webnovel

CHAPTER 15

Second day ni Yuri ngayon sa acting workshop. Marami siyang mga kasabayang aspiring artists. Kung kahapon ay nagpakilala sila sa isa't isa, ngayon naman ay magsisimula na ang tunay na workshop. Habang nakaikot sila ay naglabas ang kanilang mentor ng isang pen.

"Nakikita nyo ba ang pen na 'to?" sabay-sabay na sumagot ang mga kasali sa workshop kabilang na si Yuri. Inilagay ng mentor ang pen sa gitna nila. "Isipin nyo na isang kilalang aktor o aktres ang pen na yan. Pagkatapos ay i-arte nyo ang pinakamagandang eksena sa paborito ninyong pelikula."

Masaya nilang ginawa ang activity na ibinigay sa kanila ng kanilang mentor. lnimagine nila ang isang magaling na artista bilang kanilang kapareha at ginaya ang pinakamagandang eksena sa kanilang paboritong pelikula habang kinakausap ang panulat. Nang matapos na ang unang activity ay biglang may dumating na bisita.

"Oh hi Athena! Kumusta?" bati ng mentor sa dumating na artista. Humalik naman ang babae sa nagtuturo ng workshop. "Hindi ko inaasahan to." dagdag pa nito.

"Pretty as always." sagot naman nito.

Maganda nga ang artistang kararating lang. Starstruck si Yuri sa babae. Napakinis ng maputi nitong balat. Alagang-alaga ang mahaba at makintab nitong buhok na nararapat lamang dahil isa siyang model ng isang sikat na shampoo brand. Napakaamo rin ng mukha nito na bagay na bagay sa kanyang mga roles bilang bidang babae sa mga teledrama.

Kinausap sandali ng acting mentor si Athena pero bumalik din ito agad.

"Maswerte tayo ngayon.... alam nyo ba kung bakit?" Pinutol sandali babaeng mentor ang kanyang sasabihin. "Dahil sasamahan tayo ni Athena sa susunod nating activity!"

Natuwa naman ang mga trainees sa narinig nilang balita kabilang na si Yuri.

"Ang swerte naman natin!" Sabi pa ng dalaga sa kanyang katabi.

"Bumilang kayo mula isa at pagkatapos, babanggit si Athena ng numero na makakapareha niya. Sisimulan niya ang diyalogo o ang eksena at kailangan dugtungan ninyo ang kanyang sinimulan. Maliwanag ba?" Excited na sumagot ang lahat. Isa-isang bumilang ang mga kasali sa acting workshop.

"Okay.. Athena, pwede ka nang pumili ng una mong makakapareha."

"Uunahin ko ang favorite number ko... Ang number 12..." sinabi ni Athena kahit hindi 12 ang kanyang paboritong numero. Si Yuri ang nasa ika-labindalawa.

Pumunta si Yuri sa gitna ng bilog. Nasa gitna na rin si Athena sa mga sandaling iyon. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ng dalaga dahil sa kaba.

Pak!

Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Athena sa pisngi ni Yuri. Nagulat ang dalaga sa ginawa sa kanya ng kaharap na artista. Marahan niyang hinaplos ang kanyang pisngi dahil nasaktan siya sa ginawa ng babae.

"Mang-aagaw! Ang kapal ng mukha mong akitin ang boyfriend ko!" Sinabi pa ng aktres kay Yuri.

PAK!

Binigyan naman ng dalaga ng mas malakas na sampal si Athena. Nanlaki ang mata ng aktres sa ginawa ni Yuri. Mabilis nitong hinimas ang kanyang namumula-mulang pisngi. Namangha naman ang mga taong nasa loob. Nagkatinginan ang mga ito.

"Wala akong inagaw sa'yo! Kusa siyang lumapit sa 'kin dahil sa tingin ko... mas nagagandahan sya sa akin kaysa sa'yo!" Itinaas pa nito ang kanyang kaliwang kilay at saka humalukipkip.

Nag-init naman ang tenga ni Athena sa sinabi nito.

"Walang hiya ka!"

Sasampalin pa sanang muli ni Athena si Yuri nang biglang may nagsalita.

