1 chapter one

"Grabe! ako alang walang jowa satin!" pabiro kong reklamo kay Yanna at Rain, although wala din namang boyfriend si Rose na kagagaling lang sa not-so-happy relationshit with her ex-boyfriend eh may mga lumalandi naman diyan, sakin lang talaga wala. Wahhhh.

"Patulan mo na kasi yung mga Indiano sa Instagram mo. HAHAHAHA" naku! isa pa yon! Buti sana kung pwede i-boyfriend eh wala naman sakanila taste ko, kawawa naman ako. hikhok.

"No thanks, mas gusto ko pang mag-aral buong maghapon kaysa patulan yan, tsk!"

"Chat mo na kasi si Nikko"

"Ayaw, no way! Hindi ko ugaling maghabol no!" Tumalikod na ako sakanila at nag-bid ng goodbye

Ang classroom namin ay nasa third floor ng building so therefore papagurin ko nanaman ang sarili ko na bumaba sa napaka-nakakatakot na hagdanan para lang makababa, haist.

Nagsimula na akong maglakad papalayo at nakakasalubong ko na din ang mga estudyanteng pauwi na at papasok palang ng school, juscolooorreeddd! eto nanaman po tayo sa pakikipagsiksikan sa mga estudyanteng mas matapang pa sa Grade 12!

"Ate Hera!" aba't sino yon? Langya to, pauwi na ako e!

"O bakit?" si Eric lang pala

"Tawag ka daw sa Principal's Office, kuhanin mo na daw don yung mga pintura para sainyo"

"Salamat"

Agad naman akong tumawid papuntang kabilang building pagkababa ko sa GRADE 12 BLDG.

avataravatar