay lagi daw akong tumitingin sa big screen sa tuwing screen time ni Jungkook, which is true naman. Naa-amaze lang talaga ako sa awra niya sa stage kaya tinitignan ko ko siya. Hindi ko akalain na may meaning pala 'yon sa mga fans.

Next naman na clip ay noong Asia Artist Awards. Closing Ceremony ito. Nasa stage na ang BTS at huli kaming dumating. Tamang tama naman na sa tabi ng BTS kami tinuro ng staff na pumwesto. Sa totoo lang, hindi ko namalayan ang isang 'to noon. Nakatabi ko pala si Jungkook nito dahil maraming artist rin ang nasa stage. Busy kami sa pagkaway sa mga fans kaya hindi ko namalayan.

Sa clip ay pinoint out sa caption na nagbulungan saglit sina Jungkook at Jimin. Pagkatapos ay sumilip sa pwesto namin si Jimin saka siya ulit tumingin kay Jungkook at ngumiti. Napailing si Jimin na tinawanan naman ni Jungkook, hinampas pa ni Jimin ang tiyan ni Jungkook gamit ang likod ng palad niya.

Ang last two clips ay ang mga pagkakataon na nagkakatinginan kami o di kaya nama'y mga pagkakataon na sa iba ako nakatingin pero pinoint out sa video na si Jungkook talaga ang tinitignan ko. Gano'n rin naman siya sa ibang clips kung titignan nang mabuti.

Tamang tama na after ng panunuod ko no'n ay tinawag na kami ng staffs para magbihis dahil malapit nang magsimula ang show.

Pero kahit na nagbibihis ay hindi ko parin maiwasang isipin ang mga nasa clip. Iyong mga tinginan nina Jimin, Jin ag Jungkook. Pero ayaw kong bigyan ng meaning 'yon dahil baka naman iba ang dating sa kanila. Konti palang ang views no'n dahil mas shiniship si Jungkook sa ibang babaeng idols.

Kung anuman 'yon, h'wag ko nalang siguro isipin. Nang walang gumulo sa mahinahon kong isipan.

avataravatar