"Stop that!" Nilingon ng lahat ng taong nasa loob ng training room ang pinanggalingan ng tinig. Si Kristoff pala ang nagsalita at kanina pa ito nandoon at pinanonood sila. Huminto naman si Athena sa tangka nitong muling pagsampal. Lumapit naman ang aktor sa kanilang dalawa at humarap ito kay Yuri. "Are you OK?" Tumango lang ang dalaga. Hindi naman natuwa si Athena sa nakita niya.

"Ano ka ba Tope? Can't you see that It was just part of the training?"

"Is that what you call training Athena? Kung may issue ka sa 'kin huwag kang mandamay ng ibang tao." Tinitigan ni Kristoff ng masama si Athena at lumakad na ang binata palayo.

"You are a real loser Kristoff Pineda!" Sigaw nito sa binata. "Hindi pa tayo tapos Yuri!" Dinuro pa ng aktres ang dalaga at sinundan nito si Kristoff. Sinundan ng tingin ng mga tao sa loob ang dalawang artistang papalayo.

Mabilis na nasundan ni Athena si Kristoff sa parking area. Pumasok ang binata sa kanyang kotse ngunit mabilis ding nakapasok sa loob nito ang aktres.

"Get out of my car." Mahinahong sabi ni Kristoff. Ngunit hindi tuminag sa kanyang kinauupuan si Athena. "I said... get out of my car!" Sumigaw na ang aktor dahil sa inis.

"NO!" pasigaw na sagot ni Athena.

Dahil sa sinabi ng aktres ay agad binuhay ni Kristoff ang makina ng kanyang sports car. Umatras ito ng kaunti at nang makabwelo ay mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan palayo ng parking area.

"W-where will you take me?" May takot sa tinig ng babae dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Kristoff. Ngunit imbis na magsalita ay ngiti lang ang iginanti ni Kristoff. Nakatingin lang ito sa kanilang dinaraanan at mabilis pa rin nitong pinatakbo ang sasakyan.

Malayu-layo rin ang narating nila. Mabilis silang nakalabas ng Kamaynilaan.

"I said where are we going?!" sigaw ni Athena. Ngunit walang sagot ang narinig mula kay Kristoff. "Stop this car!!!"

Bigla namang inihinto ng aktor ang sasakyan. Halos masubsob sa dashboard si Athena sa biglaang paghinto ng kotse. Takot ang namayani sa katauhan ng aktres. Sa sobrang takot ni Athena ay napaiyak na laman ito.

"W-why are you doing this to me?" nasabi ng dalaga habang humahagulgol.

"Are you asking me why, Athena?" napatiim-bagang si Krisyoff. "Pagkatapos mong makipaghiwalay sa 'kin tinatanong mo ko kung bakit ko ginagawa sa 'yo to? Pagkatapos mong sabihin sa 'kin na hindi ako makakatayo sa sarili kong paa kapag wala ka ha!!!" hinawakan ni Kristoff ang aktres sa kanyang panga. "Gusto ko lang ipamukha sa 'yo na kaya kitang palitan at hindi ako natatakot na mawala ka." unti-unting pinisil ng binata ang panga ni Athena.

"N-nasasaktan ako..." iyon na lang ang nasabi ng aktres. Agad namang tinanggal ni Kristoff ang kanyang madiin na pagkakahawak sa panga ni Athena.

"Huwag na huwag mong sasaktan si Yuri... or else... I will be your worst nightmare..." mahinahong sabi ni Kristoff.

"I-inutusan lang ako ni Mariz kaya ko nagawa 'yon..." pinutol ng binata ang sasabihin pa ni Athena.

"Si Mariz? Sinunod mo si Mariz? O ginusto mo rin yun dahil na-iinsecure ka kay Yuri?"

"Tumigil ka na Tope!" humagulgol muli si Athena.

"No wonder you don't have any awards because you suck in acting!" muling binuhay ni Kristoff ang sasakyan at mabilis niya itong pinatakbo. Halos lumipad ang kotse ng binata dahil sa bilis nito.

"Stop the car..." patuloy pa rin sa paghagulgol si Athena. "San tayo pupunta? Natatakot na ko Tope.... please.... tama na!"

