webnovel

Ayoko na Sana

Aubrey 's Point of View

Simula nung mag-usap kami ni Icko sa lumang building hindi ko na sya nakita pang muli.Hindi ko alam kung sinasadya nya o ano.Magkaklase kami sa Humanities pero ilang araw na rin syang hindi pumapasok.

Nakakaramdam ako ng lungkot pero kailangan tiisin ko.May mga bagay talaga na kailangan mong tanggapin na hindi makakabuti sayo kahit gaano mo pa ito kagusto.

Sa kaso ko, dapat lang talaga na alisin ko na sya sa sistema ko dahil wala naman itong patutunguhan talaga, masasaktan at masaksaktan lang ako.

Mahirap yung sitwasyon ko sa kanya, dahil ako lang yung nagmamahal kaya ako lang yung nasasaktan.

Yes he cares for me.

Only as a friend.

Masaklap di ba?

It hurts to fall in love with someone who can't love you back.

Sana maturuan ko ang puso ko na magmahal na lang ng iba. Pero wala kasi itong kilala kundi sya lang.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.Heto na naman, akala ko ubos na luha ko sa mga nagdaang araw, hindi pa pala.

" Aubrey!" narinig kong tawag sa akin.Mabilis kong pinahid ang luha ko bago ko hinarap yung tumawag.

" Ikaw pala Vaughn.Bakit?" pilit ang ngiting tanong ko.

" Ano kasi..." napahinto sya sa sasabihin at nakakunot na tumingin sa akin.

" Teka, umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong nya.

" Ah hindi ah, napuwing lang ako." kaila ko.

" Tsk.Ako ba naman eh pagkakailaan mo pa, kilala kita.Si Icko na naman yan sigurado ako." saad nya na umiiling pa.

Hindi ako kumibo.I heaved a sigh.

" Ewan ko ba Vauhgn.Pinipilit ko naman eh pero ang hirap.Ang hirap-hirap." tugon ko na parang bibigay na naman ang luha ko.

Kinabig nya ako at niyakap.At naramdaman ko na hinihimas nya yung likod ko para i-comfort ako.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa nya.Nang mahimasmasan ako ay kusa na akong kumalas sa yakap nya.

" Salamat Vaughn, kaibigan nga kita." turan ko na nakangiti na.

" Hayan ganyan nga, mas maganda ka pag nakangiti.Gago lang kasi yung kaibigan ko, hindi nya nakikita yung talagang beauty. Di hamak na mas maganda ka dun sa babaeng gusto nya. Maganda ka inside and out, eh yon? naku ewan ko." naiiling pa sya habang sinasabi yun.

" Sira ka talaga.Tara nga punta tayo ng cafeteria libre kita, nahiya naman ako sayo." pagyaya ko sa kanya, ang saya lang napangiti nya na kasi ako.

Buti na lang walang gaanong tao sa cafeteria kaya mabilis lang kaming nakabili ng snacks namin.

Kumakain na kami ng magsalita uli si Vaughn.

" Yung sinasabi ko pala kanina sayo hindi ko na natuloy."

" Ano ba yun?" tanong ko.

" Ilang araw na hindi pumapasok si Icko. Simula nung mag-usap kayo sa lumang building napansin ko na parang nawala sya sa mood.Ano ba kasi ang nangyari dun sa pag-uusap nyo? tinatanong namin sya hindi sya kumikibo until now hindi pa namin sya nakakausap dahil hindi nga sya pumapasok." pagbibigay information nya.Kaya pala hindi ko sya nakikita ilang araw na.

Hindi ako kumibo ayoko ng banggitin pa yon.

" Bakit daw hindi sya pumapasok?" sa halip ay tanong ko.

" Hindi namin alam nung una, pero kanina pinatawag namin si Joselito sa kanila, katulong lang daw ang sumagot, sinabi nasa hospital daw si Icko, may sakit." saad nya.Kinabahan ako bigla sa nalaman ko, jusko lord baka kung napaano na sya.

" Bakit ngayon mo lang sinabi?" kinakabahang tanong ko.

