21 Chapter 20

My Demon [Ch. 20]

 

Keyr Demoneir's Point Of View

"Si Soyu na naman, kapatid."

Mula sa pagkakahiga sa kama habang nakatulala sa ceiling, napaupo ako. Kahit kelan talaga si Kuya, hindi marunong kumatok.

"Anong si Soyu na naman? Bakit iniisip ko na naman ba sya? Di naman ah!" defensive na katwiran ko.

"Sinabi ko bang iniisip mo sya?" Sumandal sya sa door frame ng kwarto ko at hindi nakaligtas sa'kin ang makahulugan nyang ngiti.

"Ano na naman bang kailangan mo?" I asked, changing the subject. Pansin ko lang, pormang porma sya ngayon.

"Pinapatawag ka ni dad sa office nya."

"Bakit na naman daw? Atsaka, saan lakad mo?"

"Alam mo na, may date kami ng mahal ko."

"Tss. Mahal mahal. Korni."

"Malapit ka na rin maging korni, kapatid. I can feel it. At nararamdaman ko rin na mas magiging korni ka pa sa'kin." Tumawa sya. Yung tawang pilit na may halong pang-aasar.

"Wala sa vocabulary ko ang salitang korni. Umalis ka na nga, kuya! Naiirita ako sa itsura mo ngayon." Tumayo ako at nagpunta sa walk in closet ko para kumuha ng sando. Magagalit kasi ang tatay ko kapag humarap ako sakanya ng walang damit. Bastos daw.

Psh. If I know, naiinggit lang sya sa ganda ng katawan ko.

"Inggit ka lang. Bye!"

Saktong pagkatapos kong magbihis, nakaalis na sya.

Lumapit muna ako sa salamin at inayos ang buhok ko. Ang gwapo ko talaga. Crush siguro ako ni Soyu. Haha! Natatawa ako sa pinag-iiisip ko. Ngayon lang ata ako nag-assume.

Lumabas na ko ng kwarto ko at pumunta sa office ni dad. Bakit naman kaya ako pinatawag ng matandang yun? Wala naman akong kalokohang nagawa ngayon. Well, bukod sa lalaking tinulak ko. Kapal ng mukha na apakan ako eh.

Pagpasok ko sa office ni dad, bumungad sa'kin ang gilagid nya. Wagas makangiti. Tina-tap pa nya ang ballpen sa desk nya habang ginagalaw galaw ang swivel chair na inuupuan nya.

Wow! Good mood sya. Kung hihiling kaya ako ng condo unit na dati ko pa hinihiling, pagbibigyan na kaya nya ko?

"Dad," I said that caught his attention.

Ngiti-ngiti nya kong binalingan ng ulo.

"Tumawag sa'kin ang mga teachers mo."

"And?" Walang gana akong naglakad palapit sakanya.

Magsasalita na sana sya nang biglang may dumating.

"Hon, nasabi mo na ba?" Si mommy. Nang makita nya ko, agad nya kong nilapitan at niyakap.

"I was about to when the most beautiful woman came up and I was fully distracted." Alam ko na kung kanino nagmana si kuya. Tss.

Kung wagas syang nakangiti kanina, mas wagas syang nakangiti ngayon habang naglalakad papunta sa'min ni mommy. Nang makalapit na sya, hinalikan nya sa labi ang nanay ko. Ayos! Mag-PDA ba naman sa harap ng napaka-gwapo nilang anak?!

"Mom, dad," I called as I rolled my eyes.

"Sorry," dad murmured then snaked his arm around mom's waist. "As I was saying, tumawag ang mga teachers mo kanina."

"It's really a good news, Keyr!" proud na dugtong ni mommy. Di ko gets. Dinadahan-dahan pa kasi eh.

"In-inform nila kami na nakakasagot ka na daw sa recitations nang hindi kalokohan ang sinasagot." Binitawan ni dad ang bewang ni mommy para lapitan ako at tinapik ang braso ko.

"We're so happy for your improvement, Keyr! Hindi nga nagkamali ang daddy mo sa pagpili kay Soyu as your tutor."

Soyu na naman.

Hindi ako umimik. Tumingin lang ako sa kanilang dalawa. Ngayon ko lang nakitang ganito ka-proud ang mga magulang ko sa'kin. Recitations palang yun, ah. Ano pa kaya kung mag-top ako sa class? Tsk. Imposible naman ata yun.

Honestly, masaya ako na nakikita silang ganito. Thanks to that caramel-colored curl hair. Bukod sa magaling ang stragedy nya ng pagtuturo sa'kin (kasi talagang natatandaan ko), hindi nya ko nilalagay sa pahamak. Para syang si Kuya na pinapagalitan ako pero pinagtatakpan naman kapag may kalokohan akong ginawa para hindi mapag-initan ni daddy.

Kinaladkad ko kasi sya noong friday at sinama na mag-ditch ng klase, pero hindi sya nagsumbong kay daddy. Nagsusumbong lang sya kapag pinagtitripan ko "daw" sya at binubully. Tch. Bata talaga.

Kinuha ni dad ang kamay ko at may inalagay na bagay doon. Susi.

 

"Susi ng motorbike na dati mo pa gustong ipabili," sabi ni dad nang nakangit, same with my mom.

Sa sobrang saya ko, niyakap ko si mommy at hinalikan sya sa pisngi. "Thanks, mom."

Lumayo ako at pinagmasdan ang susi. "Thanks, dad."

"Wala ba kong hug?" tanong ng ama ko.

Tinitigan ko lang sya ng walang expression.

"Just like what I have thought," he told. "Sya, pwede ka ng bumalik sa kwarto mo. Wag mo munang gamitin ang bago mong motorbike ngayon dahil gabi na. Bukas nalang kung gusto mo," bilin pa nya.

Nag-okay lang ako at nag-bid ng good night sakanilang dalawa bago nag-umpisang umalis ng office nang may ngiti sa labi.

Nakahawak na ko sa knob at lalabas na sana nang may maalala ako. Nilingon ko sila. Nakatingin din sila sa'kin. Nakaakbay pa si daddy kay mommy.

"Sa susunod ba pwede nyo na kong bilihan ng condo unit?" I asked.

Nawala ang ngiti nila sa labi at sabay na umiling. Fine. Ayaw talaga nila akong bilihan ng condo unit. Dati ko pa naman iyon hinihiling. Gusto ko kasing magawa ang mga bagay na gusto ko ng malaya.

Binuksan ko na ang pinto at akmang lalabas na sana uli nang tawagin ako ni dad dahilan para mapalingon ako.

"Kery, may tanong ako. Tignan natin kung masasagot mo," he challenged.

Umayos ako ng tayo na parang tinatanggap ang hamon nya.

"Sino si Ginoong Pasta?"

"Tropa mo," mabilis kong sagot at kumaripas ng takbo paalis ng office diretso sa kwarto ko.

Yeboy! Nabigay na rin ang motorbike na gusto ko.

avataravatar
Next chapter