webnovel

TWOGETHER - Sa Wakas Kami Na!

Aubrey's Point of View

Simula nung gabi ng acquiantance party ay naging masigasig na si Icko sa panliligaw nya sa akin.

Every morning may pa~flowers pa sya sa akin kapag sinusundo nya ako sa bahay at sabay kaming papasok ng school.Pag uwian naman ay hinahatid nya rin ako sa bahay, tatambay saglit makikipag~kwentuhan sa mga kasama ko at kay tita Rain.At kapag nakauwi na sya sa kanila,tatawagan nya ako para sabihin na nakarating na sya.At ang matindi sa lahat,inaabot kami ng madaling araw sa pag~uusap sa phone.

Sa araw~araw na ganon para na ring kami na kahit hindi ko pa sya sinasagot.Hindi naman nya ako kinukulit, katwiran nya basta't nakakasama nya ako palagi ayos na sya nun at bonus na lang daw kung sasagutin ko sya.

Pero para sa akin gusto ko na ring maging kami para pwede ko ng masabi na akin siya,may karapatan na ako sa kanya at ganun din siya sa akin.

Umabot pa ng ilang buwan ang panliligaw nya at masasabi ko na talagang seryoso siya sa akin.Sobrang maalalahanin at malambing si Icko at nasanay na rin ako na lagi syang nandyan sa tabi ko.Madalas nya akong isama sa kanila kaya naman super close na kami ng mommy nya at pinakilala ko na rin siya sa mga magulang ko.Kinikilig nga si nanay kasi akala nya kami na ni Icko.Kung asikasuhin naman kasi ako,wagas eh.

Minsan niyaya nya ako sa Baywalk,gusto daw nyang makita ang sunset na kasama ako.Nung nandun na kami,marami kaming inabutan na mga lovers na nakaupo at nanonood ng hampas ng alon at yung iba naghihintay din ng paglubog ng araw.

Nung nakaupo na kami,napansin ko na patingin~tingin si Icko sa mga parehas na katabi namin.Parang may konting lungkot sa mga mata nya kapag tumitingin sya sa mga ito.

Hindi na ako nakatiis kaya tinanong ko sya.

" Ano nangyari sayo? Kanina lang ang saya mo bakit parang ang lungkot mo na yata ngayon."

" Ha? Hindi naman ah.Ang saya ko nga eh." turan nya sabay plaster ng pilit na ngiti sa labi.

" Hindi nga, eh bakit parang pilit yang ngiti mo? tanong kong muli sa kanya.

He just sigh at tumingin dun sa isang pares na nakaupo sa di kalayuan.

" Tignan mo yung dalawang yun. " sabay turo dun sa mag~partner., " Ang taba nung guy at payat naman yung girl,pero kung yakapin ni girl si guy parang ayaw na nyang pakawalan kahit hirap sya sa pagyakap kasi mataba ito."

Nangunot ang noo ko.Anong connect?

" Hayun pa,ang ganda nung girl pero kung makaangla sya sa partner nya wagas! Eh tignan mo naman yung guy,parang tatay na nya. " turo nya uli dun sa pares na nasa malapit sa dagat.

Ang gulo naman ni Icko,ano ba ang pinupunto nya? Tapos dumako muli ang tingin nya dun sa kabilang side.May dalawang couple na naka~wheelchair at nagki~kiss sila.

" O kita mo na,wala silang paki kahit marami pa ang nakakakita sa kanila. "sambit uli nya.

" Teka sila ba ang dahilan kung bakit malungkot ka? " nagtatakang tanong ko.

Hinarap nya ako at hinawakan sa magkabilang balikat.

" Nalulungkot ako kasi gusto kong makita ang sarili ko na ganun sa kanila.Campus hearthrob nga ako,at hindi naman sa pagmamalaki mas lamang ako sa physical na anyo kesa sa kanila pero hindi ko naman mapasagot yung babaeng mahal ko.Akala ko ayos lang na kahit nakakasama ko lang sya pero nung makita ko sila,nainggit ako. Gusto ko may yumayakap din sa akin na para bang ayaw akong pakawalan. Yung kung makaangla sa akin wagas at yung hahalikan ako ng buong pagmamalaki."madamdaming saad nya.