" Eh umiiyak ka kasi kanina. Alam ko naman pag nalaman mo, mag-aalala ka kaya tyumempo muna ako."paliwanag nya.

" Ok na raw ba sya?" tanong ko.

" Hindi pa namin alam eh, dadalaw kami mamaya after class.Gusto mo ba sumama? Kaya mo na ba?" tanong nya.

" Hindi ko alam kung kaya ko na ba, pero nag-aalala naman ako sa kanya.Haisst.bahala na.Sige daanan mo na lang ako sa bahay mamaya, isang subject na lang ako uuwi nako." pinal kong sabi.

Buong klase ko hindi ako mapakali, nag-aalala ako sa kanya.Bahala na kung ano mangyayari mamaya pag nagkita kami.Hindi ko rin pala sya matitiis.

Nang matapos ang huling klase ko ay nagmamadali na akong umuwi.Bumili muna ako ng mga prutas sa may talipapa sa kanto para dalhin sa ospital.Pagdating ko sa bahay ay mabilis akong naligo at nagpalit ng damit.

Wala pa ang mga kasama ko sa bahay kaya nag-iwan na lang ako ng note sa may ref namin.

Maya-maya lang ay dumating na si Vaughn kasama si Joselito at Mark.Nang masigurong nakaayos na ako ay agad na kaming umalis.

Kinakabahan ako pagdating namin sa ospital.Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Icko. Tinapos ko na ang friendship namin nung huli kaming mag-usap, baka galit sya sa akin.

Bahala na si Batman.

Matapos naming malaman sa information kung saang room sya, pumunta na agad kami.

Pagdating namin sa room nya ay inabutan namin si tita Rhia sa labas na nakaupo.

Ngumiti sya ng makita nya kami.Lumapit sila Vaughn at nagmano sa kanya.

Nag-aalangan akong lumapit baka galit kasi sya.

" O Aubrey, bakit ayaw mo akong lapitan.Come here anak, na-miss na kita."sabi nya habang kumakaway sya para lumapit ako sa kanya.

Nag-aatubili akong lumapit at nagmano sa kanya.

Hinila nya naman ako para yakapin.

" Nagkatampuhan pala kayo ni Icko kaya ngayon ka lang dumalaw.Four days na kami dito.Anyway, he's ok now bukas pwede na syang umuwi." saad nya.

" Ano po bang nangyari sa kanya tita?" nag-aalalang tanong ko.

" Nadisgrasya sya sa motor.May mga konting gasgas sya at bugbog sa katawan at yung tuhod nya malaki yung tinahing sugat.Sabi nung nakakita medyo mabilis daw yung takbo nya nung araw na yon at parang wala sa sarili nya kaya nung madaan sya sa may humps sumemplang sya at nagpagulong-gulong sa daan.Buti na lang walang masyadong sasakyan sa subdivision namin pag ganung oras." mahabang kwento nya.Hindi ko maiwasang isipin na baka yun yung araw na nag-usap kami kung four days na nga sila dito.

" Tita pasensya na po ngayon lang po kasi namin nalaman." hinging paumanhin ko at inabot ko yung mga prutas na dala ko.

" Ok lang yun hija.Natural lang ang tampuhan sa isang relasyon."

I sighed.Oo nga pala, ang alam nya nga pala kami ni Icko.

" Sige pumasok na kayo, dito lang muna ako inaantay ko kasi yung doctor nya, nag-rounds.May bisita nga pala sya dyan sa loob." medyo napangiwi pa sya dun sa huling sinabi nya.Bakit kaya?

Pumasok na kami sa loob.Sana pala hindi na lang ako sumama.Ito pala ang tagpong madadatnan namin kaya naman pala ayaw pumasok ni tita Rhia.

Si Abby at Icko sa tagpong naghahalikan.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.Parang paulit-ulit akong sinasaksak sa puso.

Ang sakit naman kung sampalin ako ng katotohanan.Sapul na sapul.

Ayoko na.

Ayoko na sana.

Next chapter