"San tayo pupunta Athena? I'll take you to HELL!" nanlilisik ang mga mata ni Kristoff habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.

"Please.... stop it Kristoff.... I'm begging you!" lalong lumakas ang hagulgol ni Athena.

"Dati ko pa gustong gawin to sa'yo to Athena! And I'm glad that the time has come!" sa harap lang ng sasakyan nakatuon ang pansin ni Kristoff.

Walang ibang naisip na paraan si Athena kundi ang agawin ang manibela sa binata at apakan ang break ng sasakyan. Napakabilis ng mga pangyayari. Nagpagewang-gewang ang sports car na sinasakyan nila. Mabilis itong lumihis pakanan at biglang nahulog sa bangin.

===========================================

"Sorry talaga Yuri ha... hindi ko talaga inaasahan na ganun ang mangyayari." paghingi ng paumanhin ng kanyang mentor ng matapos ang kanilang workshop.

"Miss Abby wala po kayong kasalanan... Sige po uuwi na ko... Salamat po sa mga itinuturo nyo... bukas po ulit..."

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Yuri.

Sender: Fafa Lee

Dont forget that my driver will pick you up at 7pm.

Ano naman kayang binabalak nitong mokong na 'to.

Tiningnan ni Yuri ang oras sa kanyang celphone. Mag aalas-singko na ng hapon kaya nagmadali nang umuwi ang dalaga.

Nang makarating siya sa kanilang bahay ay hindi siya mapakali. Tinawagan niya ang kanyang kaibigan na si AIka para tulungan siya sa kanyang isusuot na damit. Nang makarating si Aika ay nakahilera na sa kama ni Yuri ang mga damit na napili niya. Isa-isang ipinatong ni Aika ang mga damit sa harapan ni Yuri habang nakatayo sila sa harap ng isang malaking salamin. Hindi alam ni Yuri kung anong okasyon at kung saan siya pupunta kaya medyo nahihirapan din sila kung anong damit ang dapat niyang suotin. Sa tinagal-tagal ng kanilang pagpili ay napagkasunduan ng magkaibigan ang isang simpleng spaghetti strapped dress na kulay baby pink at hanggang sa itaas ng tuhod ang haba. Tinernuhan nila ito ng itim na high-heeled sandals.

Nagshower muna si Yuri habang inihanda naman ni Aika ang dala nitong mga make-ups. Matapos patuyuin ni Yuri ang kanyang buhok ay isinuot na niya ang kanilang napiling dress.

"Ang ganda ng Lola ko!!!" sigaw ni Aika.

"Loka-loka!" sabay silang nagtawanan.

Umikot siya ng bahagya upang tingnan kung sakto pa ba sa kanya ang sukat ng damit. Matagal na rin kasing hindi nasusuot ng dalaga ang dress na iyon.

"Fresh na fresh ka Yuri! Kung ano man ang binabalak ni Fafa Lee ngayon ay sigurado... mas ma-susurprise siya sa itsura mo!" puri ng dalaga. "Umupo ka na dito at lagyan natin ng konting pambulag ang mukha mo!"

"Friendship konti lang ha... yung tipong fresh look sa gabi...."

"Sure! Yung tipong kababangon lang sa kama ang gagawin natin para kaakit-akit kay Fafa Lee!" natatawang sabi ni Aika.

Nagsimulang lagyan ni Aika ng make-up si Yuri. Light lang ang ginawa ng kanyang kaibigan upang maging fresh ang dating nito. Nang matapos mag apply ng make-up si AIka ay kinulot naman nito ang ibabang bahagi ng buhok ni Yuri. Pagkatapos ay inihawi nito ang kanyang buhok sa kanyang kaliwang balikat papunta sa harapan.

"Perfect! Ang ganda mo Yuri!!" Puri ni AIka sa kanya.

"Syempre naman sasabihin mo yan kase ikaw ang nag-ayos sa kin no!" natatawang sabi ni Yuri.

"Yuri! Anak! Nandito na yung driver na magsusundo sa'yo!" tinig ni Aling Yolly ang narinig nila. Dumating na pala ang driver na pinadala ni Lee.

