webnovel

Will you be my girl?

Aubrey's Point of View

After nung phone conversation namin ni Icko, palagi na lang syang visible ngayon.

Sinusundo nya ako sa bahay tuwing umaga, inaantay ako sa labas ng room ko para sabayan ako sa lunch at hinahatid din ako sa bahay pag uwian na.At kapag walang pasok bigla na lang sumusulpot sa bahay na may dalang bulaklak at pagkain.

Hindi ko alam kung nanliligaw na ba sya kasi hindi naman sya nagsasalita.

Basta ganun lang ang ginagawa nya sa araw~araw, nanliligaw na ba yung ganun? 

Paano si Abby? Hindi ko na sila nakikitang magkasama simula nung sabihin nya sa akin yung tungkol sa panaginip nya.

Ayokong magtanong. Ang sabi nya kasi nakipag~break na sya kay Abby pero hindi ito pumayag pero bakit  hindi ko na sila nakikitang magkasama? Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila, wala din namang nababanggit si Icko.

Ayokong mag~assume at ayokong isipin na ako na talaga yung gusto nya.

Sinabi nyang ako ang mahal nya pero gusto ko sabihin nya uli yon ng wala ng komplikasyon sa pagitan namin.Wala ng ibang tao, yung kami na lang talaga.

Sumapit ang araw ng acquiantance. Kumuha si tita Rain ng mag~aayos sa aming apat.At grabe hindi ko makilala ang mga sarili namin nung maayusan kami.

Ang ganda ko pala.. Haha.

Maaga pa nung dumating kami sa school.Medyo kinakabahan ako at nahihiya.Ewan ko kung bakit eh halos kilala ko naman ang mga nakikita kong mukha.Siguro dahil ngayon lang ako nagsuot at nag~ayos ng ganito.

Iginala ko ang tingin ko, hindi ko pa nakikita si Icko o kahit ang grupo nya.Marahil nagpe~prepare ng husto.Balita ko kasi may special number mamaya ang Engineering dept..

Umakyat na ang emcee sa stage at ini~announced na mag~uumpisa na ang program.

Nagkaroon muna ng Opening prayer then opening remarks ng Presidente ng University tapos sunod~sunod na yung mga nagsalita.

Tinawag na yung mga magpe~perform.

Yung mga miyembro ng cheering squad ang naunang mag perform.Nakita ko si Abby sa bandang unahan at ang sexy nya sa suot nyang white shorts at pink na crop top.

Hinanap ko si Icko sa crowd at nakita ko naman sya.

Gusto kong matawa sa itsura nya. Nakasandal sya sa pinto ng isang room na nakaharap malapit sa stage.Wala syang pakialam sa mga nagpe~perform sa stage dahil may ka~text yata sya.

Maya~maya tumunog ang phone ko na nasa pouch ko.

Napangiti ako ng makita ko kung sino ang nag~text.

Dreamboy Icko: Hey, you look gorgeous  tonight.Bagay sayo ang peach gown and light make up.

Mabilis akong nag~reply sa kanya.

Ako: Hala!  paano mo akong nakita eh ang layo ko.Mas malapit sayo yung stage. Hindi mo ba nakikita si Abby ang sexy nya sa suot nya oh?

Nakita ko syang nagtipa sa cellphone  nya.Pero parang nakakunot ang noo nya.Naasar ba sya nung banggitin ko si Abby?

Dreamboy Icko : I only have eyes on you.Wala akong pakialam sa iba.

Kinikilig naman ako.Grabe ka Icko.

Ako : Whoah, ang pikon mo naman yata.Yan ba ang suot mo pag nag~perform kayo?

Dreamboy Icko : Yap! Panoorin mo ako ha para ganahan naman ako.

Ako : ok po.. 👌goodluck..

Narinig kong tinawag na sila sa stage.

Kaya nagmamadali na syang umalis dun sa pinto at tumuloy na sa back stage.

Nagulat na lang ako ng tumunog muli ang cellphone ko.

Dreamboy Icko : Thanks baby.I love you.. 😘

Ay grabe sya oh.Gusto ko yatang himatayin sa text nya.Nag~iinit ang mukha ko at parang hinahalukay ang sikmura ko sa antisipasyon.

Sobrang pagpapakilig ang ginagawa sa akin ng taong to.Kung nakakamatay lang ang kilig, malamang kanina pa ako bumulagta dito.

