webnovel

Chapter 9

My Demon [Ch. 09]

"Oh, Sistariray, tubig." Inabutan ako ni Angelo ng tubig. "Ano ba kasing nangyari? Bakit takot na takot ka?" tanong pa nya tapos umupo sa tabi ko.

Nasa SC office kami ngayon. Na-pause ang meeting session nila dahil sa pagsugod ko dito. Nakakahiya nga eh. Sa sobrang takot ko kasi kay Demon kanina, nagtatatakbo ako at naisipan na dito pumunta kasi alam kong hindi nya ako susundan dito. Besides, nandito si Angelo na pwede akong ipagtanggol. (Weh?)

Akala ko hindi ko na ulit masasalubong ang Demon na yun, pero hindi ko lang pala sya masasalubong. Nagkaatraso pa ulit ako. Haluh, baka kung anong punishment na naman ang ibigay nun sa'kin. Umaapaw pa naman sa pride ang lalaking yun at hindi makakatulog ng hindi nakakaganti sa taong nakagawa ng atraso sakanya.

"Oo nga, miss. Namumutla ka pa. Gusto mo dalhin ka namin sa clinic?" concern na sabi ni Janina, ang president ng student council.

Umiling ako bago uminom ng tubig. Pagkatapos, pinunasan ko ang bibig ko using the back of my hand. "Kasi si ano eh . . ." hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil nag-play sa utak ko ang nakakatakot at kagimbal-gimbal na itsura ni Demon.

"Soyuness!" Tinapik-tapik ako ni Angelo. "Nagba-violet ang lips mo. Atsaka bakit ka ba nakatulala? Nakikita mo na ba si Kamatayan?" Kinilabutan ako sa sinabi ni Angelo na kamatayan.

"Nasaan?" Lumingon-lingon ako. "Nasaan si Demon? Waaah! Itago mo ko sa palda mo, Angel!" Hinila ko ang uniform ni Angelo at pinasok ko ang ulo ko sa loob ng polo nya.

"Hey, enebe, bakla! Wag mo nga kong manyakan!" Kahit anong pilit nya na alisin ang nagtatago kong ulo sa uniform nya, hindi sya nagtagumpay dahil todo yakap na ako sakanya. At wala na syang ibang magawa kundi ang hayaan ako na magtago sa loob ng uniform nya. Naka-sando naman sya sa loob kaya hindi ko sya mabobosohan. Eww lang!

Sa ilang minutong pagtatago sa loob ng uniform ni Angelo, feeling ko masu-suffocate ako pero medyo lang naman. Keri ko pang magtago.

"Let's continue our meeting," narinig kong sinabi ni Janina. And ayun na nga, pinagpatuloy na nila ang meeting nila na naistorbo ko. Huhu, sorry for that. Hihingi talaga ako ng paumanhin sa kanilang lahat mamaya.

Panay ang palitan nila ng suggestions. No doubt, tungkol sa school fair ang pinag-uusapan nila. My favorite school event! Kahit nakatago ang ulo ko sa loob ng uniform ni Angelo at nakayakap ako sakanya, nag-e-enjoy pa rin ako dahil napaka-interesting ng topic nila dahil school fair talaga ang pinakamasayang event para saakin. At isa pa, comfortable ako sa pwesto ko kasi ang bango ni Angelo. Haha! Bakit kasi naging binabae pa 'to eh.

Nararamdaman ko ang paggalaw ng abdomen nya kapag humihinga lalo na kapag nagsasalita. Kung hindi sya kikilos at magsasalita, napaka-manly nyang tignan. Ay, ano ba 'tong iniisip ko. For sure, sasabunutan ako ni Angelo kapag nalaman nya ang iniisip ko tungkol sakanya.

"Maglagay din kaya tayo ng slavery booth? What do you think?"

Keyr Demoneir's Point Of View

I was sitting on my bed, staring at the ceiling and thinking about this blonde-curled hair kid. Argh! Hell me for thinking her but I can't stop myself. Wag kayong OA dyan. Iniisip ko sya hindi dahil sa interested ako sa kanya. Iniisip ko sya dahil sa mga atraso nya sa'kin. Who the hell think she is to messed with me, huh? At talagang ang bilis nyang makatakas. Ha! Just wait for the crap time she will feel messed and ruined.

"Kapatid." Napatingin ako sa Kuya ko na nakatayo malapit sa pinto ko. May bagay pa syang hawak na alam kong magpo-protekta sa'kin.

Napangisi nalang ako at tumayo tsaka sya nilapitan.

"Alam kong kailangan mo yan," natatawang sabi nya at inabot sa'kin ang bagay na yun. Pagkalabas nya, agad akong sumugod sa kama ko at nagtaklob ng comforter.

