7 Chapter 6

My Demon [Ch. 06]

Keyr Demoneir's Point Of View

"Ano?! Hindi kayo magsasabi ng totoo? Subukan nyo lang! Pagbubuhol-buhulin ko kayong apat!"

Nasa prisinto pa rin ako. Nandito na din ang parents ko. Nakakayamot talaga yung kulot na yun! Argh! Tuwing naalala ko sya, nag-iinit ang ulo ko. Makikita nya, gagantihan ko talaga sya.

"Anak, umamin ka na kasi sa kasalanan mo," sabi sa'kin ni Dad. Anong aaminin ko? Hindi naman talaga ako kasama ng apat na ugok na yan eh. Hindi pa ko hibang para sumama sa ganyang klase ng tao.

"Hindi nga ko kasama sa mga yan!" Tumingin ulit ako sa loob ng kulungan kung nasaan ang apat.

Adik nga talaga sila kasi pinalabas sila kanina para hingan daw ng "statement" tungkol sa pagkakasangkot ko. At nang makita nila ako, bigla silang nagtatatakbo papasok ulit ng kulungan. Sila pa nga nag-lock eh.

"Nyeta naman kasi kayo eh! Bakit ba ayaw nyo magsalita?" Sinipa ko yung rehas na naging dahilan para mapaatras sila.

Naramdaman kong hinawakan ako sa balikat ni mommy para pakalmahin. "Paano sila magsasalita eh tinatakot mo?" sabi pa nya.

Tinatakot ko ba? Hindi naman ah!

"Kasama nyo ho ba ang anak ko o hindi?" Magalang na tanong sakanila ni mommy. Gusto kong sagutin si Mommy na wag nyang galangin ang apat na yan dahil hindi naman sila mga kagalang-galang.

"Hindi po," todo yukong sagot ng isa sakanila.

"Totoo ba yan?" Tanong nung chief police. Nainis ako sa tono ng pananalita nya. Kahina-hinala ba kong tao? Kung wala lang si mommy sa gilid ko baka napadugo ko na yung nguso nya. Wag nyang sabihin na pulis sya.

"Alam nyo, hindi ko kayo masisisi kung ayaw nyong maniwala dahil hindi kapani-paniwala ang mukha ng mga ugok na yan pero nagsasabi talaga sila ng totoo. Hindi ko nga sila kilala eh. Sa mukha kong 'to?" Tinuro ko ang sobrang napakagwapo kong mukha gamit ang hintuturo ko. "Sobrang gwapo ko para makihalubilo sa mga taong may pinakamababang uri ng mukha."

"Keyr!" Pagsaway sa'kin ni Dad.

Hindi ko nalang sya pinansin. Inip na inip na kong makaalis sa lugar na 'to. Kung hindi lang talaga dahil sa unanong kulot na yun, nasa bahay na ko at naglalaro ng Xbox at kapag nainip, lalabas ako para makipagsuntukan. Ang sarap kaya ng may kasuntukan. Nae-exercise ang kamao ko pati na rin ang mga braso at kung anu-ano pa.

"Tinulungan nya lang yung babae na dapat gagahasain namin."

Nasamid yung pulis na umiinom ng tubig.

"Totoo yun. Hindi namin sya kasama. Paalisin nyo na yan bago pa kami maihi sa salawal namin."

Sa wakas, nagsalita din ang mga ranggutan. Nagsona pa yung chief bago ako pinayagang makaalis.

Pagsakay namin sa kotse, niyakap ako ni Mommy. Nakaupo kami sa back seat at nasa gitna nila ako ni Daddy.

"I thought you were in trouble again, but you just saved a girl. I'm so proud of you, son."

Niyakap ko din sya pabalik. Pumeke ng ubo si Dad kaya humiwalay na ko. Naiinggit na naman yan kasi sweet sa'kin si Mommy.

"Really, Mom? Proud ka na sa'kin?"

"Super!"

"Edi pwede nyo na kong bilhan ng condo?"

Pumeke ulit ng ubo si Dad. Para na syang may sakit na tuberculosis sa kakaubo nya.

"Sorry, son, but we can't. We're afraid what mess will happen if we let you live by your own."

Napa-tss nalang ako at nilabas ang iPad ko atsaka naglaro. Mess will happen?

I don't do mess. I do fun.

"Totoo bang may niligtas kang babae? Baka mamaya tinakot mo lang sa tingin yung apat na lalaki kanina," Dad said.

