webnovel

Chapter 5

My Demon [Ch. 05]

The next day, inabangan ulit ako ni Demon sa school gate nang uwian na. Hindi nya ko inabangan nung papasok palang and I assume na late kasi syang pumapasok. Sa itsura nyang yun, malabong hindi totoo ang hinala ko. May maganda din palang naidudulot ang pagiging maliit? Ang bilis ko kasing nakakapagtago eh. Haha!

Alam kong ako ang inaabangan nya kasi narinig daw ni Angelo sa mga babaeng nagtsitsismisan na inaabangan daw ni Demon ang babaeng maliit, blonde at kulot ang buhok. Dagdagan lang ng "cute" perfect description na para saakin. So ayun, pagkasabi palang nya ng "blonde" alam ko na agad na ako yun. Ako lang naman ang blonde dito sa school. Bawal kaya ang artificial hair color. Marami na ngang nagtatanong kung ako daw ba yun pero sinasagot ko ng hindi kasi hindi ako kilala ng lalaking yun.

Pagkatapos ng next day na yan, inabangan nya ko sa cafeteria kaya ang nangyari, sa classroom kami nag-lunch ni Angelo. Gusto pa ngang maki-join ni Johan pero pinagpilitan ko na sumama nalang sa mga friends nya.

The next day ulit, inabangan nya na naman ako. Grabe yung pride nya, noh? Hindi maka-move on na nasapak sya ng reflex action ko.

The next day na naman, hindi na nya ko inabangan. Pa'no, walang pasok kasi sabado.

***

Monday na ngayon at uwian. Mabuti naman at tinigilan na nung Demonyo ang kaaabang sa'kin. Hindi ko kasabay si Angelo ngayon umuwi kasi may kailangan pa daw syang tapusin as a SC sexytary (daw). Sabi nga nya ipapahatid nalang daw nya ko sa driver nya pero syempre tumanggi ako. Dinahilan ko nalang na para makapag-exercise ako paminsan-minsan. May shortcut na daan naman atsaka hindi naman madilim.

Pagdaan ko sa eskinita sa shortcut way pauwi sa'min, may nadaanan akong nag-iinuman. Sinusundan nila ako ng tingin kaya naman binilisan ko ang lakad ko.

"Pst! Miss!"

Bumwelo ako para tumakbo pero huli na. May biglang humila ng braso ko mula sa likuran at hinila ako paharap sakanya.

"Miss, sama ka sa'min," sabi ng lapastangang humawak sa braso ko. Nakakatakot yung mga mata nya. Namumula na parang may sore eyes. Dahil ba sa alak? O baka . . . sa drugs? Waah! Kinilabutan ako sa naisip ko na nagda-drugs sya pati na rin ang mga kainuman nya.

"Oo nga. Sama ka sa'min," sabi pa ng isa at binasa nya ang labi nya. Nakakadiri! Ang manyak ng mukha nya!

"Ayoko po. Kailangan ko na pong umuwi. Magsasaing pa po ako at lalabahan ko pa 'tong uniform ko." Iisa lang kasi ang uniform ko. Amg mahal kasi eh.

Tumingin silang apat sa uniform ko.

"Wow! Ang ganda ng uniform mo. Sa private school ka siguro nag-aaral, noh?"

"Hindi na kami magtataka kung mayaman ka nga. Ang kinis ng balat mo eh." Lalo akong kinilabutan nang haplusin nya yung pisngi ko.

"Bitawan nyo po ako, please!" Pagmamakaawa ko. Nanginginig na rin ang boses ko at alam kong malapit na kong umiyak.

"Mga pare, bitawan nyo daw sya," nakangising sabi ng isa. Imbes na mapanatag ang loob ko, lalo akong kinabahan dahil taliwas ang ginawa ng kasamahan nya.

Hinawakan ako ng dalawa nyang kasama sa magkabilang braso ng mahigpit.

Tinignan ako mula paa pataas sa mukha ko nung lalaking nag-utos kanina.

"Jackpot tayo nito," sabi pa nya habang hinihimas ang baba nya.

Pilit akong kumakawala sa mga nakahawak sa'kin pero di ko magawa, masyado silang malakas.

"Wag po please. Wag po." Yumuko ako at kitang-kita ko ang pagbagsak ng luha ko sa lupa.

Lord, kayo na po bahala.

*BOGSH*

Dahil sa tunog na yun, inangat ko ang ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Si Demon . . . sinuntok nya yung lalaking nagsabi na jackpot daw sila.

"AAH!" Sigaw ng isa dahil sinipa sya sa tyan ni Demon ng malakas that caused him to fell.

Sinunod nya yung isa, sinuntok nya sa mukha. Susuntukin din sana sya pero mabilis syang nakaiwas.

"Hindi nyo ba ko tutulungan, mga loko?"

Nataranta naman ang dalawang lalaking nakahawak sa'kin at sinugod si Demon. Siniko muna ni Demon yung isang lalaki bago nilapitan yung dalawa at pinilipit ang braso nila nang sabay, pagkatapos sinuntok nya ang isa at yung isa naman ay sinipa nya.

"Demon," nasabi ko nalang. Sa dami ng taong inaasahan ko na darating para tulungan ako, sya ang wala sa listahan.

Humarap sya sa'kin. Natakot na naman ako kasi ang sama na naman ng aura nya. Ganyan na talaga sya siguro.

"Anong Demon, ha?"

Tumayo yung isang lalaki at lumapit kay Demon. Akmang susuntukin na nya ito pero naunahan sya ni Demon, sinuntok nya ito sa jaw nang hindi inaalis ang sama ng tingin sa'kin.

