webnovel

EPILOGUE

Icko's Point of View

" Ano pangalan mo miss? Palagi kitang nakikita dito pero hindi ko alam ang pangalan mo."

" Ako si Aubrey." mahinang sabi nya.

" Ano kamo? Abby? Arby ba? "

Nagmamadali na syang umalis kaya naman hinabol ko sya.

Pero gaya ng mga nauna hindi ko na naman sya nahabol.

" Sandali.Wait! " sigaw kong muli.

" Icko,anak gising! Nananaginip kana naman." si mommy yung nabungaran ko,tinatapik nya ako sa pisngi.

" Hay naku anak, siya na naman ba? Wish ko makita mo na sya for real,parang naging maganda ang pagbabago sayo simula nung mapanaginipan mo sya."

" Mom, gusto ko syang hanapin.I love her kahit hindi po ako sigurado kung nag~eexist ba sya."

" Icko hindi ako makakasama sa inyo,may lakad kami ng mga high school friends ko,next time na lang." si Vaughn yun nagpapaalam na hindi makakasama sa unang lakad namin.

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako pero alam ko sya talaga yun.Tumibok ng husto ang puso ko lalo na nung magkatinginan kami at nagulat pa nga sya.

Met you by surprise I didn't realize

That my life would change forever

Saw you standing there I didn't know I care.

There is something special in the air.

" Miss I' m sorry nagmamadali kasi ako.Here." sabi ko habang inaabot ko sa kanya yung mga libro.

Nakatunganga lang sya hindi sya kumikibo.Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko.Ang ganda talaga nya,gusto ko syang halikan dahil nakaawang ang mga labi nya sa gulat.

Umalis na lang ako baka hindi ako makapagpigil mahalikan ko nga siya.

Dreams are my reality

The only kind of real fantasy.

Illusions are a common thing

I try to live in dreams

It seems as it is meant to be.

Aubrey Policarpio... Siya na nga sigurado ako.Puso ko ang nagsasabi na sya na nga.Ang ngiti nya sa panaginip ko ang gusto kong makita kaya kumapit ako sa pag~asa na totoo sya.

Excited ako ng isosoli ko na yung ID nya, makikipagkilala na ako sa kanya.

" Babe,napapansin ko panay ang sama mo kila Vaughn ngayon sa pagpunta sa building ng mga jologs na yun.Baka naman may nililigawan ka na dun." si Abby yun ang girlfriend ko,niligawan ko sya sa pag~aakalang siya yung babae sa panaginip ko,hindi ko maramdaman sa kanya yung nararamdaman ko pag nakikita ko si Aubrey.

Magkaiba sila ni Aubrey,brat sya at sobrang clingy.Ilang beses ko ng sinubukang makipag~break sa kanya pero ayaw nya.

Dreams are my reality

A different kind of reality

I dream of loving in the night

And loving you seems right

Although it's only fantasy

" Thanks for coming Aubrey.You look good in that dress."

Ito na yata ang pinakamasayang birthday ko dahil dumating sya.Pinakilala ko sya kay mommy at alam na ni mommy na sya na yun.Wala kasi akong pinakilala sa kanya sa mga naging girlfriend ko.Alam nya yung tungkol sa panaginip ko at yun lang ang ipapakilala ko sa kanya pag nakita ko na sya.

Naging magkaibigan kami.Ito lang muna kasi ang maibibigay ko sa kanya dahil kay Abby.Liligawan ko sya kapag naayos ko na yung sa amin ni Abby.

Lumayo sya sa akin dahil kay Abby.Nasaktan ako ng husto dahil tinapos nya ang friendship namin.Hindi ko sya nakikita at nakakasama.Hindi ko yun kaya.

Pinagtapat ko sa kanya yung tungkol sa panaginip ko,inamin ko na rin na mahal ko sya.Pero sinabi nya na bumalik na lang ako pag naayos ko na yung tungkol sa amin ni Abby.

