webnovel

PAPERS. PAPERS.PAPERS!

Matapos ang inisyal na panayam sa isang rebar detailing firm ay agad na nagtungo ang dalaga sa lugar na tinukoy ng kanyang kaibigan. Natagpuan ni Portia ang sarili sa harapan ng isa sa pinakalumang gusali sa lungsod ng Pasig. Mapapansin ang kalumaan ng gusali sa kapal ng alikabok na nakadikit sa facade nito. Tirik na tirik ang araw ng humangos siya papasok ng gusali, upang magkaroon ng pagkakataon ng makapasok, nagpanggap siya na isang walk-in applicant. Hindi inaakala ni Portia na ang nasabing kumpanya ay agarang nangangailangan ng mga empleyado na kalinya ng kanyang kurso dahil sa mga bagong proyekto na nakabasa sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Ilan dito ay sa baguio, Ilo-Ilo, Boracay, Laguna at iba pa. Hindi siya makapaniwala na napakabilis ng proseso na anupat pagkatapos ng tatlong araw ay tinawagan na ito upang makapagsimula bilang isang project coordinator.

Nag-aalinlangan pa siya kung tatanggapin ang trabaho dahil alam niya na hindi niya hilig ang mag-asikaso ng mga dokumento ngunit dahil narin siguro sa kapaguran at kasabikan na magkaroon ng sariling hanapbuhay ay tinanggap ito ng dalaga.

Mahirap ang napasukan niyang trabaho, kailangan ang mahabang oras ng pagtatrabaho dahil na rin sa dami ng transaksyon na agad ay naibigay sa kanya. Maraming oras ng kanyang trabaho ay napupunta sa pakikipag-usap sa mga taong nasa ibang linya ng enhinyero, mekanikal, elektrikal. Bagama't bago sa trabaho. madali niyang nakapalagayan ang loob ng kanyang mga katrabaho. Mayroon ding pagkakataon na nakakausap niya ang mga kanyang katrabaho sa mga project site.

Lumipas ang araw na para bang nagiging routine na lang para sa kanya ang pag-gising ng alas-singko ng umaga upang makarating sa trabaho ng sakto sa oras at uuwi naman na gutom at pagod ng ika-sampu ng gabi dahil sa araw araw na overtime o di kaya ay sa haba ng pila sa bus at madalas ay traffic.

Bagama't busy ang dalaga ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang kanyang buhay pag-ibig. Siya si Eli. Isang mekanikal na enhinyero sa isang kilalang gusali sa Pasig city. Moreno, 5'7" at limang taon ang agwat ng edad nila ni Portia. Nagkakilala ang dalawa sa unibersidad na pinasukan nilang dalawa sa Laguna. Apat na taon na noon ang dalawa ngunit hindi mapapansin ang kaseryosohan ng binata para kay Portia, may mga pagkakataon na dinadalhan ni Portia si Eli ng hapunan dahil ito ay night shift. Madalas pa ay kinukumusta lang ni Eli si Portia kapag ito ay lango sa alak at gustong makasama si Portia ng buong gabi.

Dahil bulag sa pag-ibig, lahat ng gusto ni Eli ay pinagbibigyan niya ito. Kahit mali ang pakikipagsiping ay nagagawa niya ito dahil sa takot na iwanan siya ni Eli.

Ng taon na iyon ay hindi rin nagtagal ang relasyon ng dalawa dahil sa mensahe at paalala ng kaibigan at katrabaho ni Portia na si Cloe. Si Cloe na una niyang nakapalagayan ng loob dahil mabait ito, nakatira malapit sa kanilang pinagtatrabahuhan at may karelasyon sa nadabing kumpanya. Matagal na silang dalawa na animoy kasal na lamang ang kulang. Naging malapit si Cloe at Portia na anupat lahat ng problema ng isa't-isa ay inilalabas nila sa isa't-isa tuwing lunch break. Naroon ngang nasabi na rin ni Portia ang masalimuot na buhay pag-ibig niya. Awang-awa si Cloe sa kalagayan ni Portia dahil hindi niya lubos maisip na sa ganoong klaseng relasyon ang kanyang kaibigan.

Next chapter