webnovel

PROLOGUE

SUMMER POV.

PUNO ng sigawan at hiwayan ang buong paligid ng lumabas na ako sa stage para rumampa.

Syempre ako ang bet nila kase ako ang pinaka maganda sa lahat. Ginandahan ko pa nang husto ang bawat paglakad ko na may kasabay pang kaway sa mga nagwawala ko nang fans.

Ngunit bigla nalang namatay ang mga ilaw at ang hiwayan kanina ay napalitan ng sigawan ng mga taong naruroon.

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Kinakabahan ako dahil wala akong makita dahil sa subrang kadiliman.

"Ms S! Ms S Nasaan ka ba?" Narinig kong tawag sa akin ni Laura ang baklita kong P.A.

"Im here, Laura bilisan mo! San ka ba nanggaling at bakit ngayon ka lang dumating ha?" Inis kong bulyaw sa kanya.

"Pasensya na Ms.S hinahanap ko pa kase tong cellphone ko sa backstage." pagdadahilan nito.

"Ang sabihin mo tanga ka! Ayusin mo ang trabaho mo sa akin bakla ka! Dahil pag ako nakahanap ng mas effective pa sayo sa kangkongan ka pupulutin." Mabilis kong hinablot sa kanya ang flashlight at naglakad pababa patungo sa backstage para sana makapagbihis na.

Bwesit! Bakit ngayon pa to nangyari! For sure bukas pagpepyestahan na naman ako ng mga Pesting reporter at media nito.

Papalapit na ako sa dressing room ko ng muli na namang umilaw ang paligid. Nagkakagulo pa rin ang mga tao sa venue kahit may ilaw na.

"Ms. S hindi ka na ba tutuloy sa pagrampa?" Tanong sa akin ng event coordinator.

"Sa tingin mo rarampa pa ako ha? Kong inayos nyo lang sana ang lahat hindi magkaproblema ang pagrampa ko, pinapahiya niyo ako sa mga tao! At sabihin mo jan sa amo mo hindi Ako intresado sa inaalok niya sa akin na trabaho! Isaksak nya yan sa baga niya." Mabilis ko rin nilampasan ang babae at tuluyan nang pumasok sa dressing room. Matapos kong magbihis ay lumabas na ako at hindi kona hinintay si Laura.

Isa pa ang baklang to mas lalo niya lang pinapainit ang ulo ko kabwesit!

Pasara na sana ang elevator na sinasakyan ko ng may dalawang kamay na humarang dito.

Nagulat ako ng makita ang isang lalaki na naka face mask, naka bonnet at nakaleather jacket. Bahagya itong tumingin sa akin agad kong hinuli ang mga mata niya at sinamaan ko ng tingin.

"Stalker ka ba?" Walang preno kong tanong dito.

Hindi ito sumagot at pinindot na nito ang ground botton. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin nakita ko sa peripheral vision ko na agad ko namang nilingon.

"What?" Mataray kong tanong kasabay ang pagtaas ng kilay ko at pagsuyod ng tingin sa kanya.

Hindi ko lang makita ang kabuoang anyo ng hitsura niya dahil naka face mask siya. Pero nasesegurado ko na malaki ang pangangatawan niya dahil malaki siyang tignan.

Nang bumukas ang Elevator. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at niyakap. Kasabay non ang mga putok na baril na narinig ko.

Walang humpay ang pagpintig ng malakas ang puso ko sa nangyari.

Tulala ako at takot na takot na napayakap sa lalaking di ko naman kilala.

"W- What's H-happening?" Nanginginig kong tanong sa kanya. Pero wala akong narinig na sagot.

Inalalayan niya akong makatayo ng maayos saka hila hila ang mga kamay ko.

Hindi ko alam kong san nya ako dadalhin o kong ano ang mangyayari sa akin. Natatakot ako may tao ba na gusto akong patayin? Kong ganon sino ang taong iyon? At ano ang kasalanan ko sa kanya?

Hindi ko maiwasan na kabahan. Lalo na at palayo na palayo kami sa venue tinatahak na namin ngayon ang madumi at makipot na eskinita.

"Sandali, Im tired! Subrang sakit na ng binti ko." Pagrereklamo ko sabay hablot ng kamay ko at tumigil saka sumandal sa pader para hindi tuluyang babagsak ang katawan ko sa pagod.

Hindi paman ako nakatayo ng matagal ay bigla niya akong binuhat na parang sako lang ng bigas.

"Bwesit! Ibaba mo ako!" Hinahampas ko likud niya at panay pagpupumiglas ako.

"Ibaba mo ako sabi ano ba!"

Hindi niya parin ako ibinaba. Pagod na rin ang katawan ko sa pinangagawa ko kaya hinayaan ko nalang siya.

HINDI ko alam kong ilang oras akong natutulog. Wala na akong naramdaman na pananakit ng binti ko.

Teka? Bakit nasa kwarto na ako? Napabalikwas ako ng bangon at sinipat sipat ang suot ko.

Ito parin ang suot ko anong nangyari? Bakit nandito na ako sa kwarto ko?

Nagmamadali akong bumaba at naabutan ko si Dady na may kausap na lalaki. Hindi ko makita ang hitsura niya dahil nakatalikud ito sa akin.

"Dad?"

"Ihaj, your awake and your now safe." Sabi ni dad at agad itong tumayo saka sinalubong ako at niyakap.

"Dady, I'm really really scared, ano ba ang nangyari? Kong hindi ako niligtas ni Mr. Mysterious guy na yon i think i am lying in my beautiful coffin now."

"Hindi ko alam kong sino ang gumawa non sayo anak, pero pinapa imbestigahan kona sa mga kaibigan ko na nasa NBI ang nangyari, and you dont need to worry hindi kana aalis ng bahay na walang kasama."

Kumalas ako sa pagkayap ng ni dad parang may binabalak na naman itong gawin.

"What are you saying dady?"

"Im hiring a Bodyguard to be your companion sa lahat ng gagawin mo."

"What? No! Dady, ayaw ko ng may asungot na susunod sunod sa akin sa bawat lakad at kilos ko."

"This is for your own protection anak, natatakot na ako na lalabas kang mag isa baka maulit na naman ang nangyari." Nakita ko sa mukha ni dad angsubrang pag aalala.

"I can handle myself dady! Ayaw ko ng Bodyguard."

"Habang nasa poder kita Summer Cloud ang gusto ko ang masusunod!" naramdaman ko ang pagtaas ng boses ni dad ibig sabihin hind niya gusto na aayawan ko siya.

"Okay Fine! Basta sabihin nyo jan sa lalaking yan! Wag masyadong maglalapit sakin." Umaliwalas naman kaagad ang mukha ni dady ng marinig na pumayag ako.

Wala akong choice! Pero pag gusto kong aalis na mag isa i have all my evil plan to do that!

Umalis na ako sa sala at umakyat pabalik sa kwarto ko. Hindi ako nasisiyahan sa ginawa mo dady! At gagawin ko ang gusto ko.

Next chapter