"Pati ba naman kayo, Dad? Mukha ba kong masamang tao?"

"Kung magiging mabuti ang pagiging basagulero, sige, hindi ka na masamang tao," sarkastik na sagot nya.

Hindi nalang ako kumibo. Baka mabawasan na naman ang allowance ko kapag sinagot ko na naman sya.

"By the way, I wanna meet that girl." Obviously, she was talking about the small girl with blonde curled hair whom I wanted to rip her neck's off. Humanda talaga sya sa'kin!

Nobody dares to block my way especially to mess with me!

"Keyr!" Mom snapped that dragged me back from my conspiracy.

"I said, I wanna meet this girl."

"Wag nyo ng balakin, mom. Sasakit lang ang batok nyo sa kakayuko habang kausap sya."

Soyunique's POV

"Sistar, bakit parang ang happy happy mo ngayon? Mayaman na ba kayo?" Tanong ni Angelo.

Kanina pa dismissal pero tumambay muna kami sa park ng school. Bumili sya ng mga pagkain bago kami pumunta dito. Ano pa bang aasahan nya sa'kin?

"Yaman lang ba nakakapagpasaya sa tao?" Natapos ko ng kainin yung burger kaya kinuha ko na ang sandwich kasama ang ibang pagkain na nakapatong sa round wooden table.

"Pwede. Pero bakit ka nga masaya? Kakaiba kasi yung smile mo ngayon eh. Kaloka ka, huh!"

Ngumiti ako ng ngiting tagumpay at tinitigan sya. Inirapan naman nya ko. Bakit ba ko masaya? Kasi wala na si Demon, nasa kamay na sya ng mga pulis at dahil dun, naging malaya na ako at nawala ang kaba at takot ko na aabangan nya na naman ako sa school gate.

Sobrang saya ko ngayon kahit na binangungot ako kagabi. Nasabi kong bangungot kasi nakita ko sa masamang panaginip ko ang mga matang nanlilisik ni Demon. Mabuti nga nagising pa ko eh.

"Pst, bakit nga? Pasuspense pa 'tong bruhang 'to! Tuwirin ko yang hairlalu mo eh."

"Kahit kelan ka talaga! Oo na, sasabihin na. Masaya ako kasi." I paused and laughed triumphantly. "Masayang masaya ako kasi mabubulok na sa kulungan si Demon. Nyahahahaha!"

Tawa ako ng tawa kahit na alam kong walang nakakatawa hanggang sa . . .

"At bakit naman ako mabubulok sa kulungan, ha?"

Natigilan ako sa pagtawa nang makarinig ako ng boses demonyo. Dahan-dahan akong tumingin sa likuran ni Angelo at nakitang nakatayo si Demon.

"Waaah! The Demon is back!" Bigla akong nakaramdam ng panic kaya naman agad akong tumayo at tumakbo paalis.

OMG. Yung best friend ko pala! Haluh, sana walang gawin sakanyang masama si Demon.

Medyo nasa malayo na ako kaya naman huminto ako saglit at lumingon.

Nakita kong tumatakbo si Angelo habang tinatawag ako pati din si . . . PATI ANG DEMONYO TUMATAKBO PALAPIT SA'KIN!

Tumakbo na ulit ako. Nauunang tumakbo si Demon kaysa kay Angelo kaya sigurado ako na hindi nya gagawan ng masama ang best friend ko. Hindi ko na dapat aalahanin ang buhay ni Angelo ngayon, dahil ligtas na sya sa bagsik ni Demon, pero ako? Pa'no ako? Waaah! Is there somebody out there can help me?

Nakalabas na ko ng park at dumiretso ako sa building ng juniors. Lumingon ulit ako saglit at nakita syang malapit nang makalapit saakin. Napatitig ako sa mga mata nya. Haluh, nakakatakot! At dahil sa takot, nakatakbo ako ng mas mabilis pa.

Lumiko ako at nagdire-diretso sa corridor. Alam kong posibleng maaabutan nya ako kaya tumungtong na ko sa rail at sumandal sa pader. Hinawakan ko ang palda ko para kapag dumaan sya, hindi nya mahuhuli na nagtatago ako dito.

Maingat akong sumilip. Nyay! Malapit na sya sa pwesto ko. Palinga-linga pa sya sa paligid na halatang may hinahanap.