Magpe~perform na sila.Isa~isa silang lumabas dala ang instrumento nila.Drums ang kay Vaughn, piano ang kay Mark,guitar ang kay Icko at si Dwayne at Khail ang vocalists.

Sigawan ang mga students.Grabe, akala mo One Direction ang nasa itaas ng stage kung makapagwala sila.

Tinignan ko si Icko, nakatingin din pala sya sa direksyon ko habang tumitipa ng gitara.Nang magtama ang tingin namin ay kumindat pa sya.

Gusto kong malusaw sa ginawa nya.

Ahhh kinindatan ako ni Icko! dinig kong sabi nung estudyante sa likuran ko.

Hindi ikaw ako kaya!

Tse tumigil nga kayo, ako ang kinindatan nya dahil maganda ako sa inyo.

Haay naku, mga assuming kayo! Ayoko ng lingunin pa sila baka makilala nila ako,awayin pa ako.

Natapos ang lahat ng magpe~perform.Umakyat muli yung emcee sa stage at nag~anunsyo na start na ng sayawan.

Namatay ang ilaw saglit,tapos sumindi ito kasabay ng malamyos na tugtugin.

Kanya~kanya ng kuha ng partner.Nakita ko pa si Gwen na inaya ni Khail at yung dalawa ay kinuha naman ni Vaughn at Mark.

Ako na lang ang natira.Maya~maya nakita ko ang classmate ko na si Eric na nilalahad ang kamay nya sa akin para isayaw ako.

Pero bago ko pa abutin ang kamay nya ay may tumabig na dito.

Pagtingin ko ay nakita ko si Icko na masama ang tingin kay Eric.Kahit parang masungit sya, ang gwapo pa rin nya tignan sa suot nyang dark blue long sleeves at slacks.

Tila naman naiintindihan ni Eric kaya nagmamadali na itong tumalikod at narinig ko pa syang nagsabi ng sorry kay Icko.

Kinuha naman ni Icko ang kamay ko at naglakad na kami papuntang dance floor na magkahawak kamay.

Halos lahat ay nakatingin sa amin partikular na sa mga kamay namin na magka~hawak.

Hiyang~hiya ako sa mga tumitingin samantalang ang kasama ko ay tila proud na proud pa at walang pakialam.

Pagdating namin sa dance floor ay inilagay nya ang mga kamay nya sa bewang ko at nahihiya ko namang ipinatong ang mga kamay ko sa balikat nya.

" Bakit ganyan ka naman humawak baby,parang nandidiri ka naman sa akin." reklamo nya.

" Sira, nahihiya kaya ako.Ang daming nakatingin sa ating dalawa oh." sabi ko at inginuso pa sa kanya yung mga tao sa paligid namin.

" Hayaan mo sila, wag mo sila tignan.Gusto ko ako lang ang titignan mo."turan pa nya.

" Ah kaya ba pinaalis mo si Eric kanina.Ang bad mo naman kanina gusto lang naman nya akong isayaw ah." saad ko sabay pout ng nguso ko.

Kinurot nya ako sa pisngi.

" From now on ako lang ang pwedeng tumingin sayo at hahawak ng mga kamay mo." sinasabi nya yon ng nakatitig sa akin.

" Uy grabe ka!  Wala naman tayong relasyon kung makapag~demand ka naman dyan." naaasar na sambit ko,  sobra naman kasing maghigpit daig pa si tatay.

" Di ba sabi ko sayo darating tayo dun soon."

" Oo nga pero nanliligaw ka ba?

" Bakit?  Hindi pa ba?

" Ligaw na yun?

" Ano sa tingin mo? Ang manhid mo naman."

" Eh kasi di ba sabi ko ayusin mo muna yung sa inyo ni Abby? "

" Ayos na nga, wala na kami."

" Weh di nga? "

" Oo nga sabi kaya nga nanliligaw na ako sayo di ba? "

" Sorry naman hindi ko kasi alam. "

" So, naiintindihan mo na ngayon baby? "

" O hayan pa ang isa, baby ka ng baby hindi pa nga tayo."

Huminto kami sa pagsasayaw.Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at tumingin sa mga mata ko.

He heaved a sigh first at tinanong ako.

" Once again Aubrey Policarpio, I am asking you, will.you.be.my.girl.? "

OMG seryoso talaga sya.Ano ba ang dapat kong isagot?

Jusko day! Ready na ba ako sa isang Icko Fernando?

Next chapter