"Opo 'Ma! Bababa na po!" sigaw ni Yuri. "Tara girl baba na tayo!" excited na sabi ni Yuri. Binitbit nito ang isang itim na pouch.

"Excited ang crazy fangirl oh!"

Nagmadaling bumababa si Yuri at si Aika. HIndi nila namalayan na alas-syete na pala.

"Sige po 'Ma alis na ko..." pagpapaalam nito sa kanyang ina. "Friendship salamat ha!"

"Enjoy the night girl!! Bye!" kumaway pa si Aika sa kaibigan. Si Yuri naman ay pumasok na sa likurang bahagi ng sasakayan matapos buksan ng driver ang pinto ng kotse.

Habang nasa daan sila ay hindi napigilan ni Yuri na magtanong sa driver.

"Manong... Saan po ba tayo pupunta?"

"Ma'am pasensya na po ha... Hindi ko po maaaring sabihin sa inyo kung saan tayo pupunta e..." sagot ng driver sa kanya.

Bigla namang nagtext sa kanya si Lee.

Take care!

Saan ba ko dadalin ng driver mo?

Nag-send ng message si Yuri kay Lee. Wala pang isang minuto ay sumagot na ang band leader sa kanya.

Don't ask any questions.

Nainis si Yuri sa naging sagot ni Lee. Muli itong nag-reply sa binata.

Aba! E pano kung bigla mo na lang akong kidnappin!

Kikidnappin nga kita! And I will imprison you inside my heart to be mine forever.

Ang alam ko Lee... ako ang crazy fangirl mo. Pero ikaw din yata nababaliw na?

ZzZzZ

Ayun lang ang naging reply sa kanya ng binata.

"Aba naman! Talagang nababaliw na ang isang to" kinausap ni Yuri ang kanyang sarili.

"Nandito na po tayo.." pagbibigay-alam ng driver Yuri.

Inalalayan ng tsuper sa pagbaba ng sasakyan si Yuri. Nang makalabas ito ng kotse ay namangha ang dalaga sa lugar. Nasa hardin na punung-puno ng naggagandahang mga bulaklak. Naliliwanagan din ng malamlam na ilaw ang lugar. Naglakad siya sa isang pathway na natatabunan ng mga pulang talulot ng rosas. Sa dulo ng pathway ay may isang mesa na para lamang sa dalawang tao. Malapit sa mesa ay napansin niya ang isang lalaking nakatalikod at nakasuot ng fitted shirt at fitted maong pants. Nang makalapit siya ay humarap ito.

"L-Lee?" iniabot ng binata ang isang bungkos ng pulang rosas. Ngumiti ang binata sa kanya.

Tumibok ng mabilis ang kanyang puso. Parang gusto nitong lumabas sa kanyang dibdib. Napakagwapo ni Lee sa suot nitong hapit na shirt at pants. He looks like a playboy and yet he has an innocent boy-next-door appeal. Parang gusto niya itong yakapin ng mahigpit sa mga sandaling iyon. Nagsimulang maglakad si Lee sa upuan. Hinatak niya ito at inalalayang umupo si Yuri. Nang makaupo ang dalaga ay umupo na rin ito sa kanyang silya. HIndi pa rin makapagsalita si Yuri. Binasag ni Lee ang namamayaning katahimikan.

"You look so lovely tonight.." simula nito.

Inalis ni Yuri ang bara sa kanyang lalamunan at nakuha pa nitong magbiro.

"T-tonight lang ba SIr Lee?" namula ang pisngi nito.

"N-no... What I meant was... you look lovelier tonight..." kumindat pa ito sa kanya. Para namang tinamaan ng kidlat si Yuri sa sobrang kilig na nararamdaman niya ng kindatan siya nito.

"Kindat ko pa lang Yuri... Paano kaya kapag hinalikan na kita." pilyong sabi nito. Ngumiti pa ito sa kanya.

"Yabang mo talaga sir!"

Bigla naman sumeryoso ang tinig ni Lee.

"Yuri.... ginawa ko 'to kase hindi natuloy yung dinner date natin last time. Now, I will make sure that no one will interrupt this special night."

