1 PROLOGUE

I'm Almira Fate Ferreira, wag niyong asahan na kasing ganda ng pangalan ko, ang ugali ko. Sabi nung iba, lahat daw ay nasa akin na kayaman, kagandahan at katalinuhan. Pero may isa akong ugaling hindi nagugustuhan ng lahat, ang pagiging maldita ko at ang kasungitan ko.

Hindi naman talaga ako masungit at maldita noon. Pero noon yun, nung hindi pa na mamatay ang parents ko. I love my parents very much, kaya ang laki ng naging epekto sa akin ng mamatay sila.

Simula din ng mamatay sila ay kahit kailan ay hindi na ako ngumiti at tumawa kahit ang Mamita ko ay hindi nakita ang tawa at ngiti ko.

Kahit ilang beses kong sungitan at pagmalditahan ang mga kaibigan ko ay hindi pa rin sila umalis sa tabi ko.

Pero lahat ng pagmamaldita at pagsusungit ko ng may nakilala akong isang lalaki. Ang mga ngiti at tawa na matagal ko ng hindi naikakakita sa iba ay makikita na ngayon sa mga labi ko. At iyon ay dahil sa isang lalaking hindi ko inaasahang magpapatibok at magpapaibig sa akin.

Ang isang gwapo, matalino, mabait at masipag na lalaking kagaya ni Castriel Crisostomo. Hindi man siya katulad ng iba kong manliligaw na may maipagmamalaking yaman ay siya pa rin ang pinili kong mahalin.

Hindi mahalaga sa akin kung mayaman man siya o hindi. Ang mahalaga sa akin ay mahal na mahal namin ang isa't isa.

Oo, mayaman ako at nakukuha ko lahat ng gusto ko. Pero aanhin ko ang kayamanan kung hindi naman ako masaya.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay malaman ko na ang lalaking mahal ko pala ay nabibilang sa isang maharlikang pamilya?

Na ang lalaking mahal ko pala ay ang matagal ng nawawalang tagapagmana ng isang kilalang kaharian.

Samahan niyo ako at ang lalaking magpapa-ibig at magpapabago ng ugali ko, sa aming pag iibigan at kung paano ko matutuklasan ang pagiging maharlika ni Castriel...

avataravatar
Next chapter