Romeo (Keyr Demoneir)'s Point Of View

"Nasaan si Keyr?" tanong ko sa katulong na nasalubong ko. Mamayang gabi pa sana ang uwi namin ni Juliet (asawa ko) galing office, pero tumawag at ininform kami ni Aura kanina tungkol sa di-nakakatuwang grades ng pangalawa kong anak na si Keyr.

"Nasa kwarto nya po, Sir," sagot ng katulong. May hawak pa syang walis at dust pan.

Nag-martsa ako paakyat hanggang sa hinila ako ng asawa ko. Muntikan pa kong mahulog.

"Kumalma ka nga, hon!"

"Paano ako kakalma eh ang tataas na naman ng grades nyang si Keyr?" sarcastic na sabi ko. Pagod na nga ako sa trabaho, ganito pa ang dadatnan ko pag-uwi. Hindi ko na talaga alam kung paano papatitinuin ang batang yun. Hindi ko naman masabing, "Napakatigas talaga ng ulo mo! Saan ka ba nagmang bata ka, ha?" dahil alam kong saakin sya nagmana. Oo, matigas din ang ulo noong araw pero mas matigas ang ulo ng pangalawa kong anak.

Hindi sumagot si Juliet. Napayuko lang sya.

I let out a deep sigh at pinagpatuloy ang pag-akyat papunta sa kwarto ni Keyr. Nang nasa tapat na ko ng pinto ng kwarto nya, kumatok agad ako. Walang nagbukas o nagsalita manlang kaya naman pinihit ko ang knob. It's locked.

"Keyr! Open the door!" Kumatok ulit ako ng kumatok pero wala talagang nagbubukas. Sinabi ng katulong na nandito sya at naniniwala ako doon. Ayaw siguro akong pagbuksan ni Keyr dahil alam na nya ang gagawin ko sakanya.

Tinawag ko ang katulong na naghahawak ng mga susi at hiningi ang dulplicate key ng kwarto ni Keyr.

"Sorry po, Sir, pero kinuha po lahat ni Keyr ang mga duplicates ng susi ng kwarto nya."

"At bakit mo naman binigay?!" My voice rose because of frustration. Hinawakan ako sa balikat ni Juliet para pakalamahin.

Napabuntong-hininga nalang ako at nag-sorry sa katulong. Humarap ulit ako sa pinto ni Keyr at kumatok ng malakas.

"Isa, Keyr! Hindi mo ba talaga bubuksan 'tong pinto?" pagbabanta ko sakanya pero wala pa rin akong narinig kahit na kilos manlang mula sa loob ng kwarto nya.

Ang tigas talaga ng ulo nya, ha? Tignan lang natin.

Umatras ako at bumwelo tsaka sinipa ng malakas ang pinto hanggang sa bumukas at nasira iyon. Haven't I told you how good I was at fight way back then, have I? Hindi ko alam kung magiging proud ako o hindi sa pagkakamana nun sa'kin ni Keyr.

Nagtataas-baba ang balikat ko dahil sa inis. Katok ako ng katok pero sya ang sarap ng higa sa kama nya at balot na balot ng comforter na parang lumpia.

Nag-martsa ako palapit sakanya at PAK! Hinampas ko ng malakas ang ulo nya pero...

"ARAY!" sigaw ko habang nakahawak sa kamay ko na pinanghampas ko sa ulo ni Keyr. Bakit ako ang nasaktan? Ganyan na ba talaga ka-tigas ang ulo nya? Parang yari na sa semento.

"Oh my God! What happened?" concern na sabi ng asawa ko at natataranta akong nilapitan.

"Masakit," ang tanging nasagot ko.

Lumapit ulit ako kay Keyr at in-stretch ang mga braso ko para tanggalin ang comforter na nakabalot sakanya pero pinipigilan nya.

"Talagang nakikipaglaban ka, huh?" sabi ko habang naghihilahan kami ng comforter.

Syempre, kahit matanda na ko . . . er, forget the last words. Dahil ako ang ama, hindi ako magpapatalo. Hinawakan ko ang comfoter gamit ang dalawa kong kamay at hinila ng buong lakas ang comforter at nagwagi nga ako. Yun nga lang, natumba ako dahil sa sobrang force.

"Diyos ko." Napatakip ng bibig si Juliet ng makita si Keyr.

"Kaya pala ako ang nasaktan, ha!" sabi ko sakanya. "Humanda ka sa'kin na bata ka!"

Bago pa ako makatayo, mabilis pa sa alas-kwatro syang tumayo at tumalon pababa ng kama. "Kuya, tulooong!" sigaw nya habang tumatakbo palabas ng kwarto nya at may suot na isang napakatigas na...

helmet.

Next chapter