2 Chapter 1: Idol

"Congratulations girls!"

Napapikit ako at natawa sa pagsabog ng

confetti nang makapasok kami sa dressing

room Sinalubong kami ng palakpak ng mga

staffs. Unang panalo ito ng bagong song namin na kaka-release lang three days ago at sobra kaming masaya sa success ng grupo.

After namin sa Music Bank ay agad kaming dumiretso sa Marie Claire photoshoot namin. Doon na rin kami nag-lunch. Binilhan lang kami ng manager at staffs namin ng pagkain. After naming kumain at magtoothbrush ay sinimulan na kaming ayusan. Habang inaayusan naman ako ng stylist ay chineck ko na muna ang social media accounts ko. Una akong pumunta sa twitter na trending ang first win ng song namin. May mga komento rin ang mga fans tungkol sa naging performance namin. Trending rin ang #YuDa at #JayLyn dahil sa finorm naming heart ni Jayda sa huling part ng performance. Shiniship kasi kaming dalawa. Kami naman ni Jayda ay pinagtatawanan nalang namin 'yon. To think na pareho kaming straight tapos shiniship kaming dalawa. Kaya binabalewala nalang namin, at isa pa thankful kami sa suporta nila.

Pagkatapos kaming ayusan ay nauna nang kunan ng solo shots si Tara. Sa Garden of Morning Calm kami nagshoot. Pinasara rin ang buong garden ngayon dahil baka magkagulo dahil sa mga fans.

Si Tara, ang real name niya ay Trinette Fleur Marseille. Siya rin ang oldest sa amin, 25 years old, lead vocals and dancer born in Libourne, France. Her mother is full blooded Korean while her father is a full blooded French.

Next ay si Quinn. Jeanette Quinn Jung ang real name niya. Lead dancer, rapper and leader ng grupo. 25 years old na rin siya, three months older lang si Tara sa kanya. Both her parents are full blooded Korean pero nag-migrate sila sa London at doon na nila pinanganak si Quinn at ang mga kapatid niya. Pumunta si Quinn sa South Korea para mag-training bilang K-idol.

Susunod ay si Zari. Ang real name niya ay Harue Hayashi. 24 years old, main rapper at full blooded Japanese. Five years din siyang nag-training sa Entertainment namin dito sa South Korea.

Next ay si Jayda. Justine Elodie Young ang kanyang real name. 23 years old ang edad niya. Main dancer and vocals. Born and raised in Canada but trained 5 years sa South Korea. Her mother is pure blooded korean and her father is pure blooded Canadian.

At ang last ay ako, Yulyn. Ang english name ko ay Yuri Adeline Shim. Samantalang ang korean name ko naman ay Shim Eun Jung. 21 years old. Main vocals, lead dancer, face of the group and maknae. Half-Korean at Half-Pinay. Pure blooded Korean ang Daddy ko samantalang pure blooded Pinay rin ang Mommy ko. Nag-train ako ng 4 years sa South Korea.

Pagakatapos naming magshoot isa-isa ay nagshoot na rin kami para sa group photo. Nang matapos na ang lahat ay umalis na agad kami sa set dahil kailangan rin namin pumunta sa isa pang guesting, sa Knowing Brothers.

Pagdating sa studio ng Knowing Brothers studio. Binura lang ang make up namin at pinalitan ulit ng mas simple. Nagpalit rin kami ng uniform na para sa show, dahil ayun naman talaga ang sinusuot sa Knowing Brothers ng mga guest since ang setting ay nasa classroom.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang shoot. Dito kami mas na-relax dahil panay ang tawanan namin. Umabot ng three hours ang shoot namin kaya alas syete na ng gabi kami natapos. Pumunta nalang kami sa isang private restaurant para magdinner. Nagpapicture ako kay Jayda na katapat ko lang sa table para mag-update sa Instagram.

Wala namang say ang CEO or President ng Dream Entertainment tungkol sa mga pinopost namin sa social media. Basta ang mahalaga ay hindi dapat ito bastos or something na bawal sa mata ng mga underage naming fans na finofollow kami.

Ang Dream Entertainment ang agency namin sa South Korea. Three years ago nang maitayo ito doon. Kami rin ang first girl group na minanage ng DreamEnt., ngayon naman ay naghahanda na sila para naman sa unang boy group na ide-debut nila.

"Girls, dalawa ang guestings ninyo bukas at isang interview. Sa gabi naman, mga 6:30 ng, kailangan nasa airport na tayo by that time kasi 7:20 ang flight papuntang China para sa fan signing event niyo." Paliwanag ng manager namin habang kumakain. Nakatingin pa siya sa phone niya habang sinasabi iyon.

"After ng interview niyo bukas para sa billboard, babalik tayo ng dorm niyo at mag-aayos. Kaya I expect na mamaya pag-uwi ninyo bago kayo matulog ay mag-iimpake na kayo. Kailangan niyo rin palang i-shoot 'yon para sa reality show niyo. Understood, girls?"

"Yes, Eonnie." Sabay naming sagot.

Ngumiti si Manager Kang. "Good. Kumain na kayo, pero h'wag masyadong marami."

After ng dinner namin ay umuwi na agad kami sa dorm. Ang dorm namin ay nasa building rin na pagmamay-ari ng CEO ng DreamEnt., pinagawa niya talaga ito para sa mga mahahawakan nilang idols at artist. Para rin itong condominium at kami ang tenants. Binabawas nalang ang supposed to be na babayaran namin dito sa sweldo namin. Konti lang naman, kumpara sa mga natatanggap namin.

Dumiretso agad kaming lima sa mga kwarto namin, ramdam namin ang pagod ng isa't isa kaya hindi na muna kami gumimik ngayong gabi. Ang sakit talaga sa katawan kapag ganitong comeback days. Lalo na noon nung nag-uumpisa palang kami. Nanibago talaga kami nang sobra. Pero ngayon sanay naman na kami sa ganitong set up.

Pagkatapos kong mag-half bath at makapagbihis ng pantulog ay binuksan ko na ang camera na binigay sa akin kanina ng staff at nagsimula nang mag-record.

"Yeoreobun, annyeong haseyo!" (hi everyone!) Kumaway pa ako sa camera habang nakahiga ako.

Nagsimula akong ipakita ang pag-iimpake ko. Pinakita ko ang mga lagi kong dinadala kapag nagta-travel kami. Ayun lang naman ang shinoot ko at nag-bye na sa mga viewers. Pagkatapos ng pag-iimpake at pagsho-shoot ay naghilamos na ako at tinanggal na ang make-up bago mahiga.

Napatingala ako sa kisame. Napangiti nalang ako nang mapait nang maalala ang pamilya ko sa Pilipinas. Kamusta na kaya sila?

avataravatar
Next chapter