webnovel

Ep 5

Congratulations! sabi sa akin ng aking mga magulang dahil naka pasok ako sa pinaka mataas na paaralan dito. Inupo ako ni mama sa silya at sabay sabay kaming kumain,pagkatapos ay umakyat ako papunta sa aking kwarto at nag mabasa ng comic,Dahil mahilig akong magbasa ng mga comic na Romance at Fantasy ito ang aking ginagawa araw araw, Ngayon ay gagawa na ako ng aking takdang aralin sa English, Kinabukasan ay maaga akong Pumasok sa paaralan nag kita kami ni Julet sa tapat ng paaralan at sabay kaming Pumasok, pupunta kami sa aming locker, pag bukas ko nito ay nakita ko na Ang lahat ng aking mga comic at libro ay pinunit. Naisip ko na ang may kagagawan niyo ay si Travis.Papasok na ako ng solid aralan namin ay bigla akong nadulas pinag tatawanan ako ng aking mga kaklase na bruha at kasama na rin ang demonyong si Travis, Tinulungan ako sa pagtayo ni Julet at agad akong pumunta sa aking silya at binabayaan ko na lang sila. Lunch time na at pumunta na kami sa canteen naka order na ako at nag hahanap na lang kami ng mauupuan ni Julet,may nakita kaming bakanteng upuan bandang likod kaya doon kami pumunta pa upo na kami ni julet ng biglang hilain ng lalake ang.aking upuan at ako ay na paupo sa sahig at na tapon ang dala dala kong pagkain sa aking sarili. Tumayo ako at agad na umalis habang may lumuluhang mata sa aking mata naisipan ko na lang.na pumunta sa banyo at doon ko hinagulgol ang aking pag iyak at agad na pumasok sa aking isip ang aking mga pangarap na dapat ay magsikap ako at maging matatag. Wala akong balak na sabihin ito sa aking mga magulang dahil mag aalala sila kaya kinimkim ko na lang ito. Tumunog ang pinto at may papasok na tao kaya pinunasan ko ang aking mga luha sa mata at nag tago sa banyo. " Nakita mo ba yon Yung babae kanina, bagay lang sa kanya yun dahil sa ginawa nya kay prince Travis" sabi ng isang babae sa kanyang katabi, maya- maya ay lumabas na sila at ako ay lumabas na din..