Tumayo si Lee sa kanyang kinauupuan. Kinuha niya muna mula kay Yuri ang ibinigay niyang bungkos ng red roses at ang dala nitong pouch. Inilapag ito ng binata sa mesa. Inalalayan niyang tumayo si Yuri at humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Lee.

"Can we have a dance?" naging hudyat ang tanong na iyon ni Lee upang tumugtog ang isang lalaking may hawak ng violin. Ngiti ang itinugon ni Yuri.

Inalalayan ni Lee ang mga kamay ng dalaga at inilapat ito sa balikat niya. Iniikot naman ng band leader ang kanyang kamay sa baywang ni Yuri. Matapos nito ay nagtama ang kanilang paningin. Parang wlang makakapag-hiwalay sa kanila ng mga sandaling iyon. Para silang lumilipad sa alapaap.

"Y-yuri..." nagsimulang magsalita si Lee. "Gusto ko sanang sabihin na..." natigil ang sasabihin sana ni Lee nang biglang tumunog ang cellphone ni Yuri. Napatingin sila sa ibabaw ng mesa.

"P-pwede ko ba munang saguting 'yung tawag Sir Lee?" napaismid si Lee dahil naistorbo ang kanyang sasabihin. Tumango lang ang binata bilang tugon sa paghingi ng pahintulot ni Yuri.

Bumitaw ang dalaga sa pagkakayakap at kinuha ang kanyang cellphone. Galing ang tawag sa kanyang magiging talent manager. Sinagot agad ni Yuri ang tawag.

"Hello po..."

"Yuri... kailangan kang pumunta sa St. Luke's Hospital. Na-aksidente si Kristoff!" tuluy-tuloy na sabi ng kanyang talent manager. Biglang napalitan ng nerbyos ang saya na nararamdaman kanina ni Yuri.

"S-sige po... pupunta na po ako agad diyan!" pinutol agad ni Yuri ang tawag at kinausap si Lee. "S-sir Lee.... Pasensya na po.... ka-kailangan ko pong umalis... Nasa St. Luke's Hospital daw po si Kristoff!"

Sa sobrang pagmamadali ng dalaga ay ni hindi na nakapagsalita si Lee. Naiwang nakatayo ang binata. Wala siyang nagawa kundi sundan ng tingin ang papaliit na papaliit na anyo ni Yuri hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kanyang paningin. Napapikit na lang si Lee. Biglang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Pinahid ito ni Lee. Nang muli siyang dumilat ay natuon ang kanyang paningin sa bulaklak na ibinigay niya kay Yuri. Pati ito ay naiwan ng dalaga sa sobrang pagmamadali.

Ngayon alam ko na kung gaano kasakit ang naramdamamn ni Yuri nang iwanan ko siya sa date namin.

Nagmadaling kumilos sa kanyang kinatatayuan si Lee. Patakbo itong lumabas sa lugar na iyon at tinungo ang kanyang kotse.

"Manong... akin na po ang susi... susundan ko si Yuri." iniabot ng driver ang susi at madaling pumasok si Lee sa loob ng sasakyan. "Kayo na po muna ang bahala dyan."

Pinaandar ni Lee ang kotse patungo sa abangan ng mga taxi. Maswerte naman dahil hindi pa nakakahanap ng masasakayan si Yuri. Pumara ito sa tapat ng dalaga bumaba mula sa sasakyan.

"Ihahatid na kita." binuksan ni Lee ang pinto sa pssenger's seat at nagmamadali namang pumasok sa loob si Yuri.

Nang makapasok si Lee sa loob ng sasakayan ay sandalling namayani ang katahimikan.

"S-sorry Sir Lee..." binasag ni Yuri ang katahimikan. Tumingin ang binata sa kanya. Ngiti lang ang iginanti nito.

================================================

Maraming salamat po sa mga matyagang nagbabasa ng istoryang ito!

Pagpasensyahan nyo na po kung medyo na-delay ang update!

Gusto ko po sanang marinig ang mga komento nyo :)

Please follow me at

https://twitter.com/jhennymeyers

https://www.facebook.com/jhennymeyers.wattpad

Jhenny_Meyerscreators' thoughts