Umayos na ko ng tayo at hinawakan ng madiin ang palda ko hanggang sa may lalaking nerd ang napadaan. Nakayuko pa sya habang naglalakad at nang inagat nya ang ulo nya, natigilan sya sa paglalakad at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa'kin. Ngayon lang ata sya nakakita ng babaeng nakatayo sa rail. Naku, lagot ako kapag may teacher na dumaan.

I lifted my hand then pressed my index finger against my lips. Hindi naman sya nagsalita o tumango manlang. Basta nakatulala lang sya sa'kin. I motioned him na umalis pero hindi sya gumalaw sa kinatatayuan nya? Na-stroke na ba sya? Naman eh! Baka kapag dumaan na si Demon, magtaka sya kung bakit nakatulala yung nerd na yan at titingin kung saan sya nakatingin then BOOM! Patay ako. Huhu!

"Alis ka na," utos ko ng sobrang hina sa tulalang nerd. Hindi pa rin sya natauhan. Batuhin ko na kaya? Nah, baka lalo pa kong mahuli.

"Tabi nga!" Nanlaki yung mga mata ko kasi nandito na si Demon. Oh noes! "Paharang-harang," sabi pa nya sa nerd at tinulak ito na naging dahilan para matumba yung nerd at saka lang natauhan.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Lumingon lang sya ng kaunti, makikita na nya ako. Nagsign of the cross ako at tinignan ng maigi si Demon. Sobrang lapit ko na . . . sobrang lapit ko na kay Kamatayan. Huhu.

"Where the fuck is that kid?" Narinig kong sabi nya. Kid? Eighteen na kaya ako next next year.

Nakatayo lang sya at alam kong nililibot nya ang paningin nya. Wala ba syang peripheral vision para hindi ako makita? Sana nga.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang humakbang sya, nang lagpasan nya ko.

Pero hindi pa pala tapos. Mabuti nalang huminga ako kanina dahil mata-trap na naman ang hininga ko dahil humakbang pala sya para umikot at humarap sa pwesto ko.

Naningkit ang mga mata nya habang nakatingin sa'kin ng masama (as always) at kitang-kita ng dalawa kong mata na sumasara ng madiin ang kamao nya.

"Hi?" Nag-peace sign ako sakanya tapos tumalon pababa at tatakbo na sana kaso mabilis nyang nahila ang likod ng uniform ko.

"Hinding-hindi ka na makakatakas sa'kin!" Hinila nya ko palapit sa tabi nya at nilipat ang kapit nya sa collar ng uniform ko.

Bullying ba ang tawag sa nangyayari ngayon? Haluh, first time 'to. Kahit hindi ako mayaman gaya ng ibang students na nag-aaral dito, never pa kong na-bully. Hinding-hindi kasi tinotolerate ang bullying dito dahil may mabigat na consequences ang nakaharap. Wala akong kilalang BULLY dito sa school na 'to except dito kay Demon.

"Kuya, help me!" paghingi ko ng tulong sa nerd. Tumayo naman sya.

"Ano, eepal ka, ha?" maangas na tanong ni Demon sakanya. Kitang-kita ko kung paano manginig at mapaatras ang nerd sa takot.

"H-hindi po," sagot nya kay Demon tapos tumingin sa'kin. "S-sorry." Pagkasabi nya nun, agad syang kumaripas ng takbo. Hindi ko sya masisisi kung bakit takot na takot sya. Katakot-takot naman kasi si Demon eh. Sino bang hindi matatakot sa demonyo?

"Demon, wag kasi! Marami pa kong pangarap sa buhay--"

"Shut the fuck up!" Napaatras ako nang sumigaw sya though hawak nya ang kwelyo ko. "Wag mo nga kong tawaging Demon! Close ba tayo, huh?"

"Baliw na ko kapag nakipag-close pa ko sa demonyo."

"Anong sabi mo?" Tinulak-hila nya ko habang nakahawak sya sa kwelyo ko. Baka masira uniform ko nito. Ang mahal pa naman ng isang set.

"Kasi naman eh! Bitiwan mo na ko! Gawin mo nalang akong slave with in one hour," suggest ko. Okay na yung slave nya ng isang oras lang kaysa naman kainin nya ko ng buhay. Nooo!

"Ang dami mong satsat. Sumama ka sa'kin." Sinimulan na nya kong kaladkarin, syempre pumapalag ako kaso napakalakas nya.

"Demon---" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko tinignan na nya ko ng nakamamatay na tingin. Kay, shut up na.

avataravatar
Next chapter