Ay naiinip na pala si kuya,sumusuko na ba kaya sya? Grabe naman mainip to para 8 months,5 days 3 minutes at 45 seconds palang ang itinagal ng panliligaw nya,nainip na agad? Ano kaya kung sagutin ko na to ngayon? Baka sabihin naman nya easy to get ako.

Sabagay gusto ko na rin syang sagutin para naman hindi na sya nalulungkot.

Hinaplos ko ang mukha nya.

" Sige na wag ka na malungkot, oo na Icko." sabi ko.

" Anong oo na? naguguluhang tanong nya.

" Oo na nga! " gwapo nga hina naman maka~pick up.

" Oo na as in tayo na? " hindi makapaniwalang tanong nya.

" Hay Icko ano to unli? " sabi ko and rolled my eyes.

Nanlalaki ang mata nya na niyakap nya ako ng mahigpit.

" Yes! yes after 8 months,5 days, 5 minutes and 45 seconds,sumagot ka rin.You don't know how happy I am right now.To finally call you mine.Thank you baby,I love you so much.I will do everything to make this work." sabi nya sabay halik sa gilid ng ulo ko.Grabe ah bilang na bilang din nya yung tagal ng panliligaw nya.

" I love you too Icko.Promise I'll be a good girlfriend at ang tanging hiling ko lang sayo wag mo akong sasaktan.Ikaw ang una at sana ikaw na rin sa huli.At sana maging open tayo sa isat~isa,walang lihiman.At ang pinaka~importante,trust,yun ang makakapag~patibay sa bawat relasyon." saad ko sa kanya sabay haplos sa mukha nya.Hinuli nya ang kamay ko at hinalikan.

" Ok baby lahat ng makakapag~pasaya sayo gagawin ko." turan nya.

" Thank you Ick... hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinigilan nya ng daliri nya ang labi ko.

" Call me loves L.O.V.E.S. Ikaw si baby ako si loves, baby loves.. Ok ba yun baby? " ngiting~ngiti na sabi nya.

" Oo na nga po loves."

" Good.Mahal kita."

" Mahal din kita."

Ngumisi sya sa akin sabay tingin dun sa dalawang naka~wheelchair na nagki~kiss.

" Gaya tayo sa kanila? " ungot nya.

Pinanlakihan ko sya ng mata.

" Joke lang,ikaw naman hindi ka na mabiro.Peace."

Hindi ko pinansin ang sinabi nya.Nagulat pa sya ng hilahin ko sya sa batok at mabilis na hinalikan sa labi.

Shock pa sya ng bitawan ko sya.Haha.ang cute ng itsura nya.Epic.

Akala mo ha.Ako pa! Eh kanina pa ako naiinggit sa mga lovers sa paligid.

" Ang daya mo naman, ginulat mo ako dun ah." reklamo nya.

" Ayaw mo ba? "

" Gusto syempre kaya lang bitin eh.Ulitin natin." pagkasabi nya nun ay bigla na lang nya akong hinila and kiss me passionately.

Hindi na ako nakapag~reklamo.Ganun pala ang feeling parang may butterflies sa tiyan ko.

Ang sarap sa pakiramdam...

Kaya lang.....

Gosh! nakakahiya, hindi ako marunong.Hehe.

Naramdaman naman nya na hindi ako masyadong tumutugon.

Huminto sya at tinitigan ako sa mga mata.Hinahaplos ng mga daliri nya ang labi ko.

" Alam mo ba na natutuwa ako na malaman na hindi ka pa marunong humalik? Meaning,ako ang nauna dyan.Matutunan mo rin yan basta palagi mo lang akong hahalikan." malokong sabi nya sabay kindat.

Hinampas ko nga sya sa balikat dahil pulang~pula na ang mukha ko sa sinabi nya.

" Hay nako loves, halika na nga umuwi na tayo,madilim na at baka nag~aalala na si tita Rain sa akin.Sige next time,lalabanan kita ng walang hingahan,tandaan mo yan."

Humahalakhak na hinila nya na ako palayo sa lugar na yon.Baliw talaga.. baliw sa akin.Charat!

This is gonna be the best day of our lives.

Sa wakas kami na!

Next chapter