"Sino ka bang gago ka?" Lumapit pa yung isa at ayun na po. Nagsuntukan na sila. Two versus one. Yung dalawa kasi, natutulog na ng mahimbing sa lupa.

Pinanood ko si Demon na nakikipagsuntukan. Halatang sanay na sanay na sya. Ni hindi nga nya hinahayaan na may dumamping kamao sa mukha nya eh. Hinaharangan nya agad ito gamit ang braso nya.

Matapos ang pagsasagupaan, nakitulog na rin sa lupa ang dalawa sa mga kasama nila.

Nakatayo si Demon patalikod sa'kin at nagtataas baba ang balikat nya dahil sa hingal.

Lumapit ako sakanya at hinawakan sya sa kamay. "Maraming salamat talaga, Demon."

Nagulat ako nang hilahin nya palayo ang kamay nya. Tinignan ko sya. Ganun pa rin, walang pagbabago. Ang sama pa rin nya makatingin.

"Don't thank me cause I didn't save the pathetic you from these fuckin' goons."

"Pero . . ."

"Ano bang tingin mo sa sarili mo? Prinsesa ka na dapat iligtas?" In-up and down nya ko ng tingin. "Mabuti ba kung maganda ka eh." Gusto ko syang sapakin dahil sa pang-iinsulto nya pero para sa'kin niligtas nya pa rin ako.

"I just did that cause I don't wanna let them put you in hell first. Gusto kong ako ang unang magdala sayo sa salitang impyerno."

So ibig nyang sabihin, hindi nya talaga ako niligtas? Ginawa nya lang yun kasi hindi na sya makakapaghiganti sa'kin kapag may ginawang masama ang mga lasing na yan sa'kin? What the! He's so unbelievable!

He took a step forward so I took a step backward. Mas natatakot ako ngayon kaysa kanina. Bakit ba sya ganito? Tingin nya palang gusto ko ng maglaho sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang takot. Ngayon lang ako nakakita ng living Demon! Waah!

Lumapit pa sya kaya naman umatras ulit ako hanggang sa maramdaman na ng likod ko ang lubak-lubak na pader.

Nilapit nya ang mukha nya sa'kin. "Nakikita mo 'to?" Tinuro nya yung gilid ng lips nya na may pasa. "Sinong may gawa nito?" Lalo akong ninerbyo sa boses nya. Boses demonyo talaga! Ack~

"SINO?" Napaatras ako lalo sa pagsigaw nya. Medyo nasasaktan na ang likod ko kasi dikit na dikit na ito sa lubak lubak na pader.

"Y-yung reflex action ko po." Binaba ko nalang ang tingin ko para hindi himatayin sa sobrang nerbyos.

Hinawakan nya ko ng madiin sa magkabilang balikat. Nadagdagan ang takot ko kaya pumikit ako. "ALAM MO BANG WALA PANG NAKAKAGAWA SA'KIN NUN?" he yelped, shooking me.

"Sumama ka sa'min sa prisinto."

Huh? Dinilat ko ang mga mata ko at nakitang malayo na ng kaunti si Demon sa'kin at napansin kong nakaposas sya.

Tumingin ako sa likuran nya at nakitang hinihila ng mga pulis ang mga lasing at mga nakaposas din sila.

"Miss, okay ka lang ba?" Napatingin ako sa pulis na nakatayo sa harapan ko. Tumango lang ako sakanya.

"Hoy, ano ba! Sinabi na ngang hindi ako kasama sa mga tarantadong yan eh!"

I cranned my neck at nakitang hinihila ng dalawang pulis ang nagwawalang demonyo. Humakbang ako ng dalawang beses hanggang sa nasa tabi na ko ng pulis.

"Ikaw, babaeng maliit!" Tumingin sya sa'kin at sinamaan ako ng tingin. May isasama pa pala ang tingin nya. "Sabihin mo nga sa mga pulis na 'to na hindi ako kasama!" Nagpupumilit syang makawala sa mga pulis. Sa inaasta nya, mukha syang guilt suspect. Haha!

"Iha, totoo ba yun? Wala ba syang masamang ginawa sa'yo?" Tanong ng pulis na katabi ko.

Tumingin ako saglit kung nasaan si Demon at yung dalawang pulis na nakahawak sakanya. Nakatayo sila sa harap ng nakabukas na pinto ng kotse. Parang inaantay nalang ang isasagot ko.

Masamang ginawa? Meron! Tinakot nya ko at sinabi pa nya na dadalhin pa nya ko sa lungga nya, sa impyerno. Threat yun at pwede syang makulong dahil dun. Andito na ang mga pulis kaya ano pa ba ang kailangan ko?

"Isama nyo na po yan," sagot ko sa mga pulis na naging dahilan para lalong magmukhang katakot-takot ang mukha ni Demon. Kulang nalang talaga ng sungay at buntot.

"Sige na, ipasok nyo na yan sa sasakyan." Utos ng pulis na katabi ko.

"Opo, chief." Nahirapan ang dalawang pulis na papasukin si Demon ng sasakyan.

Kung nakamamatay lang siguro ang tingin, triple dead na ko.

Nabawasan ng kaunti ang takot ko kasi nakaposas sya at may mga pulis akong katabi.

Nginitian ko sya ng sarcastic at nagwave, "Bye!"

Hindi pa rin sya nakakapasok sa loob ng police car. Limang pulis na ang nagtutulong-tulong nyan, ha! At para makaalis na, nagpasalamat at nagpaalam na ko sa mga pulis atsaka nagsimulang maglakad.

Nakakailang hakbang palang ako nang makarinig na naman ako ng kagimbal-gimbal na mga salita mula sakanya.

"May araw ka rin sa'kin!"

Next chapter