Pero kapag mahal mo talaga ang isang tao,gagawa ka talaga ng paraan para maging sayo sya.

" Abby please set me free."

" At pagkatapos ano Icko? Isisiksik mo yang sarili mo kay Aubrey, eh hindi ka naman nya gusto."

" Gusto man nya ako o hindi,please palayain mo na ako. Pareho tayong hindi na masaya sa relasyong ito."

" Dahil sa babaeng yon kaya hindi na tayo masaya."

" Alam mong hindi totoo yan! Akala mo ba hindi ko alam na you're cheating behind my back.I knew everything Abby,I saw you making out with that medical student in the parking lot! "

" Icko! "

" Yes Abby, kumukuha lang ako ng tamang timing to confront you.And now is the right time.I love Aubrey so please let's break up."

If you do exist

Honey don't resist

Show me a new way of loving

Tell me that it's true

Show me what to do

I feel something special about you.

" Sige na Icko,wag ka na malungkot, Oo na."

" Anong oo na? "

" Oo na nga! "

" Oo na as in tayo na! "

Yes! Finally kami na ng pinakamamahal ko.

I kissed her passionately. And from that moment, I promised myself that I' ll do everything to make her happy.

Dreams are my reality

A wondrous world were I like to be

I dream of holding you all night

And holding you seems right

Perhaps that's my reality...

" Ang lalim ng iniisip mo loves ah. Kasali ba ako dyan? " naputol ang pagbabalik tanaw ko ng lumapit sa akin ang babaeng galing sa panaginip ko.

" Ikaw lang naman lagi baby ang iniisip ko,meron pa bang iba? " inakbayan ko sya at hinalikan sa ulo.

" Kinikilig naman ako.Siguro nagre~reminisce kana naman ano? Maniwala kana kasi,eto nako oh."

Oo nga tama sya.Hindi ko lang kasi mapaniwalaan na pareho kaming produkto ng mga panaginip namin.Siguro nga,soul mates kami.

Simula ng maging kami hindi na ako tumigil sa pagpapadama ng pagmamahal ko sa kanya.Ours is not a perfect one,madalas din kaming magkatampuhan pero dahil mas matimbang ang pagmamahal namin sa isat~isa,madali na ang magkasundo.

Naging masaya ako sa piling ni Aubrey, she's almost perfect,she's my ideal girl.Dahil sa kanya nagbago ang pananaw ko sa buhay.She brings out the best in me.That's why I love her.I love her so much.

" Halika na,matulog na tayo.Di ba maaga ang meeting mo bukas with the investors? "

Napangiti ako.Parang kailan lang college students kami. Ngayon may~ari na ako ng isang kumpanya na medyo nakikilala na rin sa industriya ng kalakalan.Hindi ko nagamit ang kurso ko. After graduation kasi nagtulungan kami ni Aubrey na itayo ang kumpanya namin and in span of two years nagtagumpay naman sya.She is indeed my lucky charm.

" Ikaw ang dapat tulog na kanina pa,masama sa kalagayan mo ang mapuyat."

Bumulong sya sa akin.. " Hindi ako makatulog ng hindi ka katabi."

" Hmm.kunwari ka pa,gusto mo lang magpa~baby eh."

" Hmmn.opo kailangan din sigurong mag~hello ka kay baby."

Natawa ako ng malakas.Haay ang asawa ko talaga simula ng magbuntis naging hot na.Normal naman daw yun sabi ng doktor nya.

" Ok walang tulugan ha? " pilyong sabi ko.

" Naman.Ako pa ba? " sabi nya sabay kindat sa akin.

Tumayo na ako at inakbayan sya.Lumakad na kami papunta sa room namin.

Excited na ako.Makakasama ko na naman sa realidad ang aking EPIC LOVE.

THE END

To GOD be the Glory!

This is the final chapter. Maraming salamat sa lahat ng umabot dito. This story is my entry to the Filipino Prompt Writing Contest.

Thank you so much. To God be the glory.

AIGENMARIEcreators' thoughts